Author Topic: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!  (Read 78616 times)

Lurker_Man

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #400 on: August 20, 2015, 11:50:41 am »
@introvetpixie..

i think you need to have solitude and reflect spiritually sa mga naging situation mo.

You might experience depression if yun heart (emotional baggage) will carry on.

You are still young.. lahat tayo nakakagawa ng mga pagkakamali sa buhay..

for example Wally Bayola...the scandal broke him..but look at him now.. he was reinvented..he passed the trials in life... sikat na uli siya.. past is past.

I suggest you go on spiritual solitude "heart" issues in life is what makes us gloomy and depress

three8one

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #401 on: August 20, 2015, 06:08:03 pm »
@introvertpixie

first of all you don't have to say those words that i think nakaka degrade sayo. parang masyado mo naman dinadown sarili mo. also, while im reading your post it looks like you were no longer love your self anymore.

bago mo mahanap ang taong sa tingin mo tunay na magmamahal sayo kailangan 100% sigurado ka sa sarili mo na mahal mo ang sarili mo. hindi pwede yung parang ikaw mismo eh galit sa sarili. I admire you despite of what happen to you anjan ka pa rin pinipilit maging matatag but i think its not enough. nakapahalaga nun ikaw mismo pinapahalagahan mo ang sarili mo kasi wala naman ibang magpapahalaga sayo kundi ikaw lang. tingin ko kailngan talagang magmula sayo ang pagbabago.

sana nga lang totoo sayo ang bf mo. sa mga sinabi nya sayo kaya nya panindigan.dahil sa mga pinakita mo sa kanya pwede nga nya mamanipulate ang buhay mo na habang gusto pa nya anjan ka pa but kung ayaw nanya pwede ka na lang basta iwan tutal yun naman ang hinihingi mo sa kanya kaya lang hindi mo napapangatawanan yungkagustuhan mo na yon.

 ;)

fille_09

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #402 on: June 03, 2016, 06:17:26 pm »
I think I'm in love with someone who's inlove with someone else ???

junetwentythree

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #403 on: June 04, 2016, 08:00:51 am »
^ Don't waste your time. This ain't the movies.

dreamworks

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #404 on: June 18, 2016, 06:57:53 am »
My LDR boyfriend broke up with me thru text out of anger just recently because he thought I went out to party with some other men, which I didn't. Hindi ko kasi nasagot agad ang calls nya, but I did texted him on my way home and when I got home. I tried to reach out and talk the following day but he's really mad and said nasty things to me. Nakakaawa sya kasi he's harboring the pain na wala naman dapat ikagalit talaga.  Kaya I did not contact him na. Is this a case of jealousy lang ba and pwede pa ba maayos to?

redberry12

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #405 on: June 18, 2016, 07:34:51 am »
@ introvertpixie : you have my prayers. May you be guided to a whole new and different you. Love yourself girl! You can do it!.

three8one

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #406 on: June 19, 2016, 03:22:33 pm »
Quote
My LDR boyfriend broke up with me thru text out of anger just recently because he thought I went out to party with some other men, which I didn't. Hindi ko kasi nasagot agad ang calls nya, but I did texted him on my way home and when I got home. I tried to reach out and talk the following day but he's really mad and said nasty things to me. Nakakaawa sya kasi he's harboring the pain na wala naman dapat ikagalit talaga.  Kaya I did not contact him na. Is this a case of jealousy lang ba and pwede pa ba maayos to?

pwedeng pwede maasyos ito bakit hindi... pero ang tingin kong isyu dito eh yung asal ng bf mo. tanungin kita, okay lang ba sayo yung ganyan ugali nya? yung tipong pag may hindi siya magustuhan sa ginagawa mo na sa tingin mo wala naman mali bigla na lang sya makikipag hiwalay? habang maaga pa kung may plano ka makipag balikan at plano mo na ikaw ang susuyo sa kanya dapat lang na supilin mo yung ganyang galawan ng bf mo kasi bandang huli ikaw lang mahihirapan. sasakit lang ulo mo sa ganyang tipo ng tao na hindi marunong umunuwa ng paliwanag mo. sana kasabay ng pagkakayos ng relasyon nyo eh maayos din yung ugali nya dahil may mali talaga sa inasal nyang pakikipag hiwalay sayo na dapat hindi tinotolerate.

 ;)

TomHansen

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #407 on: June 19, 2016, 07:31:13 pm »
@dreamworks, may nagawa ka ba dati na di maganda kaya siya nagkaganyan?

dreamworks

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #408 on: June 22, 2016, 06:00:18 pm »
@three8one - thanks sa mga sinabi mo.. lately napapa isip na rin ako. nakapag usap na rin kami after nung nangyare pero talagang galit pa rin sya and he continues to believe his own ka-praningan and ayaw nya ako paniwalaan. matagal siguro talaga humupa ang galit ng mga lalaki. until now he said na galit pa rin sya.

@TomHansen - nagkasunod kasi yung lakad ko following this so-called party; parang dun palang nag isip na sya ng hindi maganda agad.

three8one

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #409 on: June 22, 2016, 07:47:03 pm »
Quote
@three8one - thanks sa mga sinabi mo.. lately napapa isip na rin ako. nakapag usap na rin kami after nung nangyare pero talagang galit pa rin sya and he continues to believe his own ka-praningan and ayaw nya ako paniwalaan. matagal siguro talaga humupa ang galit ng mga lalaki. until now he said na galit pa rin sya.

- siguro habang mainit pa ang sitwaston nyo wag mo na lang muna kausapin si bf, give him space and time para makapag isip isip..kung ready na siya kamo making sa paliwanag mo doon kayo mag kausap. mahirap talaga kasi makipag usap sa mga taong pinapakinggan lang ang sinasabi mo pero hindi naman inuunawa.

TomHansen

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #410 on: June 22, 2016, 08:31:40 pm »
@dreamworks, ilang years na ba kayong LDR? Kailangan maintindihan ni bf mo na miscommunications or sometimes lack of it are normal sa situation niyo na LDR - kahit nga di LDR nangyayari yun.

Hmmm eto na lang gawin mo, sulatan mo siya 1 last time(mas maganda yung sulat para basahin niya paulit ulit) at ipaliwanag ang nangyari then bigyan mo ng taning na within 3 days kapag hindi pa siya umayos hihiwalayan mo na siya at sabihin mo pagod ka na at stressed sa inaasal niya..

dreamworks

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #411 on: June 23, 2016, 08:11:37 am »
@three8one and @TomHansen - thanks both sa inyong mga insights, i really appreciate it dahil ang hirap ihandle ng emotions talaga, and especially if you believed & respected the relationship will work.

more than a year palang kami LDR.. (based lang sya sa province so we try to do our best to see each other at least once a month or once in two months... ) Andun naman yung understanding namin na kailangan talaga ng tiwala sa bawat isa, communication, etc pero mukhang he's failed the TRUST test.. & the RESPECT test..

just an update - we had an heated argument kagabi. he's been texting me the whole day yesterday with no-nonsense (na parang walang nangyayare o walang dapat pag usapan) so nung hapon, nag text ako sa kanya na wag na muna nya ako itext. kapag okay na sya and if he wants to get back, tsaka namin pag usapan. naasar na sya and sinabi nya na ang sungit at ang yabang ko. palagay ko na misinterpret dahil siguro puro galit pa ang umiiral. inexplain ko para maintindihan nya pero walang pinuntahan ang usapan na yon. he still refused to listen to me kaya alam ko galit pa talaga sya.

to me, it felt like meron power struggle. yung tipong akala nya i am controlling him pero ang gusto nya sya ang may control like kagabi na di nya nagustuhan ang sinabi ko (dahil hindi inintindi muna,) he shut me off just like that, he dropped the call habang nag uusap pa and when i tried to call back, he cancelled my call and then he texted na wag na mag usap kahit kailan at galit pa daw sya, ako daw nagkamali..  sinasabi pa nya na kahit daw kanino sya mag tanong, mali daw talaga ako (well - malay ko ba anung version ng story nya sa kanila)

andun pa ako sa space na okay pa ko to talk about it and settle things (even if he has to tell me to wait) pero kagabi hindi dun ang gusto nya puntahan. kaya sabi ko if this man really loves me, sana maging open sya sa restoration ng relationship pero wala, he really wants to show his big ego and pride. he chose to rally war against me when in fact, hindi naman ako ang kalaban nya... anyway, hindi ko na rin napigilan sarili ko kasi offensive na mga sinasabi  at napaka rude na nya kaya tinuluyan ko na makipag break kagabi thru text, i said goodbye.

di ko matanggap na gusto nya aminin ko ang isang pagkakasala na hindi ko ginawa para lang maging ok sya. hindi rin nya ko binigyan ng kunsiderasyon kahit na i already asked for his forgiveness for not being able to answer his call (yun lang naman ang pagkakamali ko) basta may kutob daw sya (nag ala madam auring pa,) yun na ang tama, guilty na ako agad, wala bang due process? :)

out of anger kaya sya nakipag break sakin in the first place and he chose to stay angry at me..   alam ko hindi magiging madali to pero i will follow your advice na hayaan muna sya, di ko rin alam kung magkakabalikan pa kami.

question lang - ganun ba talaga ang mga guys magalit, as in nakatanim?
« Last Edit: June 23, 2016, 08:19:18 am by dreamworks »

j.adore

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #412 on: June 23, 2016, 09:51:14 am »
While you're giving him time, reflect on your own if you can overlook this type of treatment.

He is choosing to be angry at you. Ang raw emotions mga ilang oras lang. Yung lampas dun eh choice na ng tao "gawin".
Also, excuse yung anger to be disrespectful. Parang verbal abuse na yan.

LDR pa lang, ganyan na siya. What more if you are together physically?

Is your love enough to accept these?
Don't expect men to change that easily. Imagine his current treatment can repeat consistently. Kaya mo ba yun?

Hope you'll heal soon!

three8one

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #413 on: June 23, 2016, 03:31:36 pm »
@ dreamworks

sa takbo ng usapan nyo ng bf mo parang may gusto sya ipahiwatig. may mga lalake kasi na ganyan, tipong lahat ng pagkakamali I biblame sa babae, hahanapan ng butas, laging mainit ang ulo, parating naka singhal pag kakausapin, hindi nakikinig, pero isa lang naman ang patutunguhan nun gusto na nyan makipag hiwalay, dinadaan lang nya sa ganun bagay para makaiwas sa guilty feelings na sa kanya nag simula yung pakikipag hiwalay. kung sayo nga naman magsisimula, lalabas na siya ang kawawa, siya ang api na iniwan ng gf kahit wala naman siyang ginagawang mali. yung mga ganyang tipo ng lalake ay mga duwag na harapin ang katotohanan at hindi kayang manindigan sa kung ano ang napag desisyunan nya.

try mo wag kausapin, as in totally no communications at all. pag hinabol ka nya, nagpakumbaba siya it means dala lang talaga ng simbuyo ng damdamin yung mga nasabi nya at actions nya. pero pag hinayaan nya lang hanggang sa tuluyang magkahiwalay na kayo yun na nga talaga ang gusto nya mangyari. mabuti rin ihanda mo ang sarili mo sa worst na pwedeng mangyari para sa huli hindi ka mabigla at hindi ka gaanong masaktan.

dreamworks

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #414 on: June 23, 2016, 03:56:56 pm »
@j.adore - you have a very valid point, why stay angry to someone you really love?

@three8one - parang tapos na lahat kagabi, as in hiwalayan na kasi may last call pa sya saken saying "Eto na ang huling tawag ko. Sinasabi ko lang. Thank you sa lahat."

parang nagpapahabol pa sya na hindi ko alam, pero he sounds like naka inum, pero di ko na inintindi, kasi tlagang ubos pasensya na rin ako. sa taas ng pride non, baka hindi na un kumontak at magpakumbaba..  :'(

chinrosete

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #415 on: June 23, 2016, 06:30:27 pm »
Hi girls. Yung problem ko is di naman talaga about sa pagcheat or the likes. Last night kasi nagkita kami ni bf tapos sabi niya plan daw niya pumunta ng Canada (may aunt siya dun) syempre para magwork para makatulong sa families namin. Eh pag may mga ganyang usapan ayoko talagang umalis siya. As in una kong sinabi agad is no. Pero gusto niya pa ding ipush since saglit lang naman daw siya. Yung tipong magiipon lang ng money para pantulong sa family, pangaral sa mga kapatid. Mga ganung bagay. Tapos kung pwede ba daw niyang makuha yung support ko sa decision niya na yun.

Until now iniisip ko pa din. Syempre ayokong ma-LDR as much as possible. May tiwala naman ako sakanya. Ayoko lang talaga magkalayo kami.

Kaso ang iniisip ko if pipigilan ko siya, hindi ba parang ang selfish ko naman nun? Yung tipong masaya nga ako na nandito siya tapos siya naman malungkot kasi yung dream niya na magwork sa Canada to help his family is hindi matutupad dahil lang ayaw ko umalis siya?

j.adore

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #416 on: June 23, 2016, 07:10:04 pm »
Why not go with him?

chinrosete

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #417 on: June 23, 2016, 07:19:01 pm »
I'm still studying pa kasi sis. 1 sem na lang. I'm planning to ask him nga if kung pwede bang sabay na lang kami pumunta dun.

j.adore

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #418 on: June 23, 2016, 08:24:47 pm »
1 sem lang naman pala :) Mabilis lang yan sis. Let him go there then you follow him after you graduate.

Don't hold back opportunities from the person you love. Make the sacrifice na maging LDR kayo for a while, no matter how much you hate it. Wala naman may gusto na ganun di ba? But there are couples who still go through it. Konting tiis kung para naman sa future yung magkahiwalay kayo.
As long as you both nurture your relationship, you will survive this and be together in time.

three8one

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #419 on: June 23, 2016, 08:26:22 pm »
Quote
Pero gusto niya pa ding ipush since saglit lang naman daw siya. Yung tipong magiipon lang ng money para pantulong sa family, pangaral sa mga kapatid. Mga ganung bagay. Tapos kung pwede ba daw niyang makuha yung support ko sa decision niya na yun.

- pag natulungan na nya family nya, wala pa din sya ipon kasi napunta lahat sa pagpapaaral ng kapatid. sunod nya sasabihin sayo nyan mag iipon naman sya para inyo, sa future nyo. pampakasal, pampagawa ng bahay at pambili sasakyan. pag nagawa nya ulit yun, still wala pa din sya ipon. sasabihin naman nya para sa mga magiging anak nyo. panganganak mo at pambili gatas. tapos wala pa din sya ipon. sunod naman nyan pampaaral naman sa mga bata.. and still wala pa din sya ipon. sad to say pero ganyan ang mga nagiging kwento ng ofw's. kung madali lang mag ipon, madami na sanang mga balikbayan sa atin pero ang totoo madami pa din ang nasa labas. kung ang aim nya maging resident ng Canada para pag nagpakasal na kayo madala ka nya dun maganda yun. pero hindi rin ganun kadali ang pagiging resident dun. taon din siguro ang inaabot.

Quote
Kaso ang iniisip ko if pipigilan ko siya, hindi ba parang ang selfish ko naman nun? Yung tipong masaya nga ako na nandito siya tapos siya naman malungkot kasi yung dream niya na magwork sa Canada to help his family is hindi matutupad dahil lang ayaw ko umalis siya?

suportahan mo na lang muna siya, jan mo masusukat kung hanggang saan ba talaga yung kayang isakripisyo ng pagmamahalan nyo. preparation na din siguro sa inyo, para sa panghabang buhay na pag sasama nyo.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close