Sa mga gusto pong mag-Canada, here's my two cents:
- Be realistic. Paano nga ba makakapunta? The easiest way really is to find a job and go there as an OFW. Pero yun nga, ano nga bang jobs ang in-demand. Mostly sa food service industry talaga. Sa Alberta, majority ng crew ng Tim Hortons, Wendy's, KFC, etc. ay Pinoy talaga. Pag nasa foodcourt ka, parang nasa Pilipinas lang ang feeling kasi nga puro Pinoy ang nagbebenta. However, para matanggap, dapat may work experience talaga. Sa mga narinig ko nga, dapat at least 4-5 years saka dapat CURRENTLY EMPLOYED. Now if you have friends and relatives who can help you find an employer, the better.
- Sa province ng Manitoba, I am not sure kung pwedeng mag-sponsor ng friends. Pabago-bago kasi policies ng Canada at provinces eh. Pero honestly, just in case na pwede, parang ang hirap nito. Mahirap umasa sa kaibigan lang. Unless nga sobrang tight siguro kayo. At the end of the day, kung may matutulungan siyang makapunta sa Canada at iisponsoran, malamang kamag-anak niya ang uunahin. In the first place, mabigat ang responsibility ng pagi-sponsor. Magiging responsible siya sa inisponsoran niya for a certain number of years eh.
- Sa mga gusto lang ng white collar job, baka Canada is not for you. Don't expect na iaacknowledge nila ang education at work experience mo. You have to upgrade your skills and education there para maka-land sa job na gusto mo. It will take time.
I noticed na may mga sis din tayo dito na single parent. Kung sakali man pong makapunta kayo sa Canada, definitely kailangan muna ninyong iwan ang anak ninyo. How can you work if you have a child to take care of? Don't rely on friends' or relatives' help. At the end of the day, kanya-kanya kasing trabaho para mabuhay. Everybody's busy.
Also, it pays to read and research. Andami kasing kwento ng sabi-sabi. Kesyo ang sabi ng kaibigan ng kapatid ng bayaw ng hipag ko ganito ganire para makapunta sa Canada. The first thing to do is read the OFFICIAL WEBSITE of CIC. Doon pa lang magkaka-idea ka na ng eligible ka o hindi na makapunta doon eh.
Kung hindi ka pala eligible, then that's the time you can act para maging eligible ka.
Ang daling sabihing "gusto kong mag-migrate sa Canada." Sad to say, hindi po ganun kadali. You have to work hard on it. Information is power, so read and read.
Again, pabago-bago ang policies ng Canada. So yung mga kakilala natin maaring hindi na updated yung alam nila tungkol sa visa, immigration, sponsorship, etc. So dapat po mag-research.
