Author Topic: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!  (Read 78955 times)

s_h_o_b_z

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #300 on: November 28, 2013, 12:25:22 am »
Wala yun! I like to hear din naman your way of communicating kasi same tayo na LDR. Sa amin usually Skype / text / call. Wala kaming set sched na after work he would call me. Basta hintayan na lang sino magtetext. Then ngayon na busy siya sa work bihira na din kami to set dates online. Kasi he would before then nagagalit ako when he bails out on me. Kaya ayaw na daw niya to make promises para di niya ko madisappoint. Which means parang up in the air when bonding time namin online. Di ko talaga alam paano iset communication namin. Ayoko rin naman kasi to impose na ganito dapat gawin niya. Lately kasi nagkakayayaan sila ng mga friends or co-workers niya to go out at night kaya mas madami akong competition sa time niya ngayon.

Shadow Angel

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #301 on: November 28, 2013, 04:44:53 am »
Given na gumagala sila ano ba naman un 30 minutes na text na ilalaan nya sa 24hrs na meron sya ganun ba kahirap un na ibigay nya sayo. Para naman sa inyo un at hindi para kung kanino lang. Kung sa akin kasi hindi ako papayag na ganun makakagala sya hanggat gusto nya basta make sure lang na maglalaan sya ng time ma i message ako kahit kamustahan lang. Pero most of the time pag gumagala sya nakakapag chat pa rin kami minsan habang nasa biyahe pa lang sila pagdating nila sa pupuntahan nag info na agad sya na hindi na makakareply kasi busy na. Basta sis kung gusto nya talaga marami way. Lalo pa ngaun na ang dami ng means of communication. E dati nga ala pa cp si bf pero nakakachat pa rin kami pag uwi ol agad si bf pag naman nasa work nakiki ol or ibibigay ang cp/landline nun kabarkada para dun ako tumawag. Hays sis naliwanagan din ako kasi naisip ko sobrang effort pala ginagawa ni bf makausap lang kami nag thank you nga ako sa kanya kagabi. Dahil kahit busy at pagod sya kinakausap pa rin nya ako. Ang sagot nya thank you din sa time at effort ko at siempre mahal nya ako kaya kailangan lagi may paraan.. Na sayo yan sis kung hindi ka makikipag compromise sa kanya about sa communication nyo mas mabuti may time schedule kung hindi man masunod babawi sa ibang time sa maghapon.

cutie_05

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #302 on: November 28, 2013, 06:30:07 am »
^Hi mga sis!pajoin! s_h_o_b_z tama si Shadow Angel na magkaroon kayo ng time schedule sa communication niyo.  I don't actually remember kung meron kaming ganyan setup before basta all I remember is kapag after office niya at nasa bahay na siya he would call me or kapag nasa labas ako he would text me na nasa bahay na siya.  Kung hindi masyadong late for him, he would wait for me until I got home para magkaron kami ng mini chat over the phone/ym/skype then he would go to sleep na pero bawi naman kami ng weekend kase most of the time ng weekend eh magkausap talaga kami.

Different case nung medyo malayo ang time difference namin kase he would normally call me bago siya pumasok sa office and ang mahabang usap talaga namin is weekends.  Since nagpipile up yung stories namin email na lang para dun sa everyday na happenings.

We rarely message each other during breaks unless sobrang important.  So okay samin ang setup na we just message or call each other pag natapos na ang day namin sa office.  Kapag lumalabas naman siya with his friends nagpapaalam siya sakin so that I know kapag ganun I don't message him that much kase para makapagcatch up naman siya with his friends and okay din naman kase di niya kinakalimutan akong imessage na pauwi na siya or kung gising pa ako he would call me.  Yung communication kase important talaga lalo na kung magkalayo kayo.  It works well for us.  Sorry mahaba na  :o

budzwhiz

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #303 on: November 29, 2013, 01:46:05 pm »
Break na kami. Hindi ko ba alam kung ano nang nangyari samin. Puro nalang problema. Magbabati tapos mag-aaway ulit. But I guess this time, it's for real. Wala na talaga kami. Sana makalimutan ko rin sya. He was my first everything. I gave my all. I suffered so much. Ang hindi ko lang maintindihan why keeps saying makakalimutan din nya ko katulad ng ginagawa ko sa kanya. I don't know how to start ulit. He's my first boyfriend. :'(

s_h_o_b_z

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #304 on: November 30, 2013, 08:26:37 am »
Shadow Angel and cutie_05 Thanks mga sis! We've talked na about the issue. He's very understanding naman and is trying to text me na every now and then kahit na nasa work siya. Also, naisip ko kaya lagi kong napapansin mga flaws niya kasi I was surrounding my life around him. Yung tipo na kahit may sched ako I'll try my best to work around his schedule. Tapos pag may lakad ako at night nagmamadali ako umuwi just to skype with him. So feel ko subconsciously I was expecting him to do the same things then nadidisappoint ako pag hindi. Hay!

Shadow Angel

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #305 on: November 30, 2013, 04:14:11 pm »
^same with me nun mga unang months nya un tipo sa kanya lang umiikot ang mundo ko kahit wala sya. Kaso ako rin nahihirapan that time kaya lumalabas din ako kasama ng mga friends ko lalo na if alam ko may gala rin si bf para hindi naman ako naiinip until maiinis kakahintay. Sobrang hirap talaga ng LDR.. Nakakaloka.. Huhuhu.... Sana kaya pa namin until makabalik na sya sa akin...

iamshiela

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #306 on: December 01, 2013, 08:23:02 am »
His clan dont like me to be with him because im not Chinese. He told me he's not bothered and I should be not too. Pero i know that it stresses him too. And it hurts on my end din. :(

j.adore

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #307 on: December 01, 2013, 11:40:18 am »
^mahirap yan.. I dated one but we did not end up together since he would choose his clan or else they will disown him.

It would work if your BF has the guts to fight for your relationship and if you have the strength to go through what his clan says and does.

Filipinasadhart

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #308 on: December 02, 2013, 02:53:53 am »
I have a problem with my current bf kakabalikan lang namin last Nov 15 akala ko magiging okay ang lahat but ngayon naguguluhan na ko lalo na yun feelings ko nawawalan na ko ng gana s relasyon namin. Ang hirap kapag lalo mo pinapakita sa tao na mahal mo sya mas lalo ka nya take for granted. Kaiinis talaga. eto ang scenario may usapan kame ni bf na magkikita kame ngayon sunday. Sya ang naginsist na kailan ba tayo magkikita thru text sabi ko sa Sunday. So set na ang lahat pati venue and time. Sunday kame magkikita tapos bigla ako text ng hapon na Wait mo text ko kahit sa qc na tayo magkita may need pako gawin eh .... reply ko okay, wait ko na lang text mo.

Hanggang sa intay ako ng intay di ako nagdinner para sabay kame kumain bwesit kase nageexpect ako na magkasama kame magdinner. Di ako kumain ng dinner. text ako ng gabi sabi nya My Love , wag muna tayo magkita tonight this week na lang may need lang ako tapusin. Kainis talaga. Sobrang nasaktan ako at umiyak ngpablower pa ko ng hair at di kumain kase akala ko magkikita kame kc expected ko gagawa sya ng way basta magkita kame yun pala hindi. Nakakainis talaga para akong t***** nag-iintay sa wala pala.

Ngayon di ako nagrereply sa text nya naiinis ako ng sobra. Di ko alam kung sasabihin ko yun nararamdaman ko o hindi o sadyang wala na lang pakielam. Naguguluhan ako. Sana sinabi nya ng maaga para di ako nagexpect db. Isa pa nakakainis sana sinabi nya yun specifi reason bakit ganon nangyari  sa text. sabi nya lang may need lang ako tapusin. Kakainis talaga.  :-[ :-[ :-[ :-[ :-[

Gusto ko intindihhin pero parang pakiramdam ko ay sobra na ha. Bago pa lang relasyon namin tapos ganito na.

« Last Edit: December 02, 2013, 09:20:21 am by Filipinasadhart »

cutie_05

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #309 on: December 02, 2013, 06:57:17 am »
Shadow Angel and cutie_05 Thanks mga sis! We've talked na about the issue. He's very understanding naman and is trying to text me na every now and then kahit na nasa work siya. Also, naisip ko kaya lagi kong napapansin mga flaws niya kasi I was surrounding my life around him. Yung tipo na kahit may sched ako I'll try my best to work around his schedule. Tapos pag may lakad ako at night nagmamadali ako umuwi just to skype with him. So feel ko subconsciously I was expecting him to do the same things then nadidisappoint ako pag hindi. Hay!

Nagaadjust ka pa kase kaya ganun.  Halos lahat naman yata nakakaexperience din niyan.  I remember not walking sa mga paths na dinadaanan namin or nilalakaran namin before for a few months after he left kase feeling ko eh nagseself pity ako or nalulungkot ako maisip na di ko siya kasama.  Eventually nakapagadjust din naman ako plus siguro medyo toxic ang work ko so mas occupied na mind ko with work. Nakakatawa pa nga kase pag nagvavacation na siya, magaadjust ako uli kase parang naging okay na ako sa setup namin na parang ang weird naman na kasama ko siya.  After a while na sanay na ako uli na nakakasama siya biglang mageend na uli vacation niya..so sad na naman.  Eventually makakapagadjust ka din sa ganyang situation :)

^same with me nun mga unang months nya un tipo sa kanya lang umiikot ang mundo ko kahit wala sya. Kaso ako rin nahihirapan that time kaya lumalabas din ako kasama ng mga friends ko lalo na if alam ko may gala rin si bf para hindi naman ako naiinip until maiinis kakahintay. Sobrang hirap talaga ng LDR.. Nakakaloka.. Huhuhu.... Sana kaya pa namin until makabalik na sya sa akin...

Sis!kaya niyo yan :) basta have faith sa relationship niyo na kakayanin niyo yan :)

gemwin21

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #310 on: December 02, 2013, 08:36:51 am »
hi mga sisses...just want your opinions...how to deal with a suspicious fiancee.?! hindi ko alam kng healthy pa yong pagiging suspicious nya. I will give you an example scenario mga sisses. We are on a LDR...so one time I was waiting for his call. I went to bathroom so I brought my cellphone with me. At tamang tama tumawag nga siya. Then ang ending ng tawag niya nag away lang kami kasi he was thinking meron akong katex at dinala ko pa ang cp ko sa loob ng bathroom. Pero kung iniwan ko naman sa labas ang cp ko at saktong tumawag sya aawayin nya din ako at iisipin nyang may iba din akong ginagawa at hindi ko nasagot ang tawag niya. so parang ang hirap kung saan ako lulugar. so hindi ko alam kung how i will deal with this charateristic of my bf.

budzwhiz

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #311 on: December 02, 2013, 03:04:46 pm »
^ May mga pinagdaanan na ba kayo sis that could explain kung bat naging ganun sya? Like selos or third party or something? Ganito rin kami ni boyfie sa isa't isa, dala na rin kasi ng sobrang daming pinagdaanan. Pero admitted naman na hindi talaga healthy yung ganun. Saka LDR kayo, (kami rin currently) so hindi nya alam yung ginagawa mo, so mejo nakakapraning nga rin talaga. Then again, baka talagang ganun lang sya. hehe. Look at the bright side sis, feel na feel mo ang pagmamahal nya sayo. :-*

cecilydee

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #312 on: December 02, 2013, 05:26:25 pm »
^^May history ka na ba na nagcheat ka? If not, then that's unfair on your part. Fiance mo na nga hindi ka parin nya trusted. If I were you I would confront him "calmly" and ask where his suspicions come from. It could be rooted to your past, rooted to his..you both need to compromise and put everything into an "emotional closure"

for sis s_h_o_b_z, unlike other girls here, I dont agree in texting often with your bf not unless pa start palang ang relationship nyo at hindi pa na establish ang comunication sa isat isa. Dapat lang na may sariling identity parin kayo. Let him do his usual stuffs in the morning. Wala naman ginagawang masama ang bf mo, he is just working and he still tries to message you at night. Mas maganda kasi na i collect muna ang stories within the day and then at the end of the day may mashashare sya na marami. Dont get me wrong, Im in an LDR too and na experience ko na rin yan na suddenly nabawasan ang mensahe pero I dont get clingy anymore to him unlike before. Nakakapagod din kasi on their part if we demand a lot...

gemwin21

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #313 on: December 03, 2013, 12:26:21 am »
 meron xang pinagseselosang guy before…bago maging kami ni boyfren nagkaroon ako ng MU (magulong ugnayan. hehe) sa isang guy dito na kasama ko sa work. i say it was a magulong ugnayan kasi hindi kami formally but we are treating each other na parang kami. i love him (hindi ko sinabi), pro he was in a relationship, but he shows care to me…akala nga ng iba may relasyon kami…pero wala. but that guy is wala na dito. he resigned already and went somewhere else. akala ko pag nakaalis na sya dito magiging tahimik na kami ni boyfren. pro hindi parin i think doon parin nag uugat ang mga suspicions niya. pro wala naman xang basehan mga sisses…lahat ng accounts ko alam niya ang password. even my viber account nakasync sa desktop ni boyfren kaya mamomonitor niya mga messages ko. but still napaka suspicious parin niya.

i dont feel fluttered sa ganung ugali niya…nabibwiset ako at madalas pinagsisimulan ng away namin. help niyo naman ako mga sisses kung how i can deal with it. naoobserve ko sa ugali ni boyfren mahirap siyang makalimot ng mga bagay bagay. kung may nagawa kang mali kahit pinatawad kana niya in the future meron at meron paring pagkakataon na isusumbat niya yon. like one time…tintatanong niya ako kung nag uusap pa daw kami ni guy. sabi ko hindi na…dahil iniiwasan ko naman na talaga sya. kahit sa workplace kasi magkasama kami sa work hanggat maari ayaw ko na syang makita at makausap. pero noong bago syaa umalis dito for good nagyayaya yong mga frens namin (kasi we are in the same barkada) magbfast kami together parang farewell namin sa kanya. so sumama ako. sinabi ko naman kay boyfren na lumabas ako kasama sya together with other frens. nagalit si boyfren at bakit hindi ko daw sya matanggihan. ang sa akin lang naman mga sisses kaya ako sumama for the sake of friendship dahil naging mabuti xang fren sa akin noong magkaibigan pa kami..he was there to support me during my ups and downs (wala pa si boyfren noon) kaya sumama ako. i don't know kung mali ako sa naging decisyon ko na sumama. pero minsan ginagawa parin niya yong dahilan na hindi daw ako makatanggi sa tukso. i dont know. iniisip ko na nga to consult a psychologist…kung pano ko ihahandle yong ganoong ugali nya mga sisses.

gemwin21

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #314 on: December 03, 2013, 12:46:02 pm »
^hi sis honeybunny…hindi naman yon ngyari habang kami ni boyfren…i had that before maging kami ni boyfren. actually bago pa maging kami ni boyfren eh umiiwas na ako sa guy na un kasi he got married already. ayokong pumasok sa complicated na sitwasyon kaya when he decided to get married I let go of him na. kaya nung maging kami ni boyfren iba na ang sitwasyon. but we were still frens.

noong nandito pa yong guy I understand yong gnung suspiciousness ni bf.pro ngaung wala na sya dito at nasa malayo na pero ganun prin si boyfren…reasonable prin ba yon sis?

Filipinasadhart

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #315 on: December 05, 2013, 09:58:26 pm »
I need your help... I'm really disappointed. Nagkabalikan kame ng ex ko last Nov. 15. So far okay naman kame kahit medyo may konti tampuhan dahil sa time. Nag-improved naman sya pala text na di tulad nun dati. Nagsabi na din ng ilove u unlike dati as in wala.
Marami improvement compare dati na hindi nya alam ang salitang commintment kaya kame naghiwalay.

My problem is kanina nagkita kame tapos bigla ako hiniritan na ano christmas wishlist mo? sabi ko wala kase nakuha ko na lahat ng bagay na materyal na bagay. Ikaw ba? sabi nya watch... Di ako kumibo ah.... Tapos sabi nya pa habang nagdinner kame bigyan ko sya ng 4k sya daw bibili di ako kumibo.

Tapos sabi ko panu kung di kita regaluhan okay lang daw sabi ng bf ko. Tapos sabi nya ano regalo mo sa pinsan mo lalake? close kase kame ng pinsan ko lalake sabi ko wala bakit ko reregaluhan yun. Paki ko dun... Parang nagpaparinig sya alam ko yun di ako t**** pero nagtatangahan kunwari di ko alam un sinasabi nya. Pakiramdam ko pineperahan ako. Tama ba yun ganito feeling? Paranoid lang ako. Thanks


Isa pa bago pa lang kame mag 1 month pa lang kame sa Dec. 15. kaya ang sakit sakit. Akala ko natagpuan ko na yun guy na hinahanap ko pero di pala. Nakakapagod ng umiyak. Lage na lang ba ko luluha.

j.adore

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #316 on: December 05, 2013, 11:23:20 pm »
^don't stay in a relationship where you're not happy. Saka bakit kailangan nanghihingian ng regalo? Worse, pera para siya na lang bibili?

aerish_anne

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #317 on: December 05, 2013, 11:29:40 pm »
so obvious sis..he asked for d cash.. if he was like that before.. i don't think he'll change pa.. he's d same person wearing a different mask.

Filipinasadhart

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #318 on: December 06, 2013, 02:39:42 am »
sinabi ko yun nararamdaman ko sa text alam nyo reply "wishlist nga db"

ayos ang sagot.

grabe reply ko nga but you ask for cash. :'(

Shadow Angel

  • Guest
Re: LOVE PROBLEMS? SHARE IT HERE!
« Reply #319 on: December 06, 2013, 02:53:52 am »
^naku wag magbulag bulagan obviously gusto ka lang perahan wag papadala sa paawa o pasweet effect madami ng lalaki ngayon ang namemera lang. Wishlist ano sya bata naka pag walang wishlist hindi matutuloy ang pasko. Nalala ko lang kawork ganito usapan nila sa text yun.

Boy: punta ka dito
Girl: ok
Boy: wag ka pupunta dito ng walang dala yellow cab.
Imagine wala pa sila 1 month nun.

Naku si girl ndi namalaman ang gagawin bili agad. Ang dami hirit ng bf nya lalo na pag may okasyon or monthsary nila minsan silver minsan painom sa mga friends sa kanya hinihingi until matauhan si girl nun malubong sa utang. Dun lang nya na naisip na pinerahan lang sya ni bf kahit ang tagal nanamin pinagsasabihan buti nga break na sila ngayon

 

Latest Stories

Load More Stories
Close