watch now

Author Topic: Facebook/ Twitter pet peeves- Thread 2  (Read 75686 times)

akireyhoj

  • Guest
Re: Facebook/ Twitter pet peeves- Thread 2
« Reply #140 on: February 20, 2013, 05:26:17 pm »
bipolar post. yung tipong binubulgar mo sa buong mundo may tampuhan kayo ng jowa mo. parang fb nalang yung kinakausap mo at hindi jowa mo. may tampo mamaya, mamaya sweet, mamaya galit ano ba. nagmumukhang cheap tuloy si girl

chefron

  • Guest
Re: Facebook/ Twitter pet peeves- Thread 2
« Reply #141 on: February 20, 2013, 05:36:54 pm »
uulitin ko ulit:

yung post ng post ng eat out, shopping tas alam mong daming utang.

caprice

  • Guest
Re: Facebook/ Twitter pet peeves- Thread 2
« Reply #142 on: February 21, 2013, 02:06:18 pm »
- picture of newly born baby na duguan pa, and worse, with placenta attached. Gross. Kung gustong ishare, sana naman sa family lang, or whatever. Wag gawing public.

guilty ako dito. nagpost ako ng pic ng baby ko nung pagkalabas nya. hindi sya duguan pero nakadikit pa umbilical cord nya. at saka inexclude ko naman yung pics showing his private part. ang sa akin naman, i am sharing to anyone who is interested. kung di sya interested, pwede naman nya iignore. or, okay rin lang naman sa akin na i-unfriend nya ako kahit pa close kami. :) mahirap rin naman piliin lang kung sino ang pwede mag-view kasi based from experience, may mga nagla-like at nagcocomment na hindi ko naman ka-close or hindi naman active magparamdam dati. :) basta kung hindi type ng fb friend ko, marami naman syang options para hindi maview. if nakaka-flood lang ako sa newsfeed nya, unfriend na nga nya ako. bawas rin naman sya sa newsfeed ko. :) 

Pet peeve ko..

yung nagpopost ng mga tipong Dear (his/her name)... From God/Universe. tapos araw-araw pa na post yan ha. totoo, sinabi yun sa yo ng Universe at ni God? ::)

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Facebook/ Twitter pet peeves- Thread 2
« Reply #143 on: February 21, 2013, 03:34:11 pm »
yung sa akin naman sis caprice nag post rin ako ng newborn baby ko before,per ginawa ko naman naka black and white muna siya para di naman makita mga dugo.

Miss Charcoal

  • Guest
Re: Facebook/ Twitter pet peeves- Thread 2
« Reply #144 on: February 21, 2013, 11:56:48 pm »
caprice Sis, ganito ba:

Quote
Dear ___,
 
Think of fish. Pull it out of water and it dies. Because its body is made for water. In the same way, you were made to swim in love.  Pull you out of love and you die. Your body gets sick. Whenever you move towards separation, conflict, isolation, and loneliness, something dies within you.

Connection,
God

P.S. Love is good for you, ___.
Kung ganyan nga, subscription yan sa GodWhispers ni Bo Sanchez. Nagpopost ako ng ganyan, lalo na pag maganda ang message.  ;D

Quote
Important Note:  We do not claim Divine Authorship for the messages in GodWhispers.  Please don't take them literally.  Read GodWhispers as an art work, reflecting Bo's personal experience with God.  Like anything else, it's not for everybody.  Thousands love GodWhispers because they say it helps them grow in their relationship with God.  But if it doesn't help you, or worse, offends you, we sincerely apologize.  You may unsubscribe anytime.  We thank you for trying us out.  Blessings!

SnowBall

  • Guest
Re: Facebook/ Twitter pet peeves- Thread 2
« Reply #145 on: February 22, 2013, 08:33:57 am »
ako din nag post ng baby ko na kuha sa delivery room, with all the blood and all, LOL.

Pasensiya na kung FB friend kita, at matatakutin ka pala sa dugo hahaha. Hindi po sinasadya, for me naman kasi
walang gross doon, kasi it's about life.. giving birth to a new life.. Hindi naman public yung photos, pero yun nga kung
nasa friends list kita, makikita mo, hehe.

ang gross naman for me eh yung mga nasagasaan, naaksidente tapos ipopost pa. gwaak, susuka ako dun haha.



Pero tama si sis Caprice, mahirap malaman kung sino sa FB friend mo ang magugustuhan or not ang mga pinopost mo, kasi iba iba talaga tayo ng ugali, o ng pananaw sa bawat circumstances, so ang talagang solusyon lang diyan, unfriend  ;D

ako nga din, nagbawas na sa FB friends, binura ko na lahat ng hindi ko naman ka close, wala lang, from now on, gusto ko na lang i share ang buhay ko sa mga taong close ko, at mga nagpapahalaga sa akin, at pinapahalagahan ko din.  :)
« Last Edit: February 22, 2013, 08:37:45 am by SnowBall »

Irtwisted

  • Guest
Re: Facebook/ Twitter pet peeves- Thread 2
« Reply #146 on: February 22, 2013, 12:35:38 pm »
Hindi naman sa matatakutin sa dugo sis. Nagugulat lang hahahah. Kasi naman minsan tingin tingin ng mga status, pics na pagkain, biglang BAM! duguang sanggol. Nakakalowka lang.

Isa pa palang pet peeve ko is yung app na Dear _____, today God want you to know that. (something.. Something)

Ummm, kung gusto ni God malaman mo yun eh bat kailangan naming lahat malaman?

caprice

  • Guest
Re: Facebook/ Twitter pet peeves- Thread 2
« Reply #147 on: February 24, 2013, 07:50:35 pm »
sis ms charcoal, yup, mga ganyang tipo nga. :) never had a problem with quotations pero ayaw ko yung Dear tapos from God at Universe talaga? e hindi naman kasama yung disclaimer sa post nila. :)

Saxa

  • Guest
Re: Facebook/ Twitter pet peeves- Thread 2
« Reply #148 on: February 24, 2013, 08:19:17 pm »
I have a friend na kumuha ng condo, so so lang base sa developer, location, size pero syempre a condo is a condo is a condo pa rin naman. Susme at halos lahat ng post eh kinoconnect sa condo na hinuhulugan nila. Parang si howard wolowitz nung pumunta siya ng space, ganun siya. Nakakainis na nakakaawa.


ETA: Guilty din ako sa baby pictures sa delivery room. Hinde naman maiwasan yun lalo na kung nakuhanan ang baby during the unang yakap essential newborn care. As in meron talagang blood. Pero medyo off nga yun sa mga sensitive sa dugo.
« Last Edit: February 24, 2013, 08:25:25 pm by Saxa »

crazycoolchic19

  • Guest
Re: Facebook/ Twitter pet peeves- Thread 2
« Reply #149 on: February 25, 2013, 09:14:58 am »
Inis na inis ako sa mga taong itatag ako just to like their pictures ..pumunta tuloy sa timeline ko! super duper h8 ko mga ganyan, ano,so gay! Patola!Papansin, pampam talaga!!!, haleeer magisip ka nga andun ba ako sa pix para itag mo! Pa pogi points ka sakin so gaynez naman ng dating mo ewwwww! Mag intay kang i like ko hinde yung takaw atensyon ka, OMG!
Ipangalandakan ba na prof.camera man ka na sa ganda ng mga shots mo, paki ko! Paki ko rin kung ano anong bundok inaakyat mo, sa totoo lang nakakabanas ka! Bwiset ka!dahil jan iba block ulit kita.
« Last Edit: February 25, 2013, 09:28:31 am by crazycoolchic19 »

akireyhoj

  • Guest
Re: Facebook/ Twitter pet peeves- Thread 2
« Reply #150 on: February 25, 2013, 09:42:29 am »
nakakainis kaya yung mga pa contest na may pa like like. parang lugi kasi yung mga wala masyadong friends eh tsaka kung pagalingan ng shots or pagandahan ng shots eh pano kung di naman maganda tapos madami nag like?

may nabasa akong post:
morning - nakakasawa din palang maging masaya (LQ ata sila ng mister nya)
afternoon - is happy

huh? akala ko ba nakakasawa maging masaya? :D

SnowBall

  • Guest
Re: Facebook/ Twitter pet peeves- Thread 2
« Reply #151 on: February 25, 2013, 11:38:23 am »
^^ sis hahaha natatawa ako sa posts mo, ganyang ganyan palagi reaction ko sa mga nagtatag sa akin ng mga photos nila
na wala naman akong kinalaman doon LOL.

May dati akong friend mahilig sa ganyan, itatag ako, sus para lang ipagmalaki ang chenes chenes sa buhay niya, nag pm talaga ako sa kanya
sabi ko "ahm, pwede ba huwag mo akong i tag? Dapat kasi ang i tag mo lang eh yung mga taong nandiyan sa picture, eh wala naman ako diyan", that's may subtle
way of telling her "wala akong paki sa picture mo".

LOL, imbiyerna talaga ako, kasi never kong ginawa yan sa mga friends ko, basta ang ita tag ko lang parents ko at kapatid ko, yun lang, the rest, never akong nag ta tag
kung gusto mong matag sa pictures ko na nandun ka, ikaw mag tag, tamad ako sa ganyan.


May pinsan ako, buti ngayon nag bagong buhay na, napansin niya siguro na lahat ng pictures ng anak niya na tina tag niya sa akin
eh binubura ko yung tag LOL. Hello? Hindi ko anak yan para pati sa photos ko eh mag appear siya, hindi naman tayo close ano? LOL


Sa totoo lang mga sis, marami pa din akong nasa FB friends na gusto ko ng i delete, hindi ko lang magawa since magkaka issue kasi
kamaganak mo... sila naman nag add sa akin.. HMP.

akireyhoj

  • Guest
Re: Facebook/ Twitter pet peeves- Thread 2
« Reply #152 on: February 25, 2013, 12:30:04 pm »
re: sa tag dapat iset yung settings na iaccept mo pag may nag tag sayo. kaso minsan mahirap like kung may gatherings kayo tapos dami tinag sau na pic isa isahin mo ata iaccept yun

caprice

  • Guest
Re: Facebook/ Twitter pet peeves- Thread 2
« Reply #153 on: February 25, 2013, 01:34:20 pm »
^ganyan settings ko. ok lang with me, madali naman mag-approve. pindot lang nang pindot kesa mag-untag. :)

Irtwisted

  • Guest
Re: Facebook/ Twitter pet peeves- Thread 2
« Reply #154 on: February 25, 2013, 03:26:45 pm »
I have a friend na kumuha ng condo, so so lang base sa developer, location, size pero syempre a condo is a condo is a condo pa rin naman. Susme at halos lahat ng post eh kinoconnect sa condo na hinuhulugan nila. Parang si howard wolowitz nung pumunta siya ng space, ganun siya. Nakakainis na nakakaawa.

May ganyan din akong kakilala. Mas malala pa kasi pinost sa fb yung contract ng condo. Anobah!! Sya yung tipong mahilig ipagmalaki ang mga bagong biling gamit kasi one time nagpadeliver din sya ng binili nyang LV bag sa reseller sa office namin para makita ng lahat hahaha.

cream_puffs

  • Guest
Re: Facebook/ Twitter pet peeves- Thread 2
« Reply #155 on: February 27, 2013, 10:40:41 am »
@sis fairywinkle hehe oks lang lang naman basta in moderation saka may art talaga :)

eto pa pala kinakainisan ko, actually sya rin yung post ng post ng food. ang dalas nya din gumawa ng event na speed dating tapos invited pa ko at tagged pa sa pics nya for the event. hello, may asawa na kaya ako. sana sa pm na lang, tapos bahala na kami magsabi sa ibang kilala na single. wag na yung i-tag pa yung iba pati yung mga kasal na sa event na pang singles lang. seloso pa naman si hubby. baka maya kung ano isipin :)

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Facebook/ Twitter pet peeves- Thread 2
« Reply #156 on: February 27, 2013, 03:10:14 pm »
yung mga picture na hindi naman ka upload-upload gaya ng reseta ng gamot,at gamot na binili ;D tapos naka IG pa yung bote ng gamot.twice ko ng nakita yung isa kong fb friend na ganyan.tapos lalagyan ng caption na nag a-arte raw siya. :P

chicafabulosa

  • Guest
Re: Facebook/ Twitter pet peeves- Thread 2
« Reply #157 on: February 27, 2013, 03:43:40 pm »
yung mga picture na hindi naman ka upload-upload gaya ng reseta ng gamot,at gamot na binili ;D tapos naka IG pa yung bote ng gamot.twice ko ng nakita yung isa kong fb friend na ganyan.tapos lalagyan ng caption na nag a-arte raw siya. :P

Haha my pet peeve is exactly like that with matching sickly look pa. Di ko gets if paawa effect or pacute...

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Facebook/ Twitter pet peeves- Thread 2
« Reply #158 on: February 27, 2013, 03:46:33 pm »
 ^sis chicafabulosa baka iisang tao lang tinutukoy natin hehe.taga New Zealand ba yan?pag YES,yun na nga haha :P

chicafabulosa

  • Guest
Re: Facebook/ Twitter pet peeves- Thread 2
« Reply #159 on: February 27, 2013, 03:52:46 pm »
^sis chicafabulosa baka iisang tao lang tinutukoy natin hehe.taga New Zealand ba yan?pag YES,yun na nga haha :P

Ay sis feeling lang to. Andito lang nasa pinas tong tao na to haha.... Feeling chinese nga to eh

 

Latest Stories

Load More Stories
Close