Tungkol sa tuition ko, may College Plan ako kaya kada Form 5 ko sa UP per sem or summer, may nakukuha siyang pera. Yun naman ay nilalakad niya sa Makati every now and then, kaya pinabayaan ko nang kanya yung pera. Minsan malaki rin yung dividends na nakukuha niya sa mga stocks, kanya pa rin naman. Ano nga naman magagawa ko nakapangalan na sa kanya yung cheque so sa account lang niya yon. Iniisip ko na lang na may kakayanan naman akong kumita pa lalo na pag may full time trabaho na ko so kanya na yon lahat.
Hindi yata charity gusto niya iestablish sa tingin ko more of magkautang na loob sa kanya yung mga pinsan ko kasi ginagawa naman niyang utusan tsaka taga supply ng bigas, gulay at prutas sa kanya in return. yung pinsan ko na nakatira samin ngayon dito tagakuha ng items niya sa Natasha, tagapag-alaga ng aso namin, and karamihan ng chores pero sa ibang bagay naman kami yung gumagawa. Pero mostly yung odd jobs sa pinsan ko.
Recently pala, nagsplit na kami sa pagluluto, pati pagkain namin di na niya sagot, nagalit siya dahil sa comment kong madaming repolyo yung nilagang niluto niya lol. So ngayon, sweldo ko na ang groceries para sa kakainin namin. Ok na nga yon, di naman maselan sa chibog yung asawa ko, at di ko alam kung hanggang kelan siya magtatampo. 50 na rin kasi yon next year feeling ko menopausal na talaga haha. Sabi ng in-laws ko, bayaan ko na raw na mamigay siya kasi parang yun nga, pride na rin niya na nagagawa daw niya yon, pag tumatanda na raw kasi yun na yung sense of fulfillment? Siyempre di ko gets kasi bata pa ko, haha.
Yes, sanay na mga kamag-anak ko every time tumatanggap sa nanay ko, kakalinis ko lang ng closet ko siyempre dun na sa mga bago niyang "favorites" mapupunta yung luma kong gamit. by favorites, ito yung madalas niyang nauutusan. ngayon kasi, magkakaFacebook na sila e todo magpost yung mom ko sa mga trips niya abroad siyempre iaassume nila na mapera nga siya so go sila manghingi kahit yung kalayu-layuang kamag-anak na. Show-off na nga lang din para ngang daig niya pa ang OFW kung magpadala ng "kahon". Conscious din sa image niya sa prubinsya nila kasi last pinsan ko na papaaralin niya sana e siniraan daw siya, basta long story. Pabongga yun pag umuuwi, pag may reunion nga sagot nya lahat ng same-colored reunion shirts sa clan nila.
May raket naman siyang Natasha at Tupperware, so dun siguro niya kukunin ang parang retirement funds nya or kung bumukod na kami, ika nga niya e di siya manghihingi sakin dahil sapat na raw yung iniwan din ni Papa. Pero tingin ko di na rin ganun kalakas yung kita niya dun kasi kailangan na niyang bawasan yung savings sa MESALA na ngayon kalahati na lang yata (hamak na malaki yun dati). Hindi na nga nadadagdagan, so baka ilang taon na lang wala na nga yung pera.
Kaso lang, pag namayapa siya or wala nang datung, well aaminin ko mukhang hindi ko itutuloy yung advocacy niya kasi wala rin naman silang makukuha sakin tsaka pamilyado na rin ako.