watch now

Author Topic: Paano Kayo Makisama sa HH/Maid?Yaya Nyo sa House?  (Read 13097 times)

eekai

  • Guest
Paano Kayo Makisama sa HH/Maid?Yaya Nyo sa House?
« on: October 12, 2012, 01:59:11 pm »
Minsan ang hirap talaga makisama sa ng HH.  Kahit na super bait mo na sa kanila, kinakausap mo sila when you have the time or you really treat them as family, bokya pa din :(

My recent hh was dismissed kasi I found out that she was stealing from me.  This is the person I regularly talk to, give advice to, give extra money to -- pero nagawa nya pa din sa amin.

Now hubby thinks na baka there is something wrong with us na.  My mom said spoiled daw sa akin ang mga HH.  I just really want to treat them fairly and with respect pa din.

Paano ba talaga dapat?

Huntress Krystle

  • Guest
Re: Paano Kayo Makisama sa HH/Maid?Yaya Nyo sa House?
« Reply #1 on: October 13, 2012, 12:05:53 am »
^ Hay. Alam mo sis, yan din ang gusto kong itanong eh. Although may mga matitino pa din kasing HH these days, napakadami na din nung mga abusado, demanding or pangit ang ugali.

Personally, maayos ako makisama sa HH. Bihirang bihira ako mag utos (nahihiya kasi ako na mag-utos at gusto ko ako nalang gagawa ng chores kung kaya ko naman) at tinatrato ko with respect ang kahit sinong HH. Yun nga lang, hindi din ako sweet or yung ma-chika sa kanila. Nagtataka lang ako na itong mga namamasukan samin recently ay hindi din nagtatagal. Andaming reklamo. Kesyo ayaw maglaba kasi daw nakakapagod. Or ayaw ng may pets sa bahay. Or gusto libre lahat ng toiletries, etc. Naisip ko nga, bat parang mas maarte pa sila samin? Minsan ichi-chika at sisiraan ka pa sa iba nilang kakilalang HH. Mabuti sana kung tayo yung tipo ng amo na bastos, mahilig mang insulto, pala utos, masakit magsalita or alila ang trato sa mga HH. Kaso hindi naman eh.

Hirap talaga humanap ng matinong HH these days.
« Last Edit: October 13, 2012, 12:11:18 am by Huntress Krystle »

eekai

  • Guest
Re: Paano Kayo Makisama sa HH/Maid?Yaya Nyo sa House?
« Reply #2 on: October 13, 2012, 01:32:19 am »
Nagtataka nga ako sis eh. Meron kaming pina-pirate na maid. She's paid 2k per month lang, 5 ang amo sa haouse and super laki na bahay pero hindi maka alis kase ayaw daw syang payagan. Samantalang sa amin tumakas pa yung isa tapos stealing naman ang issue with  the other maid.

Hindi din ako pala utos an I never raise my voice or insult them kahit may pagkat@nga minsan yung actions nila.

Bonggang-bonggang pakikisama pala ang dapat nating gawin. Ang hirap din lang mag invest ng trust, time and emotions. Nakaka sad.

caprice

  • Guest
Re: Paano Kayo Makisama sa HH/Maid?Yaya Nyo sa House?
« Reply #3 on: October 17, 2012, 11:03:58 am »
ako super bait kay Yaya. kaya sabi nya sa pamangkin ko, ang swerte daw nya sa akin, super bait daw ako. sabi mo yan Yaya ha... wag kang aalis. ;D

ako naman kasi mabait sa mga tao. kung wala namang ginawang hindi maganda sa akin e no reason para hindi kita pakitaan ng maganda. si Yaya mabait, okay magtrabaho at love nya si baby. kaya ingat na ingat kami ni hubby kay Yaya. ni hindi pa nga namin napapagalitan. mahirap na rin kasi baka mamaya kay baby gumanti. when we go out, usually nag-oorder kami ng group meal tapos hati kaming tatlo. or kung individual naman, we let her order kung ano gusto nya. spoiled sa amin pero hindi naman sya makakatakas kay MIL. hehe. si MIL kasi natural na mataray at disciplinarian. kaya kahit wala kami sa bahay, may bantay pa rin. ;D

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Paano Kayo Makisama sa HH/Maid?Yaya Nyo sa House?
« Reply #4 on: October 18, 2012, 12:53:21 am »
Eekai, I've learned to manage my expectations. Actually, I've learned not to expect from helpers anymore na porke mabaet ka sa kanila, they will retaliate with years and years of loyal service. Minsan kase kahit gano ka kabaet, hinde din naman maganda ang magiging pakitungo nila sayo, minsan they will take advantage of you pa.

Basta samin ngayon, we have clear cut rules and expectations are set at the beginning pa lang. We give them fair treatment pero hinde na yung parang kapatid na lang ang turing. Dapat lage pa din may distance. Yung 2nd yaya ko kase super love ko yon, tapos dahil lang sa lesbo eh nagloko na and I was very sad.

imeego

  • Guest
Re: Paano Kayo Makisama sa HH/Maid?Yaya Nyo sa House?
« Reply #5 on: October 20, 2012, 02:57:09 pm »
i treat them fairly, pero may distance pa din, di pwedeng parang friends na lang kami, kelangan ma-maintain pa din yung respect sa amin as their amo...they can eat anything they want, actually when it comes to food walang issue sa amin, ang food nila same as ours maski pag lumalabas kami..they can watch tv  pag tapos na chores nila..pag nagkamali, basta pwedeng pagpasensyahan, ginagawa namin...sinasabihan namin pag may ginawang mali but never pa akong nanigaw..basta sa akin, wag lang masasaktan ang baby ko, kahit anong mali pa yan pwede kong palampasin...actually, masarap buhay nila, magaan ang workload because kami lang ni hubby at baby sa house, sahm pa ako...

so far, i can say na swerte naman ako sa helpers, minsan lang yung all-around ko walang common sense but i try to understand her na lang kasi nga bata pa...di sila nangungupit at malikot kamay, maski naiiwan ko jewelry or cash walang nawawala..in return, they're given certain perks every now and then, we have our yearly outing and kasama silang lahat (pati helpers ng inlaws ko)  so they get to experience things na never pa nila naexperience sa life nila...last time we stayed in shangrila and kasama sila, pati kids nung helper ng inlaws ko kasama so happy naman sila :)

luckymommy88

  • Guest
Re: Paano Kayo Makisama sa HH/Maid?Yaya Nyo sa House?
« Reply #6 on: October 20, 2012, 03:18:21 pm »
Hindi ako masyadong maselan and since ako lang at babies ko ang naiiwan sa bahay, kasabay ko breakfast to dinner si yaya and all around helper. Si yaya matagal na sa akin mag-seven years na kaya automatic pamilya talaga ang turing naming mag-asawa. I buy her clothes; give her perfumes, lotion, bag kahit na ako mismo hindi mahilig sa mga ganyang abubot, buy na lang para mapamper siya kahit papano. Kasama manood ng sine, massage, padoktor at minsan night out with friends :)Although it took us a lot of time para makuha ang kiliti ng bawat isa happy na din ako at alam ko loyal talaga siya sa akin. Hindi kami palautos, masungit o madamot. Pero talagang may mga taong ang hirap ispelengin. Yung bagong helper namin kakaalis lang; she only lasted for one week. Pagkatapos mong halos kaibiganin, kahit na parang bakasyunista lang sa bahay at 9am lang wala ng ginagawa at watch na lang siya ng TV at sabihing super lucky siya sa amin, ayun umalis after a week-homesick daw siya =(... So I guess minsan kahit na best effort ka pa para mafeel nila na okay ka, nababalewala din yun.


m_lim

  • Guest
Re: Paano Kayo Makisama sa HH/Maid?Yaya Nyo sa House?
« Reply #7 on: October 24, 2012, 10:33:20 pm »
maselan ako but i am never rude.

they know marunong ako makisama pero masama ako magalit.

so far tumatagal naman ang mga househelp namin.

arielle

  • Guest
Re: Paano Kayo Makisama sa HH/Maid?Yaya Nyo sa House?
« Reply #8 on: October 28, 2012, 09:53:41 pm »
kinakausap, nakikipagkwentuhan minsan, nagtatanong tungkol sa mga anak nya,bonding din namin yung pag may pinapanood na series sa tv.  Pag uuwi sa bahay nila , binibigyan ko ng pasalubong yung mga anak nya. Yaya kasi ng anak ko kaya sa anak din nya ako bumabawi. kung ano yung ulam namin, ganun din sa kanila. inaabutan ng mister ko minsan pangmiryenda kung may gusto sila bilhin sa labas like banana q, pero may mga biscuits naman or minsan tasty sa bahay. nakikita ko kasi yung dedication nya sa anak ko , pag umiiyak, kahit nasa kabilang kwarto sya at madaling araw  , pupuntahan nya yung baby sa kwarto namin, sya nagpapatahan. kaya nga yung baby ko sya na hinahanap :) kasi working kami pareho ni hubby kaya sila ng househelp at ng yaya ang madalas kasama. May mga rules din ako na sinusunod nila kaya alam nila may limit din sila lalo na sa panonood ng TV.

clueless

  • Guest
Re: Paano Kayo Makisama sa HH/Maid?Yaya Nyo sa House?
« Reply #9 on: October 29, 2012, 01:56:29 pm »
i treat them fairly, pero may distance pa din, di pwedeng parang friends na lang kami, kelangan ma-maintain pa din yung respect sa amin as their amo...

ganito din ako. they are my employees so kahit papano, there is distance there. hindi kami chummy. minsan nagk-kwentuhan din kami pero hindi kami chummy.

i grew up at my parents' farm in the province. my daughter's yaya was mg childhood playmate so halos magka-age kami. ang since we've known each other most of our lives, nung una medyo worried ako na baka wala yung respeto niya sakin pero nandon pa din naman.

swerte din ako kasi my yaya and all around are daughters of farm workers din. their families have worked for my family for generations so kahit papano, nandon na din yung malasakit namin sa isa't isa kahit na ako at amo at sila ang nagt-trabaho for me.

molybdenumstudios

  • Guest
Re: Paano Kayo Makisama sa HH/Maid?Yaya Nyo sa House?
« Reply #10 on: November 03, 2012, 10:10:29 pm »
Para ko nang kabarkada. Usually parang mas OK pa sila kausap unless know-it-all sila. lol

Princess_Chill

  • Guest
Re: Paano Kayo Makisama sa HH/Maid?Yaya Nyo sa House?
« Reply #11 on: November 04, 2012, 12:58:30 am »
hai naku ako sumakit ulo ko kainina at naiyak talaga ako...

i treated my HH/Yaya nice as in parang kapatid na we buy her clothes, vitamins, toiletries niya

then suddenly kanina nagpaalam uuwi na and nakikiusap ako na kung like niya alis hindi ko naman siya pwede pigilan pero give me time naman na makahanap ng makakapalit niya 2 kaming may work mag asawa... panggabi ako para may naiiwan ke baby pag umaga hai...

nakakaiyak na tinuring mo ng maayos iyong tao di ka naging masama pero ni konting hiya wala man lang...i really begged her na kung maaari lang hintay lang ng kapalit etc... hai may kasalanan kasi nagawa pero di na nga siya pinagalitan or sinigawan e...

hai i pity myself kanina kasi nagmamakaawa ako pero walang pakelam lang...its traumatic tuloy na maging mabait sa HH

iwannabeasupermodel

  • Guest
Re: Paano Kayo Makisama sa HH/Maid?Yaya Nyo sa House?
« Reply #12 on: November 13, 2012, 06:13:34 pm »
kami pa ang nakikiusap na gawin to gawin yan. if ayaw nila sasabihin ko "sige ate, ok lang, ako na lang".

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Paano Kayo Makisama sa HH/Maid?Yaya Nyo sa House?
« Reply #13 on: November 13, 2012, 07:31:40 pm »
paano ako makisama? kung okay sila eh di good.kung mali,pagsasabhan ko.di ko kasi ugali yung sobrang bait sa HH tapos pag napagsabihan mo sila nagtatampo agad.sayang lang oras ko,sinayang lang.naging mabait kasi ako sa mga dumaan na maids ko pero nung nakita ko na napaka untouchable pala nila,naiba na ko.kasi pareho kaming dapat makisama.lalo na sila.dapat alam rin kung saan sila lulugar.maawain naman ako pero ayoko ng masyadong drama.pag pinagalitan mo ang tingin sayo sobrang sama mo,ichi-chismis ka pa.kaya maiksi na pasensya ko sa kanila.pare-pareho lang naman kasi.ibigay mo tiwala mo,suyuin mo,bolahin mo,basted ka pa rin hahahaha :P

ayoko ng chummy-chummy,graduate na ko sa ganon.kasi pag masyado ka nakipag lapit sa kanila,pwedeng umabuso.kasi alam nila mabait kayo sa kanya.siguro tama na sa akin yung 50/50 kami.para just in case na may mangyaring di maganda or di ko gusto,wala akong pagsisihan.

aquacharly

  • Guest
Re: Paano Kayo Makisama sa HH/Maid?Yaya Nyo sa House?
« Reply #14 on: November 14, 2012, 10:40:40 pm »
The way I prefer to manage my home, and given our preferred standards --  this is how I make
pakisama:

I give a higher than average/going-rate compensation package. Plus, more than adequate food, lodging & medical care, and generous bonuses  & vacation leave.  But I expect consistent good service, & give no advances kahit na shoot uli  si Rizal sa Luneta.  In rendering their service, I demand strict adherence with our family requirements & standards, everyday, no excuses.

I treat them like office employees, with respect, fairness, and distance.  I have no time for cameraderie, and do not tolerate/allow familiarity.  Claro, kami yung boss, kayo ang helper.  Claro kami, I need kaTULONG, not another husband or kid na pakikisamahan at aalagaan.  We all do not get confused on that aspect.

In short:  I speak, in my interaction with them,  the language they most understand & prefer, and best respond to (regardless of where they are coming from):  MONEY. 

Ganon lang ka simple nowadays, IMO, given the general traits of house staff:  pera pera lang yan. 



tamarind26

  • Guest
Re: Paano Kayo Makisama sa HH/Maid?Yaya Nyo sa House?
« Reply #15 on: November 14, 2012, 11:56:25 pm »
^agree with aquacharly. Di na uso these days chummy chummy with the househelp. We're good to them but we set limits. I make sure our househelp is well compensated. She told me sya pinakamataas sahod among the hh in the building. Maliit pa unit namin and wala pa siyang batang binabantayan. Now that i'm pregnant and due to give birth soon, we asked her assistance if she can find another companion para may katuwang ako sa pag alaga kay baby.

iwannabeasupermodel

  • Guest
Re: Paano Kayo Makisama sa HH/Maid?Yaya Nyo sa House?
« Reply #16 on: November 15, 2012, 01:12:33 am »
yung mom and dad ko, sobrang gusto nila yung isa naming kasambahay that if she doesn't like her kasamang kasambahay eh hahanap ng iba sina daddy. and they're willing to pay for her education if in case gusto na niya mag-aaral. :)


Purple_Power

  • Guest
Re: Paano Kayo Makisama sa HH/Maid?Yaya Nyo sa House?
« Reply #17 on: December 15, 2012, 09:15:37 pm »
Mas nakakasundo ko pa yung mga maid ng Tita ko sa kabilang bahay kaysa sa sarili naming maid or maids ng SIL and bro ko. Well kasi bata pa lang ako namasukan na yung mga maids ng Tita ko so from the start kilala ko na talaga sila. Nataon pa na magkakapatid pa sila. Tapos yung isang maid ng Tita ko nung kinasal ako ang kinuhang abay tapos nung nagkaanak ako ang Ninang. Galante ako magbigay ng gifts sa kanya, minsan nga sinabihan pa ako ng Nanay ko ang dami ko raw gift dun sa inaanak ko bakit sa kapatid niya wala  ;D well meron naman hindi lang napansin ng Nanay ko na meron rin bro niya. Tapos yung mga maids na nasa tindahan sila yung kadalasan kabiruan ko.

Sa maids naman ng SIL and bro ko 2 sa kanila ang hindi ko na nakasundo and worst case yung recent ang hinding hindi ko makakalimutan. I've mentioned it to other threads already kung anong nangyari to the extent na lumayas pa ako at napaabsent sa work (no work no pay pa man din ako) since mas pinanigan siya ng parents ko which is punung puno na rin ako. Kaya mula nun natatabangan na ako sa kanila at ayoko na yung tulad nung dati na nakikipagkwentuhan pa ako sa iba. Yumayabang kasi eh! Kaya nga kung ako ayoko yung tatratuhin agad na parang friend mo or part of the family kasi some of them crossing the line.

Prunella

  • Guest
Re: Paano Kayo Makisama sa HH/Maid?Yaya Nyo sa House?
« Reply #18 on: December 16, 2012, 05:12:36 pm »
I treat them with respect but I cant be expected to be their BFF. I still maintain a certain distance.

danne

  • Guest
Re: Paano Kayo Makisama sa HH/Maid?Yaya Nyo sa House?
« Reply #19 on: December 18, 2012, 08:01:58 am »
I hardly talk to them.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close