watch now

Author Topic: nilait si baby?  (Read 14286 times)

iluvmysoldier

  • Guest
nilait si baby?
« on: September 01, 2012, 01:53:18 pm »
share ko lang. yung baby ko tinawag ng baby tarzan ng "friend" ko na mommy din. siguro joke yun pero di ko mapigilang maoffend.  :( mukha nga ba siyang baby tarzan?  :'(

https://fbcdn-sphotos-c-a.akamaihd.net/hphotos-ak-snc7/10471_3624944954421_1994623355_n.jpg

jaja_0310

  • Guest
Re: nilait si baby?
« Reply #1 on: September 01, 2012, 02:19:33 pm »
Sis, ang cute kya ng baby mo, pero same [textspeak!] dame rin ng lalait sa baby ko. Hindi raw kasi kamukha namin mag asawa. Parehas kasi kame maputi ni hubby. Pero si baby ang itim talaga siguro dahil sa chocolate ko pinag lihi. Tapos haba pa ng ulo ni baby. Dame nakakapansin kaya minsan hurt ako talaga pag may nag pupuna sakanya. :(

iluvmysoldier

  • Guest
Re: nilait si baby?
« Reply #2 on: September 01, 2012, 02:22:34 pm »
thank you sis. ano bang dapat gawin sa mga nanglalait ng ganon? dapat bang patulan o deadmahin na lang? maitim din ang baby ko sis kaya siguro hindi din cute sa paningin ng iba.  :(

angelpretty

  • Guest
Re: nilait si baby?
« Reply #3 on: September 01, 2012, 02:45:47 pm »
sis iluvmysoldier, grabe naman yang "friend" mo... cute kaya ng baby mo...tama si sis jaja_0310

But let's give her benefit of the doubt na nasabi nya lang yun dahil sa nakapampers lang si baby like tarzan na nakabahag lang... rest assured na cute yung baby mo. Iwasan mo na lang ang bad vibes na ganyan sis...

kapag nagsalita pa ng isa pa tapos di mo ma-take, pabiro mong sabihin na ang ganda nya... nakakahiya sa balat nya... or sabihin mo na, na-ooffend ka since friend mo naman siya para di lang lumaki ang sama ng loob mo...

iluvmysoldier

  • Guest
Re: nilait si baby?
« Reply #4 on: September 01, 2012, 02:50:22 pm »
^salamat sis. may baby din kasi yung friend ko, yun laging nababati kasi maputi at mataba.

UCLA--CCP/ACP

  • Guest
Re: nilait si baby?
« Reply #5 on: September 01, 2012, 03:02:15 pm »
i have a close friend super nice sya pero yung hubby nuknukan ng yabang at sa panlalait!! one day tinanong nya mga kids ng mga friends kung sino gusto kalaro if anak nila or anak ko then kids said si cocoy daw (my son)
then sabi ng asawa ng friend ko... "HAY GUSTO NYO KALARO YUN EH ANG TAKAW TAKAW NAMAN"
di bale ng matakaw atleast di problema sa pagkain kesa naman sa anak nila iyakin at pasaway!! Haters!! PATI bata papatulan LOL

iluvmysoldier

  • Guest
Re: nilait si baby?
« Reply #6 on: September 01, 2012, 03:10:50 pm »
nakakasad nga yung mga ganon. ako ok lang sakin kahit laitin ako wag lang yung anak ko. parang naalala ko tuloy yung issue dati kay regine na sinabihang pangit yung baby niya, nagalit din siya nun diba. ganon pala feeling pag nanay na.

UCLA--CCP/ACP

  • Guest
Re: nilait si baby?
« Reply #7 on: September 01, 2012, 03:12:40 pm »
KOREK! mas tanggap ko pa ako nalang

jaja_0310

  • Guest
Re: nilait si baby?
« Reply #8 on: September 01, 2012, 03:15:45 pm »
Dedmahin na lang siguro yung mga ganyan, iwas rin sa bad vibes. Pero ok lang naman maitim si baby kasi boy naman siya pero yung mga pumapansin sa anak ko parang hindi raw namin anak mag asawa kasi iba nga itsura samin hindi ko talaga maiwasan sisihin sarili ko na sana hindi na lang ako nag lihi sa chocolate o mas inalagaan ko pa pag bubuntis ko, lage rin kasi kame ng aaway ni hubby nung preggy ako, kaya itsura ng anak ko parang naluge. :(

jaja_0310

  • Guest
Re: nilait si baby?
« Reply #9 on: September 01, 2012, 03:20:11 pm »
Iba pala talaga maging mommy mga sis, masasaktan ka talaga pag my nasasabi sa baby mo.

UCLA--CCP/ACP

  • Guest
Re: nilait si baby?
« Reply #10 on: September 01, 2012, 03:22:02 pm »
Dedmahin na lang siguro yung mga ganyan, iwas rin sa bad vibes. Pero ok lang naman maitim si baby kasi boy naman siya pero yung mga pumapansin sa anak ko parang hindi raw namin anak mag asawa kasi iba nga itsura samin hindi ko talaga maiwasan sisihin sarili ko na sana hindi na lang ako nag lihi sa chocolate o mas inalagaan ko pa pag bubuntis ko, lage rin kasi kame ng aaway ni hubby nung preggy ako, kaya itsura ng anak ko parang naluge. :(
no offense ha..para yata di ako naniniwala na porke pinaglihi sa chocolates maitim na wala scientifically evidence dyan...I believe sa genes yan may relatives kayo through generations na baka di kaputian..saka kahit nag-aaway kayo before that doesn't necessarily mean na papangit nga baby mo..May mga bata na nung maliit di ganun kacute pero paglumalaki gumaganda or pumopogi..Hope ok lang opinion ko :)

iluvmysoldier

  • Guest
Re: nilait si baby?
« Reply #11 on: September 01, 2012, 03:28:35 pm »
o nga sis, baka naman hindi dahil sa chocolates yun. wag mo sisihin sarili mo, ang importante normal at healthy si baby diba?

yun nga din iniisip ko sis amethyst, pinipilit ko nalang lawakan ang pagiisip ko. hindi naman siguro panglalait yun pero di ko mapigilan na maoffend ewan kung bakit.
« Last Edit: September 01, 2012, 03:31:14 pm by iluvmysoldier »

jaja_0310

  • Guest
Re: nilait si baby?
« Reply #12 on: September 01, 2012, 03:39:22 pm »
Thank you mga sis ha, dito lang ako nakakapag open saka dame ko natututuhan. Sana nga pag lumaki si baby maging kamukha na namin siya mag asawa.

chicafabulosa

  • Guest
Re: nilait si baby?
« Reply #13 on: September 01, 2012, 03:44:31 pm »
Dont worry maraming insecure na nanay sa mundo no. Amg importante alam mo sa sarili mo hindi mukhang tarzan sya. Ang cute ng baby mo no. Ako ang problem ko anak ko. Sya mismo may mindset na pag medyo di pretty sa eyes nya yung kid akala mo sya nakikita. Total deadma. Medyo nakakahurt yun talaga sa atin na mommies but of course kanya kanyang paningin yan. Aminin natin may mga kids na di naman talaga cute pero kung ipangalandakan ng nanay sa facebook ang anak akala mo super cute... Sorry medyo maldita mode lang ako sa mga ganun. Ako madalas sinasabi sa akin pag nakita si baby, ay kamukha siguro yan ng tatay, di ba insulto sa akin yun. Pero I just smile and said yes, carbon copy ng daddy nya.. Pero deep inside sinasabi ko inggit ka no kasi mas cute anak ko sayo hahaha....

iluvmysoldier

  • Guest
Re: nilait si baby?
« Reply #14 on: September 01, 2012, 04:02:56 pm »
^may mga tao talagang di marunong magmenor eh noh? sana sarilinin na lang nila kung hindi rin naman kagandahan ang sasabihin. hindi lang pala ako ang nakakatanggap ng mga di kanais nais na comments. salamat mga sis at medyo nakakaget over na ko. hehe

chicafabulosa

  • Guest
Re: nilait si baby?
« Reply #15 on: September 01, 2012, 04:11:20 pm »
Oo no. What you can do lang is smile. Do it with grace. Dont let them affect you. Alam mo naman may mga taong sadyang taklesa. Akala nila minsan balewala lang comments nila. Insensitive sa ibang tao...

Princess_Chill

  • Guest
Re: nilait si baby?
« Reply #16 on: September 02, 2012, 02:20:22 am »
ay naku sis ako sanay na sanay na ako sa panlalait sa anak ko...

my baby is a premee so lets admit na hindi talaga kagandahan ang mga preemie kasi medyo wala pa talaga hair etc.

tapos payat pa baby ko...kahit hindi sakitin e payat...sinasabi ko nalang ugly duckling will turn to a beautiful swan now she's 2 ganda ganda na niya at ang puti...i always hear that comment..

dati kasi nung baby pa siya laki ko naririnig " bakit ganyan anak mo ang payat ang liit ang itim lahat na ata ng lait sus ko! iniiyakan ko iyon pero hindi ko sila pinansin in the long run mas cute na baby ko sa mga anak nila! hahaha

chicafabulosa

  • Guest
Re: nilait si baby?
« Reply #17 on: September 02, 2012, 08:18:27 am »
Haha tama princess chill. @ iluvmysoldier naku i remember pa nung asin bagong labas pa lang baby ko mga 3 days may nagsabi na mukhang daga anak ko no. But it turned out habang lumalaki, naging muy gwapito mi unico hijo...

Sister ko nga mismong anak nya nung pagkapanganak sya mismo nagsabi mukhang alien anak nya haha.. But of course nung lumaki naging gwapo na rin anak nya.

khriseeee

  • Guest
Re: nilait si baby?
« Reply #18 on: September 02, 2012, 08:23:17 am »
Whats negative about baby tarzan??? Dba tarzan is hunky? Hahahaha sis i think you have to think about how you view our baby rin, if you already have the notion na people don't think your baby is cute you will always find meaning behind what people say whether intended or not.
 

Reality check rin sis, don't expect everyone to say your baby is cute, to each their own dba? We can'teven say that as adults so don't expect the same when it comes to babies, most esp since babies are every parents' pride and joy. What's important is your child knows he is beautiful inside and out and loved by the people close to him. It build better character pa nga e.

chicafabulosa

  • Guest
Re: nilait si baby?
« Reply #19 on: September 02, 2012, 08:32:14 am »
Hehe syempre sister khris if youre a first time mom medyo nakakahurt nga naman na tawagin na tarzan anak mo. What comes to her mind siguro was it was an insult. Maybe she thought her friend was referring her son as mukhang taga bundok.. But i would agree with you, we cant please everybody. Deadma mode na lang talaga.

Here's what i do and i hope it will help other mommies too:

I never let my son see im hurt, sad and specially giving up. Even if my heart and my mind says "GIVE UP" i still show him i can do it and i still try spread my wings and fly higher. Thats how my son's confidence now is building up. He is even trying to fly higher and he is not afraid to spread his wings. I must say, he really believe that he is a wonderful boy, i would always hear him say "japo migs (japo ng baby ko means gwapo) or he would always say "mommy/daddy galing galing migs"

 

Latest Stories

Load More Stories
Close