watch now

Author Topic: Mom ko pamigay nang pamigay sa extended relatives  (Read 5955 times)

ayami

  • Guest
Mom ko pamigay nang pamigay sa extended relatives
« on: October 25, 2012, 06:28:18 pm »
Gusto ko lang din ishare ang frustration ko. Alam ko ok na tulungan ang extended family pero parang di ko natake yung support na ginagawa ng nanay ko. Kadamutan ko lang yata umiiral, haha. Sabi kasi niya, porket mas may future naman daw ako, hindi na siya gagastos para sakin at di na niya rin daw ako responsibilidad kasi 22 na ko at nag-asawa na ko. Take note na kakagraduate ko lang ng college (ay, kasalanan ko nga rin yon) pero rumaraket ako as online tutor at may financial support galing sa mas mayaman kong in-laws (okay, kaya ayaw na rin niya ko sigurong bigyan ng pera kasi may pera nga from in-laws). Tapos, yung naiwang pera ng namayapa kong tatay ang unti-unti niyang inuubos para ipangtuition, ipautang (na utang kalimutan), ibigay as tulong sa may sakit, etc. E feel ko naman din super umaasa na yung mga kamag-anak niya sa prubinsya. Lahat na sila text nang text "Auntie, kelangan namin ng pera blah blah" tapos gora na siya sa nearest remittance center.

Pero ang ikinasama lang ng loob ko dati kasi ilang sem din na di niya peg bayaran ang tuition ko (2 yata) tapos yung mother-in-law ko sumagot. 6 thou lang tuition ko sa UP pero yung pinsan kong sa STI at RTU nag-aaral keri naman niyang paaralin with monthly allowance pa e yung isa 20 thou mahigit ang tuition per sem, tapos yung isa nasa 13 thou ata. Sabi ko, unfair naman, kasi ako yung anak. Diba, charity begins at home? Sabi nung yaya ko nung bata ako na tumira na sa Korea kasi ang culture nila inuuna ang nuclear family kahit gano na ka-successful yung kids nila kesa sa extended relatives and mali naman daw yung ginawa ng mom ko (well, ganon na daw kasi pinapractice niya, minimal remittance sa kamag-anak sa Pinas). Alright wala tayo sa Korea kaya siguro ganon pero tingnan na lang natin yung mother-in-law ko na Pilipina naman, kami pa rin inuunang tulungan kesa sa iba niyang kamag-anak.

Nahihiya rin ako kay MIL kasi kuryente and some grocery baby stuff sagot niya with my personal allowance. E keribells din naman ng mom kong bayaran ang kuryente, pati matinong grocery (na 1500 per 2 weeks na lang budget niya para samin na 4 adults, de lata pa madalas ang ulam) tapos tipong 25 thou "pinautang" niya sa pinsan ko to go to Hong Kong for OFW work, at kahapon lang 5thou na para daw sa paospital nung asawa ng pinsan ko. tsaka yung isa ko pang pinsan na nanghingi ng pampuhunan  daw sa ManiPedi (na binilhan niya pa ng ManiPedi set) and hindi tumuloy super sayang. Ah, eto pa yung kapatid niya na magstart daw ng karinderya na di rin natuloy. Kasi naman minsan feeling ko lahat sila umaasa na sila sa financial support ng mom ko.

Pati yung stocks at pera ng father ko (feeling ko may share kasi ako dun kasi only child ako) kinakanya rin niya tapos unti-unting binebenta for financing the kamag-anaks. Siya kasi naghahandle nun,wala akong idea na may ganung klaseng ari-arian nung natsugi si father at linipat niya sa pangalan niya lahat. Ay, another issue pala ito sa mana. Sabagay, sapat nang pinapakain nya pa rin ako ng meals sa bahay.

aquacharly

  • Guest
Re: Mom ko pamigay nang pamigay sa extended relatives
« Reply #1 on: October 25, 2012, 07:31:09 pm »
Your mom, if she is the legal wife AND you are the ONLY CHILD (legitimate & illegitimate) of your father -- she gets  75%  of  everything she &/or your father own: 
               50% of everything as the surviving spouse
      Plus.  The equivalent share of 1 legitimate child in the remaining 50%.    (como 1 child ka Lang, the 2 of you split the 50% balance)

If your father's name is on  the accounts or properties  -- madali mo ma establish claim mo.
Once the bank knows your father died,   they will freeze the accounts &  require a duly notarized Extrajudicial Settlement & BIR receipts for payment of the death taxes per property & for the bank accounts. You can have TCTs  annotated through the Land Registry Authority (there is a form & process & of course, a fee) -- so your mom cannot sell/encumber the properties without your signature/consent. 

You can still freeze accounts & annotate accounts/properties on which your dad's names does not appear coz of conjugal ownership -- Even if your mom is the sole breadwinner -- but you will need a lawyer to process more docs for that. 

Dealing with an uncooperative mother is another thing though.   Ask yourself how  far  and hard hearted can you go if she is uncooperative about giving you your share of your father's estate.  I strongly advise you engage the services of  a lawyer.

What she does with her 75% is none of your business;  if she wants to burn her money.   -- what can you do?  Pamigay nya sa kamag-anak, that is her choice.  BUT she should not give away YOUR share. 

Running after your legal share of the estate, given your mom is not into auto-share mode, is going to  be a nasty piece  of business. It starts with being sharp about establishing the starting inventory.   

Actually, dapat pag usapan nyo na lang ng mom mo.  Ask for your 25% share. 
The issue is not whether she should spend on her relatives, or madamot sya sa yo -- but that the law ENTITLES you to 25% of your father's estate.   If she refuses to give your share, it is time for you to decide to play hardball or let her have her way. 

Good luck. 
« Last Edit: October 25, 2012, 07:38:56 pm by aquacharly »

quinone

  • Guest
Re: Mom ko pamigay nang pamigay sa extended relatives
« Reply #2 on: October 25, 2012, 09:11:38 pm »
father mo ba nagha.handle ng finances ninyo nung buhay pa siya? very tricky itong situation mo; i'm sure you don't want to upset your mom...but think if your father were alive, would he be happy with what your mother is doing to his hard-earned money.

sixteen16

  • Guest
Re: Mom ko pamigay nang pamigay sa extended relatives
« Reply #3 on: October 25, 2012, 09:50:09 pm »
bakit ganun sis ayami? baka umaabuso na ang relatives.. utang ba or bigay? close ba kyo ng mom mo? nag-iisa ka pang anak dapat mas priority ka.. siguro iniisip din ng mom mo natutulungan ka naman ng MIL mo. hindi mo na kelangan ng tulong nya. nakapag-usap na kyo ng mom mo tungkol dito?

ayami

  • Guest
Re: Mom ko pamigay nang pamigay sa extended relatives
« Reply #4 on: October 25, 2012, 10:12:56 pm »
aquacharly: wala naman kasing will yung dad ko, pero ok na sigurong 25% yung ipinangalan nila sakin yung bahay at lupa sa Pasig, tutal nakatira naman na kami dito ng pamilya ko.

quinone: oo father ko lahat, hindi nga maimik yon tungkol sa ganong bagay. basta naman kasi nakakapagprovide siya sa amin, di ko na inuusisa kung ano pa meron siya. 

sixteen16: mga kamag-anak ng nanay ko yun sa prubinsya. minsan lang namin pagusapan yon kasi siyempre yung pinsan ko nga nakatira sa amin, siya yung isa sa pinapag-aral. yung isang pinsan ko kasi umalis na. nagkakaissue rin sila sa mom ko, may tampuhan pa nga kunyari mas malaki yung binigay sa ibang kamag-anak, kesyo may magtetext na naman. feeling ko bigay na yon kasi mahigit 3 years na nung nag abroad yung pinsan ko, wala namang binabayad.

quinone

  • Guest
Re: Mom ko pamigay nang pamigay sa extended relatives
« Reply #5 on: October 25, 2012, 11:54:04 pm »
talk to your mother, kasi baka she doesn't handle money very well alone, baka she makes decisions together with your father, or she doesn't know how to say no. baka magulat kayo one day pareho ubos na...

Coffee_lover

  • Guest
Re: Mom ko pamigay nang pamigay sa extended relatives
« Reply #6 on: October 30, 2012, 07:41:57 am »
Isipin mo na lang pag nakatapos na yung mga pinag aaral nya sila na ang tutulong sa ibang pamilya. Kung hindi pinag aral ng nanay mo yung mga pinsan mo, malamang hanggang sa mag asawa na yang mga yan manghihingi/manghihiram pa din yan sa nanay mo.
Masarap magpaaral, na experience ko yan with my pinsan, pag nakatapos sila sobrang saya ng feeling. Tapos kahit anong posisyon nila after grumaduate lilingonin ka nila, yan yun nararamdaman ko everytime nakikita ko sila... yung respeto nila sakin mataas kasi malaki ang nacontribute ko sa kanila. Di ko masisisi yung nanay mo kasi pamilya din nya yun... kung kelangan mo ng pera humingi ka.. siguro kasi nafe-feel nya na di mo kailangan.

All you need to do is ask your mom to give you a certain budget, sigurado di ka mahihindian nun.

Girltalker2

  • Guest
Re: Mom ko pamigay nang pamigay sa extended relatives
« Reply #7 on: October 30, 2012, 10:35:44 am »

sis ayami, balak ba ng mom mo magtayo ng charity?  sabihin mo sa kanya, kung ambisyon nya yun, dapat magtayo sya ng fund para perpetuity ang pagtulong nya.  kausapin mo mabuti - what if maubos na ang money ng tatay mo sa pagbigay bigay nya?

1) sino na ang tutulong sa relatives nya? 
- kaya kelangan magtayo ng fund, yung kinita lang ng fund ang puede nya ipamigay para matulungan nya ang kamag-anak nya forever.

2) san sya kukuha ng everyday expenses nya for retirement? what if kelangan pa ng maintenance meds (mahal iyan)
- sa iyo ba sya aasa?  sabihin mo, hindi sya puede umasa sa in laws mo, kasi nakakahiya at ngayon anak mo and ikaw eh nakasandal na sa in laws mo.

3) hindi ba kamo magagalit sa kanya ang mga relatives nya next time na hindi nya matulungan kasi nasanay na lagi syang andun for them now?


Purple_Power

  • Guest
Re: Mom ko pamigay nang pamigay sa extended relatives
« Reply #8 on: October 30, 2012, 10:39:15 am »
^^Sana nga ganun magiging case na kapag nakatapos na sila maisipan na nilang magtrabaho para hindi na sila umaasa. May mga cases na hangga't alam nila may mahihingan sila magiging kampante sila sa paghingi.


ayami saying that you are already 22 at hindi ka na niya responsibilidad is like this -->> ??? to me na parang kulang na lang ipagtulakan ka na niya bilang anak. And yet parang I find it strange na yung iniwan ang daddy mo ang gagamitin niya para ipautang or ibigay sa kamag anak niya? Whereas sana naging sayo na lang lahat yun. If there is no will then an honor man lang. Nakakarelate ako sayo a little bit kasi ang Papa ko naman kapag humihingi kami ng tulong sa kanya parating masama ang loob niya worst case parang humihingi parati ng utang na loob from us. Nakakarinig kami ng masasamang salita sa kanya kapag nahingi kami ng tulong. Pero kapag sa ibang tao lalo na sa kaibigan bigay agad. Minsan nga tinanong ko pa Mom ko kung bakit siya pa nagbibigay ng pera sa mga inaanak ng Tatay ko tapos hindi naman namin kilala. Sabi ng Mom ko pera lang naman yan. Okay point taken but then Mama ko pa rin naiirita in the end kaya nga malakas ang loob ko na tanungin siya nun eh! Hindi kami nanghihingi ng tulong sa tatay namin in terms of finances kasi wala naman siyang work eh! Siya mismo umaasa rin sa Mama ko just like in my case. What irritates me is that when somebody is asking help it can be something to do with finances, pera pa rin ng Nanay ko ang gagamitin or hihingin niya but when I am asking help from my mom he is totally mad as hell na humihingi ako ng tulong from my mom. Tapos kapag nahingi naman ng tulong yung iba na walang kinalaman sa finances sa amin naman pinapasa hanggang sa kami naaabala worst case inoobliga kami na magpahiram sa kanila ng gamit namin sabay pagbalik parati pang nasisira. My dad wants to show off with other people tapos ibang iba ang pagkatao niya pagdating sa ibang tao kumpara sa pamilya. Kaya nga kami ang masamang tao kapag siya nagrereklamo about us. Yung pinsan ko nga kinakalaban pa ako eh! tapos lakas ng loob sabihin na Nanay ko may problema. Pero wag ka yung Nanay ko nagshoulder ng ibang expenses sa pagpapa-ospital sa Nanay nila hanggang sa mamatay pa ito.

evilwoman

  • Guest
Re: Mom ko pamigay nang pamigay sa extended relatives
« Reply #9 on: October 30, 2012, 10:57:22 am »
@ayami - true na at your age di ka na dapat responsibility ng nanay mo plus pamilyado ka na din kasi. if you think yung bahay at lupa na ipinangalan sa iyo e 25% na ng asset ng tatay mo, mukhang wala ka na magagawa kung paano gagastahin ng nanay mo ang pera nya.

regarding di pagbabayad ng tuition mo, nabanggit mo sa iba mong posts na nagloko ka nung college. di kaya ito ang rason? maybe your mom felt na mas appreciative sa grasya ang mga kamaganak nya kaya mas maluwag sa loob nya na gastusan sila. tutal, pabayaan ka man nya, alam nyang sasaluhin ka ng mas mayaman mong in laws. ;)

ayami

  • Guest
Re: Mom ko pamigay nang pamigay sa extended relatives
« Reply #10 on: October 30, 2012, 03:58:40 pm »
Tungkol sa tuition ko, may College Plan ako kaya kada Form 5 ko sa UP per sem or summer, may nakukuha siyang pera. Yun naman ay nilalakad niya sa Makati every now and then, kaya pinabayaan ko nang kanya yung pera. Minsan malaki rin yung dividends na nakukuha niya sa mga stocks, kanya pa rin naman. Ano nga naman magagawa ko nakapangalan na sa kanya yung cheque so sa account lang niya yon. Iniisip ko na lang na may kakayanan naman akong kumita pa lalo na pag may full time trabaho na ko so kanya na yon lahat.

Hindi yata charity gusto niya iestablish sa tingin ko more of magkautang na loob sa kanya yung mga pinsan ko kasi ginagawa naman niyang utusan tsaka taga supply ng bigas, gulay at prutas sa kanya in return. yung pinsan ko na nakatira samin ngayon dito tagakuha ng items niya sa Natasha, tagapag-alaga ng aso namin, and karamihan ng chores pero sa ibang bagay naman kami yung gumagawa. Pero mostly yung odd jobs sa pinsan ko.

Recently pala, nagsplit na kami sa pagluluto, pati pagkain namin di na niya sagot, nagalit siya dahil sa comment kong madaming repolyo yung nilagang niluto niya lol. So ngayon, sweldo ko na ang groceries para sa kakainin namin. Ok na nga yon, di naman maselan sa chibog yung asawa ko, at di ko alam kung hanggang kelan siya magtatampo. 50 na rin kasi yon next year feeling ko menopausal na talaga haha. Sabi ng in-laws ko, bayaan ko na raw na mamigay siya kasi parang yun nga, pride na rin niya na nagagawa daw niya yon, pag tumatanda na raw kasi yun na yung sense of fulfillment? Siyempre di ko gets kasi bata pa ko, haha.

Yes, sanay na mga kamag-anak ko every time tumatanggap sa nanay ko, kakalinis ko lang ng closet ko siyempre dun na sa mga bago niyang "favorites" mapupunta yung luma kong gamit. by favorites, ito yung madalas niyang nauutusan. ngayon kasi, magkakaFacebook na sila e todo magpost yung mom ko sa mga trips niya abroad siyempre iaassume nila na mapera nga siya so go sila manghingi kahit yung kalayu-layuang kamag-anak na. Show-off na nga lang din para ngang daig niya pa ang OFW kung magpadala ng "kahon". Conscious din sa image niya sa prubinsya nila kasi last pinsan ko na papaaralin niya sana e siniraan daw siya, basta long story. Pabongga yun pag umuuwi, pag may reunion nga sagot nya lahat ng same-colored reunion shirts sa clan nila.

May raket naman siyang Natasha at Tupperware, so dun siguro niya kukunin ang parang retirement funds nya or kung bumukod na kami, ika nga niya e di siya manghihingi sakin dahil sapat na raw yung iniwan din ni Papa. Pero tingin ko di na rin ganun kalakas yung kita niya dun kasi kailangan na niyang bawasan yung savings sa MESALA na ngayon kalahati na lang yata (hamak na malaki yun dati). Hindi na nga nadadagdagan, so baka ilang taon na lang wala na nga yung pera.

Kaso lang, pag namayapa siya or wala nang datung, well aaminin ko mukhang hindi ko itutuloy yung advocacy niya kasi wala rin naman silang makukuha sakin tsaka pamilyado na rin ako.

aquacharly

  • Guest
Re: Mom ko pamigay nang pamigay sa extended relatives
« Reply #11 on: October 30, 2012, 04:43:06 pm »
aquacharly: wala naman kasing will yung dad ko, pero ok na sigurong 25% yung ipinangalan nila sakin yung bahay at lupa sa Pasig, tutal nakatira naman na kami dito ng pamilya ko.


AYAMI - what info I shared with you is as per our Phil. Law.  Que may will or wala -- yan ang partihan.  Consult a lawyer, makita mo ganun.

Now, that house & lot, technically - is a gift given to you by your parents.   It is not your inheritance -- UNLESS, you signed  a document that was later notarized that yang house & lot is an advance on your inheritance share. Kung wala kayo ng ganoong document --  Pwes, entitled ka pa to  25% of their conjugal estate.   



rapids

  • Guest
Re: Mom ko pamigay nang pamigay sa extended relatives
« Reply #12 on: October 30, 2012, 04:52:43 pm »
sis ayami, relate na relate ako. when i was in high school nagkaroon ng business si madir na nagbloom, kumikita siguro siya ng 200k per month, late '90s pa yun. btw hiwalay sila ng father ko.

lahat ng pwedeng tulungan  ni madir na friends, relatives, kumare, kabaranggay tinulungan niya. pinag-aral si pamangkin, sinagot ang gatas ni pamangkin, binayan ang utang ni kumare. san kapa, daming friends ni madir nun. naalala ko pa nun, isang beses, matagal ko ng hinihinling sa nanay ko na gusto ko magbrace, sabi lagi sakin walang pera, pero nabalitaan ko na lang na nakabili ng cash na motor ang favorite cousin ni madir na walang work, naghinala na kaagad ako nun na galing sa nanay ko yung pera, eh nagsalita ang isa niyang tauhan na nagwithdraw  nga daw ang nanay ko pera pambili ng motor. nagwala talaga ako nung time na yun. galit na galit ako sa nanay ko.

Ako naman maagang nag-asawa, in fairness binigyan naman ako ng nanay ko ng puhunan na makapagtayo ng sarili kong negosyo na naging ok naman. means hindi ako umasa sa kanya.

fast forward: 2007 ng malugi ang business ni nanay, di naman siguro nakakapagtaka kung bakit, walang ipon, walang investment,  yung mga pinag-aral??? ayun nakalimot na, naglaho na din ang mga friends na tinulungan. sinong nasa tabi ngayon ni nanay? kami ng kapatid ko wala ng iba. ngayon palaging sinasabi ng nanay ko na pagnagkapera daw uli siya, magiging madamot na siya, sa anak lang daw ang iintindihin niya. nasa huli talaga ang pagsisisi.

Girltalker2

  • Guest
Re: Mom ko pamigay nang pamigay sa extended relatives
« Reply #13 on: October 30, 2012, 05:30:00 pm »
@ayami - true na at your age di ka na dapat responsibility ng nanay mo plus pamilyado ka na din kasi. if you think yung bahay at lupa na ipinangalan sa iyo e 25% na ng asset ng tatay mo, mukhang wala ka na magagawa kung paano gagastahin ng nanay mo ang pera nya.


I think kahit papano, may pakialam si ayami sa pinagagastos ng mom nya. kasi at the end of the day, kung nawaldas lahat ng money ng dad nya, sa kanya tatakbo mom nya. and syempre, being the only daughter, matitiis mo ba ang nanay mo?  so sya din mab-burden. so why not, as early as now, plan well kung ano ang kelangan itabi eh sana maitabi ng mom nya. hindi naman sa huwag magshare, pero sana, yung tama lang, such that hindi naman mapunta sa wala ang napundar ng dad ni Ts.


Girltalker2

  • Guest
Re: Mom ko pamigay nang pamigay sa extended relatives
« Reply #14 on: October 30, 2012, 05:38:30 pm »

May raket naman siyang Natasha at Tupperware, so dun siguro niya kukunin ang parang retirement funds nya or kung bumukod na kami, ika nga niya e di siya manghihingi sakin dahil sapat na raw yung iniwan din ni Papa. Pero tingin ko di na rin ganun kalakas yung kita niya dun kasi kailangan na niyang bawasan yung savings sa MESALA na ngayon kalahati na lang yata (hamak na malaki yun dati). Hindi na nga nadadagdagan, so baka ilang taon na lang wala na nga yung pera.

Kaso lang, pag namayapa siya or wala nang datung, well aaminin ko mukhang hindi ko itutuloy yung advocacy niya kasi wala rin naman silang makukuha sakin tsaka pamilyado na rin ako.

pero hindi kaya may hinanakit ang mom mo sayo?
baka feeling nya you won't be there for her when the time comes. alam mo mahirap din maging mag-isa sa buhay, esp kung nawala na dad mo. baka iniisip nya na yung mga relatives nya ang laging andyan for her, kaya sige din sya ng bigay sa kanila. sana nga lang na talagang andyan sila for her, for better or worse.

nabanggit mo din sis na nakatira kayo sa mom mo?  hindi kaya isang issue din ito sa kanya? ok ba ang naging hubby mo sa kanya?  baka di nya gusto na dyan kayo tumira with her.  baka gusto nya na dapat nakabukod na muna kayo bago kayo nag asawa, or nakapagtapos na muna si hubby bago kayo nag asawa.

« Last Edit: October 30, 2012, 05:40:10 pm by Girltalker2 »

ayami

  • Guest
Re: Mom ko pamigay nang pamigay sa extended relatives
« Reply #15 on: October 30, 2012, 06:14:21 pm »
Baka nga, pero okay naman daw siya, palagi niya pa pinapagmalaki yung nangyari sakin kesyo for the good daw kasi yung dad ko nung namatay nakapanganak na ako, so buti daw na inabutan niya pa yung apo niya, tapos nasa mabuti na kong kalagayan (though di pa nga graduate). Super supportive din ng in-laws ko, naalala ko sa burol ng dad ko sila nag-ayos, pag dating namin don may flower arrangement na, sila pa sumagot nung bayad so yung "burol funds" sana ng dad ko pinagpagawa na lang namin ng parang maliit na bahay sa lote sa sementeryo. Wala naman siya sigurong masasabi sa kanila.

Baka minsan nga may fears din siya na iiwan namin siya eventually. Kaya siguro panay kuha siya ng pinsan na mag-aaral sa Maynila. Since di naman kami established sa ngayon, nakatira kami together. Pero may kinuha na kasi kaming condo ng husband ko pero 5 years pa bago turnover. Tsaka papaupahan naman namin yon at di titirhan. Di ko rin naman iiwan yon lalo na't ako lang anak niya kahit palagi kami nag-aaway, kahit papano siya yung magulang ko. Tsaka love na love siya ng panganay ko di nga makapaghiwalay yung dalawa.

evilwoman

  • Guest
Re: Mom ko pamigay nang pamigay sa extended relatives
« Reply #16 on: October 31, 2012, 08:44:25 am »
I think kahit papano, may pakialam si ayami sa pinagagastos ng mom nya. kasi at the end of the day, kung nawaldas lahat ng money ng dad nya, sa kanya tatakbo mom nya. and syempre, being the only daughter, matitiis mo ba ang nanay mo?  so sya din mab-burden. so why not, as early as now, plan well kung ano ang kelangan itabi eh sana maitabi ng mom nya. hindi naman sa huwag magshare, pero sana, yung tama lang, such that hindi naman mapunta sa wala ang napundar ng dad ni Ts.

tanong natin yan kay ayami na if ever ba e matutulungan or tutulungan nya ang nanay nya? pasensya na kung masyadong brutal ha pero sa nakikita ko kasi sa mga post nya e parang asar na asar lagi sa ina at walang pakialaman ang drama.

same tayo ng naisip na baka nga may hinanakit din sa kanya ang nanay nya kaya ganyan. baka nga pakiramdam e mas maaasahan pa ang mga kamaganak kumpara sa sariling anak. di kasi buo ang kwento e.. kung pwede lang ang nanay ni ayami e magregister din dito sa gtalk. :D

Purple_Power

  • Guest
Re: Mom ko pamigay nang pamigay sa extended relatives
« Reply #17 on: October 31, 2012, 10:26:43 am »
^Sis hindi lang si ayami ang parating asar sa Nanay, marami pang iba. Nataon lang siguro na parating sa kanya yung nakalitaw. Kung ako nga both parents pa eh! This is the only way we want to vent out our feelings dahil mapapride parati ang magulang kapag kinausap sila. Usually ayaw nilang makinig sa problema ng anak lalo na kapag sila na ang problema.

We have to remember when we are asking help usually hindi naman talaga tayo mag eexpect ng kapalit but of course we still have something to consider na huwag naman sana nilang gawin like binigyan mo na nga minamasama ka pa. Example if we are giving to beggars diba usually nagbibigay tayo ng kusa for some reason, afterwards sinisingil ba natin sila? Hindi diba pero ang huwag lang mangyari is yung binigyan mo na nga nagrereklamo pa. If we are a person na nag eexpect ng utang na loob I think hindi na help ang tawag run kundi ex-deal. Kusa naman kasi yan mararamdaman ng tinulungan yung utang na loob eh! Sa kanya dapat mismo manggaling na sasabihin may utang na loob siya sa tumulong sa kanya. Saka when we are helping other people dapat walang nasasakripisyo lalo na yung sariling mong pamilya which is your children. Ito nga yun eh! paano ka makakatulong sa iba kung hindi mo matulungan ang sarili mo? If you are valuing reputation then again wala dapat nasasakripisyo na iba tapos iba ang treatment mo lalo na sa anak. Sa totoo lang minsan sa anak mismo magrereflect kung ano kayo as a person and family.
« Last Edit: October 31, 2012, 09:53:45 pm by Purple_Power »

evilwoman

  • Guest
Re: Mom ko pamigay nang pamigay sa extended relatives
« Reply #18 on: October 31, 2012, 05:19:35 pm »
^ i know and i am trying to put my self in her mom's shoes. base kasi sa mga post ni ayami (mga post na aminadong "pasaway" sya especially sa pagaaral), nakukulangan ako e.. i can feel na may malalim pang dahilan kung bakit lalong naging ganyan ang nanay nya (nassense ko din naman na di pa pasaway si ayami e "mapagbigay" na talaga ang nanay nito). itry din sanang iassess kung may pagkukulang ka din ba. minsan talaga di mo pwede iexpect na komo solong anak ka e ippamper ka na tulad ng ibang anak na only child din.

ang pinagtutuunan ko lang ng pansin dito yung conflict nilang mag-ina ha. yung "pagdadamot" sa kanya. yung pagiging charitable institution nya, i doubt na may gamot pa dyan. mahirap na magbago ang mga ganyang edad.

agape

  • Guest
Re: Mom ko pamigay nang pamigay sa extended relatives
« Reply #19 on: November 05, 2012, 02:04:00 am »
i think the mom's generosity is becoming a vice, when she's depleted, she might start asking money from you. Legally, you have a 50% share, even without a will, you might learn too late that she has squandered your inheritance.

Di kaya ampon ka lang ng mom mo kaya mas tinutulungan nya mga kadugo nya? I am wondering about your relationship kung bakit ganun. My dad told me the same thing, that he will not help me since i can manage but it is in favor of my siblings who are helpless compared to me.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close