Author Topic: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)  (Read 132048 times)

hyeuna03

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #540 on: May 03, 2013, 01:16:04 pm »
^ sis bwiset.. ang maipapayo ko lang sa iyo, don't waste your time chatting with those people na connected sa kabit ng asawa mo, wala kang mapapala kundi sama ng loob. ang asawa mo din kc ang nagpa mukha sa kabit mo na "binata" sya at walang sabit so ang kabit natural mas lumakas ang loob.

nung nagloko ang asawa ko sis, wala ako kinausap kahit sino sa mga kamag anak o kapamilya nya.. sabihin mo ng masama ako, ultimo mga byenan ko at mga kapatid nya, di neadma ko lahat.. ni text di ko ginawa sa kanila, tablado sila lahat. kasi naman, pinagtakpan din nila yung magaling na asawa ko. pati number ng asawa ko, binura ko sa cellphone ko para hindi ako ma tempt na i text o tawagan sya. that worked for me sis. syempre iba iba ang diskarte natin. pero yun ang inisip ko na mas makakabuti sakin at that time. ultimo yung kabit tinatawagan at tine text ako pero dineadma ko din. sabi nga ng mga kapatid ko ako daw ang reyna ng mga bato hahaha. syempre naman, ako na nga tong na agrabyado, papa stress pa ba ko ng husto sa kanila diba?

so sis, kaya mo yan at yang mga WALANG KWENTANG NILALANG NA YAN.. deadmahin mo yan!!
pray ka lang sis, you will find yourself a better, stronger and a wiser person after this heartbreaking moment of your life.  ;)
« Last Edit: May 03, 2013, 01:18:04 pm by hyeuna03 »

momentum

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #541 on: May 03, 2013, 02:08:09 pm »
^ sis hyeuna03, bilib ako sa lakas mo to ignore everyone that hurt you completely and not fighting back.
How is life treating you lately? sana maayos na at tahimik.. God bless sis and keep up the strength  :)

hyeuna03

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #542 on: May 03, 2013, 03:05:29 pm »
^sis momentum, oo nga, di ko din alam where i got that strength, kahit ako nagulat sa sarili ko.
to be honest, sobrang na depressed din ako talaga, normal naman yun sa lahat ng mga asawang niloloko, kaso sabi ko i have to show him (my husband) na hindi sya kawalan. pero syempre andun yung umiiyak talaga ako kapag mag isa lang ako at sobrang nalungkot din ako talaga. syempre, mahal mo yung tao eh kahit pa winalanghiya ka.

Money is Power, lalo na sating mga babae.. Naniniwala ako talagang talaga dito.. kailangan maging handa tayo palagi financially, para kahit iwan tayo ng mga asawa natin hindi tayo magmukhang kawawa. Yung feeling na alam mong kaya mong buhayin ang anak o mga anak mo ng mag isa is something na makakatulong agad to recovery. Mas madali matulog sa gabi na alam mong kinabukasan may kakainin kayo mag iina. I would say talaga na mas matagal ang recovery process ng mga asawang iniwan ng walang ka pera pera or walang ability na buhayin ang mga anak nya.

Revenge is not ours mga kapatid, God will fight our battles. Ako, never ko naisip na gumanti, kasi it will not do any good for me alam ko. Okay na ko kasama anak ko, at hindi makita ng asawa ko ang anak namin, that for me is the best revenge. okay na ko dun.

Di ko na din in-entertain sa isip ko na babalik asawa ko, actually ginawa nya before kaso nung time na gusto nya na bumalik, ayoko na sa kanya. mahal ko padin sya pero wag na lang kame magbalikan, kasi tuwing makikita ko ang PAGMUMUKHA nya, nabubwisit na ko, parang nakikita ko din kasi yung mukha ng kabit nya, hehe

« Last Edit: May 03, 2013, 03:08:51 pm by hyeuna03 »

bwiset12

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #543 on: May 03, 2013, 05:03:43 pm »
^ sis inggit ako sayo sana ganyan din ako :( ewan ko ba minsan nga naiinis na ko sa sarili ko. alam mo yung kating kati ako na imessage ng kung [textspeak!] ano asawa ko. basta gusto sila kulitin nung kabit nya..ininvite ko pa mga kamag anakan nung babae sa fb. yun nga minessage ko nanay pati kapatid..pero tama ka pagkatapos nun sumasama lang loob ko.. feeling ko i'm so weak..para kong baliw no..
gusto ko na talaga mag move on. pagod na ko :( siguro tama ka dapat dedmahin ko na silang lahat..hopefully soon, magagawa ko din yun. babasahin ko paulit ulit yung post mo :) thanks

yoshina

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #544 on: May 03, 2013, 09:30:31 pm »
pwede bang magkaroon dito ng hug button? gusto ko i hug kayo lahat :'(

Laging ang victim dito ay ang mga bata...kahit sila pa ang product nang tinatawag na bawal na pag-ibig nadadamay sila... :(

totoo din mga sis uso sa Middle East yan, kahit saan naman pero dito grabe talamak! May mga cases pa na dahil di sila married at naglilive in dito (Dubai) pag nabuntis ang mga girls na ito (mostly may mga family din sila sa Ph) hindi sila pwede manganak sa hospital kasi hahanapan sila ng papaers if married ba at kung andito rin ba ang asawa nang manganganak. So ang nangyayari nanganganak sila sa mga flats at may nagaassist sa kanila. Kaya naman maraming news dito na namatay ang baby o pinalaglag o sadyang papatayin pag labas ng baby (nakakaiyak talaga at nkakabother talaga). May isang news na may natagpuan na baby sa may open beach na nakabaon. Doon nila nilibing yung baby nila kasi daw nanganak sya sa flat tapos may complication ata ang baby at need ng hospital assitance kaso super expensive nga dito kaya wala silang nagawa kundi iuwi ang baby nila and  namatay...maliban sa illegal na silang nagsasama dito walang papers ang bata namatay pa nang di nabibigyan manlang  ng medical attention...around 26k aed daw ang fee so times 11 max and 10 min. So ngayon nakakulong yung filipina at nawawala yung filipino na lover niya...ang sad lang talaga. Sana lang talaga kung nagdecide sila na pumunta ng ibang bansa to work they always have to remind themselves why they sacrifice being far away from their families. Ang nangyayari kasi laging nadadahilan na nalulungkot...

Naiyak naman ako sa story mo sis pwede na pang Maalala mo Kaya ....At least naka survive kayong mgkakapatid kahit hinde present ang mga magulang nyo...kudos to you sis : )))

X_03

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #545 on: May 05, 2013, 07:33:54 pm »
^ yep sis...kaya kami ni hubby kailangan talaga nang prayer and lagi naming nireremind ang sarili namin bakit kami andito sa Middle East. super nakakabother ang laman ng news dito about sa mga kabit and illegal na nagsasama super talakamak. ganon din ang ibang Filipina kakabit sa patalim kaya naman talaga iba na tingin sa atin nang mga ibang lahi. Like for example, may supplier kami ibang lahi nakikipag kwentuhan siya lagi sakin ako naman since kasama sa work maging friendly kakausapin ko naman. Tapos inask nya ko if may asawa na ko. Sabi ko meron. Sabi niya so sinong boyfriend mo? ako naman like :o sabi ko sa kaniya diba sabi ko sayo may asawa nako bakit boyfriend pa talaga ang tanong mo. Sabi nya diba ganon naman daw talaga Filipina may asawa iba pa ang boyfriend like daw siya may asawa siya sa bansa niya meron siyang girlfriend dito sa ME taga Cebu daw- yun eh sabi niya lang ha... Sad lang mga gantong bagay lahat talaga damay damay...

potpotpo

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #546 on: May 06, 2013, 05:29:30 pm »
^ tama ka dyan, damay damay nga..kaya ako hinde ako gaano nakikipagusap sa ibang lahi..pero ang asawa ko ibang lahi...ang gulo ko  ;D

sobrang talamak talaga dito sa middle east ang mga kabit kabit na yan,ang dinadahilan e dito lang naman daw  :o

jjqxiv

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #547 on: May 06, 2013, 05:49:22 pm »
Nagparamdam na nman yung former mistress ni hubby ngayon ::) At talagang ngayon pa na anniversary namin ni hubby. She texted me, "I will make sure na last anniversary nyo na 'to, magpaka-saya na kayo." Hubby already filed a restraining order against her, and I immediately blocked her number, hindi ko nga alam kung paano nya nakuha yung new number ko kasi nag-change ako. And balita ko pina-abort nya yung "baby" daw nila hubby because according to the DNA, hindi nag-match si hubby pati yung baby. I feel bad for the baby, grabe yung ginawa skanya. But I do my best to avoid being stressed too much, hinahayaan ko nlang sya, kawawa nman kasi.

Eto pa, kasali din sa text nya na magkasama sila ni hubby the other day. How is that even possible? Kasama ko lang si hubby all day sa hospital nun, she's so pathetic. Hay, kailan kaya sya matatapos? ::)

X_03

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #548 on: May 06, 2013, 06:38:56 pm »
^ sis si hubby mo po ang nag pa dna sa baby? how? kung totoo man yon...kawawa ang bata, wala naman silang alam sa nangyayari eh.

yes sis be careful ha, sa mga kinikilos and sinasabi ng mistress ng asawa mo talagang may porsyento na sya sa utak...mahirap na 2 lang naman pupuntahan pag nasobrahan na sya...its either may suicidal tendencies na sya or siya ang makasakit physically, kaya careful. hayaan mo lang siya super bitter siya kasi ok na kayo ni hubby and celebrating kayo ng anniversary. :)

ayami

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #549 on: May 06, 2013, 06:43:43 pm »
^^ nagkabalikan na kayo? nasundan ko kasi yung posts mo dati, kala ko makikipagsplit ka na talaga. sana last na kabit na yan ni hubby mo at tumigil-tigil na rin yung girl.

Msfi

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #550 on: May 06, 2013, 07:06:17 pm »
sis jjqxiv, i hope you're doing ok pati na si baby boy mo.  Basta wag mo na pansinin yung desperada na yun. Desperate moves na sya ngayon kasi nawalan na sya ng ATM. Just be on guard na baka may gawin sa yo na physical.  Sana tinuloy yung pagkuha ng bodyguard para may magbantay sa yo 24/7.

jjqxiv

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #551 on: May 06, 2013, 08:28:45 pm »
Sis ayami, we still live together. Medyo complicated pa yung situation ko ngayon because I'm on bed rest and high risk yung pregnancy ko so kailangan ko talaga sya ngayon. Sana nga tumigil na yung girl.

Sis Msfi, may body guard yung girls ko ngayon. Hindi ko nman kailangan kasi house arrest ako until my delivery. Banned na sya dito sa bahay namin, lalo na nandito ako sa in-laws ko. Thanks sis!

brandi

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #552 on: May 06, 2013, 08:44:29 pm »
im curious, bakit yung ibang guys nagchi cheat pag preggy yung wife nila? can't they be matured enough to think na he is about to have a child tapos kung ano anong kalokohan ang ginagawa niya? hindi ko lang alam anong tumatakbo sa mga kokorte ng mga ganitong lalake. i've stayed away from this thread na dahil na hihigh blood ako sa mga nababasa ko kaso nakita ko sa update topics kaya heto na naman ako binibwisit ang sarili ko hahaha. seriously, bakit kaya ganoon. tsaka yung mga nasa malalayo, bakit hindi nila naiisip mga pamilya nila? bakit mga pansariling interests lang nila pinapairal nila? pakirmdam ba nila buo na pagkalalaki nila pag gumawa sila ng mga ganyang bagay? dapat sa mga yan kinakarma ng matindi at iniiwan. pero bilib naman ako sa mga nag sstay sa mga may ganyang problem na relationships and at the end of the day, worth it ang effort. pero sadya talagang may mga lalakeng abusado at inaabuso pa kamartyran ng wives nila. nakakaloka lang talaga. high blood!  ::) >:( ;D

Msfi

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #553 on: May 06, 2013, 10:09:33 pm »
^^good to hear na may bantay na mga girls mo, at least d ka na magwo-worry na malapitan nung babaeng yun.


 

Latest Stories

Load More Stories
Close