iba ang nangyari..lahat sila nagpunta sa bahay.pina punta kasi ng hubby ko..okay lang naman yun kasi birthday niya..bunso kasi siya..kaso ang di ko nagustuhan yung isa pang problema ko pag pumupunta sila sa amin..mula sala hanggang kwarto,may nakatambay..ayoko sana magalit lalo na dun sa isang bilas ko kasi mabait naman yon..kaya lang parang wala na ko privacy..pati sa kama namin mag asawa may ibang tao..sabi ko naman wag ipasok sa loob yung sinelas kasi maliit lang yung condo namin,..2 bedroom condo,kaya kung lahat ng sinelas nila,ilalakad dun,hanggang kwarto,sobrang dumi ng bahay..Oo may mas malalim akong pinaghuhugutan..yun yung di nila ko nirerespeto sa loob ng bahay ko..alam ko naman ginagawa lang nila yung pagdalaw dahil sa anak nila..ang gusto ko mangyari,kung pupunta sana sila sa bahay namin,kung anong rule,matuto sila sumunod..ang hirap kasi,makukuba na nga ako kaka trabaho dahil wala na maid,.pati sa kama namin doon kumakain..kaisa-isang kama sa bahay namin ginawa pang tambayan..tapos ang lakas nila mag tv.makikiligo dito,wala pala dala twalya,tapos pati sofa,may naka pahid na ulam at kanin,ang sahig may nakadikit na tunaw na candy,ang daming kalat..naiinis lang ako kasi ang point ko,bakit ganun sila,kahit sabihin mo ng maayos,nahihiya ka pa nga,di nila pinakikinggan..sabi ko naman pakitanggal yung mga sinelas kasi maliit lang yung space,tapos yung anak ko kahit saan umuupo..ginagalis na nga..yun lang naman yung di ko magustuhan eh,yung pag sinabi mo,wala sila pakialam..pero sa bahay naman nung isang kapatid ni hubb,di sila maka asta ng ganun kasi nga naman mayaman yung asawa nung anak niyang isa..bow sila dun.kung kasya nga lang yung shoe rack naglagay na ko sa may pinto.kaya hanggang ngayon masakit katawan ko,na highblood pa yata ako kasi ang dami ko niligpit,yun asawa ko naman ni isang plato di maka hugas..