^
1. Nabili ko pala SM Dept Store 3M-6M na tiesides, hindi 0-3M. Ok lang kaya yon? Malaki na si baby naka tie side pa din?
-- okay lang naman sis kaso ang magiging problem mo dyan is by the time na marunong na mag roll over si baby (3-4 months) napakahirap na bihisan at hassle at may tali tali. Also pag marunong na sila maghila ng tali. Kaya mas better if onesies na lang pag medyo malaki na si baby.
2. What about bonnets? Kailangan ba to?
-- for me sis it's safe to have a few, siguro max of 3 pcs. Gumamit lang kami ng bonnet during the first week.
3. Gano kadaming new born diaper nagagamit ni baby sa isang araw?
-- depende sa output ni baby mo. Siguro on average nasa 1 nappy every 3-4 hours, so 6-8 pcs in a day. To be safe, sabihin na nating 10 pcs kasama na accidental poops.
4. Yung baby wipes, gano kadami nagagamit non?
-- for newborns, mas better if cotton balls na lang gamitin mo sis na soaked sa water. Ganun gamit ko dati. Bukod sa mas mura, less chemicals din unlike wet wipes. We switched to cloth wipes nung medyo hindi na ganun kasensitive si baby.
Baka off topic na to pero tanong ko na din just in case may makasagot
1. Pano nilalabhan pillows and comforter ni baby? Hand wash, machine wash or bilad lang sa araw? Kami kasi yung comforter pinapalaundry namin, tapos ang pillows binibilad lang (yung pillow case shempre laba)
-- we machine wash comforters. Yung pillows, handwash.
Dami kong tanong, first time mom kasi and wala talagang experience mag alaga ng baby. 😅
-- i totally feel you sis. Kakaexcite na nakakakaba ano? Hehe. Good luck. Don't worry pag andyan na si baby, feeling mo ang galing galing mo na agad. Hehe. Totoo yata yung maternal instinct eh.