Author Topic: Money Set Up When Married  (Read 53428 times)

chedz.03

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #240 on: October 15, 2014, 12:05:04 pm »
Same tayo ng paniniwala sis j.adore gusto ko rin pantay lahat ng binibigay namin both sides (money & material things).para din in the future walang sumbatan na mangyayari plus it's the right thing to do. Hindi pwede isang side lang ang pagbibigyan.

Now that I don't have a job because we moved to another country for hubby's new job, dun kami kumukuha ng allowance ng parents namin both sides. Before pa kami lumipat dito sa new place namin ni-raise ko na sa kanya yung issue na yun and he said sya muna bahala sa allowance ng parents ko while I don't have a job. Magulang na din nya daw yun kaya wala sya nakikitang masama if he provides for them. Anyways, di rin naman ako naging madamot sa side nya even when I was working din lahat ng laman ng balikbayan box ko for my parents ganun din laman ng sa side nya and most of it ako ang dumiskarte.

annamarie88

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #241 on: October 15, 2014, 01:46:05 pm »
Hindi pa rin namin napagusapan ang sa amin pag kinasal kami this year. Kasi mag housewife muna ako, next year na work, hopefully. What i liked about my h2b, 7 years ago nung as in bago pa lang kami naalala ko clearly na sabi nya ayaw nya maging problema namin ang pera kahit kailan. Shempre 21 y/o pa lang ako noon, hindi ko pa inintindi yun. True enough naman, until now never problema samin ang pera. At thankfully din, nakikita ko na never namin naging problema ang magbigay sa kanya kanyang side kasi parents nya sigurado ako mas malaki pa naipon sa kanya at kumikita din more or less pareho sa kanya, mom ko naman kumikita din ng matino kaya I don't think kailangan namin sila bigyan kasi baka sila pa magbigay samin pero hindi rin naman namin kailangan. Wala rin kami mga kapatid na aasa samin bilang malalaki din ang sweldo nila. Blessed din in a way ;)

ninsky01

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #242 on: October 15, 2014, 07:17:45 pm »
More than 1 year pa lang kaming kasal.. All of our expenses ay galing sa earnings ni hubby. He gives me weekly allowance for lunch and meryenda for work. Lahat ng sahod ko is our savings. We keep track all our monthly expenses using google docs.  ;)

la_pinay

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #243 on: October 20, 2014, 10:32:28 pm »
hi sisses, for those na may sinusupport na extended family, how is your money set up? we will be living with and supporting our MIL kasi. will talk to h2b about our budgeting and i just want to get some insights.

prettygretchen

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #244 on: October 21, 2014, 05:04:39 am »
Warning: long read :)

Hi, married for 3 years now this october 2014. For almost 2 years, sa mommy ko kami nakitira ng asawa ko pati 10years old kong anak, the money set up is half kami ng payment ng sister ko. Half sa kuryente, half sa maid. Cable at internet bayad ko. Bale nung andun ako sa mom ko ang tao sa bahay is 7-mom,dad,sis ko, asawa ko, ako, anak ko, at yun maid. Plus my 3 doggies.

Ang grocery almost kami lahat ng asawa ko ang sumasagot. well siya lumaki sa may kaya na pamilya kaya [textspeak!] asa ng asa ang peg. So medyo madami ang pinapakain ko dba sa araw araw, kasi un ate ko hindi mo maaasahan mag grocery ng kakainin niya yan. Kahit sa callcenter siya at once a day kumain e ang trip karne no rice ang peg so ang bilis maubos ng meat db? Isa aa isyu yan. Heto i was 27years old back then magkano lang income ko db.

Basta may point na ang dami niya sinabi sa gastusin sa bahay eh hindi naman aabot ng 5k yun ambag niya sa bahay well hindi ako aware kung nag aabot siya sa nanay ko ah. Pero yan ang alam ko. Ang isyu naman sa nanay ko hindi nagluluto so ang tendency ako taga bahala kasi wala naman pakielam yun samin kundi sa anak niya lang lalaki siya ng sisilbi ng todo todo. (Favoritism)

So para sa mga makikitira or isasama ang MIL o kahit sino sa extended family heto lang ang advise ko NEVER TOLERATE WHAT YOU CANNOT CHANGE.

1. Marriage. Once married pati ang income united na yan. dapat alam ang in & outs sa both parties. No secrecy. At pagusapan talaga pag dating sa budget department.

2 Firm boundaries. Importante ito dapat kahit alam ng kamag anak niyo na OK ang income niyo mag asawa, hindi excuse yun para lagi sila nakasahod na magkaron sila ng "BAHALA NA SI ano dyan, HIndi naman tayo matitiis nyan eh"  mindset.. once na plant sa utak nila yan buwan buwanin ka nyan mga yan, akala mo pensyonado. (hindi lahat ng tao ganun ah?)

Sa akin pag tutulong ako, tinatanong ko muna. Bakit? Para saan? "Pang gatas anak ko, bayad sa maid, bayad sa renta..." Blah blah. Ang gawain ko ano bang gatas at diaper ng anak mo, magkano ba renta mo, magkano sahod ng maid mo., tulungan ko pero oobligahin ko mag bayad kahit sakin talaga Okay lang kahit hindi na bayaran. bakit mo kailangan obligahin? Edi para matuto. Baka sakaling isipin niya na "ay itatabi ko tong parte ng sahod ko na to pang hulog sa utang ko kay ate"

Lesson: nakatulong ka ng bongga. Makaraos ang isang buwan niya o dalawa na less gastusin pero naturuan mo pa maging responsable.

Pag hindi nag bayad, nasayo kung tutulong ka ulit next month o tatangi ka na. :)

3. Limitation. May uutang sayo o sa kanyang side. Dapat may certain amount lang kayo na kayang ipautang. Kasi once nag secret siya kunware pinautang niya kapatid niya 100k e ndi nag bayad badtrip na yan, bad vibes na agad, lamat na at chismisan na.

For example lang un tatay ng asawa ko pinautang un may ari ng sikat na school dto 50M noon hindi alam ng nanay niya ayun forever naging away. Kung malaki na un halaga na yan ngayon what more noon. Ang ending hindi na nagbayad ang hinayupak.

So kami ang limitation namin 10k lang pag hindi naman todo nangangailangan.

Ngayon nasa apartment nakabukod. Yes nag rerenta pero mas nakaka tipid ako at mas nakaka galaw kasi hindi namin kailangan makisama sa kahit anong side ng pamilya.

At naniniwala ako mas more ang intrega ng income ng lalaki kesa sa babae, eh siya nga ang major provider dapat talaga eh. :) hehe ;)

nicola_juliano

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #245 on: October 21, 2014, 10:48:00 am »
Getting married soon and this thread is very helpful. Wala pa kami usap about money matters but we will talk about it soon after we get married. We're both working. In my mind, ayaw ko magleave sa work. Gusto ko I have my own money because natuto ako sa case ng mom ko. Let me give you a short story. When my mom and dad are bf-gf, they have both work. When they got married, mom stops working and dad provides. However, mom can't buy things on her own because dad limits the money. We lived OK.  Mom budgets everything my dad provides. When mom wants to buy something, dad always says no. Dad also keep what he had. When dad arrives here, he bought this and that using his savings and mom's savings. Mom doesn't have her own money again and paulit ulit lang ito hanggang sa tumanda na sila. Dad stops working. Mom doesn't have anything. Dad has money pero hindi na ganun kalaki. Mom told me that when I get married, dapat may work pa din. Para may sariling pera. If you want to buy something, no need for his permission. Kadalasan daw kasi, ang PERA MO PERA ko doesn't work sa mag-asawa (hindi nya nilalahat ha). She just give her experience an example to me.....

prettygretchen

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #246 on: October 21, 2014, 11:01:39 am »
Aw tumanda na siya, wala man lang nabiling something for her. Sad naman. Now I feel so blessed to have a husband who provides, who spoils me and my son, who gives every penny he has to me. My job is to budget everything and if i want to spend some GO AHEAD lang ang sabi niya.

True ladies should learn how to earn money talaga lalo na pag work at home moms. Iba ang may sariling pera.

appleberrycream

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #247 on: October 29, 2014, 12:33:51 am »
Lahat ng sweldo ng hubby ko binibigay nya sakin then ako nag bu-budget and binibigyan ko lang din sya allowance. May supplementary din ako sa card nya hehe! I think dapat talaga bilang babae ikaw humawak lahat para controlled mo. Parang mahirap kase pag kanya-kanya.

FayeP

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #248 on: October 29, 2014, 08:29:05 am »
when we got married parehas kami may work but since mas malaki un sahod ko, most of the bills ako nagbabayad, sa tubig lang cya, tapos ako naghahawak ng money namin...


ngayon wala na cya work since cya un stay at home parent, un pambudget namin like grocery at pamalengke araw araw cya naghahawak...pero ako pa din taga bayad ng bills....

princessyuri

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #249 on: November 03, 2014, 03:33:33 pm »
Hubby ko when he heard me and my dad talking kung how much binibigay ng brother ko sa wife niya, sabi niya hindi daw niya maintindihan kung bakit kailangang magremit ng pera ang lalaki sa wife niya kasi ang nagreremit lang daw ay iyong may bisyo. Nagtinginan na lang kami ng dad ko.  ;D

FayeP

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #250 on: November 05, 2014, 01:41:38 pm »
nabasa ko sa post ni sis quinone, na may mga taong nagwowork para magbayad ng utang, tapos uutang ulit para sa panggastos, bills etc...un friend ko sadly ganito na naging siste ng life nila eversince maging 2 un anak nila...ngayon 4 na un anak nila at nag babarko pa un hubby nya pero un sahod nilang 2 napupunta lahat sa utang....kagaya ng friend ko she's earning mga 23K monthly na net, so mga less 12K per cut off...eh kada payday may 2 loans cya na binabayaran sa lending sa office, bale 2 katawan nya sa lending na un...tapos may loan pa cya sa sterling bank na 3K monthly...tapos bayad pa cya sa CC nya kasi max out nya lagi...2 anak nya nag aaral na sa private school although mababa lang tuition...

nag aabroad pa un asawa nya ng lagay na un pero kada sahod nya or padala ng asawa nya, kinabukasan naghahanap na agad cya ng maloloanan....hay ang hirap...ilang beses ko na pinayuhan pero wa epek!

donzski_doinks

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #251 on: November 06, 2014, 10:40:30 pm »
medyo mahigpit ako sa pera sa totoo lang. sahod ni hubby, hanggang sa kahuli-hulihang sentimo, kinukuha ko. i only give him enough money for his food and gasoline. sabi nga ng tatay ko, pag nakasagasa daw ng kamatis sa palengke asawa ko e walang maipambabayad. hehe.

funky f

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #252 on: November 21, 2014, 07:21:26 pm »
Sis fayep, kastress mabuhay ng ganun. Ano ginagastusan ng friend mo? Yung expenses ng family talaga or luho? Are they living beyond their.means?

Girltalker2

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #253 on: November 29, 2014, 01:21:36 pm »
medyo mahigpit ako sa pera sa totoo lang. sahod ni hubby, hanggang sa kahuli-hulihang sentimo, kinukuha ko. i only give him enough money for his food and gasoline. sabi nga ng tatay ko, pag nakasagasa daw ng kamatis sa palengke asawa ko e walang maipambabayad. hehe.

sis, you're so lucky mabait asawa mo. May officemate din ako ganyan dati, pero parang dyahe lang nga for him kasi wife nya housewife, mahigpit sa pera, so pag nagkakayayaan, either magpapalibre nalang sya or dala nya ang baon nya kasi kulang yung "allowance" na binigay ng wife nya, or minsan kinakapalan nalang nya ang mukha nya na kung nagbayad na ng share yung lahat, kukunin nya para yung butal nalang ng bill ang babayaran nya.




Sobrang worried ako dito. Kasi nabanggit sa akin ni BF or napagusapan namin na he will ask me to resign if i had to. Gusto ko na ayoko. Gusto ko para mas maasikaso ko sya. Ayoko kasi wala akong sariling income. Paano ko mabibili mga gusto ko kung wala ako income? I dont think he will cover for my personal expenses. Hindi naman ako maluho pero mas gusto ko may sarili akong pera na pwede kong gastusin o waldasin whenever i want.

I think magBF/GF palang naman kayo so you can still talk about it.  I am sure your concern is very valid, at reasonable naman BF mo to understand, kung may "luho" kang gusto, ayaw mo umasa sa kanya.

You can always be a working mom/wife while taking care of your hubby.  Nasa sa scheduling lang yun at prioritization. But it is never easy especially if your man does not in any way help around the house.






super bratinella

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #254 on: December 03, 2014, 08:50:32 pm »
Hubby handles our finances, I do the budgeting then hubby pay the bills..

j.adore

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #255 on: December 04, 2014, 11:59:16 am »
That's the number 1 advice from my mom. Don't give up source of income when married or even after having kids.

1. Dapat may fall back if something happens to the husband or his source of income.
Mahirap na ang buhay ngayon. Kahit mga mayayaman nagkakacrisis din.

2. Guilt free shopping
Di kailangan magpigil o mahiya humingi pag may gusto para sa sarili.

3. Iwas sumbatan
Para wala na chance na masali pa ito pag nagaway.

4. Iwas power trip
Yes, meron cases na feeling nila sila dapat masunod dahil sila nagpakain sa pamilya.

5. Sayang ang skill, pinagaralan o trabaho/business ng babae
Sayang din ang tuition hehe.

6. No room for growth/learning about anything else aside from household or raising a family
Pwera na lang kung type ng babae magself learn? Kaso walang application.

damsel.in.distress

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #256 on: December 04, 2014, 03:15:55 pm »
I recently got married. May anak na kami na 6y/o and si hubby lang nagwowork. He gave me his card and ako na bahala sa pera. Anyway, i am an accountancy graduate. Yung kay sis j.adore na post, tama yun. Maigi yung may fallback. Kaso we decided na wag ako magwork, kasi gusto namin tutukan yung pagaaral ng anak namin and ayoko talaga magwork. Mababaw na ko pero ayoko talaga bumyahe everyday. Hahaha! And mas gusto ko talaga ang magbusiness. Mahirap din naman ang maging SAHM. :p

Anyway. To answer the question. Sweldo ni hubby is sakin napupunta. Ako na bahala magbudget. Then yung weekly tip nya, aside from his weekly allowance, yun na yung pera nya. :)


manhattanite

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #257 on: December 04, 2014, 04:04:27 pm »
Same with sis j.adore, yan din kabilin-bilinan ng mom ko when we got married.  I cannot imagine not having my own money and just relying on my husband.  Lalo na pagdating sa pang-shopping and ibang stuff na personal, hindi ko yata kayang ire-regulate ako kaya kahit anong mangyari I will keep working and earn my own keep.  Sa panahon ngayon, kelangan ang babae financially independent and can stand on her own.

mikaela325

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #258 on: June 13, 2015, 03:39:59 am »
Kami ni hubby we do what both our parents did. 100% si wife naghahandle ng budget. Works for us. :)

skela96c

  • Guest
Re: Money Set Up When Married
« Reply #259 on: June 14, 2015, 10:31:01 am »
At the moment, we only pool money for the bills and joint savings. The rest of our individual salaries, we get to keep. I also give to my mom and have my own savings. Ganon din sya.  Mutual decision yun na napag usapan namin way before we got married.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close