Almost 2 years na kami married, baby namin more than 2 years na. Quite parang lived in kami dati. Hindi ko ala, bakit hindi namin napag usapan ang money, nahihiya siguro ako or di ko alam how to open or bakit hindi nagka chance pag-usapan bago kami ikasal. Wala akong work for almost 2 years non. Pero kung ano anong sideline ko para magkaroon ng komnting kita. Nagkakaroon namin kahit paano, pag meron ako, binibili ko for baby. Sobrang liit lang ng sweldo ni hubby non and sya ang may hawak non, sobrang bihira lang ako humingi at kung hihingi baka nasa 100 lang. Madalas kinakapos kami kaya humihingi kami sa parents namin ng pambili ng needs ni baby. Nung nagwowork pa si hubby, basta hawak lang nya pera nya and I dont ask him saan nya gastos.
Nagka work ako, kanya kanya parin ng gastos, parang bili ng needs kung sinong bibili. Basta magulo. Kaya hindi na ta-track ng maayos money nya, money ko, expenses namin. Kanya Kanyang bili kung baga at kung sino ang bibili sa isang pagkakataon, sya. So sabi ko, this is not rigth. Dapat may harmony kami sa money. So ngayon, i asked hubby paano ba usapan sa money, hindi naman sya yung direct na ganito ganyan. Saka sa totoo lang ako ang matipid sa sariling expense kasi sya lagi car and sometimes eat sa labas ako commute lang and buy lang sa carinderia pero quits lang din kasi yung iba ko pinambibili ko ng mga pampa beauty. haha!
anyway ayon, ngayon ang ginawa ko inu-unti unti ko. Alam ko na magkano ang money ni hubby, based lang sa alm kong sweldo at commision nya kung meron sinasabi naman nya sakin although hindi super excact. So what I'm starting to do, lahat ng expense nililista ko, gastos ko man o gastos nya, para alam ko saan nya dala money nya, and ako rin namo-monitor ko gastos ko. Pero kanya kanya parin kami ng hawak na money. Tapos sabi nya mag open daw sya ng new account kasi payroll lang yung ATM nya. Ako din ganon. Tas I told him na mag open pa kami ng joint naman. Pumayag naman sya. So andito palang kami sa stage na to.
Questions.
Magulo parin yung sa expense, kasi walang matinong usapan kung sino sa ganito at ganito, eh diba hawak pa namin kanya kanya pera. Madalas ako ang gastos now ng mga gamit ni baby bukod sa milk and diaper sya, kasi hindi naman nya masyado napapansin yung like sa dental, wala ng pajama si baby, toothbrush mga ganong bagay ako lahat. Nauubos ang money ko, so nanghihingi ako kay hubby ng allowance papasok ng work.
Paano ko ba sasabihin at paano ba ang gagawin namin para alam yung expense sa ganito, ganyan.
Then sa savings, since mag oopen kami ng joint account, how much ba or kaylangan ba is equal kami ng ihuhulog kahit na kunwari mas malaki yung sahod nya?
Malapit na mag-aral si baby, in less than a year siguro and plan narin namin bumukod, paano ba ang pag se-save for this? kukunin ba namin sa joint account or may iba pa?
paano i-open kay hubby? mahina kasi ako pag dating sa confrontation eh. hehe.
Thank You!