^ chewy_bubbles: ang sakit naman nun sis.
Me too. I am also a product of a broken family. I was only 5 years old nung naghiwalay ang parents ko. Nakulong ang mama ko dito sa manila but the case was acquited after 6 months pero pinili nyang di muna bumalik sa province namin at magtrabaho nalang muna sa manila. We have no communication with her since umalis siya sa bahay. My dad naman was engaged to an illicit affair sa kapitbahay namin na na may anak at hiwalay din sa asawa. We grew up na harap-harapang nangaliwa ang papa ko. There are times na kaming magkakapatid lang naiiwan sa bahay dahil dun siya lagi nagstastay sa kapitbahay namin (5 houses away from us). At that age, natuto kaming magluto ng sarili naming pagkain, maglaba, maglinis ng bahay at gumawa ng sarili naming project. Sometimes, we are being maltreated ng madrasta namin at siyempre kahit isusumbong man namin sa papa ko, we are liars sa harap niya at kami pa yung pinapalo.
After 5 years, biglang bumalik ang mama ko out of no where. Di naman siya bumalik to stay with us but to help us para makapag-aral. She is already engaged on a relationship na rin. It's just happened na ligate na ang mama ko kaya di na siya nagkaroon ng anak. From time to time, nagbabakasyon lang ang mom ko sa province namin. Very civil lang yung relationship namin sa kanya. I remember pa nga nung dumating sya, ako at yung panganay lang namin ang nakakakilala sa kanya. Our youngest was 6 months old pa lang nung iniwan niya. Yung tita ko naman nagpalaki sa kanya for 3 years then binalik din sa bahay kasi di niya na daw kaya mag-alaga may mga maliliit din kasing siyang mga anak. Yung pangatlo naman was only 3 years old at yung pang-apat was 2 years old.
We grew up na ang panganay namin who is 2 years older than me lang, ang naging nanay at tatay sa bahay. Siya din yung pumpunta sa mga PTA meeting namin. Siya din yung nagtuturo sa mga assignments namin. There was one incident na nag-away ang parents ko, as in physically, yung eldest namin yung nag -awat. After nun,pinapili na kaming magkakapatid kung saan namin gustong sumama pero di pumayag ang big sis ko na ihiwalay kaming magkakapatid, kahit pa daw magbenta siya ng cellophane sa palengke gagawin niya para mabuhay at magkasama lang kami.
Kahit ganun ang situation ng buhay namin, nag-aral kaming mabuti. Our only dream at that time ay makatapos ng pag-aaral at maiahon ang sarili sa kahirapan. In God's grace and guidance, we are now living in our own dream. We have our own career. We were able to go sa mga places na pinangarap lang namin noon. I have a hubby na opposite ng dad ko. I'm thankful din kahit paano shinare niya sa akin ang family niya at dun ko lang naranasan ang magkaroon ng family na nagcacare sayo.
Ngayon, feeling namin mas mature pa kami sa mga magulang namin. Kung ang magulang sakit sa ulo ang mga anak, kami baliktad, ang magulang namin ang sakit sa ulo. My mom is now hiwalay dun sa bf niya pero feeling niya dalaga pa rin siya, kung saan nakakarating na parang walang pakialam sa amin. Ang dad ko naman, ayun, he still with his kabit, may mga anak na rin sila pero same pa rin yung buhay nila. Isang kahig, isang tuka.
Pagnagkakasama kaming magkakapatid at balikan namin yung nakaraan, napapatawa nalang kami. Di rin namin alam kung paano kami nakasurvive. Parang feeling namin God covers our emotion para di namin maramdaman ang sakit but instead He gave us hope para maabot namin yung mga pangarap namin. Di ko rin alam kung anong payo ang maiibibigay ko. I'm sharing my story as a product of a broken home. Di din ako naniniwala na kung ano ang puno, siya din ang bunga.
Romans 8:28. "And we know that in all things God works for the good of those who love him, who have been called according to his purpose. "
Everything happens for a reason. God has a reason for everything, but we may not understand and question the situation now. Just trust in God and eventually all the pieces will fall where they belong.
