1. since hindi kaya na pabiro and since panget naman na ito pa pagsimulan ng away, itago mo na lang.. bago pa man mag-weekends, itago mo na lahat ng ayaw mo pagamit. if may attic/storage/bodega ka dun mo ilagay tapos lock mo
better yet umalis ka mag-isa, o kaya punta ka sa IL's mo. siguro naman hindi ka na masundan dun
nagbago kasi nagtampo ang Nanay ko at bakit daw hindi sila bigyan ng chance makasama ang baby ko tutal matagal na naman nila hindi makakasama. So since ayaw ko na magka-issue eh pumayag na ako magpalitan ng pag aalaga so weekly ang palitan nila.
bad move.. mahahawakan ka nila sa leeg. kahit ano hingin niyan si baby mo idadahilan para hindi ka makatanggi
Now ang problem is I am doubting my own decision...
i do not doubt your decision.. but i do see na CONVICTION ang kulang sa iyo.
kasi NABAGO agad desisyon mo konting drama lang
hindi ako comfortable na matagal na nasa side ng family ko si baby kahit kasama ang yaya. I do not trust my own Mother's judgement. Mas tiwala talaga ako pag si MIL ang nag-aasikaso kasi sa bahay ng mama ko pag sa umaga nasa trabaho lahat ng tao.
ito ang problema, dahil wala kang conviction sa decision ninyo na dapat sa IL's na lang si baby, ayan, si baby nasacrifice.. how trustworthy is the yaya ba? if -knock on wood- magka-emergency
si yaya and baby lang? may pera ba si yaya pangdeposit sa hospital? ano yun? nganga na lang si baby kasi walang ibang tao sa house?
Eh napaparanoid ako dahil sa dami ng balita na kinikidnap na baby! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kasi nakikita ko naman na mahal na mahal ng family ko si baby at ayaw ko naman sya ipagkait sa kanila...
oh, aware ka naman pala sa mga nangyayari sa babies, ni-risk mo pa? ikaw din, anak mo iyan, bahala ka, walang sisihan.
mahal na mahal? nyeks, ok fine, pero nanay ka na girl. dapat priority mo SAFETY and WELL BEING ng anak mo bago pagsisintir ng angkan mo.
Tapos sinisingil pa ako sa pag-stay ng yaya ko sa bahay -- hindi naman sana to issue kasi talaga namang magbibigay ako pero ang awkward lang na sasabihan ka ng ganon eh sila naman nagpilit na dun mag-stay si baby. Si Hubby naman I know hindi rin sya comfortable sa arrangement pero he lets me decide kasi side of my family yun.
pamasahe nga kapag dinadalaw ka sinisingil eh nagtaka ka pa.

ok, well, you can use this ...
pwede mo sabihin na dun muna si baby sa IL"s na kasi nagtitipid ka.. KUMUHA ka na kasi ng educational plan ng anak mo etc etc at nagumpisa na ang payment..
take note, kunyari nagbabayad ka na so may pinupuntahan na yung pera mo..
diskartehan mo na lang
sabihin mo sa side ng IL's mo makakatipid kayo ni HUBBY mo.. at sabihin mo yun din gusto ng asawa mo. syempre inform mo na din asawa mo beforehhand para join force kayo
3. deadma.. ok lang naman paminsan minsan diba? pero since nagrereklamo ka na, ibig sabihin, sobra na ang mga hingi niya. so deadma.. change the topic kapaginuungkat niya yung mga hingi hingi..
4. dont you ever do that.. baka pag-uwi niyo ng bahay nanjan na lahat ng gamit niya.. kapag pinaalis mo, ikaw pa masama.. so avoid the worst case scenario... wag mo bigyan ng susi.
mahiya ka sa asawa mo girl.. baka nananahimik lang iyan for your sake pero asar na din sa family mo
-- do not feel guilty na OK ka sa IL's mo.. eh sa mabait eh.. they get what they deserve.. same goes with your family... dont feel guilty..
parang alchemy lang - law of equivalent exchange-

ika nga, you cant teach old dogs new tricks..
ugali na iyan eh
so tama iyan na nanjan kayo sa malayo.. as much as possible kapag nakuha niyo na si baby huwag ka na magparamam kung hindi lang din naman kailangan
anyway, these are just my POVs
stay well.. god bless