Author Topic: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)  (Read 132066 times)

smoothie

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #520 on: April 16, 2013, 11:29:40 am »
sis smoothie, I'm really considering migration after I give birth. Hindi ko alam kung ano pang pwedeng magawa samin nung girl, specially pag lumabas na si baby boy. Sobrang naiinis na din ako sa kanya, ang condition daw nung girl eh, tanggalin yung communication samin and hindi nya nman daw magawa yun. Hindi nya talaga maayos yung gulong ginawa nya ::)

that's a good idea. what is important is the safety of your kids.

zhyzhy

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #521 on: April 17, 2013, 02:00:45 pm »
So, my partner just got back from Manila this morning. He was away for a month for work. I am pretty sure that during that one month, hindi sila nagkita nung babae (I have proof that she lives in a province in Visayas.) which is a good thing. However, I still feel hurt since I believe they haven't stopped communicating. I checked his phone kanina while he was in the CR. His phone inbox and call logs were cleaned; ang natira eh yung messages and call logs between us. I also checked his phone contacts and there I saw the name of the girl; this time it has two numbers na (before kasi isa lang yun).  He deleted the girl's number after the talk we had when I caught him the second time. Bat ngayon andyan na naman ... that only means nagka-text/usap na naman sila. If ever una nagtext yung babae sa kanya ulit and wala syang intention to continue communicating with her, why save the number right?

Na-iinis ako! Parang balewala lang sa kanya yung promises nya. Kahit sabihin man na text2x lang naman ang nangyayari, I still feel betrayed. He doesn't care about my feelings; alam namn nya na masasaktan ako sa pakikipag communicate nya with the girl. Napapag-isip ako na mas mabuti siguro to end the relationship. Or too mababaw ba yun na reason para  makipaghiwalay?  Is that reason enough to walk away or should I try harder?

 
« Last Edit: April 17, 2013, 02:03:15 pm by zhyzhy »

arnold_cruz85

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #522 on: April 18, 2013, 02:50:00 am »
hi, new here. im not user if this is the right place for me. wala lang talaga kong malapitan.

here's my story. I'm in LDR for 2years now. My partner has a kid, before na maging kami he told me na separated na sila nung ex nya. he showed me the text conversation they had. na nakikipaghiwalay nga yung girl. then after the hiwalayan conversation he went abroad. kaya sa tingin ko talaga ngang wala na sila. i asked him one time if he still support his daughter, sabi niya hndi daw. i had doubts since then. dahil nung magkaibigan plang kami, i know how much he loves his daughter. at di ko nakikita na kaya nyang pabayaan anak nya. the ex is not well educated, she graduated a 2 year secretarial course and eversince she graduated she never had a chance to work. so i'm sure she's not capable enough to support their child.hndi sa minamaliit ko sya, i know how hard to live for just a minimum wage, and pointing out na imposibleng di nagsupport si bf sa kanila. kya super nagdududa ako.walang problem sakin kung magbigay nga siya, karapatan un ng anak nya. pero nakakabother na kahit na sinabi ko sa kanyang ok lang nagsisinungaling parin sya. since then i felt as if im a mistress.  :'( i have no confirmation, nagvivisit ako kay bf quarterly abroad, me time na whole week were together, and i can check his phone freely, we never parted so i know he never checked on to something else or to call the ex. kaya prang nawala  pagdududa ko na baka kabit ako at baka niloloko lang ako.

what made me miserable right now is. i bumped on the girl's fb page and i saw her post, she had a picture of them together, and the girl is using the surname of my bf. and i can see sa mga post ni girl na ok ang lifestyle nila, they can go to fancy restos. i confronted bf about it, and he just told me na hndi nya daw alam sa girl kung bakit nya ginagawa un. at yung  picture na iniupload e matagal na at nung sila pa daw talaga nun. i want to believe in him but deep inside me sinsabi ng sarili ko na niloloko nya ko. i felt right now na kabit ako. i dont know where to turn to.  :'(

Si bf e overprotective at sobrang seloso so i distance my self to all of my friends, and sa family ko, they dont know about him. my mom is too conservative and i know hndi sya open sa idea na i'll be with a man na may kid. so hndi ko pa nsasabi sa family ko na me bf ako. wala tuloy ako makausap o msabihan ng mga nangyayari sakin. sobrang hirap na i have to deal with this alone. and i hate this feeling as if im a kabit. :'(

i wanted to seek medical treatments, i already told bf about that, but the problem is, i have no money! i gave it to bf dahil nagkaproblem sa house nya and sa work nya. he needed to pay a huge amount of money. kaya hndi ko lalo alam kung saan ako tatakbo because i dont have anyone and i dont have anything. :'( and because of the girl's lifestyle and bf asked me for money, i had a feeling na ginagamit nya lang talaga ko, at baka yung mga binigay ko sa kanya e pinadala nya lang kay ex. prang mababaliw na ko kakaisip. i love bf so much, i gave him everything to the point na gatuldok nalang natira sa sarili ko. hndi ko alam tuloy lalo ang gagawin ko..

if any of you know some treatment facility na mura o much better is free please let me know, i know na need ko un.

sorry for the long post..
« Last Edit: April 18, 2013, 02:52:57 am by arnold_cruz85 »

Msfi

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #523 on: April 18, 2013, 10:30:45 am »
^why don't you ask your bf to pay you back the money, bigay na yun at di loan? Or tell him you need medical attention, and ask him for help.

Girltalker2

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #524 on: April 20, 2013, 10:40:42 am »

^^ ya sis, you have to ask for help from him at marami ka rin naman naibigay sa kanya.  kung hindi sya tumulong, I think tama nga hinala mo.

sis zhyzhy, it takes 2 to tango. In order for a relationship to work, 2 kayo dapat ume-effort.  moreso, kung nagkaron na ng history of infidelity, and the erred party gave the erring party another chance, all the more the erring party should make an effort. I think you have to talk to him and agree ano ba talaga, can both of you make it work, does he want to make it work, kasi if not, you should also be ready to walk out.

arnold_cruz85

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #525 on: April 25, 2013, 01:06:04 am »
thanks sisses! I already told him, i asked him to pay me in full. magbayad naman daw siya pagkauwi niya. and because of all my suspicions uuwi na daw siya next month to make it up to me. end of contract niya kasi by end of april. wait niya lang daw last pay niya which is 1st-2nd week of may.  but he is not making any preparations kung uuwi man siya. sabi niya i'm thinking too much daw. i'm not sure if true. i don't trust him anymore  :(

Msfi

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #526 on: April 25, 2013, 02:51:39 pm »
^yung condition mo ba doesn't need immediate medical attention? can you still wait until he comes back? Baka kasi lumalala yang sakit mo, dapat unahin mo yan intindihin.

And also, what happened should be a lesson to you not to give everything you have. Always leave something for yourself, kahit sa pamilya o kaibigan.  Lalo na kung alam mong walang ibang taong pwedeng tumulong sa yo in case ikaw yung mangailangan. 

iammechelle

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #527 on: April 25, 2013, 03:23:03 pm »
Curious lang, may thread ba dito ang mga kabit? Curious lang ako na mabasa kung ano ang pinag uusapan nila. Kasi tayo, puro inis at galit sa kanila. Sila kaya?  :o

Girltalker2

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #528 on: April 25, 2013, 05:10:10 pm »
thanks sisses! I already told him, i asked him to pay me in full. magbayad naman daw siya pagkauwi niya. and because of all my suspicions uuwi na daw siya next month to make it up to me. end of contract niya kasi by end of april. wait niya lang daw last pay niya which is 1st-2nd week of may.  but he is not making any preparations kung uuwi man siya. sabi niya i'm thinking too much daw. i'm not sure if true. i don't trust him anymore  :(

grabe, this reminds me of my ex. isang salita, pero ang gawa iba. wala na syang credibility totally sakin.
such a liberating feeling na wala na sya sa puso ko.

^^ sis iammechelle, I really don't know what runs in the minds of these mistresses.  para sakin, wala akong pakialam kasi hindi sila dapat pinapahalagahan. and whatever they're thinking, I am sure it is skewed, so skewed na hindi dapat pinag aaksayahan ng oras.

« Last Edit: April 25, 2013, 05:12:08 pm by Girltalker2 »

X_03

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #529 on: April 25, 2013, 09:52:50 pm »
mga sis i feel sad and sorry sa mga experiences nyong ganayn :'(

Im still praying na walang ganyang mangyari samin until we have our last breaths. gusto ko lang share mga sis yung laging sinasabi sakin ni hubby. Good Marriage ay kung saan ang wife nirerespect at nagpapasakop kay husband and ang husband minamahal ang kanyang wife kung paano niya mahalin ang kanyang sarili at  dapat din pinakikinggan si wife. Dapat laging si God ang center ng family...totoo yun...kasi kung may takot talaga tayo kay God at si hubby kung may takot sa kanya...im sure he will respect the vows he said at takot lang din nya magkasala.  ;)

arnold_cruz85

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #530 on: April 26, 2013, 04:43:34 am »
@iammechelle  that's how i feel right now, like i'm a mistress. It's horrible. intoxicating, prang feeling na sobrang sama mong tao na if you die you'll go straight to hell with the most excruciating punishment anyone could ever receive. you don't know how to trust and talk to anyone, ikaw mismo, you'll belittle yourself. parang lahat ng tao madumi ang tingin sayo even if they dont know you. kahit pa nga di pa ko sure that i am, i feel this way na. lalo na siguro yung real kabit na na-trap lang sa situation , i don't know to those who really intended to be one.

@msfi i am getting better now than the other days. i read some books na for cognitive behavior. i'm waiting nalang for bf to come home. pag hindi umuwi accept ko nalang, basta he'll pay me. para magamit ko yung money for treatment, go on vacation or enroll on to something to make myself busy. we talked naman na, and i'm sure he gets my point. at muka namang sa dami at haba ng sinabi ko e pinakanaintindihan nya yung kailangan ko ng medical attention at kailangan nya kong bayaran as soon as he can. thank you..

xyeZZZ

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #531 on: April 26, 2013, 06:47:02 am »
^ chewy_bubbles: ang sakit naman nun sis.

Me too. I am also a product of a broken family. I was only 5 years old nung naghiwalay ang parents ko. Nakulong ang mama ko dito sa manila  but the case was acquited after 6 months pero pinili nyang di muna bumalik  sa province namin at magtrabaho nalang muna sa manila. We have no communication with her since umalis siya sa bahay.  My dad naman was engaged to an illicit affair sa kapitbahay namin na na may anak at  hiwalay din sa asawa.  We grew up na harap-harapang nangaliwa ang papa ko.  There are times na kaming magkakapatid lang naiiwan sa bahay dahil dun siya lagi nagstastay sa kapitbahay namin (5 houses away from us). At that  age, natuto kaming magluto ng sarili naming pagkain, maglaba, maglinis ng bahay at gumawa ng sarili naming project. Sometimes, we are being maltreated ng madrasta namin at siyempre kahit isusumbong man namin sa papa ko, we are liars sa harap niya at kami pa yung pinapalo.

After 5 years, biglang bumalik ang mama ko out of no where. Di naman siya bumalik to stay with us but to help us para makapag-aral. She is already engaged on a relationship na rin. It's just happened na ligate na  ang mama ko kaya di na siya nagkaroon ng anak. From time to time, nagbabakasyon lang ang mom ko sa province namin. Very civil lang yung relationship namin sa kanya. I remember pa nga nung dumating sya, ako at yung panganay lang namin ang nakakakilala sa kanya. Our youngest was 6 months old pa lang nung iniwan niya. Yung tita ko naman nagpalaki sa kanya for 3 years then binalik din sa bahay kasi di niya na daw kaya mag-alaga may mga maliliit din kasing siyang mga anak. Yung pangatlo naman was only 3 years old at yung pang-apat was 2 years old.

We grew up na ang panganay namin who is 2 years older than me lang, ang naging nanay at tatay sa bahay. Siya din yung pumpunta sa mga PTA meeting namin. Siya din yung nagtuturo sa mga assignments namin. There was one incident na nag-away ang parents ko, as in physically, yung eldest namin yung nag -awat. After nun,pinapili na kaming magkakapatid kung saan namin gustong sumama pero di pumayag ang big sis ko na ihiwalay kaming magkakapatid, kahit pa daw magbenta siya ng cellophane sa palengke gagawin niya para mabuhay at magkasama lang kami.

Kahit ganun ang situation ng buhay namin, nag-aral kaming mabuti. Our only dream at that time ay makatapos ng pag-aaral at maiahon ang sarili sa kahirapan. In God's grace and guidance, we are now living in our own dream. We have our own career. We were able to go sa mga places na pinangarap lang namin noon. I have a hubby na opposite ng dad ko. I'm thankful din kahit paano shinare niya sa akin ang family niya at dun ko lang naranasan ang magkaroon ng family na nagcacare sayo.

Ngayon, feeling namin mas mature pa kami sa mga magulang namin. Kung ang magulang sakit sa ulo ang mga anak, kami baliktad, ang magulang namin ang sakit sa ulo. My mom is now hiwalay dun sa bf niya pero feeling niya dalaga  pa rin siya, kung saan nakakarating na parang walang pakialam sa amin. Ang dad ko naman, ayun, he still with his kabit, may mga anak na rin sila pero same pa rin yung buhay nila. Isang kahig, isang tuka.

Pagnagkakasama kaming  magkakapatid at balikan namin yung nakaraan, napapatawa nalang kami. Di rin namin alam kung paano kami nakasurvive. Parang feeling namin God covers our emotion para di namin maramdaman ang sakit but instead He gave us hope para maabot namin yung mga pangarap namin. Di ko rin alam kung anong payo ang maiibibigay ko. I'm sharing my story as a product of a broken home. Di din ako naniniwala na kung ano ang puno, siya din ang bunga.


Romans 8:28. "And we know that in all things God works for the good of those who love him, who have been called according to his purpose. "

Everything happens for a reason. God has a reason for everything, but we may not understand and question the situation now. Just trust in God and eventually all the pieces will fall where they belong.

 ;)


X_03

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #532 on: April 28, 2013, 06:13:47 pm »
pwede bang magkaroon dito ng hug button? gusto ko i hug kayo lahat :'(

Laging ang victim dito ay ang mga bata...kahit sila pa ang product nang tinatawag na bawal na pag-ibig nadadamay sila... :(

totoo din mga sis uso sa Middle East yan, kahit saan naman pero dito grabe talamak! May mga cases pa na dahil di sila married at naglilive in dito (Dubai) pag nabuntis ang mga girls na ito (mostly may mga family din sila sa Ph) hindi sila pwede manganak sa hospital kasi hahanapan sila ng papaers if married ba at kung andito rin ba ang asawa nang manganganak. So ang nangyayari nanganganak sila sa mga flats at may nagaassist sa kanila. Kaya naman maraming news dito na namatay ang baby o pinalaglag o sadyang papatayin pag labas ng baby (nakakaiyak talaga at nkakabother talaga). May isang news na may natagpuan na baby sa may open beach na nakabaon. Doon nila nilibing yung baby nila kasi daw nanganak sya sa flat tapos may complication ata ang baby at need ng hospital assitance kaso super expensive nga dito kaya wala silang nagawa kundi iuwi ang baby nila and  namatay...maliban sa illegal na silang nagsasama dito walang papers ang bata namatay pa nang di nabibigyan manlang  ng medical attention...around 26k aed daw ang fee so times 11 max and 10 min. So ngayon nakakulong yung filipina at nawawala yung filipino na lover niya...ang sad lang talaga. Sana lang talaga kung nagdecide sila na pumunta ng ibang bansa to work they always have to remind themselves why they sacrifice being far away from their families. Ang nangyayari kasi laging nadadahilan na nalulungkot...


iammechelle

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #533 on: April 29, 2013, 01:19:56 pm »
I've been cheated and I really know the feeling. Sobrang sakit sa part naming mga legal wife dahil una sa lahat, may foundation ang pinagsamahan namin and then all of a sudden sisirain ng kabit. Minsan, iniintindi ko dahil paano kung ako ang nasa situation nila? Paano kung biktima lang din ako ng pagkakataon? Pero merong mga kabit na matatapang pa. At proud pa sila na nakasira sila ng pamilya. I would love to hear from them, of course not to judge them but to understand them... Puro galit, poot at sakit ang naglalabasan sa thread na ito, sana may magcreate ng thread for the Kabits so they could air their side.


X_03

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #534 on: April 29, 2013, 04:11:16 pm »
masabi lang po ang aking opinion...it's really a matter of choice...yung iba syempre pinagsinungalingan sila medyo yun ibang case pero halos lahat...eh pinili nila talaga na magpatuloy o nagpadala sila sa emotions nila na kahit alam nilang taken na at pamilyadong tao...sumige padin sila sa nararamdaman nila...bugso ng damdamin...tsk...tsk...

i_am_number_1

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #535 on: April 30, 2013, 12:26:51 am »
i have confirmed on feb.14,2013 about the other woman i was suspicious about.. the worst thing is KUMARE pa sya! Since kumare ko nga sya she asked me two years ago to make her an fb account.. since bago pa sya dat time sa social network, she didnt gave adamn changing her password so i was able to access her account of that faithful valentines night because i was very suspicious that something was reallywrong.  hubby is working as a seafarer and that time they have internet signal.  knowing him, he really does not saty long or make babad in fb, but that night he did and he wasnt even chatting me! so i tried to open KUMARE's account(GOd forgive me) and there i read their conversation.. my heart began to pound fast.. and loud! i found out that when hubby was having vacation on dec.2012,theymet at a hotel in the city and there they had sex!!! i evenpretended that i was the other woman because he chatted me.. but he strted to havemany questions about them which i couldnt answer that is why he knew that he was chatting with the wrong girl.. he knew then that he was chatting withme because he also knewthat i know the password. i triedto forget about it and try to act that everything is fine. i try not to open the issue because hubby gets mad. right now he feels uncomfprtable and always doubttful because he thinks i will find a way to revenge with another man.. but thats notmy idea.. i will have a revenge on that woman who is also married. actually kapal nga ng mukha utang ng utang sa akin! the nerve! but i play friendly. sabi nga nila the best way to attack an enemy is to become his or her friend!

X_03

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #536 on: April 30, 2013, 01:43:59 pm »
@teng galing and I am no 1 sisses I feel sorry for you sis...hugs...especially sa anak mo sis teng. Nagiging selfish na ang lalaki iniisip lang nila yung sarili nilang happyness without even thinking yung sacrifice ng wife and effect sa anak nila. balik kaya sila sa grade 1 kung saan tinuturo ang cause and effect at gmrc. Respect manalng diba...at for you sis I am, nako naman siya pa nagagalit of course defense mechanism nila yan uunahan nang galit para matakot tayo sa kanila para bago pa tayo maconfront sila, eh mas galit na sila sa atin. reverse psychology.

sk8rboyswife

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #537 on: May 02, 2013, 06:25:03 am »
no matter what side the kabit could air, masakit pa rin and very hard to understand. di ko alam until when ko maiintindihan ang bugso ng damdamin pag nangabit ang isang asawa.

X_03

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #538 on: May 02, 2013, 02:03:38 pm »
ang Father In law ko until now na 50 plus na ang age nila bigla may mga hindi padin silang kilalang mga kapatid. As in one time sa wake bigla nalang talagang may magpapakilala sa kanila, ganon sila kadami at ganon ka dami ang naging babae nang dad nang Father in law ko. tapos ngayon tong BIL ko naman mega in love daw sya sa wife nya, nung gf bf palang sila until na buntis nya at pakasal sila. The second daughter na nila don pa talaga sumama sa kabit itong BIL ko, kaya naman awang awa ang hubby ko sa mga pamangkin niya at galit na galit siya sa kuya niya...Eto pa ang last naming balita tinext ng kabit itong SIL ko na magkakaroon na daw sila ng 2 anak...ang kapal!!! bad talaga... ang gaganda pa naman nang pamangkin ng hubby ko as in magaganda, sana lang talaga wag din sila makaranas nang ganong sama ng loob na naidulot ng tatay nila sa nanay nila. At hindi ko lang alam ano magiging reaction netong BIL ko kung mang kabit man din magiging asawa nang mga anak niya...but hopefully they can find a man who will love and respect them.

bwiset12

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #539 on: May 03, 2013, 02:26:47 am »
kanina nga kachat ko yung kapatid ng kabit ng asawa ko..wala naman daw akong karapatang tawaging kabit yung kapatid nya dahil hindi naman daw kami kasal..at take note dahil hindi kami kasal wala din daw akong karapatang tawaging asawa..ang kakapal ng mukha..kinukunsinti pa nila kapatid nila imbes na pagsabihan..binata naman daw hindi kasal so wala naman daw problema..eh baliw pala sya, alam na alam naman ng kapatid nya na may naiwang karelasyon yung lalaking yun tapos pumatol sya..so ngayon anong tawag sa kanya?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close