watch now

Author Topic: nilait si baby?  (Read 14314 times)

fairywinkle79122

  • Guest
Re: nilait si baby?
« Reply #60 on: October 30, 2012, 09:45:43 pm »
nakakainis yung yaya ng nephew ni hubby,nung pumunta kami kila MIL to celebrate MIL's birthday ang sabi agad nung yaya "bakit ang daming "*Appropriate comments please!* niyan?" sarap sipain para siya magka"*Appropriate comments please!*" di na lang ako nagsalita.sabi naman kasi ng Pedia,matatanggal raw kusa yung mga peklat sa legs ni baby.pabayaan lang raw muna.

slovy

  • Guest
Re: nilait si baby?
« Reply #61 on: October 31, 2012, 12:43:41 am »
^ my son too madalas napapansin yung mga peklat nya sa binti, my bil na super maselan minsan nakaka offend na ang comment to the point na parang nasisisi kami bakit daw nagkakaganun. but keribels pa naman, iniintindi ko na lang concern lang siguro sya.


Pero madalas ang ibang tao hindi ang anak ko ang nilalait kundi ako. yun ang mas nakakabwisit promise. kahit saan kami pumunta lagi tanong sakin, "anak mo ba yan, pogi ahh! bakit di mo kamukha, ang puti naman" nakakainsulto kaya. morena kasi ako tas son ko maputi at para syang intsik. 3 weeks ago we went to divi, sabi ba naman ng isang intsik sa anak ko "ikaw ba pilipino na?" tas nung ayain ko anak ko alis na kami, aba sabi sakin "pogi iyo alaga ahh?" waahhhhh napagkamalan pa akong yaya!  ::)

mamichula

  • Guest
Re: nilait si baby?
« Reply #62 on: November 09, 2012, 10:12:06 am »
Sis, ang cute kya ng baby mo, pero same [textspeak!] dame rin ng lalait sa baby ko. Hindi raw kasi kamukha namin mag asawa. Parehas kasi kame maputi ni hubby. Pero si baby ang itim talaga siguro dahil sa chocolate ko pinag lihi. Tapos haba pa ng ulo ni baby. Dame nakakapansin kaya minsan hurt ako talaga pag may nag pupuna sakanya. :(

Awww minsan kasi mga tao ang insensitive lang eh no? Pati baby pinapatulan. And ang babies kaya nagiiba pa ang itsura paglaki. May mga babies na cute tapos pag laki eeeep ang itsura diba? May babies naman na di cute pag laki super ganda/pogi.

@jaja ganyan din my son. Pareho kame maputi ng husband ko. My husband pa lalo as in super may freckles pa. When my baby was born maputi sya kaso kaka paaraw (because of jaundice) ayun nangitim as in pati lips nya maitim. Kaya tuloy pag buhat ng daddy nya nagmumuka syang birthmark sa dibdib ng asawa ko :( lahat ng tao napaptingin saming mag asawa tapos sa baby tapos they'd ask "Bakit ang itim?" Even my 2nd pedia was puzzled she was like "maputi naman ang magasawa, nasobrahan kaya sa araw?". Kaya kame todo explain na he has jaundice and lagi pinapaarawan pero maputi yan nung pinanganak etc.

MInsan lang nakaka offend mga tao. I mean , kung ako naman titingin sa mga muka nila madami din ako masasabi but I choose to shut up. Bakit kaya sila ang daming sinasabi?

Buti nalang now medjo pawala na ang jaundice ng anak ko. Di na tuloy namin masyado pinaparawan para bumalik [textspeak!] kulay. Naawa kasi ako eh. And one time pa nag babad ako sa araw para umitim ako para pareho na kame para people won't ask nalang pag nakita na maitim din ako.

missgen

  • Guest
Re: nilait si baby?
« Reply #63 on: November 09, 2012, 10:58:40 am »
sakin mil ko nagsabi ang tamad daw nang anak ko tumayo. and the worst is parang abnormal daw. Gosh! daig ko pang sinampal non. nasaktan talaga ako. kaysa daw ang daddy nang anak ko 3 months pa lang nagtatayo na nong baby pa. hello??? ka ti-three months old pa lang kaya nang anak ko non. at hindi lahat nang baby ay pareparehas nang period of development. hayyy kaloka!

margiee

  • Guest
Re: nilait si baby?
« Reply #64 on: November 26, 2012, 05:11:20 pm »
Join ako mga sisses!

I have a 3 month old son. Pinanganak ko sya a month earlier than scheduled so medyo hairy [textspeak!] when delievered. When i posted the pics, i have a friend who commented na mabuhok si baby at hindi mukhang baby pero nagsabi rin syang cute si baby. But I felt parang na-offend konti kasi di naman ncessary na sabihin yun. Parang gusto ko ngang sabihin, 1month early nga eh, xempre mabuhok, duh. Pero quiet nalang ako.

After 3 weeks, nagpost ako ng mga pics ni baby (di naman sa nagbubuhat ng sariling bangko but he's cuter na). He's a carbon copy of my husband(caucasian). Ngayon naman ang mga comments ng ibang 'friends' "ang cute ni baby, mana sa... daddy! haha!" Gusto kong magtaray pero I don't feel the need. Natuto na akong sumagot lightly pero tagos rin sa kanila. I tell them, Dapat lang, thats how I wanted him to look. Gorgeous! :D


Sa mga tactless people around us, most of them are insecure lang kasi cute mga babies natin. Di pa naman nasabihang pangit ang baby ko pero when that happens, i'll post here what i did  ;)

iamgold

  • Guest
Re: nilait si baby?
« Reply #65 on: December 10, 2012, 09:45:31 am »
Nako ako mga sis hindi yata ako makakapigil pag may lumait sa anak ko..parang i feel the need na habang maliit pa sya its my responsibility na to shield her from all those nasty not helpful comments..siguro sasabihin ko na "uy don't say that..kahit hindi pa naiintindihan ni baby i don't want her to feel you're making her feel insecure" pero pag inulit pa siguro tas napagsabihan ko na ng maayos i might return the lait..hehe minsan may nagsabi sa anak ko bakit parang ang liit liit nya bat ganyan..eh pareho kase kame ng dad nya na maliit kaya palage kame napagkakamalang bata..sinabi ko na pinacheck ko sa dev pedia si baby and she's pasok sa range ng height and weight ng normal
Filipino baby girl..then i asked "how come your baby parang
Hindi mo pinapacheck up?" sabay smile and say sige ha bye..harharhar

Purple_Power

  • Guest
Re: nilait si baby?
« Reply #66 on: December 10, 2012, 10:44:54 am »
Tama si Snowball yung pagtawag sa baby mo na Tarzan eh hindi para laitin kundi sinasabi lang niya kung ano ang interpretation niya sa itsura ng baby mo lalo na kasi yung porma ng hair ganun ang dating. Tarzan is a cartoon character to begin with. Siguro naman napaka old fashion kung ang tinutukoy niya yung version nila Joey De Leon and (+)Rene Requistas.  Since she is your friend I believe it is not her intention to offend you and for the baby.

We are actually calling our nephew as Winnie The Pooh and I believe his parents are just having fun of it dahil sa porma ng mukha at katawan.

huwag lang mag call names yung mga tao for your baby then that could be totally offensive.

by the way Wish him a HAPPY BIRTHDAY for tomorrow  ;)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close