Hi...sorry kung dito ko ibubuhos sama ng loob ko. Wala ako masabihan although alam ko andyan lang naman family ko for me. Kaso syempre sa mga gantong bagay parang ang hirap ikwento sakanila. Please enlighten naman me mga sis...
Naiinis ako sa asawa ko, as in to the highest level.
This week lang, kakastart lang ni hubby sa new work nya. Days ago niyaya daw sya ng new officemates nya to play basketball on a Friday. Sabi nya gusto nya sumama kase para makilala rin nya bago nya kasamahan. Ako okay lang sakin kase para nga makilala nya officemates nya.
Yesterday (Thursday) paguwi anak namin from school nilalagnat. Then etong Friday na to grabe kataas na lagnat. Alam ng asawa ko yan and sabi nya iupdate ko sya palagi sa temp etc. Hindi na ako pumasok kase para maalagaan ko sya. Nakakatakot pa naman lagnatin anak namin kase sobrang taas ng lagnat. Tapos parang nagdedeliryo. Sobra sobra ako nagwoworry. Advise sakin ng mom ko pakuhaan CBC pag kauwi daw asawa ko. So sinabi ko lahat sa asawa ko yun kahit na hesitant pa ako nung una kase syempre new work ayaw ko rin naman na madistract sya. Eh kaso ayaw ko rin naman masisisi in the end pag hindi ako nag update. Tsaka palagi rin sya text tinatanong kamusta at ano temp. Tinanong ko sya ano oras sya makauwi. Hindi sinasagot tanong ko.
So nung time na alam ko na uwian na nila tinatawagan ko sya, hindi sinasagot. Nakailan tawag ako walang sagot.

Eh kasagsagan yun na mataas nanaman lagnat at sumusuka. Binigyan ko na paracetamol and antibiotics as per order ng doctor. Hindi ko naman madala sa ospital kase hindi ako marunong mag drive, tapos umulan pa kanina wala ako kasama. Tsaka ewan ko ba siguro natatakot din ako gumawa ng move na pag nagpunta ako ospital at nalaman mom ko tatanungin asan asawa ko bat hindi pa umuuwi etc etc...in short in some way ayaw ko rin pag isipan asawa ko. haay
After an hour of calling, finally tumawag sakin para sabihin pauwi na sya. Pero aattend na lang raw sya muna nung support group namin para ipagpray anak namin.
Nag iisip ako, sabi ko sa sarili ko siguro hindi naman na sya nagbasketball kase may sakit nga anak namin. Unahin nya naman siguro anak namin kesa sa basketball etc etc... Hangang pag uwi nya wala ako alam. NUng tinanong ko lang sya (pero tanong na niloloko ko sya, not knowing what to expect sa answer nya) sabi ko "kamusta basketball?". Sagot naman sya: "ok lang sandali lang ako naglaro mga 20 mins lang ata" tapos umalis na rin ako!". WHAAATTT?

Alam mo may sakit anak mo, alam mo na natataranta na ako, nagdedeliryo na anak mo at hindi bumaba lagnat...nakuha mo pang unahin maglaro kesa umuwi sa anak mo?

Ang reason nya, nakapag bayad na raw sya...WTF?! kahit na ba...unahin mo pa yun??? Kahit na pa sandali ka lang? Tapos sasabihin mo tumuloy ka sa support group after...hindi ka muna tumuloy agad don kase maaga pa...
Ang kinaiinis ko bakit hindi mo magawang sagutin phone mo at tignan mga tawag ko...eh diba sya rin naman may gusto iupdate sya tapos babalewalain lang nya nung time na maglalaro na sila...BS!!! Haay gigil na gigil ako sakanya!!! Bwiseeet talaga.... Binigyan nya ng much more imprtance yun laro na yon over his child???
TIngin nyo mga sis, do i have the right to get angry this much? What do I need to do now? Di ko sya feel kausapin....ang nakakainis pa sakanya...umaasta sya na parang wala naman sya ginawa masama! gggrrrrr