watch now

Author Topic: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)  (Read 142895 times)

akireyhoj

  • Guest
Re: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)
« Reply #80 on: December 04, 2012, 11:04:44 am »
nabasa ko sa BI ni cristy fermin, about the moms of JW and ryza.. sikat na talaga si ryza!

vianyx

  • Guest
Re: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)
« Reply #81 on: December 04, 2012, 01:42:16 pm »
Ano yung sinabi sa BI sis??

akireyhoj

  • Guest
Re: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)
« Reply #82 on: December 04, 2012, 01:49:33 pm »
insecure si mother ni JW kay ryzza. sabeeee. yung nanay daw ni ryzza tahimik lang.

monbla

  • Guest
Re: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)
« Reply #83 on: December 04, 2012, 02:36:31 pm »
Sana wala nang ganung intriga pag tungkol sa kids. Tutal dapat parang laro lang yan sa kanila, di naman career. :P Wag na lang sana patulan ng showbiz shows.

akireyhoj

  • Guest
Re: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)
« Reply #84 on: December 04, 2012, 02:38:51 pm »
^tama ang masama lang kids yung nagagamit.

glowstick

  • Guest
Re: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)
« Reply #85 on: December 04, 2012, 05:15:53 pm »
Dapat lang naman na di ginagawaan ng intriga ang mga bata. Sa kanila naman, wala yung competition e. Sana pati mga respective parents nila, wag mag away.

strawberry

  • Guest
Re: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)
« Reply #86 on: December 04, 2012, 07:46:06 pm »
onga. huwag na sanang intrigahin ang mga kids (and their moms, in particular) -- may kanya kanyang cuteness silang dalawa

miss_o

  • Guest
Re: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)
« Reply #87 on: December 04, 2012, 08:23:01 pm »
yung hubby ko me hindi magandang experience sa nanay ni ryzza..

vianyx

  • Guest
Re: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)
« Reply #88 on: December 05, 2012, 01:39:38 am »
Tama!
wag idamay mga bata..
napakabata pa nila para sa mga intriga na ganyan...

bakit sis miss_o ano naiexperience ng hubby mo?

miss_o

  • Guest
Re: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)
« Reply #89 on: December 05, 2012, 01:10:27 pm »
^ one time kasi sis pasakay sila sa recto station.. mejo rush hour at super haba ng pila tas si ryzza binuhat ng isang gril na taga red cross kasi nga sobrang liit sya.. e sya kasi free ride na sya kaya di na need pumila.. tas yung nanay nya eto dumarating at sumingit talaga eh sobrang haba ng pila na.. so sinabihan sya ng maayos na pumila at syempre nakakahiya sa mga nauna sa kanya at meron pang senior.. imbes na pumila eto nagtatalak dun at nagsisigaw na kesyo di ba sya kilala at si ryzza, na kesyo nagmamadali daw sila at nagwawala na sya.. para matahimik na nga lang sya e pinag bigyan na lang sya ng mga nakapila.. at ang masama kinuha pa nya name ni hubby at magrereklamo daw sya.. eh hello sya nga itong nagwala wala dun eh.. nung nakaalis na nga sila tawanan na lang daw sila pati yung ibang pasahero na nakapila at naka witness.. sabi nga nila di pa daw ganun kasikat anak nya ganun na sya.. idol daw ata nya si anabel rama..

glowstick

  • Guest
Re: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)
« Reply #90 on: December 05, 2012, 03:02:42 pm »
Baka akala nya, maiiwan or mahihiwalay siya sa anak nya? Ang hindi lang maganda dun, nag dialogue siya ng "hindi mo ba ako kilala?" E paano kung may sumagot na "hindi", e di pahiya siya?

Pero i'm sure, hindi alam ni Ryzza yun  na nag moment yung mader nya ;D

miss_o

  • Guest
Re: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)
« Reply #91 on: December 05, 2012, 03:19:07 pm »
^ di din naman papasukin ng guard si ryzza pag mag isa lang sya kaya di nya maiiwanan anak nya.. yeah si ryzza walang alam sa ginawa ng nanay nya..

glowstick

  • Guest
Re: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)
« Reply #92 on: December 05, 2012, 03:24:32 pm »
Hayaan mo na, sis. Baka na realize nya din na mali yung ginawa nya.

Tawang tawa lang ako sa interview na 'to ni Vic about Ryzza:

DUWENDE at 45 years old ang deskripsyon ni Vic Sotto kay Ryzza Mae Dizon na grand winner ng Little Miss Philippines ng Eat Bulaga. Natikman ng bagets ang maging artista nang kunin siya sa festival entry na Si Agimat, Si Enteng Kabisote At Si Ako kung saan kasangga muli niya si Sen. Bong Revilla, Jr. plus Judy Ann Santos.

“Nakakatuwa ang batang ’yon! At her age na 45 years old… Napakabait na bata.. Nakakatuwa. Ang dami naming experience like ’yung parati kong sinasabi sa Eat Bulaga. Like ’yung silya niyang pang-duwende.         “Bigay ni Juday ’yon sa kanya. Kasi ’pag nasa shooting, [textspeak!]]’ng earlier parts of the shooting, tinitingnan niya ang mga silya naming gamit. Kasi ’yung silya kong gamit, bigay ni Sen. Bong. May nakalagay pang Enteng Actor.

“Si Ryzza, naka-monobloc lang siya! Tapos, nadidinig ni Juday ’yon. So, one time, dumating si Juday. ‘Ryz, may regalo ako sa ’yo. Heto ang silyang pang-artistang bagay sa ’yo.’ Pang-duwende rin ’yung silya. Natuwa naman siya. Feeling niya, artista na rin siya. Dahil meron na siyang silyang pang-artista.

“’Yung, ‘What a life!’ naman, noong nagsu-shooting kami sa Ilocos, naka-check-in kami sa hotel, may swimming pool, pagpasok na pagpasok niya roon, ‘Dito ba tayo titira? Diyan ka matutulog, paggising mo, breakfast ka na, tapos swimming ka bago magsyuting. Tapos ng shooting, uwi ka, kain ka at swimming ka uli!’

“‘This is the life!’ sabi niya! Ha! Ha! Ha! Nakakatuwa ang batang ’yon!” pahayag ni Vic sa solo presscon niya para sa movie.

Paano  niya ikukumpara si Ryzza kay Aiza Seguerra na produkto rin ng LMP?

“Parang nagpa-flashback nga, eh. The same time, kapag  nakikita ko si Aiza na mama na… Naalala ko ’yung shooting namin ni Aiza na very small at ka-age ni Ryzza na parang wala pang malay sa nangyayari. Pag inaantok na, susumpungin. Kapag nadinig ’yong action, heto na naman. Sakit na naman ng ulo ko! Ha! Ha! Ha!” biro ni Bossing.

Hindi kaya magiging mama rin si Ryzza?

“May chance! Ha! Ha! Ha!” bulalas ng Comedy King ngayon.

Nabanggit din kay Vic ’yung regalong I-Pad ni Sen. Bong kay Ryzza at siya na lang daw ang hindi pa nagbibigay. Ano naman daw ang balak niyang ibigay sa bagets?

“Pagmamahal! Mas importante ’yon kesa sa material na bagay, eh!” tugon niya.

Eh, gusto raw ni Ryzza, bahay na malapit sa Broadway ang ibigay sa kanya ni Bossing, huh!

“Sira-ulo pala ang batang ’yon eh! Ha! Ha! Ha! Sabi sa inyo, hindi bata ’yon, eh! Raketer! Aba, bahay? Wish-in niya mukha niya!” biro ni Bossing na ikinahagalpak ng press.
« Last Edit: December 05, 2012, 03:26:37 pm by glowstick »

akireyhoj

  • Guest
Re: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)
« Reply #93 on: December 05, 2012, 03:31:06 pm »
^natawa din ako sis mas natawa ako sa mama na si aiza hahaha!

glowstick

  • Guest
Re: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)
« Reply #94 on: December 05, 2012, 04:55:33 pm »
Comfortable nang magsalita nang ganun si Vic kay Aiza kasi super close sila :D

strawberry

  • Guest
Re: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)
« Reply #95 on: December 05, 2012, 11:29:26 pm »
nakakatawa naman yang interview kay Bossing Vic  ;D

at lalong sisikat si Ryzza Mae esp kung palagi syang kasama sa mga movies ni Bossing

vianyx

  • Guest
Re: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)
« Reply #96 on: December 06, 2012, 12:09:01 am »
hehe...
ang kulit ni bossing...
loko-loko rin tong si bossing kaya gustong gusto kapag nag uusap silang dalawa ni ryzza sa eat bulaga eh..

sana talaga house and lot regalo ni bossing...
nyahahaha....

magpakailanman sa saturday...
ryzza mae dizon story..
sya mismo ang gaganap...
 hehe...
 ang cute!

wowry

  • Guest
Re: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)
« Reply #97 on: December 06, 2012, 01:09:17 am »
ang cute cute nga ng batang yan at natural humirit at nakakatawa talaga  ;D

devilish_einjel

  • Guest
Re: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)
« Reply #98 on: December 06, 2012, 01:34:07 am »
^what time yung Magpakailanman sis?hindi kasi ako masyado nanunuod sa 7 e..

carmilina

  • Guest
Re: Eat Bulaga: RYZZA MAE DIZON (Little Miss Philippines 2012)
« Reply #99 on: December 06, 2012, 02:07:28 am »
i love ryzza, nakakatuwa sya kanina sa EB, hindi sya nag pipilit, may sariling style pa,

 

Latest Stories

Load More Stories
Close