watch now

Author Topic: Warning to all Moms, Choking Hazard, please read  (Read 25795 times)

SnowBall

  • Guest
Warning to all Moms, Choking Hazard, please read
« on: October 09, 2012, 07:59:25 pm »
Mga sis, I would like to share what happened to my baby this morning, he's only 1 year old, ingat na ingat ako sa kanya at sa surroundings niya kasi mahilig siyang magsubo ng kahit anong madampot, kaya todo bantay ako, and I thought, okay na yung ginagawa ko, kulang pa pala.

Nilapag ko siya sa kuna niya, before ko siya ilapag, I checked it, malinis naman, walang kahit anong pwede niyang isubo, so kampante naman akong nilapag siya kasi ihahanda ko ang pampaligo niya.

Maya-maya, I heard him coughing, the coughing was so bad, na namumula siya, so akala ko "ay may ubo na naman", pero when I saw him, nasusuka siya, tapos nasuka siya, uubo na naman, tapos sumuka ulit, puro laway, ninerbiyos na ako, I knew then something is wrong.

Tapos thank God, bigla siyang umubo ng malakas, at sumuka, sumama yung etiketa ng damit niya.

Biruin ninyo mga sis, yung etiketa ng damit niya, yun ang muntik ng pumatay sa baby ko kanina! I didn't know natanggal niya, tapos sinubo.

So I decided na tanggalin lahat ng etiketa ng damit niya mga sis, I don't want that to happen again.

God saved my baby so I am sharing this to all of you moms. Please be careful.

 :-*


chefron

  • Guest
Re: Warning to all Moms, Choking Hazard, please read
« Reply #1 on: October 09, 2012, 08:05:03 pm »
thank God at safe na baby mo.

DV

  • Guest
Re: Warning to all Moms, Choking Hazard, please read
« Reply #2 on: October 09, 2012, 08:09:07 pm »
^^Oh my. Good to know your baby is OK.

Ginagawa ko rin yan sa mga damit ko dahil nakakatihan ako sa labels kaya gawain ko na mula NB pa (hanggang ngayon) ang anak ko na tanggalin rin ang labels ng mga damit nya. Nainis na nga ako kakatastas dati na sumulat ako sa Gingersnaps na palitan na nila yung labels nila at sinuggest ko na gawing printed na lang tulad ng Carter's at Baby Gap. Pati care labels ginugupit ko rin.

Nung maliit pa ang anak ko, hindi rin ako bumibili ng mga damit na may butones at kung [textspeak!]-anong accessories like bows dahil choking hazard nga.

I suggest you take a picture of the item of clothing and the misplaced label, and email and report the incident to the store/manufacturer so they can ensure the quality of their clothes at maglagay n stricter quality controls (mas mahigpit ang QC ng damit ng bata vs damit ng adults). Maybe you can demand a refund or something. Kung sa Amerika yan nangyari pwede kang maghabla.
« Last Edit: October 09, 2012, 08:22:00 pm by DV »

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Warning to all Moms, Choking Hazard, please read
« Reply #3 on: October 09, 2012, 10:31:37 pm »
Good thing your baby coughed it out, Snowball. And good thing you were there to notice it immediately.

kiz_me1109

  • Guest
Re: Warning to all Moms, Choking Hazard, please read
« Reply #4 on: October 10, 2012, 05:45:53 am »
OMG. Good thing your baby is ok now. Malamang hindi maayos yung pagkatahi nun sa damit at natanggal agad ng anak mo.

When my son was still an infant, tinanggal ko din lahat ng tag ng damit niya. My reason was because nangangati siya sa likod and sabi ng Pedia better daw na tanggalin na yun.

Thanks for sharing this sis. =) This will be really helpful to other moms. =)

pinkpotato

  • Guest
Re: Warning to all Moms, Choking Hazard, please read
« Reply #5 on: October 10, 2012, 08:29:04 am »
snowball, thank God your baby is safe. thanks for sharing.

maybe this is one of the reasons why my mother removed all those etiketa sa mga damit ng anak ko when she was smaller. 


enjey

  • Guest
Re: Warning to all Moms, Choking Hazard, please read
« Reply #6 on: October 10, 2012, 08:54:14 am »
Buti naagapan. Scary naman yun. And thanks for the warning! My baby loves to play with etiketa din. Sa damit, dolls, toys etc. might as well remove it all..

SnowBall

  • Guest
Re: Warning to all Moms, Choking Hazard, please read
« Reply #7 on: October 10, 2012, 09:37:18 am »
Thank you mga sis, si God talaga nagligtas sa baby ko.

I didn't realize na simpleng etiketa eh makakasama sa baby ko. Dapat pala lahat ng baby clothes eh naka print lang sa mismong damit, dapat i banned yang mga etiketa na yan.

Sinimulan ko ng tanggalin mga sis mga etiketa ng damit ni baby, okay na.

Kisses to all moms.

rochelle08

  • Guest
Re: Warning to all Moms, Choking Hazard, please read
« Reply #8 on: October 10, 2012, 09:43:32 am »
^Thank God ok ang baby mo sis, buti na lang andiyan ka na nakabantay...

momai

  • Guest
Re: Warning to all Moms, Choking Hazard, please read
« Reply #9 on: October 10, 2012, 10:23:55 am »
buti sis at okay na ang baby mo, buti nakita mo din agad. minsan na din naganyan si vince ko. siguro mga 8 months siya nun, nakakuha siya ng pantali sa buhok. tapos umiyak siya ng umaga habang tulog. binigyan ko ng dede niya, nakainom pa siya ng milk niya. tapos iyak ulit siya, binuhat ko na, nakita ni hubby na parang dumuduwal. nung check namin ang bibig niya, nasubo niya pala yung pantali. buti hindi nalunok.

minsan din nagising siya agad ng di namin namalayan, nakuha niya coin purse ni hubby. tapos nilabas niya lahat ng coins pati mga sinco. sa takot namin na baka may nakain niya, pina x-ray siya. buti at wala naman nakita sa tiyan niya.

katakot talaga. ingatan ang mga babies....

princessrio

  • Guest
Re: Warning to all Moms, Choking Hazard, please read
« Reply #10 on: October 10, 2012, 11:33:49 am »
it happened tomy baby also. yun lang, hindi sya etiketa.

lunchtime kasi non. pag kumakain ako, yung househelperbamin ang nagbabantay. so after ko kumain, ako na uli nagbantay. nagtataka ako kung bakit parang ngumunguya sya.dedma naman ako. after few seconds, i saw him chewing again. binuksan ko yung bibig. lo and behold! may lamsn ang bibig nya.. and guess what? ang naisubo nya ay yung pangwipe ko ng screen ng cellphone ko! turns out na binigay pala ni helper yung case ng cellphone ko at nabuksan yun ni baby. bad trip na bad trip ako non kay helper! grrrrr....

honeyz4028

  • Guest
Re: Warning to all Moms, Choking Hazard, please read
« Reply #11 on: October 10, 2012, 12:43:56 pm »
This is a real story was shared to me by my sister.

Yung boss ng company, where she had her OJT, had a 1 year old toddler. Her baby died because she gave him skyflakes to chew on. Na-choke dahil malaking chunk yung nalunok ng baby and the mother didn't know na it would be a hazard sa baby nya :(

He was her first-born.

TANYEN

  • Guest
Re: Warning to all Moms, Choking Hazard, please read
« Reply #12 on: October 10, 2012, 02:57:18 pm »
nakakatakot naman un mga sis.hay i have also 15 mo old baby ganun din kalikot at mahilig magsubo kaya talagang todo bantay ako at si yaya.

bluegintonic

  • Guest
Re: Warning to all Moms, Choking Hazard, please read
« Reply #13 on: October 13, 2012, 05:45:13 pm »
Iba iba rin talaga mga bata, Thank God safe na ang baby mo. For me dahil Carters and Oshkosh karamihan ng clothes niya walang tags. The only brand na meron siya na may tags, yung Guess.Hindi ko tinanggal kasi gusto ko matandaan sizes., nasa neck portion naman so hindi abot, tas silky yung tag. bakit nga ba pag kid's clothing hindi na lang gawin printed ang tags, it's not gonna cost them more than a cloth tag din naman!

sachism

  • Guest
Re: Warning to all Moms, Choking Hazard, please read
« Reply #14 on: October 14, 2012, 12:52:51 am »
Thank God your baby is Ok. This is really scary.

Kami, we normally remove it yung sa mga pambahay nya kasi nagrereklamo din sya na makati.

Kaya ngayon mostly ng mga binibili kong pagalis nya walang etiketa like carter's, etc.

D na sya nagrereklamo na makati, wala pang gantong threat.

snowflakes

  • Guest
Re: Warning to all Moms, Choking Hazard, please read
« Reply #15 on: October 14, 2012, 04:59:12 am »
thank God your baby is ok. and thanks for the info kase ako hinde ko tinatanggal ang label ng damit sa sobrang katamadan ko. Gosh scary! pero thank God hinde mahilig magsubo baby ko ng kung ano ano. everytime may mkukuha sha small item she will give it to me. kahit small pieces of paper pa yan.

mamichula

  • Guest
Re: Warning to all Moms, Choking Hazard, please read
« Reply #16 on: November 13, 2012, 10:41:02 pm »
Oh my gosh I'm going to remove the labels na nga tomorrow and shucks puro de butones pa man din the pambahays I bouht recently :(

Cherry143

  • Guest
Re: Warning to all Moms, Choking Hazard, please read
« Reply #17 on: November 13, 2012, 11:46:01 pm »
Hello. Nag post ako dito datinpa. Hindi na post nga lang.

Thanks for sharing para maging aware at mag ingat ang mga mommies for their little ones.

Share kolang din. May nabalitaan akong toddler mga 3yrs old, watching tv, eating. Na choke daw. Hindi na nakwento kung paano na choke. Dinala pa daw sa hospital pero di na na recover.

Kaya sis, sana may first aid training ang mga kasambahay at mga bantay at parents. Sana may special course na para sa mga yaya. Syempre tayo pweding alam natin ang gagawin. Sana may special course na makakapag turo at train sa mga kasambahay ng mga first aid gaya ng para sa na choke. Iba kasi ang pag iisip ng mga yaya kaya sana may special course na yung may skill sa pagturo at pag unawa sa mga yaya. Halimbawa nga, yung si baby parang nabilaukan one time. Katabi ko si baby. Nakita ko nahirapan siya parang naduduwal. Ginawa ko hinampas ko talaga ang likod nya. Ayun baby got relieved. Tapos si yaya parang nag comment pa na ang lakas ng hampas ko, na kung sya ay tapik tapik lang daw. Lalo tuloy ako kinabahan! What if mangyari ulit at lalamya si yaya sa ingat di nya ma tantya ang dapat na hampas!!!!
« Last Edit: November 13, 2012, 11:52:23 pm by Cherry143 »

DV

  • Guest
Re: Warning to all Moms, Choking Hazard, please read
« Reply #18 on: November 14, 2012, 07:47:30 am »
The Philippine Red Cross offers training in first aid, child CPR, accident prevention, etc. Please contact them for details and schedules.


Kung naiiwan ang bata sa yaya, dapat i-train din ng magulang how to handle emergency situations, what to do, who to call (make sure these numbers are saved on their cellphones).

vbhyaknoj

  • Guest
Re: Warning to all Moms, Choking Hazard, please read
« Reply #19 on: November 17, 2012, 12:36:41 am »
mga sis sorry ano po yong etiketa? tsaka san siya nakalagay? bakit naisubo ng bata? sorry po for my ignorant question.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close