watch now

Author Topic: Maja Salvador  (Read 75872 times)

Jeannef

  • Guest
Re: Maja Salvador
« Reply #120 on: January 14, 2013, 08:59:21 am »
Nakakainis Lang Ayaw pa agad umamin. Wala Lang daw yung picture na yun. Huwag haluan daw. Mas lalo Lang tuloy naiinis yung public sa kanila. We have different opinions here. Sana lang huwag mangyari sa atin yun. Lagot sa akin BFF ko Lol pareparehas naman sila Mali si Kim -Hindi pa niya diniretsa na Hindi okay sa kanya Kung BFF Kayo lahat masasabi mo(Siguro nga naisip niya you dont need to ask me kung BFF Kita) i think hindi pa siya moveon talaga. Wala pa talaga siyang newbf??? saka diba kapag nasaktan talaga or bad breakup kayo masakit pa rin kahit gaano na katagal may konting kirot pa rin(ex. Buti na lang hindi na siya bf ko hehe something like that) si maja- unspoken rule yun Hindi mo Dapat tinatanong. Iniyakan at nagalit ka din Kay gerald dahil Sinaktan BFF mo na hindi pa rin nakamoveon tapos bigla Mong idadate or bf mo na si ex. Si Gerald- ang Panget ng ginawa mo. Tuhog king Lang ang peg mo. Buti sana Kung hindi sila friends... Yug tipong casual sila tapos magiging friends. Mahilig ka pang magdeny. Magpakalalake ka naman. Hmp

alexandrea

  • Guest
Re: Maja Salvador
« Reply #121 on: January 14, 2013, 08:37:56 pm »
Naiintindihan ko kung bakit na-hurt si Kim. Si Maja yung sinasabihan niya noon about her heartbreak, so alam ni Maja how deeply Kim loved Gerald, and how badly hurt she was by him.

Mukhang di pa nga nakaka-move on si Kim, and I think the person who should know that is Maja.

And bilang best friend, malamang ang mga litanya ni Maja ay "Wag ka na dyan sa lalaking yan, walang kuwenta!" Or "Kung ako sayo, magmu-move on na ako kasi di siya worth ng mga iyak ko!" And I also suspect na may advice pa na "Kay Xian ka na lang, wag na kay Gerald!" I've been through it before, so I know that's what close friends say pag heartbroken ang BFF nila. O di ba, kakainin nga ni Maja lahat ng mga sinabi niya kung ganun. Betrayal nga talaga.

Good for the people who can honestly say that they won't be hurt in the same position, but I don't blame Kim for feeling hurt. Nagparaya na naman siya di ba? Di naman niya pinigilan. Pero may karapatan din syang masaktan.

Hindi ako naniniwala sa kasabihang you can't help who you love. You can. Pwede ka namang umiwas bago ma-develop, or pwede ka namang gumawa ng paraan para di mapunta sa sitwasyon na alam mong maglalagay sayo sa alanganin.

Pero hindi si Maja ang sinisisi ko rito. Lagi na lang mga babae ang nasisisi sa mga ganitong bagay eh. Si Gerald ang sa tingin ko ang may pinakamalaking kasalanan dito. Hindi raw nya alam na friends sina Kim and Maja. Really? Alam ng buong Pilipinas, siya hindi?

But for all we know, gimik lang nila ang lahat ng ito. They're all in this together and we lap it up! :P
« Last Edit: January 16, 2013, 11:28:21 am by alexandrea »

teej121484

  • Guest
Re: Maja Salvador
« Reply #122 on: January 14, 2013, 08:47:02 pm »
sana hindi naman gimik lang tong issue na to.

marsh_candy

  • Guest
Re: Maja Salvador
« Reply #123 on: January 14, 2013, 08:56:33 pm »
i dont believe gimik to. May tensyon eh. sa interview kay kim parang bumalik nakaraan how hurt she was. Even Maja.

pandalicious

  • Guest
Re: Maja Salvador
« Reply #124 on: January 14, 2013, 09:08:17 pm »
Naku I wouldn't be surprise kung gimik man to, sabi nga ni Toni g before, positive or negative publicity is still a publicity. Aminin mas maraming macu-curious sa teleserye nila ngayon, kahit pa mataas rating niyan kailangan pa din ng gimik nyan,sabi nga strike while the iron is hot. With regards to Gerald, after his issue with Sarah di na siya napag usapan, o ayan ngayon sikat na naman siya. Malas Lang ni maja siya ang pinaka pangit reputation sa kanilang tatlo kaya lahat masama tingin sa kanya.

cerise19

  • Guest
Re: Maja Salvador
« Reply #125 on: January 15, 2013, 01:42:47 am »
If this is true na turn off naman ako sa ginawa nya, imagine she betrayed her best buddy si Kim!
Fave ko pa naman si Maja, best dancer siya ever! :-\
But if its publicity wrong move pa rin......at the expense of others, naawa naman ako kay Kim pilit dinadawit pa rin, kung tutuusin labas na siya dito kasi nga 3 years na silang wala ni Gerald.

pretty empress

  • Guest
Re: Maja Salvador
« Reply #126 on: January 15, 2013, 07:27:47 am »
hati ang opinyon ng sambayanan.. Madami ng binansag sa kanila, like MAJArot at saKIM! Oh well, that's life nothing is permanent in this world, kahapon bestfriend mo, ngayon kaaway mo. Kung di lang siguro nagsalita si kim sa media di ganito kaingay ang issue.. Sa hiwalayan nila ni gerald di naman sya gaanong nagsalita a, pati na sa paglink ni gerald sa ibang girls, tahimik din sya. Sana nga di ito for publicity, ang network na yan gagawin ang lahat kumita lang! May mga BIs nga na under the table, on the bed chu chu, e yan pa kaya..

lilstar

  • Guest
Re: Maja Salvador
« Reply #127 on: January 15, 2013, 10:12:04 am »
gimik lang to. Tama ang sabi ng ibang sis, kay Gerald after ng issue nya kay SG eto sikat nnamn sya. Kay Kim at Maja naman, kasi dahil sa teleserye nila, pampataas ng rating. :)

Bakit naman hindi papayag si Maja na sya ang nasa bad light, keri lang yan if the price is right. Artista sila madali lang umarte sa isang interview.

Knowing star magic / ABS., magaling sila sa gimik. ( pero di din ako maka-gma ah)

megansmomma

  • Guest
Re: Maja Salvador
« Reply #128 on: January 15, 2013, 05:53:37 pm »
i like maja before this issue.. sayang!

cel!nsk!

  • Guest
Re: Maja Salvador
« Reply #129 on: January 15, 2013, 07:13:08 pm »
All is fair in love and war.. Anong petsa na. Dami na ngang na-link kay Gerald, kelangan pa din i-consider si Kim? Kulang kasi sa boys sa ABS kaya nag-aagawan sa iilang di naman kagwapuhan. Peace po sa fans..

pretty empress

  • Guest
Re: Maja Salvador
« Reply #130 on: January 16, 2013, 11:40:00 am »
galing ni maja sa minute to win it.. Saya nya panoorin.. :)

lordknight_aiz.18

  • Guest
Re: Maja Salvador
« Reply #131 on: January 16, 2013, 11:45:50 am »
^^ im also watching. may sakit pa daw siya sa lagay na yon. :)

pretty empress

  • Guest
Re: Maja Salvador
« Reply #132 on: January 16, 2013, 12:00:19 pm »
kaya nga sis.. Galing sumayay talaga!

princess27

  • Guest
Re: Maja Salvador
« Reply #133 on: January 27, 2013, 02:29:45 pm »
i like maja, maganda kase sya, d nya kasalanan kung ma-catch nya ang attention ng guys!

and, for how long kailangan iconsider si kim? i just thought na she is a mature person, and had moved on after so many years of breakup from gerald, siguro ganon lang din ang naisip ni maja. and maybe, she chose to be silent about her and gerald kase wala pa naman talagang nabubuo, masyado lang mapangunahan ng pagiisip ng mga tao.  pag nagkasama na along with the crowd, couple na kagad?! babae ka, bibigyan mo kagad ng kulay pag nagkasama kayo? at pag nagreact ka w/ the situation, won't you consider din muna ang sasabihin mo not to put your friend na maisip ng pipol na bitter sya and still not being able to move on?

pag pinatulan na, saka tayo mag-judge na walang kwenta, hindi yung wala pang nangyayari e minamasama na. ni hindi pa nga nanliligaw si gerald, walang kwenta na kagad na kaibigan si maja?! [textspeak!] ba namang klaseng pagiisip yan!

emcee

  • Guest
Re: Maja Salvador
« Reply #134 on: January 27, 2013, 03:05:05 pm »
^ have you seen their pictures together? sana nga sila na lang..kasi kung hindi pa sila at ganun na sila umasta sa picture..parang off lang

Airahwin

  • Guest
Re: Maja Salvador
« Reply #135 on: January 27, 2013, 03:39:54 pm »
^ have you seen their pictures together? sana nga sila na lang..kasi kung hindi pa sila at ganun na sila umasta sa picture..parang off lang

i saw some, pero karamihan naman eh demure. I mean, in distance or normal lang. Yung nakita ko lang na medyo off is yung nagsasayaw sila then nakahawak sa bewang ni Maja si Gerald. According kay Fashion Pulis, He/she strongly believe na edited lang yun.. Hmmmmm??? Anyway, sana maayos sila ni kim. Lacked of respect towards eachother lang.

sweetashoney

  • Guest
Re: Maja Salvador
« Reply #136 on: January 27, 2013, 04:37:14 pm »
nagagandahan ako kay maja..galing din sumayaw :)

Lovester

  • Guest
Re: Maja Salvador
« Reply #137 on: January 28, 2013, 01:20:08 am »
^ have you seen their pictures together? sana nga sila na lang..kasi kung hindi pa sila at ganun na sila umasta sa picture..parang off lang

Actually, i heard some people say that they stayed in one room in misibis bay.

princess27

  • Guest
Re: Maja Salvador
« Reply #138 on: January 28, 2013, 09:25:12 am »
^speculations...
nakakalungkot lang kase kung talagang they are best of friends ni kim, sana inayos na nila ng sa kanila bago sila nagpaapekto sa media, kase pagkaganito na nakapaglabas sila ng mga statements (kim) pano pa nila aayusin e andami ng nagmamaalam....

ilagay natin ang sarili natin sa position ni maja...alam nya na magiging negative publicity to sa kanya, pero [textspeak!] pa naman syang ginagawa na para ikanegative, jinajudge na kagad sya...

hun_nie08

  • Guest
Re: Maja Salvador
« Reply #139 on: January 29, 2013, 12:12:12 am »
please dont judge her.. isa lang masasabi ko sainyo.. hindi lahat ng nakikita at napapanood nyo sa tv ay totoo.. Isa syang mabuting kaibigan na kahit maging negative sa harap ng tao.. kakayanin nya, wag lang mapasama ang kaibigan nya.. siya na lang sasalo ng negative bashers., In time lalabas din ang katotoohanan.. Ganyan naman talaga sa mundong ginagalawan nila e.. parang survivor lang.. kelangan mong magpakatatag para magtagal sa industriya..  #justsaying

 

Latest Stories

Load More Stories
Close