watch now

Author Topic: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)  (Read 142933 times)

stellaluna

  • Guest
Re: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)
« Reply #480 on: September 13, 2013, 09:24:55 am »
I'm not sure if some of you notice it but i think totoo yung blind item na she's using an earphone..someone is coaching her what to say...i think she's a smart gurl naman and madali ang pick up but somehow nakapansin din ako na some of her answers or questions to the guest is really from someone..there are times when she pauses and parang nakikinig muna bago sumagot or magsalita..and her choice of words kung minsan parang pini feed lang..just my opinion.. :P

^may nag ko-coach nga kay Ryzza (read above posts). there are some issues or topics that she cannot comprehend right away, that's why she needs a "coach". i don't see anything wrong with that. dapat lang talaga na may umaalalay sa kanya. bakit kailangan pang idaan sa blind item, eh halata namang may nag ko-coach talaga. ang OA naman ng nagsulat ng BI na yan
« Last Edit: September 13, 2013, 09:29:12 am by stellaluna »

pinkpotato

  • Guest
Re: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)
« Reply #481 on: September 13, 2013, 09:28:52 am »
ya and we don't expect her naman to host like adult di ba? shes only 8 so naturally dapat lang talaga may mag coach.

but i dont think its word for word. guide most probably kung ano sasabihin nya. but the fact that she can follow instructions /coaching right away means she's really good.

i saw her episode with kris. she was doing an intro regarding coffee at pandesal, si kris naman tanong, 3N1 or starbucks? kaloka. LOL. then I heard someone coaching, "magkwento ka pa. ikwento mo sa kanya ginagawa mo dati." Then she started, "Ganito po kasi yun. Wala po kasi kami pera...." blah blah.

Leven

  • Guest
Re: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)
« Reply #482 on: September 13, 2013, 09:43:04 am »
Yeah I find it annoying lang na adults are expecting too much from her..i mean bata pa naman si Aleng Maliit and karapatan din niya na turuan pa..just found this article

http://www.hatawtabloid.com/2013/06/12/ryzza-mae-dizon-sinisiraan-ng-kanyang-mga-detractor-fans-ni-aleng-maliit-umalma-na-to-the-max/

bubbly chari

  • Guest
Re: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)
« Reply #483 on: September 13, 2013, 09:49:36 am »
I am now a fan of this kid. So adorable!  There is nothing wrong kung may "coach" man sya. Yung mga adult hosts nga may idiot board eh.  What more for an 8-year old host di ba?  I don't think magiging effective ang idiot board for her since she's just learning to read.  But I believed yung mga sudden reactions and punchlines nya, those are not from her "coach". Pero management should monitor her lines also, minsan medyo nambabara na.  BUT.. I agree with sis snowball, dyan na pumapasok ang "parental guidance" na hindi naman nawawala sa TV screen natin. :D

junepets

  • Guest
Re: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)
« Reply #484 on: September 16, 2013, 02:25:23 pm »
okay lang naman ang may coach..
but yeah... dapat lang imonitor ang mga lines.. kasi nga supposedly tularan sya ng mga bata..

un sa parental guidance.. well yes.. yun nga eh.. dapat bantayan ng maigi ang mga bata.
kasi... may mga instances na di dapat gayahin..

so dapat lagi natin sinasabi sa mga kids 'o mali yang ginagawa ni aleng maliit ah.. mali ang nambabara.. etc'
and pag tinanong ka ng bata 'di po ba bata rin si aleng maliit?'

so anong values ang matutunan? both nun host and viewer?



SnowBall

  • Guest
Re: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)
« Reply #485 on: September 16, 2013, 06:32:13 pm »
Dapat naiintindihan na ng mga anak natin ang "role playing", "it's just tv, it's not real", bago natin sila papanoorin ng mga ganyang palabas.

Katulad halimbawa, sa mga child shows, sa mga dramas, diba may mga bata na kontrabida roles, so dapat explain mo na, role playing lang yun, at
kung ano ang bad, hindi dapat ginagaya.

Sa cartoons naman, like Phineas and Ferb, Mickey mouse, and kung ano ano pa, madami doon na kapag ginaya ng mga anak natin, mapapahamak sila,
so nasa ating mga magulang, na i-explain na "anak, i'ts just TV, it's not real, it's just cartoons, don't apply it in real life".

Ako kasi, palaging ganyan ako, kaya ang mga anak ko, walang TV sa rooms, nasa sala lang namin, para nasusubaybayan ko ang mga pinapanood nila.

So ganun din kami sa Ryzza Mae show, pag may magandang nagawa si Ryzza "o anak, tignan mo, good yun, gagayahin mo, ha, tignan mo siya nag po po at opo".

Kapag hindi naman maganda "Anak, role playing lang yun ha, bad yun, kaya huwag mong gagayahin."


Sa tingin ko naman, si Ryzza, bilang isang host, eh naiintindihan din niya ang role playing sa hindi, mabait na bata daw siya talaga. :)


stellaluna

  • Guest
Re: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)
« Reply #486 on: September 16, 2013, 08:15:55 pm »
^very well said, sis Snowball. madami ding mga mapipick up na nega sa mga cartoons, that's why may usual reminders for parental guidance  :P

herroyalbleakness

  • Guest
Re: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)
« Reply #487 on: September 16, 2013, 10:57:38 pm »
Nakakawala ng stress panoorin si Ryzza! I often look for her ryzza mae show episodes sa yt at super tuwang tuwa ako.

I dont mind her being coached. I still think shes smart.

Marin

  • Guest
Re: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)
« Reply #488 on: September 20, 2013, 05:26:46 pm »
I'm bothered that people find it cute to sell the "kiddie loveteam" idea. Ang aga pa puro promos na. Sana ma-control din ng management ang pakikisakay ni Kris para sa popularity ni Bimby( OA lang ang peg)

I love watching her. SInce napansin ang ethical treatment of children, sana ma-remind din ang handlers na huwag sanayin ang pagiging self-deprecating, na-eemulate ni Ryzza ( napipick-up sa biru-biruan  nila). Madalas humirit si Ryzza sa pagiging maitim/ hindi mestiza, walang ilong etc...

According to the YES article, marunong talaga siya mag-adlib si ALeng Maliit.

pan.ian4ever

  • Guest
Re: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)
« Reply #489 on: September 20, 2013, 06:58:03 pm »
i just love this kid..bibo sya...yup, sometimes she has flaws sa paghohost niya but it's acceptable naman...and bilib ako sa batang to, bata pa host na...i hope she'll continue to have beautiful career...ang cute niya din..nakakatawa at nakakawala ng stress yung mukha niya ;D

jamie_0117

  • Guest
Re: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)
« Reply #490 on: October 04, 2013, 06:00:05 pm »
^^In fairness naman sa ibang guests, encouraging naman, like "ano naman masama maging maitim" or pag naman sa mataba, sasabihin nila "papayat ka din." Pati sa singing, sabi ni Regine mag-i-improve pa daw singing nya like si Aiza.

glowstick

  • Guest
Re: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)
« Reply #491 on: October 08, 2013, 12:10:38 pm »
Guest ni Ryzza ang Team Kramer! Nakakatuwa, gandang ganda siya kay Kendra. Napaka spontaneous ng interactions nila. Even Doug said she's magaling

sugardrop

  • Guest
Re: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)
« Reply #492 on: October 08, 2013, 05:56:59 pm »
I'm not a fan of this kid pero natatawa ako everytime she calls Jaime, Jose Maria, and Marvic. Ang lutong ng tawag eh. :D

Marin

  • Guest
Re: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)
« Reply #493 on: October 08, 2013, 07:05:57 pm »
Sino kaya ang nagturo nung ni-rap niya kahapon?! off na marinig lalo na sa bata ang salitang " bobo"

Kudos to her! Mabilis na siya umiyak. Nakasabay siya sa iyakan scenes with Angel Aquino and the cast of her indie film.  Tulo din luha niya kahapon with the wala ng kanin ipamimigay na kita eksena with Jaime Rivera.

Katuwa naman guesting ng Team Kramer! Ang cute lang nung nagsasabihan sila ng "You're so adorable/ cute " at  pag-correct na chubby ( "hindi tabachoy")

vianyx

  • Guest
Re: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)
« Reply #494 on: November 05, 2013, 12:30:16 am »
cute ng commercial nila ni bimby...

tsaka nakakatawa trailer ng My Little Bossing... Gusto kong mapanood..

11bernadette28

  • Guest
Re: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)
« Reply #495 on: November 05, 2013, 02:20:32 am »
Aabangan ko talaga yang My Little Bossing sabi ipapalabas din daw yan sa Abroad knowing Kris gagawin lahat para sa anak. Ahahaha magiging number1 ito sa MMFF.

omneecka

  • Guest
Re: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)
« Reply #496 on: November 05, 2013, 11:24:34 pm »
bet na bet ko talaga ang tambalang BiRy (biray = bimby and ryzza) hehe! kabahan na
ang KathNiel! wahaha! i so love Bimby, nakaka-inlove ang bagets na ito. hehe! :D

stellaluna

  • Guest
Re: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)
« Reply #497 on: November 06, 2013, 09:56:19 pm »
bakit parang walang Ryzza Mae show kanina? or late lang ako nag tune in?

11bernadette28

  • Guest
Re: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)
« Reply #498 on: November 06, 2013, 10:45:34 pm »
bet na bet ko talaga ang tambalang BiRy (biray = bimby and ryzza) hehe! kabahan na
ang KathNiel! wahaha! i so love Bimby, nakaka-inlove ang bagets na ito. hehe! :D


BiRy talaga ahahaha ang cuuteee.. Burahin na ang KathNiel na yan.. ahahhaah Sorry Fans :P

vianyx

  • Guest
Re: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)
« Reply #499 on: November 07, 2013, 03:05:59 am »
bakit parang walang Ryzza Mae show kanina? or late lang ako nag tune in?

sis may sakit po si ryzza kaya walang ryzza mae show.. kahit p nung nakaraan nireplay ang team Kramer kasi may sakit si ryzza..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close