ysa,
nagcomment nanaman nga ako dun. hindi ko mapigil e. hehe.
mommy,
yan nga yung thread.
kay jade naman, nung sunday naman na kapapasok niya galing nagpahinga, hindi naman siya umiyak. pati nung monday morning pagpasok sa school. nagstart lang siya umiyak nung pauwi ng monday kasi sabi ng assistant, baka daw nanibago. iba kasi yung bus number (9 yung sinakyan nila, gusto niya yung 6, 6 kasi talaga yung bus niya, hehe). tapos k1-g3 pa yung sakay ng bus kasi nga exam e sila yung magkakasabay ang dismissal, kaya madami sila. akala niya siguro naligaw siya. simula nun, may times na hindi naman umiiyak pagpapasok, sa pauwi lang umiiyak. may araw din naman na sa umaga iiyak, tapos pauwi ok naman daw siya. nung thursday at kanina, dun naberat ng husto. papasok at pauwi ngumangalngal ang bruha.
wala naman daw nambubully kasi katabi siya nung assistant. tsaka wala naman sinasabi sakin si jade. pero sinabi ko din sa principal kanina na baka nga may nambusit kay jade na g1-g3 na nakasabay nung last week sa bus kaya umiiyak palagi.
tsaka sabi ni jing, pag umiiyak daw, kung anoano hinahanap, dodo daw tsaka minnie. hehe. minsan umaarte, bantay daw sa school si daddy niya o kaya ako. sabi ko di pwede. sabi ko, last na iyak na niya kanina, wala naman kako nakakaiyak, iyak siya ng iyak. pagbukas kako umiyak pa siya, itatapon ko na yung school bag niya at mga uniform para wag na siya magschool, ayaw naman. school daw siya.
so gusto talaga niya pumasok, umaarte lang ng iyak. buti nalang at wala sila mil dito, kundi e nako, kunsinting walang hanggan nanaman ang gagawin nun. sasabihin nun, wag mo na papasukin kung ayaw. the best pa dun, ipaparinig pa niya kay jade. kaya yung bata, nagkaka idea pa.