We use cookies to ensure you get the best experience on FemaleNetwork.com. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Remember Me
Oops! Sorry!
A message has been sent to
johnjones@gmail.com
Click on the link in the email to set a new password.
Click on the link to activate your account.
Here in Winnipeg, I have a friend who studied Healthcare Aide, $3000 binayad nya for the program. I am not sure how long the program is pero not more than 1 year ata.
Mukhang Canada ata ang favorable sa mga single parent na tulad ko na kino-consider ang migration sa ibang bansa.Di ako pumapasa sa "points" system ng New Zealand at Australia. Sa Canada lang ako lumusot. Mukhang dagdag points kasi sa dalawang bansa na yun ang magkaroon ng partner.Nakakabahala lang yung nababasa ko na karamihan ng nagmigrate, kailangang magtrabaho as dishwasher, sa grocery.... pero doon sa mga dumaan nito, paano nyo namamanage ang finances ninyo? Talaga bang ginagamit nyo muna ang show money doon habang naghihintay ng break na makabalik sa profession?
If I may ask, ano ba ang profession mo? To be honest, talagang "blue collar" work ang karaniwang binabagsakan ng mga tao dito. Hindi naman nila inaacknowledge ang education and work experience ng mga new immigrants. Syempre kasi iba ang system at culture nila dito. Ang solution is mag-aral, mag-upgrade ng education and skills. Pero dahil mahirap mag-aral kung may sarili at pamilya kang binubuhay, hindi na rin ito nagagawa ng majority ng Pinoys na nandito.
Sabi nga nun friend ko na nagbakasyon dyan kasi yun parents nya is nasa Canada na pantay pantay daw talaga mga pinoy pagdating sa Canada kahit skilled or hindi ka sa pinas.
Isang issue na nga ang pagkuha ng Canada ng educated and experienced immigrants tapos pagdating dito eh kung ano-ano lang daw ang jobs na napapasukan. I am not bothered. Common sense, if you are a rich country (first world country, sabi nga nila), natural na sasalain mo ang mga taong papapasukin mo. Bakit ka kukuha ng uneducated kung meron namang educated? Immigrants are not being forced into Canada. Ang mga tao sa ibang bansa ang gustong pumasok dito, so sila ang dapat mag-adjust. Again, management of expectations lang yan.
Ay regarding sa single parent, naku mahirap magmigrate dito na single parent ka. Unless may kamag-anak ka na mapupuntahan agad at tutulong sa iyo. Yep, may makukuha agad allowance from the government ang mga bata pero imagine, paano ka makakapagtrabaho nang maayos kung may anak ka? Iiwan sa Day Care? Expensive din ang Day Care (mas mahal pa ang per hour rate ng tagaalaga sa day care kesa sa entry level job) saka siyempre kawawa ang bata, maninibago. Better pa siguro kung mauna munang mag-migrate yung parent tapos saka na lang kunin ang anak pag settled na.