Author Topic: bwisitors  (Read 3742 times)

phatgirl

  • Guest
bwisitors
« on: September 24, 2012, 03:01:01 pm »
ilang beses ko na na-kwento dito.pero paulit-ulit yung eksena.wala pa naman ibang bisitang nakapunta dito sa apartment namin kundi in-laws pa lang.at sila lang ang nagiging problema ko.nandito na naman sila kahapon,sunday.unahin ko mula sa pagasok nila sa pinto..

- may shoe cabinet ako dun,bago.may indoor slippers para sa ayaw mag paa,may sanitizer,at may naka-post na note na "leave your shoes inside this cabinet" ,dedma sila..pumasok naka sapatos pa rin.

- ang mga bata,dire-diretso sa masters br,naka sapatos/outdoor slippers,binuksan ang t.v sa sala,nilakasan ang volume

- si father in-law,dumiretso sa terrace.ang terrace kasi nasa masters br.ayon,iniwang naka-open yung screen door.nausisa ko nung gabi,may lamok na naman sa unit namin.

- maingay,magulo,daming kalat,daming pasaway.bago sila dumating,sinabi ko na sa asawa ko na pamilya niya yon,siya na magsabi kung anong rule sa bahay namin,eh ayon dedma nung nandiyan na relatives niya.

- dahil maliit lang dito,sa sofa kumaikain yung mga pamangkin niya,puro naman pahid ng kanin yung sofa namin.dami mugmog.sa kwarto dala ang plato,sa kama kumakain,naka sinelas pati si hipag.sinabi ko na nga wala ako pang palit na bedsheet,dedma rin.

- si hipag number 2,dala 3 anak at 3 yaya.ayun naka sapatos rin sa loob.tapos nagyaya mag swimming.eh sinabi na nga bawal ang outsiders lalo na weekends,sabi sakin ni mil,hayaan ko raw.2x na nga ako nabigyan ng warning dahil sa kanila.madami naman resort sa kanila,dito sumisiksik.buti sana kung 2 bata lang,eh kaso 7 bata plus 3 yaya nakalubog sa pool.nakakahiya.kaya pinaalis talaga sila nung bantay.kasi raw nakaka awa yung anak niya iiyakpag di nag swimming..ayaw kasi pagsabihan/pagalitan,lagi spoiled.kahit ba maliit pa yon,dapat pag sinabing bawal,,bawal.

- ni-lock ko yung masters bedroom,kasi naisip ko kakalinis ko lang nun,saka wala ng privacy kung pati dun papasok sila at tatambay.papasok uli mga bata,sabi "tita naka lock".sabi ko kasi kakalinis ko kang rin dun.tapos parang nasikipan sila sa sala kasi nga 18 -katao sila,sabi ni father in-law "buksan mo na muna yung kwarto niyo,hayaan mo namuna dun,wala naman masisira dun".kakainis.mga walang manners.marunong pa sa may ari ng bahay.

- ke kasal o hindi,karapatan nila akong respetuhin,kasi ako ang nakatira dun di sila.pag wala ka na sa teritoryo mo dapat matuto ka ng makisama.ang sistema kasi masyado silang getting.lahat nasusunod.ikaw pa masama sa loob ng bahay mo.buti sana kung may katulong ako eh.kaso ako lahat.yang anak nila di naman marunong magligpit,saka ayaw ng nauutusan ko lalo na paglilinis.tumutulong naman siya magligpit minsan.pero iba pa rin yung ako ang nagligpit kasi mas sanay ako kaysa sa kanya.

- ang cabinet namin sa 2nd bedrom,matanda/bata,naghahalungkat.dun kasi nakalagay mga cabinet dahil masakip yung masters br..kung may lock lang damitan namin,ni-lock ko sana.

- dala ng hipag ko yung plato,sa kama dun kumakain yung anak niya,sabi ko wala ako pamalit na bedsheet.dedma lang siya,naka sinelas rin.naligo dito sa c.r,walang dalang bath towel,humiram pa.pero may dalang bihisan ha.so alam talaga niyang maliligo sila dito...sana naisip magdala ng towel niya,kasi wala naman akong maid dito para maglaba.ako lahat.tambak nga labahin ko dahil pakonti-konti ang sampay ko pa-tago pa,kasi bawal sa terrace magsampay,kakatokin ka talaga ng guard para alisin sampay mo.sa deck meron kaso paano naman ako mag aakyat -baba may dalang sampay,nagbabantay rin ako ng anak ko.halos lahat naman dito may maid na nauutusan umakyat sa deck,para,maglaba.ilan lang yung walang maid kasama kami.

na-appreciate ko naman rin sila bilang pamilya ng asawa ko,mabait naman sila.mabuting tao,pero yun lang kasi ayoko tuwing nandito sila sa amin.ako naman gets ko na sa kanila sanay sila na ganun,isa pa,malalaki bahay nila,may maids,nirerespeto ko naman sila,pero sana ako rin dito sa loob ng bahay ko respetohin nila.siguro naman naiisip rin nila na ang pagbibigay ng respeto di lang dapat sa matatanda binibigay.ayoko maging bastos sa kanila kaya ayoko magsalita sa kanila na bawal ganito/ganyan.kaya kong maging bastoskung gugustohn ko dahil iba pagpapalaki sa akin ng parents ko.mlitary discpline pati kami sa pamilya ko.pero dahil mabuti sila sa akinatpamilyasila ng asawa ko,hanggang kaya ko tumahimik,tahimik ako.sa asawa ko sinasabi ko,kaso yun asawa ko parang takot na takot.nirerespeto lang raw niya pamilya niya kaya di siya nagsasalita.paano naman ako.kailangan ba porki magulang niya/kapamilya niya ganun ang kilos sa bahay namin dahil nirerespeto niya bawal ako mag implement ng rule?di naman mahirap yung gustoko.ano ba naman yung magpalit ka ng sinelas panloob para nga naman malinis at  di galisin yung bata,yung sawayin mga apo nila na magulo,yung kumilos ng matino dahil wala naman sila sa bahay nila.di naman mahirap yon.marunong naman ako rumespeto sa bahay nila,sana saakin ganun rin.

girl24

  • Guest
Re: bwisitors
« Reply #1 on: September 24, 2012, 04:11:01 pm »
sis, i understand you kasi pareho tayo. ang problema kasi iba ang culture natin sa mga husbands natin and their families. sa kanila okey lang pumasok sa kwarto ng me kwarto, ang maging makalat, etc. like you, i don't have a maid and i clean the house myself kaya masakit sa kalooban na nawawala sa ayos mga nilinis ko at inayos. ang difference lang natin, i told my husband that my number 1 rule is: ayoko ng may ibang tao sa kwarto namin. he respects that naman PAG andun ako sa bahay, pag wala ako eh pinapapasok niya pamangkin niya at kamag anak dun... i also told him, hindi ako dapat maninita kasi pamilya niya yun, siya naman talaga naninita sa pamilya niya... tsaka nakita niya siguro kung gaano kaayos ang bahay pag malinis kaya he wants to maintain it also.

honey-ecclaire

  • Guest
Re: bwisitors
« Reply #2 on: September 24, 2012, 05:00:37 pm »
mukha ngang takot or di kayang pagsalitaan ng mister mo yung pamilya nya,..

for me,for us...sacred yung bedroom namin I mean yung yung private place naming mag-asawa so dapat of limits ang bisita dun otherwise papasok sila kasama ako or si hubby..
and di ba di naman tayo basta papasok sa kwarto ng mag-asawa?...

and sabi mo nga sis,bahay mo yun so meaning pundar mo na iyon bago pa kayo maging mag-asawa so sana maliwanag yun sa mga inlaws mo...
actually I can see na di ka talaga makakapagsalita sa issue na ito kase they will take it against you kesho mayabang,madamot maarte,

Si hubby mo ang dapat gumawa ng paraan para maipaalam ang house rules sa kanila...or better yet wag na lang silang bumisita if ganun namang sama ng loob ang dala nila...kayo na lang ang bumisita

aquacharly

  • Guest
Re: bwisitors
« Reply #3 on: September 24, 2012, 08:00:02 pm »
When it comes to in laws -- no amount of pre-nup getting-to-know you get togethers is gonna cover all bases. 

PHATGIRL: gets na gets ko how grrrrrrr you can get & yes, your house rules are very reasonable, just basic hygiene requirements.

But let us be realistic:
1.  18 people: no way ma  corral mo sa sala-dining area. Sigurado spill-over to the bedrooms.
2.  They will remain what they are as visitors: kulang sa delicadeza.  There is nothing you can do to change them.
3.  Yang hubby mo, he will never side with you when it comes to house rules vis-vis his extended family;
4.  Though p1ssed, you do not  want to be nasty to them.. Sabi mo mabait naman sila. And well, as much as possible --  Hindi mo sila  awayin over their rude ways.

1st things 1st:   Buy those cheapo plastic tablecloth na flannel under. Put that, flannel side up on your bed to protect your sheets.  If none is big enough --  patahi ka to combine 2 or 3 - big enough to act as a bedspread na halos abot sa floor -- que sampa chinelas --  que kalat food - ok lang. Lol
     Install locks on your cabinet doors. Pag pinabubuksan - say no, makalat inside & ask directly: what do you want?  Mahiya na siguro.
     Borrows your towel? Don't give your new ones. Bigyan mo luma, say that's all you have as spare. If napangitan, she will bring her own next time.
     Forewarn guards/your admin para papasok pa lang sa  swimming area -- deny entry na.  Tip the guards/admin para ganahan to be strict.  Hehe  (do not tell hubby)


Why do they visit you? 

      Your hubby always invites them?  Jack up your entertainment/food expenses until he decides tama na gastos & stops  inviting them.   (side comment: IMPT:  hwag mo pamukha sa hubby mo you don't want to entertain his family, bw1set ka sa kanila... Or ang bastusin mo sila.  Don't, (you must always maintain good relations with hubby - hwag mag asaran)

       Your in-laws paid for the condo?  In which case, pinamumukha ng in laws mo they have property rights at tenant lang kayo.  That would explain why deadma deadma lang  sila with your house rules.  Lalo na your husband has defaulted on you -- he does not enforce house rules -- ikaw lang contravida dito.  PHAT, you do not need that label.  Diffuse your grrrr.

        Are you married to their son? Hwag mo ko batuhin for being curious -- but if you are just living in, you have a kid, and you are totally financially dependent sa hubby mo --  Maybe thy expect you have no power to make piyak.    Do not take it personally, ganon lang ka  backward some people given our cultural & religious  parameters.

Why don't you make your hubby suggest mas masaya mag get together sa resort/mall or go on a day  trip to, for ex.,  Tagaytay? Sa Pansol -- get a private swimming pool, overnight.  Research ka san may attraction for kids & restos.  Ang happiness ng apo  eh happiness ng Lolo -- so hanapin mo yon.

PHAT, choose your battles.  Some things, we have to accept & live with, for the time being.
Priority mo is to maintain a good relationship with your hubby.
It will be easier to change people's viewpoint (mas masaya sa maluwag na lunar) than to change their habits/ways.   

phatgirl

  • Guest
Re: bwisitors
« Reply #4 on: September 24, 2012, 09:05:17 pm »
biglaan na lang kasi tuwing pupunta dito.2hours bago sila dumating,saka ka tatawagan.ito namang asawako,di makatanggi.sana nga naiisip nila na mag 2 grupo sa pagpunta dito kasi may mga sasakyan naman,alam naman na masikip dito.itong condo,umuupa kami dito.di ito sa kanila.pero noon balak sana to bilin ng ate ng asawa ko,kahit hulugan.kaso sabi ko wag na.kasi mahirap yung ganun.isa pa,ang may pera talaga yung naging asawa ng ate ni hubby,di naman talaga sila.sana nga kung ibenta to ulit,may pang hulog na asawa ko para kami na lang bibili kasi kakasawa na lipat ng lipat ng bahay.yon nga eh,di ko naisip na takpan yung kama namin.kasi karga ko naman yung baby ko.nahihiya rin ako mang saway sa kanila kasi nga baka may masabi.iisa lang kasi kama dito sa bahay,kaya ayoko sana na gawing playpen ng iba dahil hinihigaan rin ng anak ko.di naman maganda yung kwarto namin,wala naman mga display,gusto ko lang talaga wag na sila pumasok dun kasi madudumihan eh.

yan na nga gagawin ko,kakausapin ko yung taga management dito,sasabhin ko padalan pa ko note na nakalagay may violation kami,tapos lagay nila dahilan yung nag swimming na outsiders.sa pagkain naman,ok lang sa akin nagluluto naman ako pag dadating sila,maayos naman kasi ako makisama sa kanila eh.nagdadala naman sila pagkain rin.kaya nga nasabi ko na mabuting tao rin naman sila,kaso yun nga,may di lang ako nagustuhan pag nandito sila.sa dadating na 2nd Birthday ng anak ko baka dun na nga lang kami sa kanila mag celebrate,kasi sardinas na naman kami dito niyan.dadalin na lang mga handa sa kanila.

alam mo sis aquacharly tama ka..siguro maliit tingin nila sa akin kasi di naman kami kasal ng anak nila.yun nga yun masakit rin,kasi feeling ko kinakaya-kaya nila ko.tapos alam pa nila na di ako close sa family ko,wala akong matatakbuhan na iba..yung anak naman nila gusto na rin makasal kami,kaso nahihirapan lang mag ipon.dati sasagutin sana nila yung kasal pero ayawng anak nila..pero yun nga,masakit pero may point ka,.parang wala naman akong laban.me against the world.

PinKisH_23

  • Guest
Re: bwisitors
« Reply #5 on: September 25, 2012, 09:21:11 am »
I agree with sis aquacharly.

Also, sabihin mo sa asawa mo sis na kung di sya makapagsalita sa family nya about your house rules kumuha sya ng kasambahay who will clean up his family's mess pag andyan sa inyo para narin magets nya na ayaw mo talaga ng makalat na bahay. Or better yet since may maid sila sumama narin when they're there para may maglilinis ng kalat nila.

Priceless

  • Guest
Re: bwisitors
« Reply #6 on: September 25, 2012, 11:25:41 am »
Hi sis Phat

Aside from the fact na di kayo married, alam mo naman na ang culture dyan sa atin, porket alam ng buong pamilya ng partner mo na financially tumutulong sila sa inyo, kahit gano pa kaliit yung tulong na yun and in a way, dependent kayo sa kanila,  feeling ng family na your home is merely an extension of theirs and they "own" it in a way and you are obliged to them. Plus alam nila na stay at home mom ka kaya ang assumption nila is that you have all the time to tidy things up and look after them and their kalat.

Bagong lipat lang ba kayo dyan sa condo nyo? baka naman ngayon lang yan dahil bago pa nga at masipag pa silang magsipag punta dyan. I suggest wag kang mag-stock ng food sa bahay mo para either hindi sila magtagal (dahil alam nilang wala kang balak magluto). Di kaya dapat kayo nalang ang magsipag na bumisita sa kanila (unahan nyo na sa lakwatcha - pag weekends lalo dahil baka alam nila na parati naman kayong nasa bahay) para di sila makahirit na pupunta dyan... Sabihin mo na gusto mo ikaw naman ang lumabas dahil nasa house ka most of the time. Kahit na hindi mo type pumunta sa kanila o kaya maglakwatcha, pilitin mo nalang ang sarili mo para lang to avoid them going to your house dahil wala naman kayo doon most of the time.

Eventually, siguro naman they will get the hint...

Tama, put locks on your cabinets; buy a movable tv trolley so you can take the tv out of your bedroom, and hide the remote control (kung meron man) of the aircon sa bedroom nyo. On the weekends, put whatever stuff you can find ON YOUR BED - like books, plastic boxes, planchahin, etc...para makita nila na wala silang pwedeng upuan sa loob ng masters bedroom. Bumili ka ng folding bed/sofa bed, folding chairs na pwede mong itabi pag di ginagamit..

eekai

  • Guest
Re: bwisitors
« Reply #7 on: October 10, 2012, 11:40:02 pm »
i know it can be stressful but i think you no longer have a choice.  just entertain them and not stress yourself out.  chances are, they are never going to follow nor undersand your house rules.  if you insist on them, hello, major drama and major problem.

my in-laws are like yours.  they come unannounced.  they come when we tell them we need rest.  they come when they want to come.  but not all the time, maybe like 3 times a year. 

so, yes, i get pissed but when they are here na, i just go with the flow.  what else can i do, di ba?




muy003

  • Guest
Re: bwisitors
« Reply #8 on: October 21, 2012, 08:17:05 am »
Wow to all the ladies who gave tips ha! I added to my reading list, just in case makalimutan ko mga nabasa ko. I love how you can actually deal with them ng di nila alam, sneaky pero it could save your sanity.. Love the replies of the ladies here.

Freena

  • Guest
Re: bwisitors
« Reply #9 on: October 21, 2012, 10:38:05 am »
TS: Sis, i feel you. As a wife, mom and homemaker, i have my rules regarding the cleanliness of our home. Ayoko ng pakielamero, magulo, maingay at makalat sa house. Same situation tayo on my hubby's relatives. Though hindi naman ganyan ka severe. Since maliit lang ang extended family nya, at controllable ang kids nila. At mga may delikadesa any 2 sisters nya. Mejo may parka-pakielamera nga lang, on ALL issues. You don't want me to get started in them, hahaha.
Anyway, my first question is:
1.) How long is this going on? Months palang ba?
-Coz believe me, you'll get used to it. As i have too. Nung una, windang to the highest level talaga ako, pero time pass, alam ko na aasahan ko, so i prepare na for the situation. Ligpit na mga personal items na ayaw ko mapakialaman, yung mga pinupina ng mga ate nya specially yung panganay, i try to do something about it. Para lang walang masabi. And the list goes on. the KEY is PREPARATION and MIND-CONDITIONING. Kasama yun sis sa pag-aasawa. :)
2.) How old is you baby?
-Kasi if you recently just gave birth, i might assume you are on post-partum depression, i personally kasi suffered from severe post-partum dep. Even little things tick me off talaga. Tapos lahat ng baggy napapansin ko, i get easily upset over small issues. Plus the burden of caring a child and cleaning the house everyday. Tapos your not able to talk to anyone to let it all out. My postpartum del. lasted for almost 3months, some girls longer. So you might want to consider this.

My advice to you sis, based on my experience lang syempre. Tolerated what you can tolerate, and voice-out what you can't. Close me si mother-in-law or sister-in-law, make an effort to get closer, para pag may mga hinaing ka, you can say it to them na. Kasi nga close na kayo at mejo open to each other. I did that to my sister-in-law, now i can even joke around with her and ask personal advice and questions. Sarap sa pakiramdam. :)
The last thing i would like to tell you is just look on the bright-side! ENJOY the situation! Enjoy their company, i'm sure kahit just a bit natutuwa ka din na may bisita, after all, the more the merrier! And I'm sure hubby loves seeing and spending time with his family. Specially with his parents, limited lang ang time ng parents natin with us. Naturally, mas mauuna sila kunin ni Lord. (Knock on wood!)
Put your self in your hubby's position. I'm sure you love spending time with you parents and sibs too.
Pero i'm not saying na go on with the flow ha. Tolerate what you can tolerate, and pag di na carry, make a stand for it. Si hubby ang pagbuntunan mo. Kasi like what you said, it's his family. Sya dapat magsabi.
I hope it helps! :) ;)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close