ilang beses ko na na-kwento dito.pero paulit-ulit yung eksena.wala pa naman ibang bisitang nakapunta dito sa apartment namin kundi in-laws pa lang.at sila lang ang nagiging problema ko.nandito na naman sila kahapon,sunday.unahin ko mula sa pagasok nila sa pinto..
- may shoe cabinet ako dun,bago.may indoor slippers para sa ayaw mag paa,may sanitizer,at may naka-post na note na "leave your shoes inside this cabinet" ,dedma sila..pumasok naka sapatos pa rin.
- ang mga bata,dire-diretso sa masters br,naka sapatos/outdoor slippers,binuksan ang t.v sa sala,nilakasan ang volume
- si father in-law,dumiretso sa terrace.ang terrace kasi nasa masters br.ayon,iniwang naka-open yung screen door.nausisa ko nung gabi,may lamok na naman sa unit namin.
- maingay,magulo,daming kalat,daming pasaway.bago sila dumating,sinabi ko na sa asawa ko na pamilya niya yon,siya na magsabi kung anong rule sa bahay namin,eh ayon dedma nung nandiyan na relatives niya.
- dahil maliit lang dito,sa sofa kumaikain yung mga pamangkin niya,puro naman pahid ng kanin yung sofa namin.dami mugmog.sa kwarto dala ang plato,sa kama kumakain,naka sinelas pati si hipag.sinabi ko na nga wala ako pang palit na bedsheet,dedma rin.
- si hipag number 2,dala 3 anak at 3 yaya.ayun naka sapatos rin sa loob.tapos nagyaya mag swimming.eh sinabi na nga bawal ang outsiders lalo na weekends,sabi sakin ni mil,hayaan ko raw.2x na nga ako nabigyan ng warning dahil sa kanila.madami naman resort sa kanila,dito sumisiksik.buti sana kung 2 bata lang,eh kaso 7 bata plus 3 yaya nakalubog sa pool.nakakahiya.kaya pinaalis talaga sila nung bantay.kasi raw nakaka awa yung anak niya iiyakpag di nag swimming..ayaw kasi pagsabihan/pagalitan,lagi spoiled.kahit ba maliit pa yon,dapat pag sinabing bawal,,bawal.
- ni-lock ko yung masters bedroom,kasi naisip ko kakalinis ko lang nun,saka wala ng privacy kung pati dun papasok sila at tatambay.papasok uli mga bata,sabi "tita naka lock".sabi ko kasi kakalinis ko kang rin dun.tapos parang nasikipan sila sa sala kasi nga 18 -katao sila,sabi ni father in-law "buksan mo na muna yung kwarto niyo,hayaan mo namuna dun,wala naman masisira dun".kakainis.mga walang manners.marunong pa sa may ari ng bahay.
- ke kasal o hindi,karapatan nila akong respetuhin,kasi ako ang nakatira dun di sila.pag wala ka na sa teritoryo mo dapat matuto ka ng makisama.ang sistema kasi masyado silang getting.lahat nasusunod.ikaw pa masama sa loob ng bahay mo.buti sana kung may katulong ako eh.kaso ako lahat.yang anak nila di naman marunong magligpit,saka ayaw ng nauutusan ko lalo na paglilinis.tumutulong naman siya magligpit minsan.pero iba pa rin yung ako ang nagligpit kasi mas sanay ako kaysa sa kanya.
- ang cabinet namin sa 2nd bedrom,matanda/bata,naghahalungkat.dun kasi nakalagay mga cabinet dahil masakip yung masters br..kung may lock lang damitan namin,ni-lock ko sana.
- dala ng hipag ko yung plato,sa kama dun kumakain yung anak niya,sabi ko wala ako pamalit na bedsheet.dedma lang siya,naka sinelas rin.naligo dito sa c.r,walang dalang bath towel,humiram pa.pero may dalang bihisan ha.so alam talaga niyang maliligo sila dito...sana naisip magdala ng towel niya,kasi wala naman akong maid dito para maglaba.ako lahat.tambak nga labahin ko dahil pakonti-konti ang sampay ko pa-tago pa,kasi bawal sa terrace magsampay,kakatokin ka talaga ng guard para alisin sampay mo.sa deck meron kaso paano naman ako mag aakyat -baba may dalang sampay,nagbabantay rin ako ng anak ko.halos lahat naman dito may maid na nauutusan umakyat sa deck,para,maglaba.ilan lang yung walang maid kasama kami.
na-appreciate ko naman rin sila bilang pamilya ng asawa ko,mabait naman sila.mabuting tao,pero yun lang kasi ayoko tuwing nandito sila sa amin.ako naman gets ko na sa kanila sanay sila na ganun,isa pa,malalaki bahay nila,may maids,nirerespeto ko naman sila,pero sana ako rin dito sa loob ng bahay ko respetohin nila.siguro naman naiisip rin nila na ang pagbibigay ng respeto di lang dapat sa matatanda binibigay.ayoko maging bastos sa kanila kaya ayoko magsalita sa kanila na bawal ganito/ganyan.kaya kong maging bastoskung gugustohn ko dahil iba pagpapalaki sa akin ng parents ko.mlitary discpline pati kami sa pamilya ko.pero dahil mabuti sila sa akinatpamilyasila ng asawa ko,hanggang kaya ko tumahimik,tahimik ako.sa asawa ko sinasabi ko,kaso yun asawa ko parang takot na takot.nirerespeto lang raw niya pamilya niya kaya di siya nagsasalita.paano naman ako.kailangan ba porki magulang niya/kapamilya niya ganun ang kilos sa bahay namin dahil nirerespeto niya bawal ako mag implement ng rule?di naman mahirap yung gustoko.ano ba naman yung magpalit ka ng sinelas panloob para nga naman malinis at di galisin yung bata,yung sawayin mga apo nila na magulo,yung kumilos ng matino dahil wala naman sila sa bahay nila.di naman mahirap yon.marunong naman ako rumespeto sa bahay nila,sana saakin ganun rin.