Hi! I'm from Manitoba, magbigay lang ako ng general picture.
For me the best route here is Provincial Nominee, kasi PR agad ang status. Kung pumasa ka kasi as federal skilled, sa ibang province ka na lang kasi honestly hindi maganda sa Manitoba (sightseeing wise. hehe) ang Yes, pwede magsponsor ng friends pero dapat 2 friends ang sponsor unlike if relative pwedeng isa lang. At oo, gaya ng sabi ni sis
MrsB, kung friend siguraduhin mo ng close kayo super. kasi your friend will be accountable sa kalagayan mo. The sponsor kasi will also answer settlement plans for you at isusubmit yun sa immigration. Take those things seriously. Hindi yung, "basta sa papel ganito pero ako na bahala."
For those with kids, ganito kasi yan. If your kid is a minor, may marereceive yan na allowance from the government, if below 12 mas malaki pa. Pero yun nga hassle at mahal ang day care and mostly, hindi tumatanggap ng infant. I suggest kung mag-asawa kayo at may kids lalo na yung mga nag-aaral na, isama nyo na. marami na akong nakilala na family na nakagawa nun. pero kung single mom, iwan na lang but of course declare pa rin sa papers na may kid pero iiwan mo muna for these reason, etc etc.
Usapang profession. Kung licensed sa atin, under PRC lang ang license meaning hanggang Pilipinas lang yan. Hindi marerecognize yan dito sa Canada but that does not mean na void na ang experience mo, of course may gamit pa rin yan. kunwari, lawyer ka sa atin, hindi ka lawyer sa canada pero they can not take away your knowledge on computer, word, excel, magaling ka mag-english, marunong ka magformat ng documents, magaling ka magfile, etc. In Manitoba, be patient and be hardworking lang, magiging professional ka din dito. I have friends who are engineers, nurses and architects na. May mga anak pa yang mga yan pero aral habang work. So tyaga lang.
First job. I have known people na nagwowork sa Tim Hortons kahit walang food industry experience. Yung friend ko na bumbay na engineer sa India, Tims ang una nyang work pero wala naman syang experience sa food industry. Kung para sa mga hubby nyo, manufacturing and warehouse medyo madali din. Once in a while may job fairs dito so be alert sa mga ganyan. Marami di kasing mga local restaurant dito na usually hiring yang mga yan. Basta wag ka mapilli sa work, makakakuha ka din. Wag isipin ang age, hindi naman nila malalaman kung ilang taon ka na. Walang right ang employer na tanungin ka kung ilang taon ka na dahil hindi naman importante at lalong walang kinalaman sa pagtimpla ng kape (if mag-aaply sa Tims)
Living situation with sponsors. For ease and comfort of stay, para sakin, habang nasa Pilipinas pa lang pag-uusapan nyo na yan lalo na ang length of stay. Nakakatakot to commit as an applicant diba, kasi hindi ka pa naman sure kung may work ka for me dapat may deadline sa pagtira sa bahay. Kunwari, sabihin mo sa sponsor na in 1 year magmomove out ka na. Most of the time kasi, umaabot pa sa "pinapalayas" na nung may ari yung nakikitira which is sad kasi naghihiwalay ng may sama ang loob diba. So maganda na yung sa umpisa pa lang may usapan na para hindi nagkakatampuhan. Kahit ilang ulit kang sabihan na "feel at home", do not be at home. Nakikisama ka lang, ikaw lagi ang mag-aadjust. Mas okay yung naiilang ka, mas mapupush ka na maghanap ng bagong apartment.
^^geishaslut, CPA is not recognized here in Canada but you can always have your credentials assessed with CGA Manitoba (for Manitoba Residents). They will let you know kung anong level ka na and which courses do you still have to take. By level ang Accounting dito, unlike sa Pinas na once pumasa ka eh yun na yun. And they take into consideration your work. Final level mo is dapat supervisory and position mo sa work. Your company will let you know kung CGA designation yung position na yun. But accounting is a good base job, kasi marami kang pwedeng work, like admin, payroll, accounts receivable. Basta very flexible kasi.
Sana nakatulong ako.
