@three8one and @TomHansen - thanks both sa inyong mga insights, i really appreciate it dahil ang hirap ihandle ng emotions talaga, and especially if you believed & respected the relationship will work.
more than a year palang kami LDR.. (based lang sya sa province so we try to do our best to see each other at least once a month or once in two months... ) Andun naman yung understanding namin na kailangan talaga ng tiwala sa bawat isa, communication, etc pero mukhang he's failed the TRUST test.. & the RESPECT test..
just an update - we had an heated argument kagabi. he's been texting me the whole day yesterday with no-nonsense (na parang walang nangyayare o walang dapat pag usapan) so nung hapon, nag text ako sa kanya na wag na muna nya ako itext. kapag okay na sya and if he wants to get back, tsaka namin pag usapan. naasar na sya and sinabi nya na ang sungit at ang yabang ko. palagay ko na misinterpret dahil siguro puro galit pa ang umiiral. inexplain ko para maintindihan nya pero walang pinuntahan ang usapan na yon. he still refused to listen to me kaya alam ko galit pa talaga sya.
to me, it felt like meron power struggle. yung tipong akala nya i am controlling him pero ang gusto nya sya ang may control like kagabi na di nya nagustuhan ang sinabi ko (dahil hindi inintindi muna,) he shut me off just like that, he dropped the call habang nag uusap pa and when i tried to call back, he cancelled my call and then he texted na wag na mag usap kahit kailan at galit pa daw sya, ako daw nagkamali.. sinasabi pa nya na kahit daw kanino sya mag tanong, mali daw talaga ako (well - malay ko ba anung version ng story nya sa kanila)
andun pa ako sa space na okay pa ko to talk about it and settle things (even if he has to tell me to wait) pero kagabi hindi dun ang gusto nya puntahan. kaya sabi ko if this man really loves me, sana maging open sya sa restoration ng relationship pero wala, he really wants to show his big ego and pride. he chose to rally war against me when in fact, hindi naman ako ang kalaban nya... anyway, hindi ko na rin napigilan sarili ko kasi offensive na mga sinasabi at napaka rude na nya kaya tinuluyan ko na makipag break kagabi thru text, i said goodbye.
di ko matanggap na gusto nya aminin ko ang isang pagkakasala na hindi ko ginawa para lang maging ok sya. hindi rin nya ko binigyan ng kunsiderasyon kahit na i already asked for his forgiveness for not being able to answer his call (yun lang naman ang pagkakamali ko) basta may kutob daw sya (nag ala madam auring pa,) yun na ang tama, guilty na ako agad, wala bang due process?

out of anger kaya sya nakipag break sakin in the first place and he chose to stay angry at me.. alam ko hindi magiging madali to pero i will follow your advice na hayaan muna sya, di ko rin alam kung magkakabalikan pa kami.
question lang - ganun ba talaga ang mga guys magalit, as in nakatanim?