Hayaan mo na, sis. Baka na realize nya din na mali yung ginawa nya.
Tawang tawa lang ako sa interview na 'to ni Vic about Ryzza:
DUWENDE at 45 years old ang deskripsyon ni Vic Sotto kay Ryzza Mae Dizon na grand winner ng Little Miss Philippines ng Eat Bulaga. Natikman ng bagets ang maging artista nang kunin siya sa festival entry na Si Agimat, Si Enteng Kabisote At Si Ako kung saan kasangga muli niya si Sen. Bong Revilla, Jr. plus Judy Ann Santos.
“Nakakatuwa ang batang ’yon! At her age na 45 years old… Napakabait na bata.. Nakakatuwa. Ang dami naming experience like ’yung parati kong sinasabi sa Eat Bulaga. Like ’yung silya niyang pang-duwende. “Bigay ni Juday ’yon sa kanya. Kasi ’pag nasa shooting, [textspeak!]]’ng earlier parts of the shooting, tinitingnan niya ang mga silya naming gamit. Kasi ’yung silya kong gamit, bigay ni Sen. Bong. May nakalagay pang Enteng Actor.
“Si Ryzza, naka-monobloc lang siya! Tapos, nadidinig ni Juday ’yon. So, one time, dumating si Juday. ‘Ryz, may regalo ako sa ’yo. Heto ang silyang pang-artistang bagay sa ’yo.’ Pang-duwende rin ’yung silya. Natuwa naman siya. Feeling niya, artista na rin siya. Dahil meron na siyang silyang pang-artista.
“’Yung, ‘What a life!’ naman, noong nagsu-shooting kami sa Ilocos, naka-check-in kami sa hotel, may swimming pool, pagpasok na pagpasok niya roon, ‘Dito ba tayo titira? Diyan ka matutulog, paggising mo, breakfast ka na, tapos swimming ka bago magsyuting. Tapos ng shooting, uwi ka, kain ka at swimming ka uli!’
“‘This is the life!’ sabi niya! Ha! Ha! Ha! Nakakatuwa ang batang ’yon!” pahayag ni Vic sa solo presscon niya para sa movie.
Paano niya ikukumpara si Ryzza kay Aiza Seguerra na produkto rin ng LMP?
“Parang nagpa-flashback nga, eh. The same time, kapag nakikita ko si Aiza na mama na… Naalala ko ’yung shooting namin ni Aiza na very small at ka-age ni Ryzza na parang wala pang malay sa nangyayari. Pag inaantok na, susumpungin. Kapag nadinig ’yong action, heto na naman. Sakit na naman ng ulo ko! Ha! Ha! Ha!” biro ni Bossing.
Hindi kaya magiging mama rin si Ryzza?
“May chance! Ha! Ha! Ha!” bulalas ng Comedy King ngayon.
Nabanggit din kay Vic ’yung regalong I-Pad ni Sen. Bong kay Ryzza at siya na lang daw ang hindi pa nagbibigay. Ano naman daw ang balak niyang ibigay sa bagets?
“Pagmamahal! Mas importante ’yon kesa sa material na bagay, eh!” tugon niya.
Eh, gusto raw ni Ryzza, bahay na malapit sa Broadway ang ibigay sa kanya ni Bossing, huh!
“Sira-ulo pala ang batang ’yon eh! Ha! Ha! Ha! Sabi sa inyo, hindi bata ’yon, eh! Raketer! Aba, bahay? Wish-in niya mukha niya!” biro ni Bossing na ikinahagalpak ng press.