watch now

Author Topic: Starting Life in CANADA 2: Tips and Stories  (Read 89214 times)

orange

  • Guest
Re: Starting Life in CANADA 2: Tips and Stories
« Reply #320 on: April 07, 2015, 12:02:31 pm »
that's true sis, karamihan ng mga nagwo-work downtown vancouver they live outside vancouver (suburbs). take my case, coquitlam ako, then the rest ng mga kaofficemate ko (mga big bosses pa) either maple ridge or surrey sila umuuwi araw araw. convenient naman yung transpo dito sis. if you're from surrey, me skytrain to bring you downtown. for coquitlam or maple ridge residents, west coast express train ang buhay namin. mga 25mins nasa waterfront downtown ka na. sanayan lang siguro and you get to enjoy naman yung view habang byahe ka everyday. :D

orange

  • Guest
Re: Starting Life in CANADA 2: Tips and Stories
« Reply #321 on: April 07, 2015, 12:08:32 pm »
I read this Yahoo Canada article:

https://ca.finance.yahoo.com/news/temporary-foreign-workers-mass-exodus-165554934.html

i couldn't help but feel down and sometimes in the brink of crying na din everytime me nababasa akong ganitong news. i could imagine yung mga nabuo na ditong family, yung mga batang dito na pinanganak only to go back to pinas. pero isip ko lang kung 2011 pa nilabas yung rule and effectivity is 2015, 4 years of processing yung papers would be more than enough para maconvert ng PR yung work visa ng mga kababayan natin na naapektuhan ng ruling na ito.. unless me ibang compelling factors why they were not able to process it within 4 years' time... :(

tennisgirl

  • Guest
Re: Starting Life in CANADA 2: Tips and Stories
« Reply #322 on: April 07, 2015, 01:34:10 pm »
i couldn't help but feel down and sometimes in the brink of crying na din everytime me nababasa akong ganitong news. i could imagine yung mga nabuo na ditong family, yung mga batang dito na pinanganak only to go back to pinas. pero isip ko lang kung 2011 pa nilabas yung rule and effectivity is 2015, 4 years of processing yung papers would be more than enough para maconvert ng PR yung work visa ng mga kababayan natin na naapektuhan ng ruling na ito.. unless me ibang compelling factors why they were not able to process it within 4 years' time... :(
meron akong nabasang article sa yahoo canada (ipo-post ko sana yung link kaya lang di ko makita) na sobrang daming nag-apply ng PR, pero sa dami ng pinoprocess ng Canadian immigration, hindi na umabot sa April 1 deadline. Yung iba naman, hindi na-approve kasi hindi naman highly-skilled.

mrsB

  • Guest
Re: Starting Life in CANADA 2: Tips and Stories
« Reply #323 on: April 07, 2015, 02:23:05 pm »
Speaking of moving to British Columbia (Vancouver area), my husband and I are also enticed to move (we are from Edmonton). I have an aunt in Surrey and we just visited them again last weekend. Aside from the good weather, we find the food and other services there (like haircut) cheaper. Nakakaengganyo talaga.

We already own a place here and we are willing to sell our sell our house kaso upon doing some research, mukhang hindi namin kakayanin tumira doon. According to hubby, mas maliit ang rate ng engineers doon kumpara dito. Nagtanong din siya mismo sa officemate niya who used to work there, parang sweldo lang daw ng technician dito ang sweldo ng engineer doon. Sa computation namin, talagang hindi feasible na tumira kami doon. I won't be able to work naman kasi nga may 4-month old baby pa kami.

Hay, I wanted to cry! Inasmuch as I love Edmonton na rin, feeling ko mas magiging happy ako sa Vancouver eh.  :(


sarsingkit

  • Guest
Re: Starting Life in CANADA 2: Tips and Stories
« Reply #324 on: April 07, 2015, 11:39:02 pm »
^sis sa oil company ata engineer yung husband mo, pag ganon wala talagang makakacompete ng salary. =)

Kami din ng husband ko, we feel settled here already in Manitoba plus we have lots of relatives here. Pero bigla na lang naming naisipan tapos ayun talagang mega plano na kami. Sana in 3-5 years, to give us time to save and for further education. Just this week, our neighbor sold their house for 40K more than we bought ours, so medyo hopeful kami that we can sell our house higher. When we went to Vancouver last year, gas and of course property lang ang napansin namin na more expensive. Siguro talagang space lang ang isasacrifice namin. We definitely can not buy a house like what we have now. Pero at least less taxes sa [textspeak!]. Dito sa Manitoba, my gosh and laki!


Thank you sis Orange input. Nakakakaba na nakaka excite.  ;D

Sa topic ng TFW, nakakaawa nga yung mga nagka anak dito. Paano yun diba. Sana yung mga naka apply ng PR, sana ma-aaprove pa din kahit nakauwi na. At least, balik na lang sila dito once approve.

mrsB

  • Guest
Re: Starting Life in CANADA 2: Tips and Stories
« Reply #325 on: April 08, 2015, 01:40:48 am »
^Hindi sa oil and gas ang husband ko, sis. Sa isang "ordinary" engineering consulting firm lang dito sa city. Pero based sa mga nabasa namin na salary comparison among different provinces, mababa talaga ang rate sa British Columbia. Parang halos 40% ang ma-slash sa current salary. Kahit nga among nurses, mababa talaga ang rate doon. Kung dito kumikita ang LPN ng $30/hour, doon $22 lang. I asked my aunt, ang norm daw talaga doon para mag-survive ay double job.

We feel so "limited" at this point kasi nga may baby kami at hindi ako makakapag-work. Kung magdo-double job naman si hubby doon, syempre ang katrade-off nun ay family time. Mawawalan na siya ng time sa baby namin.

Pero kayo sis, pwedeng pwede talaga kayong mag-move. Kainggit haha!

orange

  • Guest
Re: Starting Life in CANADA 2: Tips and Stories
« Reply #326 on: April 08, 2015, 09:47:40 am »
you really have to weigh the pros and cons pag nagmove kayo vancouver mga sisses. me mga sacrifices me mga gains din naman pag nagkataon. bahay really is ginto here lalo na pag mismong vancouver area ka bumili. lowest i think is around 800k medyo dilapidated state pa. you could find decent houses suburbs area na talaga but you won't regret it. suburbs kasi is really ideal to raise a family and your kids. vancouver is more of a business hub na, feeling ko lahat ng bahayan doon they rent out yung bahay nila siguro to cover the cost nung mortgage nila monthly. if you go to surrey, coquitlam, poco, port moody, maple ridge, very family oriented yung lugar. nung makita ng husband ko yung lugar namin ngayon, there's no going back to vancouver na daw. dito na daw nya i-raise tatlong kids naman which is a good choice. super pampered the kids here, daming activities both in and outside school. kami na sumusuko minsan sa pagod since need mo samahan/ihatid/sunduin after work. seems like maganda laban nyo finding a work here based on your credentials (engineer, education, experience) perhaps applying for a vancouver-based job while you're there would be a good idea..? para at least magkaalaman kano offer in case, who knows baka little lang difference.. :D
 

mrsB

  • Guest
Re: Starting Life in CANADA 2: Tips and Stories
« Reply #327 on: April 08, 2015, 01:37:18 pm »
^Haha... ayaw ko pa nga ring sumuko, sis. I will still convince my hubby to apply sa companies dyan para malaman talaga kung magkano ang offer kung sakali. Now that we have a son, mas gusto ko talaga na sa area ninyo siya i-raise. Talagang mas maganda kasi dyan. Dito kasi 6 months (or more) may snow. Parang ang limited ng magiging activities namin, although admittedly may pera talaga dito sa Alberta.


sarsingkit

  • Guest
Re: Starting Life in CANADA 2: Tips and Stories
« Reply #328 on: April 08, 2015, 11:16:17 pm »
Coming from Manitoba, hindi ko na din feel tumira sa big city kaya mas magiging masaya na talaga ako sa suburbs. Actually, the trend nowadays daw in British Columbia is suburbs to suburbs na din ang travelling from house to work. Ang usapan nga din naming ni hubby is dapat isa sa amin may work na ina-anticipate before going there. and Also, pay grade here in Manitoba is hindi naman nalalayo sa British Columbia, mas mababa pa ng half and Provincial Income Tax. Siguro nga sis mrsB, maninibago talaga kayo. Ang laki kasi ng mga sweldo sa Alberta. Even Tim Hortons there has a higher pay grade than other Tims in other provinces.

Winter din ang kalaban dito. Half a year ang winter. Gulay! Nakakatawa nga yung officemate ko na based sa Vancouver office, tanong ng tanong kung anong temperature dito. Sabi nya ang lamig daw ng -5. Sabi ko yung -5, naka tshirt na mga tao dito.  Talagang wala kang magawa. And at least, pag nasa Vancouver area na kami, isang sakay na lang pauwi ng Pinas. haha.

mrsB

  • Guest
Re: Starting Life in CANADA 2: Tips and Stories
« Reply #329 on: April 09, 2015, 01:04:46 am »
^True, yan din ang gusto ko -- madaling umuwi sa Pinas! Parang ang lapit lang kasi 12-hour straight flight lang.

At sabi rin ng cousin kong taga-Surrey, parang twice lang daw silang nag-snow since October! Imagine that! Eh dito quota na tayo sa snow (lalo na kayo yata) hehe. Dati wala akong issue sa snow kasi nga malakas ang endurance ko sa lamig, kaso I gave birth last November at simula noon parang nakakulong na lang kami ng anak ko sa house. Ni hindi kami makalabas kahit sa porch man lang. Almost 5 months na ang anak ko pero ni wala pa siyang picture outdoors, at drops and vitamins D niya hindi sun light. Parang bigla lang akong nalungkot for him.

Kung magkaka-salary lang talaga si hubby na enough for us to get by sa Surrey o Burnaby (I like those suburbs) eh go talaga kami. Kaya lang parang sa provincial salary grade sa British Columbia (ng engineer) eh parang hindi namin maaafford kahit maliit na town house lang (kasi nga hindi naman ako makakapagwork).

But who knows. Baka someday makapag-post ako sa thread na ito na taga- Vancouver area na kami haha. Goodluck sa atin, sis!


orange

  • Guest
Re: Starting Life in CANADA 2: Tips and Stories
« Reply #330 on: April 09, 2015, 08:43:38 am »
meron akong nabasang article sa yahoo canada (ipo-post ko sana yung link kaya lang di ko makita) na sobrang daming nag-apply ng PR, pero sa dami ng pinoprocess ng Canadian immigration, hindi na umabot sa April 1 deadline. Yung iba naman, hindi na-approve kasi hindi naman highly-skilled.

nakakalungkot sis talaga.. alberta ata nagbigay consideration, nagbigay sila ng one-year extension to let the tfws stay para maprocess yung papers nila.. sana maging ok for our kababayans..

sarsingkit

  • Guest
Re: Starting Life in CANADA 2: Tips and Stories
« Reply #331 on: April 09, 2015, 11:27:04 pm »
In 3-5 years pa naman ang plan namin pero kung magka anak kami baka magbago ang ihip ng hangin. Although my husband (to think mas marami sya kamaganak dito) eh mas firm kesa sa akin na with or without kids daw eh tuloy ang plano. hehe.

Luckily, this year konti ang snow namin. Napunta ata sa Atlantic and East Coast based sa mga nakikita ko sa balita. Maaga din natunaw ang snow. Nung first day of Spring, parang talagang Spring na.  Although may snow fall pa rin paunti unti, natutunaw din agad. Thank God! Pero ayaw pa rin mag up ng temperature. Negative pa rin sa umaga tapos umiinit na lang ng konti sa hapon. But we get good summers. As in nasa 30+, parang Pinas with less humidity kaya maganda. Pero yun nga saglit lang ang maliligayang araw. hehe.

Sana sis makamove din kayo! Good luck din sa inyo!

orange

  • Guest
Re: Starting Life in CANADA 2: Tips and Stories
« Reply #332 on: April 11, 2015, 10:11:58 am »
go go go sisses sarsingkit and mrsB! try nyo siguro bakasyon muna dito for a month or so just to get the feel of how it is to live in greater vancouver area. laking help siguro kapag magdecide na talaga kayo whether to move or not. pero baka ma-miss nyo snow, once lang ata this year nagpakita samin snow ndi pa nagtagal, hehe. para ngang pag may nagku-complain here na sobrang lamig, or sobrang ulan, pag may nagmention na ano pa kaya yung mga kababayan natin sa ibang parte ng canada, mananahimik na lang kasi parang walang k magreklamo mga tiga-british columbia regarding weather kumpara sa mga nagyeyelo talagang place...  :-[

Shadow Angel

  • Guest
Re: Starting Life in CANADA 2: Tips and Stories
« Reply #333 on: August 08, 2015, 03:22:27 pm »
Binasa ko talaga from thread 1 kasi gusto ko talagang magkaroon ng tamang idea regarding sa Canada kaso hindi nababangit o halos wala ang Quebec City siguro nga kasi dahil need na marunong ka magfrench. My hubby naman is Canadian in between pa ako if magwo work agad ako or hindi. Gusto ko kasi malaman culture, work etc. dyan based sa pinoy experience. Willing naman ako to work sa blue collar job kahit na may plan ako na mag aral ulit or take short courses ano kaya ang maganda? Kung accounting certificates more on math lang ba ito?

sarsingkit

  • Guest
Re: Starting Life in CANADA 2: Tips and Stories
« Reply #334 on: August 10, 2015, 11:02:17 pm »
^Kung may math man sis, konti lang saka simpleng math lang naman. More on financial decisions kasi ang accounting.

gorgeous_me

  • Guest
Re: Starting Life in CANADA 2: Tips and Stories
« Reply #335 on: August 11, 2015, 09:22:37 am »
sale na po ba winter clothes, after xmas?

Vans

  • Guest
Re: Starting Life in CANADA 2: Tips and Stories
« Reply #336 on: August 11, 2015, 10:40:47 am »
^boxing day Dec 26, usually halos lahat naka sale pero madalas 20% off lang. Try mo old navy, last year may outwear sale sila first week of december (up to 60% off). Di ko lang alam kung kelan outerwear sale nila this year. Mag subscribe ka na lang sa email list or FB ng old navy canada.
« Last Edit: August 11, 2015, 01:47:06 pm by Vans »

gorgeous_me

  • Guest
Re: Starting Life in CANADA 2: Tips and Stories
« Reply #337 on: August 11, 2015, 11:36:34 am »
^ ah thanks sis :)

Shadow Angel

  • Guest
Re: Starting Life in CANADA 2: Tips and Stories
« Reply #338 on: August 11, 2015, 08:07:12 pm »
@sis sarsingkit thanks... Nag iisip pa ako mabuti kung ano ba talaga... Medyo nalilito na rin ako at parang ang dami kong gusto. Medyo sad lang ako kasi parang wala masyadong na taga Quebec City.

sarsingkit

  • Guest
Re: Starting Life in CANADA 2: Tips and Stories
« Reply #339 on: August 11, 2015, 11:35:04 pm »
Normal lang malito but think of the brightside na lang. Parang bigla kong naisip na the possibilities are endless here in Canada basta you put you mind to it. Madami kasing options for continuing education eh. Konti nga lang Pilipino sa Quebec, pero isipin mo na lang at least may opportunity ka to learn French kasi kailangan eh.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close