Mga sis, I would like to share what happened to my baby this morning, he's only 1 year old, ingat na ingat ako sa kanya at sa surroundings niya kasi mahilig siyang magsubo ng kahit anong madampot, kaya todo bantay ako, and I thought, okay na yung ginagawa ko, kulang pa pala.
Nilapag ko siya sa kuna niya, before ko siya ilapag, I checked it, malinis naman, walang kahit anong pwede niyang isubo, so kampante naman akong nilapag siya kasi ihahanda ko ang pampaligo niya.
Maya-maya, I heard him coughing, the coughing was so bad, na namumula siya, so akala ko "ay may ubo na naman", pero when I saw him, nasusuka siya, tapos nasuka siya, uubo na naman, tapos sumuka ulit, puro laway, ninerbiyos na ako, I knew then something is wrong.
Tapos thank God, bigla siyang umubo ng malakas, at sumuka, sumama yung etiketa ng damit niya.
Biruin ninyo mga sis, yung etiketa ng damit niya, yun ang muntik ng pumatay sa baby ko kanina! I didn't know natanggal niya, tapos sinubo.
So I decided na tanggalin lahat ng etiketa ng damit niya mga sis, I don't want that to happen again.
God saved my baby so I am sharing this to all of you moms. Please be careful.
