I feel like I am beyond repair

at 16, I loved someone whose 12 years older than me, He just wants my virginity.
I'd gave in. It feels like i am obligated to do so kasi mahal ko yung tao. It became a habit and lasted for 4 months. Maybe I'm not just on top of my game so he just left, he left without even saying goodbye, hid from me on ym and changed his number, no anything. Everytime we do it, i feel devalued after. Walang panahon na di ako naiyak pagkatapos.
at 18, I was verbally sexually harassed by my professor. I was struggling on one of my subjects on engineering. came to the faculty room to ask if kaya ko pa ba umabot if i passed the final exam, he asked me if i am engaged in premarital sex, and tinanong nya kung virgin pa ko. I felt violated and never opened it up to anyone. He said i should see him during the university break for "consulation" syempre natakot ako, hindi ako bumalik. i failed the subject.
at 19, I was a battered girlfriend. there I was, i fell in love again. i thought yun na. mahal namin isa't isa and we try to make things work as much as possible. Hindi ko na maisip what nangyari in between bakit kami di nagwork out, nagsimula kami magaway and so. I tried my harderst to work my way through the relationship, naisip ko kasi. You don't give up on someone you love, diba? then umabot na sa puntong nagkasakitan na kami. madaming beses nangyari yun and i tried to work with him kasi sabi nya mahal nya pa ko, I was waiting for him to provide closure. para alam ko na stop na.
it lasted for almost a year, niloko nya rin ako, may iba siya. tinanong ko if bakit siya may iba, sagot nya sakin was nakuntento ba ko sa pambabae nya. masakit lang. naisip ko kasi at least pag dating sa dulo wala akong pagsisihan kasi nagawa ko na lahat ng pwedeng gawin, walang regrets. got my closure and finally moved on.
at 21, I was an LDR GF. thought siya na ulit kasi he promised to marry me 2 years after. it was difficult. alam kong sobrang needy ko at madalas wala siya. the away went on and on until nagkasawaan na. nakakafrustrate lang kasi paulit ulit akong nagkakamali.
at 23, I've dated someone, ayun bf ko parin siya ngayon. nabuntis nya ko. the moment na nagreturn positive yung PT sabi ko iwan nya na ko, kasi alam ko di nya naman ako paninindigan. Hindi nya nga ako iniwanan, pero cytotec yung naisip nyang gawin, nagawa na daw dati yun nila ng gf nya. basically wala talaga siyang planong panindigan yung bata.
Nagpunta ako sa monumento magisa. nagkita kami pagkatapos. parang wala lang sa kanya, samantalang sakin dama ko parin ngayon. alam ko isa rin akong walang paninindigan sa bata, nagawa ko na and pinipilit ko na wag na maulit.
lagi ko naiisip na wala nang tatanggap sakin kasi ganito na yung past ko. hindi ko alam kung nagkaron ba ko ng depression pero kasi hanggang ngayon hindi parin ako ok, sinubukan ko pumunta sa pgh para magpacheck kaso hindi ako nadiagnose kasi kailangan pala ng kasama.
ngayon yung bf ko, sya parin naman. madaming beses na ko nakikipaghiwalay kasi ramdam ko na mawawala din siya, pinipigilan nya ko palagi, siguro ayaw ko rin kaya nandito parin ako. konting away namin dalawa naiisip ko na itigil na lang kaso ayaw niya. wala rin akong paninindigan sa decision ko kasi mahal ko nga siya. hindi ko na alam ano ba gagawin ko. kasi alam ko pag iniwan ko siya at nakipaghiwalay ako, ako rin maghahabol kagaya ng ginawa ko sa bf ko dati.
sobrang nahihirapan ako ngayon sa buhay ko in general. siguro nga karma ko ito.