mitch,
nakakalaki kasi ng tyan ang rice e. kaya minsan nagbabawas talaga ako.

gusto ko na nga batuhin yung salamin pag nagsasalamin ako, lumuluwa yung bilbil ko lalo na pag naka fitted shirt pa. haha!
lunch on weekdays lang naman ang target ko, pero breakfast at dinner pwede ako kumain ng rice. tapos sa weekends, rice all you can.

actually, yung mga bulilit na yan, yung unang ubo lang ang original. tapos kung may mga susunod pa, ay fake na yan.

pero cute.

pag may tears, nasaktan siguro. pag walang tears pero umiiyak, hehe, drama lang.
ging,
gusto ko din magreply dun sa picture ni seya, naunahan lang ako ni mitch, tsaka nahiya ako e. hehe
jeng,
meranup ka neh. parang kami ni jay kagabi, nakahiga na kami fb pa siya ng fb. ayun nakakita ng fish ball, pati ako dinamay.
jay: sarap naman nito, fish ball, tapos sukang maanghang na may maraming sibuyas. nakakain ba tayo nito nung umuwi tayo?
me: hindi. isaw lang tsaka balingit.
tapos habang nakapikit ako, napaisip ako, ang sarap nga ng fish ball tapos sawsaw sa sweet & spicy sauce, tapos mapapaso ka pag kinagat mo, tapos tulo tulo pa yung sauce habang susubo ka.
me: hmp! bwisit ka. pati ako ginutom mo.

jay: bukas nga mag fishball ka. hehe
kaya mamaya, bibili ako ng fishball or squid ball, kung meron.
beef kaldereta para mamayang dinner.
