watch now

Author Topic: Hospital Share/ Stock  (Read 41133 times)

mameejhy

  • Guest
Hospital Share/ Stock
« on: September 06, 2012, 04:33:25 pm »
Meron na ba dito na nakabili ng hospital shares/ stocks? Meron nag aalok sa akin ng ganyan, tig 150k Pesos; ang lifetime benefits ay free board up to suite accomodation, discounted check ups, dicounted lab exams, discounted medicines among others (can't remember :P ).

Ano sa tingin nyo? Maganda ba na investment ito? Maganda sana na alternative to getting a HMO card.

*Isip isip   ;D

hazelnutduchess

  • Guest
Re: Hospital Share/ Stock
« Reply #1 on: September 06, 2012, 04:37:35 pm »
Interesting question so I'm subscribing. Balita ko important makabili nito if you want to have a clinic in a particular hospital and so interested ako kasi for my practice in the future. Gusto ko rin malaman mechanics nito.

letters_to_cleo

  • Guest
Re: Hospital Share/ Stock
« Reply #2 on: September 21, 2012, 11:41:21 am »
I have one. Sa Paranaque Doctors' Hospital yung stock ko. 250k sya nung unang in-offer, pero nabili namin sya na 300k. Okay naman, you or yung dependent mo ang pwedeng gumamit. In my case, yung mother ko. Pero di pa rin namin ginagamit actually. For check ups lang.  May dividend din sya, I think 3k yung lang na natanggap ko. Quarterly yung pagissue ng dividends. And syempre depende sa kita ng hospital.

BTW, nabili ko yung stock ko nung tayo na and operational na ang hospital. Ang okay dun, may dividends agad akong natanggap after 3 months.

The director/doctor nung hospital nga para last time nabanggit nya na the same group as PDH magtatayo ulit ng hospital somewhere in Laguna.  Since para syang pre-selling ng stocks, ayun 150k nga ata initial stock price. Ang kaso syempre hindi pa tayo yung hospital so medyo matagal pa ang dividends.


Wala sa akin yung aking contract ng stocks eh, nasa pinas. pero ayun nga marami ding good benefits. I took this more for my mother kasi nasa abroad ako, para panatag ako kung magkamedical emergency. Plus convenient ang location nung hosp kasi near our home lang. 

BTW, pwedeng i-sell mo yung stocks mo kung ayaw mo na. Nakalimutan ko lang yung process but basically, pwede mong ilipat to someone else yung hospital stock mo kung gusto mo nang bitawan.
« Last Edit: April 10, 2016, 03:55:53 pm by letters_to_cleo »

mhy_pie03

  • Guest
Re: Hospital Share/ Stock
« Reply #3 on: October 02, 2012, 11:24:20 am »
^GUSTO KO NIYAN!!! May tinatayo palang na hospital sa amin yung Pasig Memorial Medical Center yata yun. Kaso pwede ba yang benefits na yan kung ang parents ko ay aged 60 and above na???

lanee_beu

  • Guest
Re: Hospital Share/ Stock
« Reply #4 on: October 02, 2012, 12:14:44 pm »
hi mga sis, where and how to buy hospital shares?TIA :)

stormy

  • Guest
Re: Hospital Share/ Stock
« Reply #5 on: October 02, 2012, 12:33:19 pm »
Mura na yang 150k, kahit sa preselling.

480k yun binenta sa akin last year d pa tinatayo ang hosp, bubuksan na this oct.

Yun benepisyo, primarily talaga ang bumibili yun gusto ng practice sa hospital na yun. Or kung may anak, may plano na mag-MD at dun ang practice.

Yun free na room may # of days lang yan per year.

Isipin rin if yun doctor nyo e dyan nagpa-practice sa hosp na target nyo.

Re: gamot, kahit discounted pa yan e iconsider nyo rin na mas mahal ang benta ng gamot sa hosp + may vat ang hosp so baka kahit sabihin discounted e ganun rin. Pwede rin at cost.

Sa lab naman, dami ng mura sumingil na laboratories yun mga wala sa hosp.

Pero kung 150k lang naman, ok na rin yan.

Edited to add: ^best if ang mag-alok syo or ang pagtanungan mo yun doctor mo sis na gusto mo ang paggagamot sa pamilya mo. Pwede ka rin magtanong mismo sa mga hospital na target mo. D ko lang alam if laging open sa public yan. Inuuna kasi nila alukin yun mga MDs na nagpapractice sa luma nila na hosp (if nagpapatayo lang ng bago na bldg).
« Last Edit: October 02, 2012, 12:55:06 pm by stormy »

iwannabeasupermodel

  • Guest
Re: Hospital Share/ Stock
« Reply #6 on: October 21, 2012, 11:16:40 am »
bumili din ng stocks yung lola ko. kaso tinatayo pa din yung hospital. sa may pasig. sabi niya pwede ko din daw gamitin/magclinic dun pag doctor na ako. ewan ko ba kung bakit sa pasig siya bumili, eh anlayo ng bahay niya sa pasig. hahahaha. pero sanay naman mga anak niya (tita/tito ko) na malalayo ang mga hospitals where they practice.  ;)

mhy_pie03

  • Guest
Re: Hospital Share/ Stock
« Reply #7 on: October 23, 2012, 10:58:08 am »
^Sis yan ba yung sa Manggahan? Paano po siya bumili?

iwannabeasupermodel

  • Guest
Re: Hospital Share/ Stock
« Reply #8 on: October 23, 2012, 11:15:41 am »
^sis sabi ng mom ko sa may st. therese daw eh. dont know where that is. wth. pero malapit lang daw sa amin. my lola bought a house for my doctor din na tito sa village namin eh kaya ganun. i'll ask my dad paano bumili yung lola ko. then i'll post.  :)

btw sabi ni mommy di pa daw tinatayo yung hospital. parang investment na rin siguro ni lola that will benefit her children and apos.  ;)

mhy_pie03

  • Guest
Re: Hospital Share/ Stock
« Reply #9 on: October 23, 2012, 12:23:54 pm »
^Ayos! Sigey abangan ko yan.  ;D

byutijunkie

  • Guest
Re: Hospital Share/ Stock
« Reply #10 on: November 05, 2012, 06:27:04 pm »
my parents gave me stocks too.  kaya whenever i give birth, nasa hundreds lang ang binabayaran ko.  free din ang checkups. 

honeybunny

  • Guest
Re: Hospital Share/ Stock
« Reply #11 on: February 19, 2015, 08:05:38 am »
sa mga newly built hospitals or hospitals na di pa napapatayo lang ba pwede bumili ng stock?

Annie M.

  • Guest
Re: Hospital Share/ Stock
« Reply #12 on: February 24, 2015, 09:09:31 pm »
« Last Edit: February 24, 2015, 09:17:49 pm by Annie M. »

happynlove

  • Guest
Re: Hospital Share/ Stock
« Reply #13 on: February 24, 2015, 11:41:10 pm »
mga sis yung sinasabi nyo bang hospital sa Pasig malapit sa St. Therese is yung sa C. Raymundo? may ginagawa kasi dun ngayon and nagpost sila dati na naghahanap sila ng investors. pwede pala yung 6 digits? I thought millions to, as in for big time only lols
But this is good to know, I'm also interested. At least my lifetime dividends diba, para kang may passive income, at the same time, sure ka sa business dahil lagi naman may tao yung mga hospitals. Malapit kami sa ginagawang hospital sa pasig. I'm really interested!

Maxim04

  • Guest
Re: Hospital Share/ Stock
« Reply #14 on: March 02, 2015, 03:18:35 pm »
Mga sis meron din itong downside. Meron akong friend na isang share ang binili sa THMC. After sometime, binuy out siya ng mga malalaking investors, kumbaga sinabihan sia na kung hindi nia dadagdagan share niya, mawawala sia sa stockholders. Eh hindi pa niya afford bumili, nirecommend na ipagbili nalang niya. Since isa lang slot niya, binarat pa siya.  Napilitan siya ibenta. Parang may minimum lang na stocks sa ganito, na parang stocks - may boardlot. hehe.  :P

stars01

  • Guest
Re: Hospital Share/ Stock
« Reply #15 on: March 13, 2015, 11:20:08 pm »
May nakita akong nagbebenta ng stocks ng isang hospital sa Tagaytay. Binili niya a few years back pero hanggang ngayon di pa nagbibigay ng dividends.

letters_to_cleo

  • Guest
Re: Hospital Share/ Stock
« Reply #16 on: March 30, 2015, 12:43:28 am »
^ay, kaloka.  pero natayo na ba yung hospital sis? Kasi minsan pagbinibili yung stocks na di pa tayo maghintay ka pa talaga ng some years para magkaROI ka at magkadividends. Ang maganda lang kung sa pre-selling stage ka makakuha ng stocks eh mas mura mo siya mabibili.  Nung bumili kami ng stocks sa PDH (Paranaque Doctor´s Hosp) tayo na yung hospital, so mas mahal ng 50k sa preselling price,  pero nagamit agad ang benefits at may dividend agad every quarter.  Sa totoo lang, yung hospital stocks, more on sa benefits talaga ang pakinabang eh.  Sa amin for example, brother ko asthmatic at laging nagaallergies so convenient sa amin na yung hospital  benefits and yun talaga ang hosp na kinuha ni father  kasi  10 minutes drive away lang, pwede pa ngang lakarin.   I think if purely investment ang goal mo, say parang stocks sa PSE, naku wala masyadong mapapala sa hospital stocks :-)

avesoriano

  • Guest
Re: Hospital Share/ Stock
« Reply #17 on: April 09, 2015, 03:29:55 pm »
Im interested yung meron sana right to practice. Meron bang classified ads for this

mynameislulu

  • Guest
Re: Hospital Share/ Stock
« Reply #18 on: April 06, 2016, 10:32:55 pm »
meron pa bang hospital shares na na ooffer ngayon?

**My Sweet November**

  • Guest
Re: Hospital Share/ Stock
« Reply #19 on: May 29, 2016, 05:21:32 pm »
Lets bump this up, I'm eyeing to buy hospital share of Vitacare Unimed Hospital and Medical Center along Daang Hari. If any of you know how to, please let me know.

Thanks!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close