sisses, i need your opinion if i should resign or not.
before ako ikasal, okey ang career ko sa isang utility company, after ko makunan, got pregnant again and gave birth, lahat nagbago, nawalan na ng trust ang supervisor and bosses sa akin. fault ko din kung bakit nawala tiwala sa akin ng mga boss ko kasi puro ako absent during and after ng pregnancy ko (dahil wala akong mahanap na yaya and palagi nagkakasakit ang baby ko(diarrhea,pneumonia))
and alam naman natin na kapag married na and lalo na kapag may anak na, limited na ang time to have dinner with officemates and to have overtime.
isang tama, sampo pa din ang mali - ito palagi nila nakikita sa department ko, so when there was an opening sa ibang department, i applied and nakuha ko naman ang position, para naman NEW environment and baka naman may magtiwala ulit sa akin. the disadvantages are: super layo ko sa new workplace ko, from Antipolo to Makati araw-araw. traffic and pagod sa byahe, by the way Breastfeeding ako kay baby kaya palagi kong dala ang breastpump ko and sobrang worried na baka maspoil ang milk ko lalo na kapag traffic,
dati 5:30pm nasa house na ko, when i transferred to Makati, 8 o 9pm ako nakakauwi. sobrang ligalig ng baby ko, then nabago na ang sleeping schedule niya, gising si baby ng 11pm, at 3am-4am, i have to get ready before 5:30am and umalis ng bahay by 6am or else late na ko. dito ako nahirapan, nakakatulog ulit ako then nagigising ng 9am na, hindi na ko makakapasok kasi super sakit ng ulo ko, and hindi ako tinitigilan ng baby ko magnurse ng magnurse, parang kahit siya alam niya na may nagbago sa mommy niya.
lalo ako nawalan na ng gana sa work ko, 3 days na ako absent, and LWOP na ako. then my best friend offered me to buy her laundry shop, she offered me to pay her in terms, 12 months! kaya i accept her offer.
now the question is, dapat ko na ba bitawan ang work ko? lalo na kung wala na akong gana pumasok? may existing loan pa ako sa company, okey ba to issue Post Date Checks nalang para lang makapagresign na ako. my husband dont want this idea. mas gusto niya tapusin ko ang loan ko, 2 years pa.
im so stressed! i need your opinion. tia!