Ayaw ko din ng ganyan sis, yung nang aaway, negative eh, ayaw ko ng ganun.
Eto ang mga pet peeves ko:
1. Nang-aaway
- parinig ng parinig, i pm mo kaya para makarating na sa kanya lol
2. Nagpapalit ng status halos every week
- lalo na pag mag asawa na pikon ako diyan, kasi hello, ipagsigawan sa buong FB na nagkakagulo kayo ng asawa mo, bigyan ng kahihiyan ang mga sarili lol. Gusto kong barahin na "shutup for your own sake" haha.
3. Nagpopost ng mga photos nila with their Bfs/Gfs na masagwa
- yung alam na alam mong mga nasa motel, o yung katatapos lang, na hello?? ipagmalaki mo sa buong FB na palagi kang nagpapatikim? LOL Huwag ng ipagmalaki yung ganyan, sarilinin na lang.
4. Annoying people
-may ka fb ako na filipina, single mother, may boyfriend na foreigner, nababasa ko ba naman, yung wall niya, puro pagpaparinig na ibili siya ng bahay etc., pati mga kamag anak niya nakiki segunda. Tapos pag nag away din sila nung foreigner, katakot takot na mura sa tagalog, LOL. Ewan
Basta ang vote ko lang eh yung positive things sa FB, ayaw ko sa mga nega.
Reaction ko naman sa:
1. Naiinis sa mga nagpopost about God sa FB - for me okay yun, kasi diba praise and thank God, ipagsigawan mo sa lahat ang kabutihang nagawa niya, para ma inspire mo ang ibang tao. So for me okay siya, yun naman talaga ang turo sa amin na Catholics, ibahagi mo sa iba ang kabutihang nagawa ng Diyos sayo, ang miracles na nagawa niya sa buhay mo, so why not? positive positive

2. Naiinis sa mga kumakausap sa mga dead love ones nila - wala akong nakikitang masama dun, it's their way of coping for their loss, nawalan sila ng mahal sa buhay, hindi madali yun, let them express their feelings.
3. Naiinis sa mga nagpopost ng mga dead love ones pictures - hindi ko din peg haha, wala lang, pero naiintindihan ko naman, ginagawa nila for kamag anaks abroad, pero sana i change na lang ang settings na ang kamag anaks na lang ang maka-access sa pics.
Okay lang din sa akin yung mga nagpopost ng halos perfect life na siya, happy ako for them, lahat naman tayo pagiging masaya lang ang gusto, so kesa maging ampalaya ako, mag strive na lang hard para maging masaya din at maging "perfect" din ang buhay.
Basta, pag positive things, okay na okay yan sa akin. Generally naman, kapag nakakairita ang isang tao unsubscribed ako sa kanya.
Although may study, na ang FB daw eh pwedeng mag dulot ng depression sa ibang tao, kasi kung ang mga ka FB niya eh nakikita niyang super happy, nabibili at nagagawa ang mga gusto, peaceful ang buhay etc, etc. , oh well, for me, maganda nga yun, i-set dapat na inspiration para maging maganda din ang buhay mo at ng pamilya mo, like them.
POV lang
