watch now

Author Topic: Family feels entitled to everything I own and then some more.  (Read 8054 times)

rara_avis

  • Guest
Family feels entitled to everything I own and then some more.
« on: November 03, 2012, 10:25:40 pm »
Hello Sisters.

Brief background before I unload. I posted my problem about my family before. More than a year ago, nag-away kami ng parents ko pati Sister ko damay kasi they want me to give them Sustento even though very capable pa ang Dad ko to provide for my Mom and also my Dad wanted to use my Pag-Ibig membership to buy a house pero di ako pumayag. After a year of not communicating with them, somehow naayos ang gusot and now nagsisimula ulit ako na magkaron ng relationship with them. So eto naman ang mga problema ko sa kanila ngayon:

1. When I went back to Pinas to give birth, they stayed at our house during weekends. So I provided everything for them, kung anong gusto nilang food sige lang go papabili ako sa maid. Kung nagyaya Sister ko manood ng sine libre ko siya lagi --- these things are okay with me but ang issue lang is when they visit, they demand that I give them pamasahe all the time eh hindi naman ako ang nagsasabi na puntahan nila ako every weekend. They sleep at my room when they visit and then use my soap, towel,  and even my deodorant when they take a bath! Okay lang sana kung mga face creams etc. kaso deodorant? Oh my God!!! Kahit na blood related kami there is no reason to share these things with them. Husband and I don't even share a towel nga tapos sila parang its the most normal thing in the world. Eto ginagawa nila ng walang pasabi ha, parang they are entitled to do that and wala akong karapatang mag-complain. I try to tell them ng pabiro pero deadma pa din sila.


2. Overseas-based kami ni Hubby and because madami pa kami kailangan asikasuhin bago namin kunin si Baby, we needed to leave my Baby sa Pinas until December. So ang original plan is to leave my baby sa family ng Husband ko then dadalawin na lang ng family ko over the weekends. So last minute nagbago kasi nagtampo ang Nanay ko at bakit daw hindi sila bigyan ng chance makasama ang baby ko tutal matagal na naman nila hindi makakasama. So since ayaw ko na magka-issue eh pumayag na ako magpalitan ng pag aalaga so weekly ang palitan nila. Now ang problem is I am doubting my own decision... hindi ako comfortable na matagal na nasa side ng family ko si baby kahit kasama ang yaya. I do not trust my own Mother's judgement. Mas tiwala talaga ako pag si MIL ang nag-aasikaso kasi sa bahay ng mama ko pag sa umaga nasa trabaho lahat ng tao. Eh napaparanoid ako dahil sa dami ng balita na kinikidnap na baby! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kasi nakikita ko naman na mahal na mahal ng family ko si baby at ayaw ko naman sya ipagkait sa kanila... Tapos sinisingil pa ako sa pag-stay ng yaya ko sa bahay -- hindi naman sana to issue kasi talaga namang magbibigay ako pero ang awkward lang na sasabihan ka ng ganon eh sila naman nagpilit na dun mag-stay si baby. Si Hubby naman I know hindi rin sya comfortable sa arrangement pero he lets me decide kasi side of my family yun.

3. My Sister often tells me to give her cash or buy her this or that. Yung way na pagsasabi nya eh pabiro pero alam ko nag-aantay lang yun na UMOO ako. Naiinis na kasi ako pag nagsasabi siya ng ganon tapos sobrang iniiwasan ko ng barahin sya kasi magagalit na naman. Tapos nagpaparinig sa akin minsan sa mga social networking sites na kesyo ang galing ko daw sa iba. I know the "iba" she is referring to is my in laws. Napapansin siguro nya na I am very attentive to their needs pag nasa bahay sila. Ang akin lang kahit na I can afford to give in to her luho eh ayokong masanay sya sa hingi at I want her to learn to stand on her own just like what I did.

4. Pag-alis namin ng Pinas yung bahay ibibilin namin sa in laws ko pero hindi nila pwedeng tirhan. Yung nanay ko nagpaparamdam na gusto nya tumira dun pero lagi kong sinasabi na walang pwedeng tumira dun kahit kaninong side. Nung nalaman na in laws ko ang pupunta sa bahay para linisan ang bahay aba gusto din na bigyan ko siya ng susi! Eh ang nanay ko may tendency yan magyabang so alam ko pag may susi sya sa bahay eh mag-iimbita ng kung sino sinong kaibigan. Ayaw na ayaw ko pa naman na may hindi immediate family na matutulog sa bahay.

I admit, I treat my in laws better than my own family not because I want to please them... but because they treat me so much better din. Wala talaga ako ma-say sa kanila na masama. Yung IN LAWS ko nga nung wala pa kami sa pinas sila ang nag-asikaso ng bahay namin, sila nakipag-sigawan sa developer para ma turn over na yung bahay bago ako umuwi ng pinas, sila naghanap ng contractor, sila naglakad ng cable, internet, meralco, etc., nag-abono pa sila sa pagpapagawa kasi medyo nag overbudget kami sa home improvement pero pag nasa bahay namin sila, ang asta nila parang bisita lang. Yung MIL ko nga nung sinasamahan ako sa bahay nung buntis pa ako, kahit anong pilit ko na sa masters  bathroom na maligo, ayaw talaga! Umaakyat pa ng 3rd floor para lang mag-CR!

Akala ko dahil medyo matagal kami nagka-galit eh mawawala na yung ugali nila na palahingi pero hindi pala! Haayyyy. Ayan so masyado ng napahaba ang kwento ko. Honestly, if not for my baby, I would not hesitate to burn bridges kasi masyado na talaga silang madaming naidulot sa akin na stress at sama ng loob over the years.
« Last Edit: November 03, 2012, 10:29:02 pm by rara_avis »

agape

  • Guest
Re: Family feels entitled to everything I own and then some more.
« Reply #1 on: November 04, 2012, 02:57:36 pm »
Mahirap talaga to deal with people who have a big sense of entitlement to everything.
Lahat nagiging obligation mo. I usually do ignore, deadma, etc. Mahirap na kasi na merong sagutan or arguments e. Or iwas talaga, to avoid the situation na lang.
You can also try to make arrangements/agreements with your family, what would make them content and happy, tell them what you can give and cannot/will not/should not give, just because....
You can explain to them the cause and effect of what they are doing, just give them options, what if ganito, e di ganyan, tapos ganun na lang, blah-blah.

airish_2

  • Guest
Re: Family feels entitled to everything I own and then some more.
« Reply #2 on: November 04, 2012, 03:23:50 pm »
ang hirap nyan ikaw lang din talaga makakayos nyan like ikaw gagawa ng rules na dapat maintindihan nila bakit di mo bibigay yung susi ng bahay o ipapaalagan yung baby mo ng matagal sa kanila.

gab54

  • Guest
Re: Family feels entitled to everything I own and then some more.
« Reply #3 on: November 04, 2012, 03:52:21 pm »
In my case, ako rin ang mas naka aangat sa buhay, kaya tinutulungan ko my family. Pero give & take kami, they help me as I help them...
My dad died na years ago, my mom now lives with me. I give her 15k every month, but she takes care of my home, she supervises the maids/yaya, she does the groceries/marketing for me, she cooks delicious meals, she does the hatid/sundo to my kids everyday, in short, sobrang worry free ako sa home ko bec of my mom. She never asked din for monthly salary, ako ang nagkukusang magbigay, at first wala, tumutulong lang siya na walang allowance, then when my business start earning, i gave her 5k, then 10k, then 15k. every Christmas, i give her 150k pa as bonus. I love giving her bec she never demands, in fact lagi siyang tumatanggi pero ako ang mapilit. In fact, I can see sa bank account niya, umabot na sa more than 2million ang savings niya coz hindi rin naman niya ginagastos ang mga binibigay ko. Kung gagastos siya ay bibili siya ng gifts sa mga anak ko...
My sis naman work in IT, receiving 100k salary as manager. When I needed help in my growing biz, she resigned and settled for a lower salary 70k to work for me. Happy naman siya coz she believes hindi ko siya papabayaan. bec of that I give her bonus every Christmas, 1st year 100k, 2nd year 300k, 3rd year 500k, 4th year 700k. Also, sa isang new biz ko, I gave her 20% share pero siya lahat ngtrabaho/set up, ako financer lang.
My brother naman is still studying sa college, I give him 250/day allowance. In return, he helps out sa office 3x a week half day. Pag Summer vacation fulltime, same allowance. Every Christmas i also give him bonus, 1st year 10k, 2nd year 30k, 3rd year 50k.
Sa haba ng kwento ko, my point is masarap tumulong sa kapamilya, lalo na kung hindi sila humuhingi, nagdedemand, umaabuso. Masarap din mag share ng blessing sa mga kapamilya dahil sabay sabay kaming umaasenso. Sila naman in return, dahil grateful sa blessing, they work very hard para tulungan ako sa biz. Iba ang loyalty/dedication/trustworthiness nila compared sa iba.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Family feels entitled to everything I own and then some more.
« Reply #4 on: November 04, 2012, 05:01:57 pm »
Aabuso lang kung papayagan na abusihin like hindi na lang kikibo madalas hindi naman sila manhid may mga tao lang talaga abusado at walang pakialam sa dami napapanuod sa tv na parang un mga anak ang may obligasyon sa family mali un may iba kasi kaya nag aanak ng marami para someday may mag work para sa kanila sa totoo lang obligasyon ng magulang na pag-aralin, alagaan at palakihin mga anak sa atin lang namn applicable un kapaga hindi nakatulong wala na agad utang na loob which hindi naman true un..Kakaiba kasi culture natin..

gab54

  • Guest
Re: Family feels entitled to everything I own and then some more.
« Reply #5 on: November 04, 2012, 05:33:21 pm »
i agree, pag abuso na at demanding, ako din ma tu-turn off mag give. lalo na if hindi lang needs, pati wants gusto sayo manggaling... i think yun ang problem sa maraming filipino families, umaasa sa isang OFW or breadwinner, the rest hindi na nag strive sa buhay. Pag may isang umasenso, parang obligation niyang bigyan ang lahat ng kapamilya. I dont think it's right or fair...

rianne_mallows

  • Guest
Re: Family feels entitled to everything I own and then some more.
« Reply #6 on: November 04, 2012, 07:32:09 pm »

1. since hindi kaya na pabiro and since panget naman na ito pa pagsimulan ng away, itago mo na lang.. bago pa man mag-weekends, itago mo na lahat ng ayaw mo pagamit. if may attic/storage/bodega ka dun mo ilagay tapos lock mo

better yet umalis ka mag-isa, o kaya punta ka sa IL's mo. siguro naman hindi ka na masundan dun

 
Quote
nagbago kasi nagtampo ang Nanay ko at bakit daw hindi sila bigyan ng chance makasama ang baby ko tutal matagal na naman nila hindi makakasama. So since ayaw ko na magka-issue eh pumayag na ako magpalitan ng pag aalaga so weekly ang palitan nila.

bad move.. mahahawakan ka nila sa leeg. kahit ano hingin niyan si baby mo idadahilan para hindi ka makatanggi

Quote
Now ang problem is I am doubting my own decision...

i do not doubt your decision.. but i do see na CONVICTION ang kulang sa iyo.
kasi NABAGO agad desisyon mo konting drama lang

Quote
hindi ako comfortable na matagal na nasa side ng family ko si baby kahit kasama ang yaya. I do not trust my own Mother's judgement. Mas tiwala talaga ako pag si MIL ang nag-aasikaso kasi sa bahay ng mama ko pag sa umaga nasa trabaho lahat ng tao.

ito ang problema, dahil wala kang conviction sa decision ninyo na dapat sa IL's na lang si baby, ayan, si baby nasacrifice.. how trustworthy is the yaya ba? if -knock on wood- magka-emergency
si yaya and baby lang? may pera ba si yaya pangdeposit sa hospital? ano yun? nganga na lang si baby kasi walang ibang tao sa house?


Quote
Eh napaparanoid ako dahil sa dami ng balita na kinikidnap na baby! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kasi nakikita ko naman na mahal na mahal ng family ko si baby at ayaw ko naman sya ipagkait sa kanila...


oh, aware ka naman pala sa mga nangyayari sa babies, ni-risk mo pa? ikaw din, anak mo iyan, bahala ka, walang sisihan.

mahal na mahal? nyeks, ok fine, pero nanay ka na girl. dapat priority mo SAFETY and WELL BEING ng anak mo bago pagsisintir ng angkan mo.

Quote
Tapos sinisingil pa ako sa pag-stay ng yaya ko sa bahay -- hindi naman sana to issue kasi talaga namang magbibigay ako pero ang awkward lang na sasabihan ka ng ganon eh sila naman nagpilit na dun mag-stay si baby. Si Hubby naman I know hindi rin sya comfortable sa arrangement pero he lets me decide kasi side of my family yun.

pamasahe nga kapag dinadalaw ka sinisingil eh nagtaka ka pa. ;D
ok, well, you can use this ...
pwede mo sabihin na dun muna si baby sa IL"s na kasi nagtitipid ka.. KUMUHA ka na kasi ng educational plan ng anak mo etc etc at nagumpisa na ang payment..
take note, kunyari nagbabayad ka na so may pinupuntahan na yung pera mo..
diskartehan mo na lang
sabihin mo sa side ng IL's mo makakatipid kayo ni HUBBY mo.. at sabihin mo yun din gusto ng asawa mo. syempre inform mo na din asawa mo beforehhand para join force kayo


3. deadma.. ok lang naman paminsan minsan diba? pero since nagrereklamo ka na, ibig sabihin, sobra na ang mga hingi niya. so deadma.. change the topic kapaginuungkat niya yung mga hingi hingi..

4. dont you ever do that.. baka pag-uwi niyo ng bahay nanjan na lahat ng gamit niya..  kapag pinaalis mo, ikaw pa masama.. so avoid the worst case scenario... wag mo bigyan ng susi.
mahiya ka sa asawa mo girl.. baka nananahimik lang iyan for your sake pero asar na din sa family mo


--  do not feel guilty na OK ka sa IL's mo.. eh sa mabait eh.. they get what they deserve.. same goes with your family... dont feel guilty..
parang alchemy lang - law of equivalent exchange-  ;)


ika nga, you cant teach old dogs new tricks..
ugali na iyan eh


so tama iyan na nanjan kayo sa malayo.. as much as possible kapag nakuha niyo na si baby huwag ka na magparamam kung hindi lang din naman kailangan



anyway, these are just my POVs
stay well.. god bless

aquacharly

  • Guest
Re: Family feels entitled to everything I own and then some more.
« Reply #7 on: November 04, 2012, 11:48:06 pm »
RATA AVIS, you are a Big Girl now who must face The Truth & decide what is best for you, hubby & your baby.  Most important, you are a Big Girl now who must ACT. 

Per your cuentos, you see your parents & sister as abusado, needy,  user-friendly people.  There's The Truth.
Pero, hilaw ang ACTing mo.  You let them bully you into giving in, though you know they  know your acquiescence/giving-in to their demands/whining is against your wishes.   
Why are you afraid of them?????

Face your fears, The Truth will set you free.


agape

  • Guest
Re: Family feels entitled to everything I own and then some more.
« Reply #8 on: November 05, 2012, 12:56:54 am »
@gab54

inspiring ang story mo, i wish i can do that, too. sana ma-plan out ko everything. what's your biz pala? kahit sa PM nlng po. TIA.

agape

  • Guest
Re: Family feels entitled to everything I own and then some more.
« Reply #9 on: November 05, 2012, 01:00:10 am »
It's better/easier and more fulfilling to help those who help themselves, and not those who are just parasites. Mahirap pero you can teach them to stand on their own feet, and matuto rin magtiis and sacrifice for other things, no pain no gain. Kaso sa case mo, sayo pain sa kanila ang gain.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Family feels entitled to everything I own and then some more.
« Reply #10 on: November 05, 2012, 07:33:02 pm »
Yes... Agree ako kay sis agape

Sabi nga ang taong gusto mo talagang tulungan turuan mangisda hindi bigyan ng huling isda...

gil12

  • Guest
Re: Family feels entitled to everything I own and then some more.
« Reply #11 on: November 06, 2012, 06:15:38 pm »
tsk.. grabe naman family mo kung umasta parang wala kayong naging issue before.. na-resolve or may closure ba yun issues before o nadala na lang ng panahon kaya nagka-ayos kayo?

1. everytime andyan sila sa house niyo i-lock mo masters bedroom, syempre yun na lang nga lugar sa bahay niyo na may privacy ka.

2. kung ako sayo iwan mo na lang sa MIL mo si baby. baka maging dahilan pa baby mo para gatasan ka ng parents mo.

3. how old is your sister? kung ako sayo ipa-mukha mo sa kanya na you work hard to earn money. sensya na ah pero abusado yang kapatid mo.

4. WAG kang papayag na magkaron ng susi family or parents mo sa bahay niyo. malamang titirhan nila talaga yan. dba nga dati gusto gamitin ng father mo pag-ibig mo to buy a house? make an excuse na ayaw ni hubby mong may tumira dun or na masmalaki gastos ni hubby sa pagbili or paggawa ng bahay para mahiya naman yang magulang mo.

ikaw mismo nakakakilala sa pamilya mo, sa mga magulang mo kaya kapag alangan ka wag mo gawin. ganto lang yun, if your family means well hindi dapat sumama loob nila sayo. kaya nga ako I will never talk to my parents about money, properties at kung ano-ano pang may kinalaman sa pera. bakit? kasi kilala ko sila, when I was at my lowest they were NEVER there for me. naging visible lang sila nun medyo guminhawa na buhay ko, and na-sense kong ang magaling kong nanay gusto ng umuwi ng Pinas dahil gusto niya atang alagaan o akuin ko siya. never!!

zidane

  • Guest
Re: Family feels entitled to everything I own and then some more.
« Reply #12 on: November 07, 2012, 09:20:11 am »
ako whenever my family is over demanding na.. i will say, "No", then say, "gusto niyo bang pag-awayan pa namin mag asawa yan?".. pag ganon titigil na family ko...

agape

  • Guest
Re: Family feels entitled to everything I own and then some more.
« Reply #13 on: November 07, 2012, 12:12:29 pm »
i agree with amethyst028, sometimes the only way to cope is learn how to DETACHED yourself, especially emotionally, parang apathetic ka na lang sa situation nila. Help in times of emergency, but not to the point of daily financial support including luxuries/conveniences.

evilwoman

  • Guest
Re: Family feels entitled to everything I own and then some more.
« Reply #14 on: November 07, 2012, 01:32:26 pm »
@rara_avis - maswerte ka pa sis at may option sa pagiiwanan ng baby mo. magkakaoption ka na maging detached sa family mo na ginawa kang gatasan. pag pinagtagal mo pa ang baby mo dyan, pati emotional attachment ng baby sa family mo, dagdag sa icconsider mo so paano ka pa makakawala? gusto mo din bang paglaki ng baby mo e mapickup nya ang di kagandahang ugali ng kaanak mo?im sure hindi. so for the sake of the child na din, sa in-laws mo na ipaalaga. gawin mo habang maaga pa. madaming pwede idahilan kung gusto mo talaga di ka na abusuhin.

agape

  • Guest
Re: Family feels entitled to everything I own and then some more.
« Reply #15 on: November 08, 2012, 01:23:45 am »
^i agree. Madalas din Kasi gamitin ang Bata to blackmail you.

Miss Charcoal

  • Guest
Re: Family feels entitled to everything I own and then some more.
« Reply #16 on: November 08, 2012, 03:07:00 pm »
Mas maganda siguro kausapin mo sila ng masinsinan tutal mga nasa edad na kayo.

Nagtataka lang ako kasi pano sila nasanay na ganun? At pareho pa sila ng sister mo.

nageinna

  • Guest
Re: Family feels entitled to everything I own and then some more.
« Reply #17 on: November 09, 2012, 01:34:34 pm »
mahirap kasi sitch ni TS kasi hindi lang siya kamag anak. immediate family na niya involve. even me siguro, kung manghingi sakin mga kapatid ko or parents ko mahihirapan din akong tumanggi. siguro TS, try mo nalang silang bigyan ng monthly allowance. say 10k or 20k, kung how much tingin mo na ok. then tell them yun lang mabibigay mo a month pang gastos nila bahala sila pagkasyahin. like what sis rianne_mallows said, diskartehan mo nalang, tell them kukuha ka ng educational plan for baby etc. tell them firmly na priority mo na rin now yung needs ni baby mo so yun lang mabibigay mo. then if you're not really comfortable na mag stay si baby matagal sa side mo, pwede mo sabihin na you chose to let the baby stay kay inlaws kasi sila na nag offer mag pay sa needs ni baby while nandito sa pinas si baby so laking tipid sayo. tama rin sabi nila, mas lalong magdedemand sayo your family if nandun si baby sakanila kasi syempre sasabihin nila gastos for baby. and knowing na hindi ka rin makakatiis, magbibigay ka for your baby, then for them. think about it nalang. as much as possible, dont burn bridges. kasi at the end of the day, they're still your family. ikaw lang din makakasolve niyan. good luck sis :)

daisy.battistella

  • Guest
Re: Family feels entitled to everything I own and then some more.
« Reply #18 on: November 16, 2012, 02:27:26 pm »
Nakaka relate ako kay sis rara_avis...my family feels lahat ng pag aari ng asawa ko, entitled sila...galit na galit nga sila sa akin kasi wala na akong napoprovide...pinapamukha na wala ako kwenta...worse pa niyan, in the past hiram sila ng hiram ng pera promise ng promise na di binabalik...ang sa akin lang is, kung pera ko yun, kahit lahat kunin nila...problem is pinapakain nga lang din ako ng FAMILY ng mister ko..not hearing anything from them kasi pareho kami wala work except sa ngayon nagpapaupa kami ng unit...yun lang ang natatanging source of income namin. Ngayon, sinusumbatan nila ako dahil siningil sila ni hubby via text to which di ko alam yun..react to the max ang party ko, wala daw respeto mister ko (FYI foreigner kasi asawa ko). Dumating sa point na sinabi sa akin ng nanay at kapatid ko na bayaran ko din lahat ng ginastos nila sa akin...kakaiyak...pero no reply ako otherwise lalo lang lalalala yung issue between them....eto ngayon, dahil sa issue sa pera na sinisingil ng asawa ko, sobrang sama ng loob nila sa akin and sa mister ko siyempre. to the point na tinext ako ng nanay ko...na sige atupagin ko nalang asawa ko and kalimutan na may magulang at mga kapatid pa ako.....ilang weeks ko pinag isipan, nagmumuni muni...pinipilit intindihin na galit lang si nanay sa asawa ko dahil may mali din s mister fom treating them rudely...ang sakit sakit kasi hindi lang limang beses na tinext niya ako ng ganun....mahal ko nanay ko...mahal ko pamilya ko...at sinsabi din niya mahal niya ko at mga apo niya...pero bakit nila ako ginaganito?

caprice

  • Guest
Re: Family feels entitled to everything I own and then some more.
« Reply #19 on: November 16, 2012, 03:11:05 pm »
^ sis, tama nanay mo. atupagin mo na lang asawa mo kasi sya at ang mga anak nyo ang priority mo ngayon. at kalimutan mo na nga rin sila kung ganyan rin lang ugali nila. sa sinabi ng nanay mo, parang pera lang habol nya sa yo. dahil hindi mo sila mabigyan ng pera at sinisingil sila ng asawa mo e magkalimutan na? ???

bakit nila nasabing walang respeto ang husband mo? dahil ba sa siningil sila? ininsulto ba sila? well, nasa position naman asawa mo dahil pera nya yun. at saka baka wala sa culture ng asawa mo uutang tapos hindi babayaran.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close