Author Topic: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)  (Read 132118 times)

brownpinay

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #480 on: March 25, 2013, 01:30:42 pm »
Sis jjqxiv, makisali na din po kasi bigla nag init ang ulo ko kay kabit na yan.  Haleer wala sya sa position na mag demand ng mga pinagsasabi nya.  The height naman talaga ng kakapalan.  Aba pati ba naman ang pagiging ama sa mga anak mo eh idedeprive pa nya sinira na nga nya ang pamilya mo yun na lang pagiging magulang sa mga anak nyo ng asawa mo eh pakiki alaman pa nya.

Iba na talaga ang mga kabit ngayon, mabangis, mabalasik at makapal na talaga...nag frofront line na...

Yung sinasabi nyang hindi sya manggugulo, well sakali man na manggulo sya lalo lang nyang pinapahiya ang sarili nya,,,,

jjqxiv

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #481 on: March 25, 2013, 01:57:30 pm »
Ang sabi ko nga sa kanya, maayos na yung usapan nmin ni hubby about sa magiging set-up namin lalo na pag dumating na yung baby. Tapos guguluhin na nman nya :o Don't worry sissies, susundin ko nalang yung opinions nyo. Kahit "labag sa loob" ko na "balikan" si hubby, gagawin ko nalang para sa daughters namin. :)

And yes, feeling ko may psychological problem na yung kabit na yun. Naaawa ako dun sa unborn baby nya pero ayoko naman ma-agrabyado yung mga anak ko. Kakasabi lang ni hubby sakin, hindi daw sya naniniwala na skanya yung baby so ipapa-DNA test nya pa daw. Anyway, thank you for the replies and opinions. God bless us! :)

Girltalker2

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #482 on: March 25, 2013, 02:11:14 pm »

bakit ang kakapal ng mga mistress ngayon?  naalala ko parang ganyan din yung hitad ng ex ko kung maka asta.  gusto nya according to her terms eh sino ba sya.

ang sabi nya, parang "itaboy' ko daw yung husband ko para sumama ulit sa kanya since iniwanan na daw sya ni hubby.

sis, I think ang pagtaboy or reject sa asawa ay ikaw lang makakagawa for yourself, and not for anybody else. so hindi purke sinabi ng mistress eh hindi mo gagawin dahil sa asar ka rin sa kanya. baka you might end up in a lose-lose situation.

I am not saying ipaubaya mo din ang hubby mo. What I am saying, kung magdecide ka man later, take your time and decide things for yourself. Remember, hindi purke you are with your hubby eh you are better off na. Because it has its own implications din.

Ang gusto nya din pag nagkabalikan na sila, mwalan na ng communication yung husband ko sa daughters namin, lalo na sa unborn baby ko.

Is she dreaming?  Hellooo.... Nasa sa husband mo na iyan if he wants to see your daughters or not. And any parent on the right mind would not refrain their kids from seeing the other parent, maliban nalang if the other parent is subjecting the kids to danger or to wrong guidance.

You have to be careful also ano ang namumulat ng mga bata na values around your hubby. So have a watchful eye especially it looks like hindi ka pa ready humiwalay sa kanya.


Gusto nya rin magfile ako ng annullment instead of legal separation para daw mapakasalan sya.

Haha, who is she ba?  Magfile ka lang ng annulment kung kelan mo gusto. At hindi dahil sa ibang tao. Pero kung bigyan ka ba nya ng P100M, sige magfile ka. hahahaha


Sissies, do you think it's unfair for us? I mean kung pagbibigyan ko siya sa mga gusto nya, kami naman yung mawawalan dba? I'm willing to let go of my husband - yes. Pero yung sa communication with my kids, unfair naman ata sa kanila yun. Hindi ko pa nakakausap yung husband ko about this. Ang sabi pa ni mistress, pag pinagbigyan ko sya, hindi na sya mangugulo samin. So napaisip ako, I want to give my daughters peace of mind pero "mawawalan" nman sila ng tatay. I need your helpful opinions sissies. Thank you and God bless us!

Sis, you let go if you are ready and whenever you are ready. No one should force you to decide on things. Kelangan gawin mo dahil yun ang napag desisyunan mo.  Remember - do not do things kasi sinabi ng mistress.  Moreso, Do not do things kasi yun yung ayaw ng mistress at aasarin mo lang sya.  Focus on yourself, ipa sa Dyos mo nalang sya at hahabulin din naman sya ng karma. Ang importante, tama ang maging decision mo for you and your kids.


gab54

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #483 on: March 25, 2013, 05:56:27 pm »
Mga kabit ay salot sa lipunan, hindi dapat bigyan ng happy ending! Ano siya hilo? Siya pa ang nag didikta kung ano ang dapat gawin ng legal wife? No way!
As for me, I love my husband & my family, call me selfish but I am the legal wife, I have the right, Im the "chosen one", so I will fight for my husband, my family, my kids! Hinding hindi ko ipapa ubaya ang husband ko sa kabit. Manigas sila!  >:(

fegloria1954

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #484 on: March 25, 2013, 06:01:35 pm »
Mga kabit ay salot sa lipunan, hindi dapat bigyan ng happy ending! Ano siya hilo? Siya pa ang nag didikta kung ano ang dapat gawin ng legal wife? No way!
As for me, I love my husband & my family, call me selfish but I am the legal wife, I have the right, Im the "chosen one", so I will fight for my husband, my family, my kids! Hinding hindi ko ipapa ubaya ang husband ko sa kabit. Manigas sila!  >:(

That is the spirit!  What a girl, gab54!

Mommy Fe

Msfi

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #485 on: March 25, 2013, 08:44:13 pm »
pa reply lang kay sis jjqxiv, nakakahigh blood naman pala talaga yung kabit ng asawa mo, agree ako na may sayad na sa ulo. Iniwan na nga sya, sya pa nagde-demand ng mga gusto nya. Problema nilang dalawa ng asawa mo kung anong set-up nila no, at silang dalawa naman gumawa ng gulong yan dapat di ka nila idamay.  As for your relationship with him, if you still don't want to go back to him legal separation lang ang  i-file mo para di pwedeng sya magpakasal at forever maging kabit si kabit. Or gawin mo yung ginawa ng ex ni Tonyboy Cojuanco. Di ba hiwalay sila pero walang annulment, kaya up to now kabit pa din si Gretchen.

But really sis jjqxiv, setting aside yung ginawa ni kabit,  how do you really feel? Baka kasi dahil sa bagong nangyayari magdecide ka bigla only to realize di pala yun ang gusto mong mangyari sa buhay mo. 

Shadow Angel

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #486 on: March 25, 2013, 09:02:26 pm »
@jigxiv over na talaga... Hahaha hindi ko alam kung matatawa ako o lalong magagalit sa girl na yan maka demand ok ka lang sis nakakaya mo kausapin kun ako yan mag asawang sampal inaabot sa akin sa over demanding nya although ayoko ng sakitan kaso over na grabe naman pati karapatan ng mga bata tatanggalin na nya kapal ha... Pero kung ako hndi ko na kaya makisama kay husband kapag ganyan sobrnag stress binagay nya sa akin.. Kung ako sayo sya naman mastress sa husband mo ng lalong maloka.. Mas mahalaga sa akin ang peace of mind ng mga anak ko at sarili ko imagine until when ka makikipag agawayan dyan sa lalaking hindi ka pinahalagahan deserve ba nya ang another chance?

@msfi about tony siempre hindi makikipag hiwalay ang legal wife kahit na may ka affair na rin sya pera pera lang yan..

jjqxiv

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #487 on: March 25, 2013, 09:51:42 pm »
@ sis Msfi - Honestly sis, naguguluhan na talaga ako. Originally I planned to file an annullment pero dahil sa nangyari mas gusto ko ng magfile ng legal separation.

I want to fight for my husband, pero nadala na ako sa lahat ng nangyari samin. Alam ko pag binalikan ko sya, may chance na magawa nya ulit yung mga ginawa nya sakin. As much as possible, ayoko ng ma-stress because of that girl, naaawa na ako sa baby ko. Wala pa nga sya puro gulo na, what more pag nandito na sya. But I'll just keep on praying. Anyway, thank you everyone! I appreciated all the replies. God bless us all. :)

shinta

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #488 on: March 25, 2013, 10:11:04 pm »
@sis jjqxiv, nakaka-gigil naman yang kabit na yan. desperadang may sayad ang utak. why would she ask you to consider her situation? kinosider din ba niya situation mo nung kumabit siya sa asawa mo? at kung sakali mang itaboy mo asawa mo, how sure is she na siya ang babalikan? eh mukhang lumalayo na sa kanya dahil sa pagka psycho niya at mukhang di pa pala sa kanya yung baby.

it's her problem, sis. not yours. pareho kayong buntis, pero mas may karapatan ka kesa sa kanya kaya wag na wag kang bibigay sa mga gusto niya. kasalanan naman niya na pumatol siya sa may asawa, so i-solve niya mag-isa at wag yung idadamay pa kayo ng mga kids mo.

kung manggulo pa ulit, pa-blotter mo, pa-police mo, do all possible legal means to protect yourself and your kids. yaan mo siyang pagdusahan yung karma niya.

ReservoirDogs

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #489 on: March 26, 2013, 07:13:02 am »
@jjqxiv Wow, ang lakas ng fighting spirit ng kabit na yan! Di ba pwede naman mademanda yung kabit?

As for your next steps, decide what's best for you and your daughters.  Kaya siguro tinalikuran ng hubby mo yung kabit nya kasi may nabuo na. Tapos na yung pagpapasaya nila, kaya siguro ayun, natakot siguro sa bagong responsibilidad yung asawa mo. 

Good luck sis!  At least you have your beautiful daughters to keep you strong and happy. 

moonie

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #490 on: March 26, 2013, 08:21:13 am »
Huwag kang magpakamartyr.  Think of yourself and your children.  Huwag kang maawa sa kabit, maawa ka sa sarili mo.  As for a kabit, kung hindi tumigil sampahan mo ng sangkatutak na kaso.  I suggest ipa-barangay mo na yung pagsugod ng kabit sa bahay mo at warn the school kung pinupuntahan pa rin ng kabit mga anak mo.  Baka psycho yung girl.  At kung mag-insist na balikan ng husband mo, bantaan mo sila ng kaso ng concubinage (if you wont get you hubby, neither will she, mwahahaha).   Bad sila.  Ba't ikaw ang maggive in.  Buntis ka rin. 

jamila_19

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #491 on: April 01, 2013, 06:14:41 am »
sis! sobrang nalulungkot ako sa nangyari sa sister ko... tumawag daw today ang asawa niya at nagulat na lang siya at narinig niyang nagtatalo ang asawa niya at ang kabit niya tapos naputol na. Hindi daw siya makatulog at pinatatawag niya ang asawa niya pero hindi daw tumawag. after 2 hrs daw eh may nag text din sa kanya na hindi niya kilala at sinabing nakita daw na magkasama ang asawa niya at ang kabit ngayon magkasama at ang sweet pa daw na naglalakad papunta sa isang computer repair shop.

Hindi ko na alam kung ano ang ibibigay ko na advice sa sister ko kasi kahit ako eh nagkakaproblema din sa asawa ko pero mababaw nga lang iyong sa amin, nagkakatampuhan lang kami. Hindi ako makapag isip ng tamang payo para sa kanya.

Mahal nga siguro ng asawa niya iyong kabit dahil parang wala naman siyang pakialam sa mararamdaman ng sister ko kahit naririnig na iyong pagtatalo nila.. parang ang sarap lusubin nila!


heaven_charm

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #492 on: April 01, 2013, 06:49:45 am »
i am super elib sa inyo sisses lalo na yung mga natalo si kabit. may officemate ako na nakabuntis yung husband niya ng ibang girl. kwinento niya sakin yung recovery time niya for the pain and how she is working so hard to keep the secret to their unico hijo. haggard naman kasi pag malaman niya bigla may kapatid siya sa labas. napapraning padin siya pag punta si husband sa US for business trips kasi andun si other girl pero strong padin siya, as in mayat maya call siya kay husband.

sana di mangyari samin to ng fiance ko kasi naranasan ko na kasi magkaron ng fiance before na nakabuntis ng other girl. super depressing and talagang devastated ako i quit my job and lost the second job. a year ata ako wala sa ayos. pero thanks for this thread kasi i think i know na how to handle it better if mangyare let to pero wag naman sana. LDR kasi kame ni bf. seaman pa siya :)

Girltalker2

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #493 on: April 01, 2013, 11:05:24 am »


^^ I wish I have a sister like you.  During my dark days, mag isa lang kasi ako and do not know what to do. Pero akayin mo lang sis mo hanggang sa makatayo sya sa sarili nyang paa. It is never easy, but doable - to rise up with all these issues.  Importante, if she looks ahead, she should still be full of hope dahil may mga anak pa sya.

As suggested before, with or without her hubby, kelangan nya i-build ang strength nya kasi wala syang ibang maasahan kundi sarili nya. Yes you can be there to support her, pero ultimately, she has to decide talaga what she wants to do and be in her life (maging martyr at magluksa forever or move on and find happiness on her own).


fegloria1954

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #494 on: April 01, 2013, 11:30:17 am »
@sis jjqxiv, nakaka-gigil naman yang kabit na yan. desperadang may sayad ang utak. why would she ask you to consider her situation? kinosider din ba niya situation mo nung kumabit siya sa asawa mo? at kung sakali mang itaboy mo asawa mo, how sure is she na siya ang babalikan? eh mukhang lumalayo na sa kanya dahil sa pagka psycho niya at mukhang di pa pala sa kanya yung baby.

it's her problem, sis. not yours. pareho kayong buntis, pero mas may karapatan ka kesa sa kanya kaya wag na wag kang bibigay sa mga gusto niya. kasalanan naman niya na pumatol siya sa may asawa, so i-solve niya mag-isa at wag yung idadamay pa kayo ng mga kids mo.

kung manggulo pa ulit, pa-blotter mo, pa-police mo, do all possible legal means to protect yourself and your kids. yaan mo siyang pagdusahan yung karma niya.


jjqxiv

Mommy Fe here.  I agree 100% with shinta.  You and your children are the ones who are entitled to the attention of this wayward man who is your husband and the father of your children. 

Fight for that entitlement.  Fight for your marriage.  It can be done.  I know.  I did that.  And in the end, my husband and father of my children is with me.

Fight to keep your husband.  And I can tell you with certainty that when a wayward husband realizes that he can still be forgiven despite what he has done, he will come back with remorse and genuine desire for forgiveness and making amends to heal his marriage.  Note that you are not the only one being badly affected by all that is happening.  Even your children are - maski you do not show them or tell them your angst about your husband's shenanigans.  And they will develop attitudes about relationships depending on what they see your husband do, and what you do.  I know.  That happened to our children too.  In the end, they too trekked the same road of forgiveness with us, and they slowly had changed their attitudes about what relationship should be and what marriage is all about.  our older child, a daughter is marrying only now, at age 37, after spending at least a decade believing that not a single man in this world can be trusted, because all men are babaero.  But eventually when she saw how her dad has changed and is now making amends, she has changed her mind and is now willing to invest herself and her future in one man.

Mommy Fe

indigo.tulle

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #495 on: April 08, 2013, 12:11:29 pm »
how do you deal with a husband who has another woman maybe ahead (or pinagsabay sila) of you, and has been going on for 15 + years?  wala daw silang anak, and they have 3 kids.....lately lang nahuli and finally umamin din ang lalaki.

Girltalker2

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #496 on: April 08, 2013, 04:01:53 pm »

^  iyan ang sinasabi ko, pag umamin, anong magagawa mo? 

First, you have to be ready to walk out. Kasi pag sinabi nya oo, take it or leave it.  Are you ready to leave?

Pag hindi ka pa handa umalis, ano iyan, you are at his mercy?  Para ka nang basahan na inapak apakan, and yet tatanggapin mo parin because you cannot leave? 

Second alternative kasi kung di mo pa kaya umalis, puede mo lokohin ang sarili by saying, hindi ka naman nya iniwan, so at least mahal ka parin nya.  At least to console yourself at para hindi ka maloka kakaisip how he is with other women.


teng galing

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #497 on: April 08, 2013, 07:25:11 pm »
Mga sis pa join, now im hurting dahil sa kabit ng asawa ko. Pati anak namin eto apektado na. Ang masama pilit pa nyang justify ang ginagawa nya. Gusto ko i detalye pero masakit pa kasi ongoing ang eksena nila

bibibuy

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #498 on: April 08, 2013, 11:14:04 pm »
^let it out sis, dito lang kami. iiyak mo lang ng iiyak at makakatulong yan. at dasal. importante yan. pinagdaanan ng mga sis ang sakit na galing sa mga pangloloko ng asawa/partner at kasama na ako dun. its been 2 months pero parang kahapon lang ngyari. the video is still playing in my head every night. naiiyak lang ako, nappraning at the same time.

zee87

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #499 on: April 08, 2013, 11:34:17 pm »
i stopped believing na may isang lalaki na faithful until the end.
LAHAT sila, no matter how kind, stable, happy they are... minsan sa buhay nila, magiging unfaithful sila.
Im sorry if i have to generalize.
Right now, mas madali na lang tanggapin na ganun talaga sila kesa you believe that they wont do anything and you'll get hurt sooo much when they do it.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close