Dapat naiintindihan na ng mga anak natin ang "role playing", "it's just tv, it's not real", bago natin sila papanoorin ng mga ganyang palabas.
Katulad halimbawa, sa mga child shows, sa mga dramas, diba may mga bata na kontrabida roles, so dapat explain mo na, role playing lang yun, at
kung ano ang bad, hindi dapat ginagaya.
Sa cartoons naman, like Phineas and Ferb, Mickey mouse, and kung ano ano pa, madami doon na kapag ginaya ng mga anak natin, mapapahamak sila,
so nasa ating mga magulang, na i-explain na "anak, i'ts just TV, it's not real, it's just cartoons, don't apply it in real life".
Ako kasi, palaging ganyan ako, kaya ang mga anak ko, walang TV sa rooms, nasa sala lang namin, para nasusubaybayan ko ang mga pinapanood nila.
So ganun din kami sa Ryzza Mae show, pag may magandang nagawa si Ryzza "o anak, tignan mo, good yun, gagayahin mo, ha, tignan mo siya nag po po at opo".
Kapag hindi naman maganda "Anak, role playing lang yun ha, bad yun, kaya huwag mong gagayahin."
Sa tingin ko naman, si Ryzza, bilang isang host, eh naiintindihan din niya ang role playing sa hindi, mabait na bata daw siya talaga.
