may absent pala ako. hehe. friday, balu yu na, friday mall. nagpunta kami sa dubai mall nung after lunch. tapos nag dfc. gabi na kami nakauwi.
tapos kanina naman maaga palang lumarga na kami. buti nabigla ko si jay at hindi kami tinulugan. hehe. namili ako ng mga gamit ko pang bake, tsaka nag grocery na din sa ajman city center. e kulang pa yung gamit ko, inuwi lang namin grocery tapos dumiretso na kami mirdiff city center. 6pm na kami nakauwi. hehe.
pagod na ako pero magpaplantsa pa ako ng uniform. pasukan nanaman bukas. last week na ito tapos bakasyon na. hay! christmas na pala next next tuesday. :-) wala pa kaming gift sa christmas tree, puro props palang. naglagay kasi ako ng mga paperbag na ginawa ko para shoot nalang ng shoot ng gift (kung meron). :-)
hi jeng!
hi ysa! ako, bibigyan ko lang ng cupcakes yung dalawang teacher ni jade. :-) yun na gift ko sa kanila. pwede na yun.
mommy,
yung balcony nila mil, lumalabas lang kami dun pag new year. nakikinuod ng mga nagpafireworks. tingin sa kanan sa bandang ajman corniche, o kaya sa kaliwa naman sa dubai, kita namin tuktok ng burj khalifa.
ging,
mabusisi nga yung cinnamon. tagal gawin, sandali lang kainin. kaya nakakatamad din gawin. :-)
mitch,
baka nasanay ka pag mahal na araw. diba pag mahal na araw, bawal ang meat pag friday. parang ganun (hindi sure???). hehe.
nung thursday night nag prito ako ng makerel na maliliit, parang GG na din ang dating, tsaka nilagang okra at talong +halubebe-lemon-sili.
kahapon nagtuyo kami nung umaga, tsaka sunny-side up eggs. lunch naman, sinigang na talakitok ni f i l. hanggang gabi na yun.
kanina naman, lelut manok nung umaga. tanghali sa labas kami kumain, sa texas chicken. ngayong dinner, inubos namin yung lelot.
haha! ako din lugi sa mga kasama ko dito. ako na nga nauunang gumising, ako na huling natutulog, ako pa tumatayo sa madaling araw.
si jay din, kahit anong sigaw ni jade, hindi nagigising. pwera nalang kung kakalabitin mo siya para gumising. ako naman, sensitive sa ganyan. basta nagsabi "dodo" si jade, automatic yun, nagigising ako kahit hindi moko kalabitin. sabi ko nga kay jay, "ang daya mo! sarap ng tulog mo!"
o sha! overtime na ako sa parlor. la na customer, bukas na mu. :-)