Warning: long read

Hi, married for 3 years now this october 2014. For almost 2 years, sa mommy ko kami nakitira ng asawa ko pati 10years old kong anak, the money set up is half kami ng payment ng sister ko. Half sa kuryente, half sa maid. Cable at internet bayad ko. Bale nung andun ako sa mom ko ang tao sa bahay is 7-mom,dad,sis ko, asawa ko, ako, anak ko, at yun maid. Plus my 3 doggies.
Ang grocery almost kami lahat ng asawa ko ang sumasagot. well siya lumaki sa may kaya na pamilya kaya
[textspeak!] asa ng asa ang peg. So medyo madami ang pinapakain ko dba sa araw araw, kasi un ate ko hindi mo maaasahan mag grocery ng kakainin niya yan. Kahit sa callcenter siya at once a day kumain e ang trip karne no rice ang peg so ang bilis maubos ng meat db? Isa aa isyu yan. Heto i was 27years old back then magkano lang income ko db.
Basta may point na ang dami niya sinabi sa gastusin sa bahay eh hindi naman aabot ng 5k yun ambag niya sa bahay well hindi ako aware kung nag aabot siya sa nanay ko ah. Pero yan ang alam ko. Ang isyu naman sa nanay ko hindi nagluluto so ang tendency ako taga bahala kasi wala naman pakielam yun samin kundi sa anak niya lang lalaki siya ng sisilbi ng todo todo. (Favoritism)
So para sa mga makikitira or isasama ang MIL o kahit sino sa extended family heto lang ang advise ko NEVER TOLERATE WHAT YOU CANNOT CHANGE.
1. Marriage. Once married pati ang income united na yan. dapat alam ang in & outs sa both parties. No secrecy. At pagusapan talaga pag dating sa budget department.
2 Firm boundaries. Importante ito dapat kahit alam ng kamag anak niyo na OK ang income niyo mag asawa, hindi excuse yun para lagi sila nakasahod na magkaron sila ng "BAHALA NA SI ano dyan, HIndi naman tayo matitiis nyan eh" mindset.. once na plant sa utak nila yan buwan buwanin ka nyan mga yan, akala mo pensyonado. (hindi lahat ng tao ganun ah?)
Sa akin pag tutulong ako, tinatanong ko muna. Bakit? Para saan? "Pang gatas anak ko, bayad sa maid, bayad sa renta..." Blah blah. Ang gawain ko ano bang gatas at diaper ng anak mo, magkano ba renta mo, magkano sahod ng maid mo., tulungan ko pero oobligahin ko mag bayad kahit sakin talaga Okay lang kahit hindi na bayaran. bakit mo kailangan obligahin? Edi para matuto. Baka sakaling isipin niya na "ay itatabi ko tong parte ng sahod ko na to pang hulog sa utang ko kay ate"
Lesson: nakatulong ka ng bongga. Makaraos ang isang buwan niya o dalawa na less gastusin pero naturuan mo pa maging responsable.
Pag hindi nag bayad, nasayo kung tutulong ka ulit next month o tatangi ka na.

3. Limitation. May uutang sayo o sa kanyang side. Dapat may certain amount lang kayo na kayang ipautang. Kasi once nag secret siya kunware pinautang niya kapatid niya 100k e ndi nag bayad badtrip na yan, bad vibes na agad, lamat na at chismisan na.
For example lang un tatay ng asawa ko pinautang un may ari ng sikat na school dto 50M noon hindi alam ng nanay niya ayun forever naging away. Kung malaki na un halaga na yan ngayon what more noon. Ang ending hindi na nagbayad ang hinayupak.
So kami ang limitation namin 10k lang pag hindi naman todo nangangailangan.
Ngayon nasa apartment nakabukod. Yes nag rerenta pero mas nakaka tipid ako at mas nakaka galaw kasi hindi namin kailangan makisama sa kahit anong side ng pamilya.
At naniniwala ako mas more ang intrega ng income ng lalaki kesa sa babae, eh siya nga ang major provider dapat talaga eh.

hehe
