Author Topic: INUNA NYA PA YON KESA SA ANAK NAMIN....  (Read 11392 times)

1choi_ko9

  • Guest
INUNA NYA PA YON KESA SA ANAK NAMIN....
« on: September 08, 2012, 04:18:49 am »
Hi...sorry kung dito ko ibubuhos sama ng loob ko. Wala ako masabihan although alam ko andyan lang naman family ko for me. Kaso syempre sa mga gantong bagay parang ang hirap ikwento sakanila. Please enlighten naman me mga sis...

Naiinis ako sa asawa ko, as in to the highest level.

This week lang, kakastart lang ni hubby sa new work nya. Days ago niyaya daw sya ng new officemates nya to play basketball on a Friday. Sabi nya gusto nya sumama kase para makilala rin nya bago nya kasamahan. Ako okay lang sakin kase para nga makilala nya officemates nya.

Yesterday (Thursday) paguwi anak namin from school nilalagnat. Then etong Friday na to grabe kataas na lagnat. Alam ng asawa ko yan and sabi nya iupdate ko sya palagi sa temp etc. Hindi na ako pumasok kase para maalagaan ko sya. Nakakatakot pa naman lagnatin anak namin kase sobrang taas ng lagnat. Tapos parang nagdedeliryo. Sobra sobra ako nagwoworry. Advise sakin ng mom ko pakuhaan CBC pag kauwi daw asawa ko. So sinabi ko lahat sa asawa ko yun kahit na hesitant pa ako nung una kase syempre new work ayaw ko rin naman na madistract sya. Eh kaso ayaw ko rin naman masisisi in the end pag hindi ako nag update. Tsaka palagi rin sya text tinatanong kamusta at ano temp. Tinanong ko sya ano oras sya makauwi. Hindi sinasagot tanong ko.

So nung time na alam ko na uwian na nila tinatawagan ko sya, hindi sinasagot. Nakailan tawag ako walang sagot. :( Eh kasagsagan yun na mataas nanaman lagnat at sumusuka. Binigyan ko na paracetamol and antibiotics as per order ng doctor. Hindi ko naman madala sa ospital kase hindi ako marunong mag drive, tapos umulan pa kanina wala ako kasama. Tsaka ewan ko ba siguro natatakot din ako gumawa ng move na pag nagpunta ako ospital at nalaman mom ko tatanungin asan asawa ko bat hindi pa umuuwi etc etc...in short in some way ayaw ko rin pag isipan asawa ko. haay

After an hour of calling, finally tumawag sakin para sabihin pauwi na sya. Pero aattend na lang raw sya muna nung support group namin para ipagpray anak namin.

Nag iisip ako, sabi ko sa sarili ko siguro hindi naman na sya nagbasketball kase may sakit nga anak namin. Unahin nya naman siguro anak namin kesa sa basketball etc etc... Hangang pag uwi nya wala ako alam. NUng tinanong ko lang sya (pero tanong na niloloko ko sya, not knowing what to expect sa answer nya) sabi ko "kamusta basketball?". Sagot naman sya: "ok lang sandali lang ako naglaro mga 20 mins lang ata" tapos umalis na rin ako!".  WHAAATTT???? Alam mo may sakit anak mo, alam mo na natataranta na ako, nagdedeliryo na anak mo at hindi bumaba lagnat...nakuha mo pang unahin maglaro kesa umuwi sa anak mo???? Ang reason nya, nakapag bayad na raw sya...WTF?! kahit na ba...unahin mo pa yun??? Kahit na pa sandali ka lang? Tapos sasabihin mo tumuloy ka sa support group after...hindi ka muna tumuloy agad don kase maaga pa...

Ang kinaiinis ko bakit hindi mo magawang sagutin phone mo at tignan mga tawag ko...eh diba sya rin naman may gusto iupdate sya tapos babalewalain lang nya nung time na maglalaro na sila...BS!!! Haay gigil na gigil ako sakanya!!! Bwiseeet talaga.... Binigyan nya ng much more imprtance yun laro na yon over his child???

TIngin nyo mga sis, do i have the right to get angry this much? What do I need to do now? Di ko sya feel kausapin....ang nakakainis pa sakanya...umaasta sya na parang wala naman sya ginawa masama! gggrrrrr

chefron

  • Guest
Re: INUNA NYA PA YON KESA SA ANAK NAMIN....
« Reply #1 on: September 08, 2012, 06:18:24 am »
di ko na inaantay ang asawa ko na dumating para lang ihatid anak ko sa ospital.
I do it because i know mas makakabuti yun para sa bata kesa mag antay ako sa wala. Atsaka ikaw ang kasama ng bata, gawan mo ng paraan na maibsan yung nararamdaman nya. RESPONSIBILITY mo yun bilang ina.

Ngayon sa responsibility ng asawa mo, oo concern naman sya pero kaya di din sya masyadong worried kase ALAM NYA NA ANDYAN KA! Na ikaw mismo eh aaksyon whatever needs to be done.

Baket ka matatakot sa mom mo kung yung pagdala mo sa anak mo sa ospital ang makakasave sa anak mo? Hayaan mo syang maglitanya, ikaw alam mo naman kung asan asawa mo eh, alam mo kung what pinaalam nya sayo.
Hindi mo naman pwedeng idahilan na youre saving his face to your mom dahil alam na alam mo na hindi naman talaga pabaya asawa mo, na alam mong may pinaalam sayo kung anung gagawin nya.

greyzie

  • Guest
Re: INUNA NYA PA YON KESA SA ANAK NAMIN....
« Reply #2 on: September 08, 2012, 08:14:04 am »
hi, sis... i agree with sis chefron. priority is your child, kung talagang need i-hospitalized nakagawa ka na ng paraan to do so kahit ano pa sabihin ng iba about your hubby. pwede mo rin naman pagtakpan pag hinanap.

iampennylane

  • Guest
Re: INUNA NYA PA YON KESA SA ANAK NAMIN....
« Reply #3 on: September 08, 2012, 08:29:36 am »
Tama ang sinabi ng ibang sisses natin, dapat hindi mo na hinintay asawa mo kung nagdedeliryo na pala yung anak mo, safety na ng anak mo ang pinaguusapan natin at hindi excuse na hindi ka marunong magdrive at baka ano sabihin ng nanay mo. Oo magagalit ako sa asawa ko kung ganun nga ang nangyari pero hindi ko isasaalang alang yung health ng anak ko dahil lang sa hindi pa umuuwi ang asawa ko. Di tayo pwedeng maging dependent lagi sa asawa natin, yan ang laging sinasabi sakin ni hubby which is true naman, kasi ako dati laging kelangan kasama sya sa lahat ng ginagawa ko basta it concerns my children pero pano nga naman kung wala sya, hindi naman all the time eh magkakasama kami.


I hope your child is ok na.

princess_21

  • Guest
Re: INUNA NYA PA YON KESA SA ANAK NAMIN....
« Reply #4 on: September 08, 2012, 11:43:38 am »
I also agree sa inyo mga sisses...ako bahala na yong asawa ko magbasketball or mag-overtime sa work lalo na't alam nyang may sakit yung kids namin its not because pabaya sya or etc..its because he trusts me with those stuffs and alam niyang kayang-kaya ng powers ko to look after them pag may sakit..Don't be too dependent sis sa hubby mo to the extent na pababayaan mo child mo just because you're paranoid on what's going sa office niya or dahil lang gusto mong ma-obliga sya. Pero infairness sa hubby ko if need na ng admittance sa hospital talagang andyan sya pero ok lang if wala sya sa check-up or minor labtests kasi kaya ko naman...

k_heart

  • Guest
Re: INUNA NYA PA YON KESA SA ANAK NAMIN....
« Reply #5 on: September 08, 2012, 12:56:59 pm »
Naiintindihan ko ang pinang gagalingan ni TS. Bakit,dapat nanay lang ba ang dapat umitindi sa anak kapag may sakit and everything??? tatampalin ko yung asawa ko pag inuna nya pa yung kung ano ano habang may sakit yung anak namin at kailangang dalhin sa doctor. Bakit tama, naman si TS na dapat di inuna ang basketball. Ano sya teen-ager???Haller!!!

My husband is a military man kayo most of the time, i decide things at home. Pagdadala sa hospital, pag eenroll at everything. It's understandable kasi malayo lagi yung hubby ko. Pero kung nandito naman sya, he is responsible enough to share parental duties, at unahin ang mga kids nya kesa barkada.
Although yes, tama din na hindi na dapat hinintay si hubby at dinala na sa hospital.

Pero i think, ang pagkainis ni TS ay galing dun sa parang di natataranta si Mister nya sa kalagayan ng anak nila.

Parenting is a shared responsibility.

k_heart

  • Guest
Re: INUNA NYA PA YON KESA SA ANAK NAMIN....
« Reply #6 on: September 08, 2012, 01:04:07 pm »
Pero sis Ichoi_ko9, siguro ganun yung asal ng hubby mo kasi he trusts you na enough na alam mo na ang gagawin mo sa mga ganyang situations. At feeling nya ay hindi pa ganun kagrabe yung sakit ng anak nyo. Although nakakainis pa din nga kasi paano kung grabe nga.

snowie

  • Guest
Re: INUNA NYA PA YON KESA SA ANAK NAMIN....
« Reply #7 on: September 08, 2012, 01:05:43 pm »
I agree with k heart. Parehas nyong responsibility ang bata. Kung valid at me weight ang reason asawa nya ok lang but kung anjan lang naman din hinde tama yun. Nakakainis talaga yung ganun, ako nga i know alam ng hubby ko kaya ko alagaan mag isa anak namin kase talagang ako nagpalaki dun ni hinde nya napaliguan yun ...dadating na sya gabe na... Pero gumagawa sya paraan kahit little ways para tulungan ako, its part of being a parent. Esp pag emergency, dapat dalawa kayo anjan kung pwede.

Next tIme sis, alam mo na na ganun si hubby mo, learn kana to decide on your own or talk to him in a calm manner and say na dapat anjan kayo para sa isat isa :)

iampennylane

  • Guest
Re: INUNA NYA PA YON KESA SA ANAK NAMIN....
« Reply #8 on: September 08, 2012, 01:10:17 pm »
^yes tama ka na parenting eh kelangan kayong mag-asawa talaga, tama na di dapat inuna yung basketball, eh ganun talaga yung asawa, inuna nya talaga yung basketball kesa sa anak nya. Ang concern ko lang, sana dinala na ni TS yung anak nya sa hospital kahit na wala pa yung asawa nya. Then she can be mad at the husband thereafter, giyerahin nya kung gusto nya, awayin o kung ano pa man. Pero sana inuna yung bata. Hindi yung galit, kasi again, yung health na ng bata ang pinag-uusapan. The husband may not be there, do your part na lang na as a mother. May karapatan ka talagang magalit sis kasi kahit naman sino magagalit talaga, as a matter of fact, baka kung ano pang magawa ko sa hubby ko kung nangyari saken yan.

greyzie

  • Guest
Re: INUNA NYA PA YON KESA SA ANAK NAMIN....
« Reply #9 on: September 08, 2012, 01:33:03 pm »
^same POV. siguro your hubby would have realized how urgent the situation is kung ikaw na di marunong mag-drive at walang kasama ay isinugod your child sa hospital na mag-isa. magu-guilty pa siya tiyak. and as one of the sisses here said, naging kampante siguro siya na you have everything under control.


freelancer_babe

  • Guest
Re: INUNA NYA PA YON KESA SA ANAK NAMIN....
« Reply #10 on: September 08, 2012, 01:38:06 pm »
ako rin magagalit kung ganyan.

"mabait" ka ata sis? talaga bang nagalit ka sa kanya o dito mo binuhos lahat ang sama ng loob sa thread na ito?

this is probably the right time na talagang magalit sa hubby mo.

also, tama rin ang sinabi ng ibang sisses dito. wag ka parating nakasandal sa decision ng hubby mo. learn to decide on your own. baka din nga ang iniisip ng hubby mo ay simpleng lagnat lang. or it's possible na yung gravity ng situation rin was not communicated well on your part - baka kasi hindi derecho ang pagkasabi mo rin, you might have hinted instead of telling to your hubby's face kung ano ang problema (guys wanted things told to them straight away, walang paliguy-ligoy).

rianne_mallows

  • Guest
Re: INUNA NYA PA YON KESA SA ANAK NAMIN....
« Reply #11 on: September 08, 2012, 01:57:22 pm »
Question. Sunabi mo ba directly na unuwi siya agad para madala sa ospital anak niyo? O update lang talaga mga text mo? If not ano ikinagagalit mo? Unless hindi siya umuwi kahit sinabi mo nang isususgod anak mo sa hospital eh parang nag oover react ka lang. Saka ja magalit if outright na ganun ang ginawa niya

Anong temperature ng anak mo? Ilang beses nagsuka?
Talaga bang may cause para magpanic?

Paano ka ba magtext? Baka kalmado lang din ang dating ng messages mo kaya hindi din siya nag-aalala
Isa pa, suguro naman tingin capable ka alagaan anak niyo kahit wala siya


Ayaw mo siya kausapin? Okay lang magtampo, emotional ka nguon eh. Pero isipin mo dib.  Ganoon na ba kagrabe yung nagawa niya?

Kesa hindi mo siya kauspin, mas maganda kung kausapin mo siya para masabi mo na sana mas nagibg sensitive siya sa situation. Na sana next time umuwi siya agad etc etc.

Maliit lang na problem iyan. Ayusin niyo aad kesa lumala pa

YanYanYanYanYan

  • Guest
Re: INUNA NYA PA YON KESA SA ANAK NAMIN....
« Reply #12 on: September 08, 2012, 02:03:17 pm »
Firstly, bilang asawa intindihin nalang ang mga immatured na yan LOL. Second, sana din inuna mo ng dalhin sa doctor and intindihin si baby mo kesa kakatawag sa asawa mong hindi marunong umintindi LOL. 3rd, bilang asawa wala talaga tayong magagawa kundi intindihin nalang ang mga pangyayari at lawakan pa ang pangunawa natin alang alang sa harmonious relationship.


In short, [textspeak!] baby mo nalang intindihiin mo muna sis.

Post modified. Please refrain from quoting long posts, And please edit your text speak.
« Last Edit: September 09, 2012, 01:36:52 pm by mama squeak! »

glamorosa_09

  • Guest
Re: INUNA NYA PA YON KESA SA ANAK NAMIN....
« Reply #13 on: September 08, 2012, 03:50:18 pm »
pareho lang kayo ng hubby mo sis. may inunang bagay kesa sa anak.

hubby mo, inuna basketball.
ikaw, inuna galit at inis, inuna yung iisipin ng nanay mo.

wawa naman baby.

YanYanYanYanYan

  • Guest
Re: INUNA NYA PA YON KESA SA ANAK NAMIN....
« Reply #14 on: September 08, 2012, 04:00:29 pm »
pareho lang kayo ng hubby mo sis. may inunang bagay kesa sa anak.

hubby mo, inuna basketball.
ikaw, inuna galit at inis, inuna yung iisipin ng nanay mo.

wawa naman baby.

LIKE!  ;D

princessrio

  • Guest
Re: INUNA NYA PA YON KESA SA ANAK NAMIN....
« Reply #15 on: September 08, 2012, 10:44:51 pm »
TS - i'd also get mad if i were in your shoes BUT saka ko na siguro maiisip yan kapag nadala ko na ang baby ko sa ospital given na ganon na ang situation, kasehodang hindi ako marunong magdrive o mag-isa ako. my baby is my priority. kung may nangyari at nag-50/50 ang baby mo sa pangangalaga mo, sino ba ang sisisihin? ang hubby mo? ang nanay mo? o ikaw?

i don't think na naging super pabaya naman ang asawa mo. ikaw na ang nagsabi na palagi rin naman siyang nagtetext at nagtatanong ng update. hindi naman siguro naglaro ang asawa mo ng basketball ng nasa bulsa ang cellphone para masagot ang tawag mo. baka sa sobrang ingay, hindi talaga narinig.

i don't think you need to get angry that much. maliit na bagay yan. wag mo na palakihin pa.

chefron

  • Guest
Re: INUNA NYA PA YON KESA SA ANAK NAMIN....
« Reply #16 on: September 08, 2012, 11:06:05 pm »
Or baka naiinis ka lang din kase feeling mo "nadaya" ka ng asawa mo kase sya nakapagbasketball ikaw nagbabantay ng anak? Hehe

Aminin man natin o hinde may episode na ganyan.

Tsaka TS, di mo din naisip na mas malakas ang magiging hold mo over him kung nadala mo sa ospital si baby ng wala sya? Hehe kumbaga mas may karapatan kang mag emote ng bongga kase nga pinalabas mo na wala syang "kwenta" ;)

There is more to this than what youre telling here, hehe.

Kayo ang mag asawa, in the end kayo lang makakapag ayos nyan. Humaba man tong thread, makisawsaw man kame paulit ulit, kayong mag asawa pa din ang aayos nyan.
 So maybe what you can do is prioritize the well being of your child first then tsaka mo tirahin ang next problem,which to you is your husband. Wag pagsabayin kase isa lang katawang tao mo.

Hope your baby is ok now.

Smile, it will make things appear easier.

beatrize zuri

  • Guest
Re: INUNA NYA PA YON KESA SA ANAK NAMIN....
« Reply #17 on: September 08, 2012, 11:37:28 pm »
i agree with chefron especially don sa unang post niya. kasi if i were in that situation ako na mismo ang mag dadala sa anak ko sa ospital pareho tayo di rin ako marunong mag drive pero i can get a cab so i can bring my son to the hospital. and tama si chefron na andyan ka kasi kaya akala mo parang di nagwoworry si husband, he trust you so well na you know what to do.
 
sana ok na kayo ng husband mo, and yung son mo.  :)

beatrize zuri

  • Guest
Re: INUNA NYA PA YON KESA SA ANAK NAMIN....
« Reply #18 on: September 08, 2012, 11:43:22 pm »
Tsaka TS, di mo din naisip na mas malakas ang magiging hold mo over him kung nadala mo sa ospital si baby ng wala sya? Hehe kumbaga mas may karapatan kang mag emote ng bongga kase nga pinalabas mo na wala syang "kwenta" ;)

and i think bibilib pa sayo si husband kung nadala mo sa hospital si son ng di na siya inaantay, kasi he knows na he count on you. na you can kahit na wala siya, its like " ang galing ng asawa ko, bilib na bilib ako sa kanya", o diba ang sarap kayang pakinggan yan coming from a husband... :)

1choi_ko9

  • Guest
Re: INUNA NYA PA YON KESA SA ANAK NAMIN....
« Reply #19 on: September 09, 2012, 09:19:03 am »
pareho lang kayo ng hubby mo sis. may inunang bagay kesa sa anak.

hubby mo, inuna basketball.
ikaw, inuna galit at inis, inuna yung iisipin ng nanay mo.



wawa naman baby.

I guess you're right in some way...

I guess inuna ko muna pwedeng isipin ng mga magulang ko and family... why? because I know hindi nila gusto ang nangyari with the hubby prioritizing other things bago pa anak nya. WHy ko iniisip sasabihin nila? Well that's another long story to tell...to make it short...ngayon pa lang kase naayos ang gusot between my hubby and my parents and ang main reason ng gulo nila before eh hubby not responsible enough...But again I know its my child's health is at stake.

Ang kinaiinis ko ng sobra sobra...nung time na tawag na ako ng tawag sakanya at hindi nya sinasagot. After work daw iniwan nya things nya sa office at dumiretso na sa basketball...I mean, hindi mo man lang ba chineck cellphone mo bago ka naglaro na may updates??? AND yung ireason out nya sakin, na nakapag bayad na sya etc etc...Parang for me...unahin mo pa binayad mo OVER your child? Unahin mo pa ang laro OVER your child?

I know ako ang naiwan sa bahay ako ang responsible....I know that...and I did my all for my child. I know what to do naman... Siguro ayaw ko lang yung idea na idepend din sakin lahat lahat ng magaling kong asawa ang mga bagay na ganto...na para ba akong si superwoman who can handle all things? I need him also...Tsaka pwede naman sya mag hang out some other time pag wala sakit ang anak nya! Feeling ko lang naman kase since ang tagal nya naka tengga dito sa bahay at nagkaron ng bagong work alagaan nya yung new work na yon baka mawala pa... I dunno... Ang main point ko lang is meron ibang araw to play, to hang out....and nung time na may sakit ang anak namin is not the right time!

Tatay din naman sya ng anak ko....Kahit na pa ginawa ko lahat...My child also needs his father... then yun nga maraming ibang panahon to do what he wants to do... yon lang naman e... Hindi ko dinala pa sa ospital kase I know what to do with my child...kaya lang I am no superwoman...manong damayan nya ko...

Btw, with God's grace okay na po ang anak namin. Kami na lang ni hubby ang hindi pa :(
« Last Edit: September 09, 2012, 09:24:26 am by 1choi_ko9 »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close