I don't think bazaars are as strong as before, between the number of malls and multiply, parang less people go to bazaars. What do you think? Sometimes I think of joining bazaars in mga Davao and Cebu para different crowd.
Noon people would really go to the hotels and pay the entrance fee Pero natin iba. Joined Rockwell bazaar before- nobody.
Sis, this is soooo true. This year, I joined Noel and Worldbazaar in World Trade. Here are some honest feedback and realizations:
For Noel Bazaar (Nov 16 to Dec 2), nagtipid yung Organizers ng Marketing nila. Unlike other years daw (sabi ng ibang concessionaires), nag post sila sa street lights ng banners sa Edsa ata from Sucat to somewhere. Tapos yung mga posters na binigay nila 2 pcs lang per concessionaire, unlike yung Worldbazaar, mga 10 pcs yata. Pati free tickets nila 10 lang, sa World bazaar parang nasa 20 pcs. Not to mention flyers meron si world bazaar. Noel wala. Parang every year daw, pa-koripot sila ng pa-koripot. No wonder, bazaar proper na, some booths were still empty.
Anyway, people traffic was dismal. Bumawi nalang nung last weekend Friday to Sunday yun. Nung Last weekend ng Saturday, sinabayan ng Supersale Bazaar (Dec 1-5) sa World Trade din pero sa tent sila. Akala namin hihina pa kami lalo kasi hati na yung crowd. It turned out, nakabuti pa siguro na andun sila, kasi yung mga guests nila, sa Noel nagpunta imbis sa kanila. 2 reasons: first, sila 100 pesos entrance, noel 50 pesos. 2nd, wala silang sign sa labas. super chipeepot ng organizers nila. Parang ni banner sa labas ng tent nila wala ako nakita na naksulat may bazaar doon. Kaya ayun nilangaw sila. Eh yung Noel, siyempre pailaw and designs, doon tuloy nagpunta mga tao.
Last weekend ng Sunday naman, 2/3rds of the concessionaires ng Noel bazaar wala na. May ibang event kasi sa world trade nun, so 1/3rd lang natira. Akala namin nanaman for sure wala na magpupunta kasi kami nalang natira. Baligtad. Dahil maliit na yung place, wala na kami kalaban. Last day na, sa amin na talaga bumili mga tao. So happy lahat ng concessionaires na natira.
World Bazaar naman (Dec 7 - 23)
Marketing - very good. as mentioned above. Di nagtipid sa posters.
Owners / Organizers - very greedy. pati concessionaires gusto pagkakitaan.We were not allowed to bring food and drinks, kahit tubig! Dapat doon ka bumili sa loob. Eh ang presyo ng bote ng tubig php45. Grabe kawawa mga tindera. At nalaman ko, yung tubig pala, monopoly ng owner/organizer. walang ibang pwede magbenta kungdi sila. Pati mga food concessionaires, sa kanila lang pwede bumili. Super greedy sarap sapakin. Ang laki laki na ng kinita sa renta, kulang pa rin.
May pinamamalaki silang free parking sa Citem Parking ibang lugar not world trade), tapos free shuttle daw to and fro world trade. Saksakan naman ng tagal yung free shuttle, tapos pagdating, tagal din antay dahil di aandar hanggat di napupuno. Yung mga tindera na nag iwan ng pagkain sa sasakyan, katagal makabalik sa pwesto.
-super strict din organizers. One weekly, nag check sila per booth ano mga binebenta. Dapat kung ano lang daw ang nakalista dun sa application form mo dati. Hay.
-super koripot din sila sa sound system and entertainment. Yung Noel, rinig na rinig mo sa buong venue may Dj na nagsasalita and very entertaining yung shows. Itong world bazaar, nag rent lang ata ng kung pipitsuging sound system, maririnig mo lang sila pag andun ka sa stage. Ang pangit pa ng sounds at kung sino sino lang nagsasalita.
People Traffic - Masmarami ng kaunti ang tao dito kesa sa Noel kahit weekdays, KASO sa sobra daming booths, super kalat mga tao at dami nilang pagpipilian. 800 booths ba naman. Ganun din, wala rin masyado bibili sayo sa dami na nga ng nagbebenta. Pa-murahan din ng tinda at pare pareho na rin. Magaganda mga damit pangbababae meron 100 to 150. Shirts panglalaki madami 100 lang. Toys ganun din super mura at pare pareho.
Realizations:
1. Bazaars seem to be getting less and less profitable every year.
This year is the Groupon year kasi. Diba ang dami na mabibiling mura sa mga naglipanang Groupon na yan. Tapos ang dami pang online stores. Tapos mga malls, super dami din mura. Halos every weekend may sale, sabay sabay pa mga malls mag sale. May mga pwesto nga sa malls na permanent stalls na tig 75-100 pesos lang mga damit pambabae eh. Sanay na tao sa mura.
Dati, Late October or early november palang profitable na ang bazaar. Ngayon, 2nd wk of december na, tsaka palang buying mood mga tao. Before 2nd wk of december, puro tingin tingin lang sila. tanong tanong. Di bumibili!
Naglipana na rin mga bazaars ngayon. Lahat ng subdivisions nagbabazaar na. Ang dami na talaga kaya siguro nagsasawa na mga tao.
2. Organizers nalang ang kumikita sa bazaar
Organizers nalang ngayon ang sure na kumikita sa bazaar. Mga concessionaires, marami na umuuwing luhaan, yung iba naman medyo nakangiwi kasi di man lugi, at least break even. Yung mga hindi sikat na organizers, fly by night. walang paki sa concessionaires. Yung sikat naman like these 2 above, napakamahal maningil ng renta. Kumita ka man, di pa rin ganun kalaki for the work and investment entailed.
3. by the way, Kudos to Cut Unlimited din naman (organizers ng Noel Bazaar). In fairness, makatao sila. We joined their Bazaar in Mercato, 4 weekends yun. Nilangaw sobra yung bazaar kasi di din nila na-promote ng maayos. Lahat ng tao nagpupunta dun para kumain, di para mamili. Although we paid for the full 4 weekends, we only joined the 1st weekend and said we will not join the 3 other weekends. They refunded us kaagad after 4 days. May conscience itong organizer na ito.
4. Bazaars are fun pa rin naman and can be profitable kung super mura talaga ang products mo at maganda. Di ka na yayaman sa pagbabazaar. Lalo na yung mga nagbabazaar year round, don't expect a lot. For beginners, your best bet is to join Christmas bazaars. Medyo masmataas yung likelihood kumita. Tumataas ha, hindi pa rin guarantee.
I hope this helps. =)