Author Topic: Bakit ba ganun..pag matanda ba,dapat lagi nasusunod?  (Read 3760 times)

phatgirl

  • Guest
Bakit ba ganun..pag matanda ba,dapat lagi nasusunod?
« on: September 06, 2012, 04:37:11 pm »
malapit na birthday ng hubby ko..gusto ko sana sa mismong birthday niya,matupad yung wish ko na ipagluto siya..total may mga requests siya..kaya lang kaka inis naman,kalaban ko na naman in-laws ko..nagyaya sila na sa mismo araw ng birthday ng anak nila,kakain sa labas,sagot nila..kakainis lang,lagi sila nasusunod..di naman matigas ulo ko,pero ayoko talaga sa style nila..kailangan pag sinabi ganung araw,ora mismo nandun ka..last year kasi ganyan rin,pinipilit yung hubby ko na mag lunch sa labas,di man lang tanungin yung anak nila kung ano gusto,total siya naman may birthday..ito naman asawa ko,sa akin magaling mangatwiran,sa pamilya niya,di maka tanggi..sawa na ko sa ganyan,lagi puro sila nasusunod..porki sila may pera,bow kami ng bow..sinusuka ko yung ganyang sitwasyon,sawang sawa nako.

whitelady17

  • Guest
Re: Bakit ba ganun..pag matanda ba,dapat lagi nasusunod?
« Reply #1 on: September 06, 2012, 04:56:12 pm »
sis, dapat ang hubby mo ang mag refuse sa offer ng parents niya in a nice way..parang we apologize we are not available we already have prior plans for my day. Or mag bakasyon kayo days before the birthday niya para may total excuse kayo ;) suggestion lang naman. Ikaw na kasi ang immediate family niya when you exchanged your vows.

glamorosa_09

  • Guest
Re: Bakit ba ganun..pag matanda ba,dapat lagi nasusunod?
« Reply #2 on: September 07, 2012, 08:13:18 pm »
With your question, syempre HINDI.

You have your own family na, so the important family decisions should be made by the wife and husband. Pero kung financially dependent kayo sa in laws mo, then wala kang magagawa kundi mag bow ng bow sa gusto nila as you put it, be it on major and minor things.

Personally, mas gusto ko pang magdildil ng asin kesa maging sunud sunuran, na tipong wala ako/kaming kontrol sa buhay namin.

Pero sa mabababaw lang, like where to celebrate the birthday, pwede mo na lang palampasin. Pero kung mas malakas ka sa hubby mo, pwede nyang unahin yung gusto mo, then ibang araw with his parents.


k_heart

  • Guest
Re: Bakit ba ganun..pag matanda ba,dapat lagi nasusunod?
« Reply #3 on: September 08, 2012, 03:47:56 am »
Bakit sis Phatgirl, nakikitira lang ba kayo sa in-laws mo and financially dependent sa kanila?

Ako from the start,ako ang nasusunod and not my in laws pero kasundo ko sila ha. We are not both dependent on each other financially. My hubby happens to be also the bunso but he is not sunod-sunuran but mind you, he also loves them.

What we have is respect for each other kaya nagkakasundo kami.

Kung naiinis ka sis sa sitwasyon mo, you should do something about it not magburo sa inis kasi ikaw din ang talo.

k_heart

  • Guest
Re: Bakit ba ganun..pag matanda ba,dapat lagi nasusunod?
« Reply #4 on: September 08, 2012, 03:50:08 am »
Nasa hubby mo Rin yan sis kung payag sya ng payag. Ilan years na ba kayo married? You should re-educate him na pag may asawa na, kayo na ang boss ng isa't isa and not the parents.


princessrio

  • Guest
Re: Bakit ba ganun..pag matanda ba,dapat lagi nasusunod?
« Reply #5 on: September 08, 2012, 10:52:13 pm »
sis, bakit hindi mo daanin sa lambing yung asawa mo? magpahaging ka na may surprise ka sa kanya or magparinig ka na his wish is your command on his birthday. kung lunch naman yung sa inlaws mo at di makatanggi ang asawa mo, eh di cook for dinner or yung buong isang linggo, isang putahe na wish nya. week-long celebration kumbaga.

feeling ko kasi hindi yan ang major problem mo eh. parang may pinaghuhugutan ka na mas malalim.

and sa tanong mo? no, hindi laging matanda ang nasusunod.

whitetulip

  • Guest
Re: Bakit ba ganun..pag matanda ba,dapat lagi nasusunod?
« Reply #6 on: September 10, 2012, 02:19:51 pm »
Ganun taaga lalo na if spoild yung anak sa parents. nasanay yung magulang na lagi sila nasusunod. So that's what they expect from you din.

Sis dapat si hubby mag refuse. pwede niya sabihin sa parents niya na may plans na kayo. kahit naman may money sila basta yung anak tumangi maintindihan naman siguro nila yun.

pero syempre ibang reason na pag si hubby gusto din mag celebrate kasama parents niya.
Why not try expalin your side para maintindihan ka niya. sabihin mo yung na feel mo that you want to do somthing special for him on his day kaso hnd natutuloy kasi lagi nag aaya parents niya. [textspeak!] he will understand naman. 

phatgirl

  • Guest
Re: Bakit ba ganun..pag matanda ba,dapat lagi nasusunod?
« Reply #7 on: September 11, 2012, 10:43:52 am »
iba ang nangyari..lahat sila nagpunta sa bahay.pina punta kasi ng hubby ko..okay lang naman yun kasi birthday niya..bunso kasi siya..kaso ang di ko nagustuhan yung isa pang problema ko pag pumupunta sila sa amin..mula sala hanggang kwarto,may nakatambay..ayoko sana magalit lalo na dun sa isang bilas ko kasi mabait naman yon..kaya lang parang wala na ko privacy..pati sa kama namin mag asawa may ibang tao..sabi ko naman wag ipasok sa loob yung sinelas kasi maliit lang yung condo namin,..2 bedroom condo,kaya kung lahat ng sinelas nila,ilalakad dun,hanggang kwarto,sobrang dumi ng bahay..Oo may mas malalim akong pinaghuhugutan..yun yung di nila ko nirerespeto sa loob ng bahay ko..alam ko naman ginagawa lang nila yung pagdalaw dahil sa anak nila..ang gusto ko mangyari,kung pupunta sana sila sa bahay namin,kung anong rule,matuto sila sumunod..ang hirap kasi,makukuba na nga ako kaka trabaho dahil wala na maid,.pati sa kama namin doon kumakain..kaisa-isang kama sa bahay namin ginawa pang tambayan..tapos ang lakas nila mag tv.makikiligo dito,wala pala dala twalya,tapos pati sofa,may naka pahid na ulam at kanin,ang sahig may nakadikit na tunaw na candy,ang daming kalat..naiinis lang ako kasi ang point ko,bakit ganun sila,kahit sabihin mo ng maayos,nahihiya ka pa nga,di nila pinakikinggan..sabi ko naman pakitanggal yung mga sinelas kasi maliit lang yung space,tapos yung anak ko kahit saan umuupo..ginagalis na nga..yun lang naman yung di ko magustuhan eh,yung pag sinabi mo,wala sila pakialam..pero sa bahay naman nung isang kapatid ni hubb,di sila maka asta ng ganun kasi nga naman mayaman yung asawa nung anak niyang isa..bow sila dun.kung kasya nga lang yung shoe rack naglagay na ko sa may pinto.kaya hanggang ngayon masakit katawan ko,na highblood pa yata ako kasi ang dami ko niligpit,yun asawa ko naman ni isang plato di maka hugas..

phatgirl

  • Guest
Re: Bakit ba ganun..pag matanda ba,dapat lagi nasusunod?
« Reply #8 on: September 11, 2012, 11:01:10 am »
take note 7 bata nandito nung araw na yon,pinaka matanda dun grade 4 yata..tapos sa matanda mga 18 yata sila.ang dami diba..isipin mo labas pasok sila,yung sinelas dire-diretso hanggang kama..tumaob na naman kami.tapos yung asawa ko di man lang tumulong magligpit..

k_heart

  • Guest
Re: Bakit ba ganun..pag matanda ba,dapat lagi nasusunod?
« Reply #9 on: September 11, 2012, 11:09:09 am »
^wow sis, ang dami nila ha. paano sila nagkasya? nakakaloka nga. Alam mo sis, yung hubby ko din bunso sa kanila. Pero we're ok kasi yung hubby ko,sa akin nakikinig. Pag may sinasabi kapatid nya, tinataasan ko lang ng kilay. Kaya talk to your hubby and assert yourself some more.

phatgirl

  • Guest
Re: Bakit ba ganun..pag matanda ba,dapat lagi nasusunod?
« Reply #10 on: September 11, 2012, 11:56:10 am »
^yun nga sis..sardinas kami dito..ito naman kasing asawa ko,matino makipag usap pag kaming 2..pag dumating na family niya,,Goodbye ka na sa napag usapan niyo..di na yan kikibo..

k_heart

  • Guest
Re: Bakit ba ganun..pag matanda ba,dapat lagi nasusunod?
« Reply #11 on: September 11, 2012, 02:40:00 pm »
^we'll, hindi mo agad sis mababago yung asawa mo kasi yun ang kinagisnan at yun na din ang ugali nya. Siguro, dahan dahanin mo yung pagbura sa mga kinasanayan nya. Kahit small victory is still a victory.
Ilan years na ba kayo kasal?

phatgirl

  • Guest
Re: Bakit ba ganun..pag matanda ba,dapat lagi nasusunod?
« Reply #12 on: September 11, 2012, 02:48:03 pm »
^6 years na  :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close