Author Topic: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)  (Read 132221 times)

february24

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #100 on: November 07, 2012, 12:49:33 pm »
ang hirap magpaka-pa plastic grabe.  i started reading fw very inspiring pero sa totoo lang ang hirap i-apply sa sarili ko parang di ko pa yanat kaya.

ang sakit kasi ng ginawa nila.  aug 2011 nabuko ko may kabit asawa ko, wala sya kahit kontine remorde sabi nya bakit ako mag-sorry di naman totoo binibintang mo, pero may God ang lakas ng evidence text conversation nila, pics nila...  may ginawa ako sa kabit noon, then tinakot pa ako ng kabit na idemanda nya ako.  ako naman syempre nakadama din ng takot at ako pa ang nilait-laot ng kabit.  evrytime nagsusumbong ako sa asawa ko sinasabi nya "iyan kasi prinovoke mo, walang kasalanan yung tao ginugulo mo, ikaw ang gumawa ng gulo, magsorry ka para tigilan ka".  di ako nag-sorry pero stop ko kung ano man ang ginawa kong panira kay kabit.  sabi ng asawa ko after the discovery august 2011 wala na daw syang alam kay kabit.  ngayon nalaman ko na last sep 2012 lang sila naghiwalay.  di ko talaga matanggap sis, pinaglaruan nila ako.  magkasabwat pa sila ng asawa ko na takutin ako sa demandahan para tigilan ko lang si kabit.

ang sama-sama ng pakiramdam ko, my husband forsaken me at my lowest point in life, he and his kabit played tricked on me.  ginago nila ako, siguro during that time pinagtatawanan lang nila ako..

wifeynikawin

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #101 on: November 07, 2012, 03:45:23 pm »
scary naman to... napaka unfair tlaga ng mga kabit lalo pag me mga kids involved. ang hirap mag explain... :(

gab54

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #102 on: November 07, 2012, 04:46:26 pm »
^^ then sis, pahinga ka muna... dont apply muna the principles in "fascinating womanhood" if u dont believe in it, pero request ko lang (if ok lang sayo) finish the book... take some time off, u have to heal, reflect, recharge, re-connect w/ God...

february24

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #103 on: November 07, 2012, 05:15:36 pm »
ngayon lagi nagpi-pm sa fb ko si kabit.  sabi ng husband ko i-block ko daw pero ayaw ko gusto ko maglabasan lahat ng baho nila.  pang ang gusto ni kabit ngayon na kami ang mag-away at maghiwalay ng husband ko, panira lahat ng banat nya.  proud kabit sya.  copy-paste ko yung ibang pm ni kabit:

hoy babae di ko sinabi sayo na magmakaawa ka sa akin at umiyak, ikaw itong maraming drama noon. sinabihan na kita siba na ikadena ang asawa mo kasi kahit saan ako magtago hahanapin ako ng asawa mo, i warned you. one time kasama ko asawa mo, tinext kita na hanapon mo asawa mo baka nasa ibang bahay na, naniwala kaba? diba you thought nanggugulo lang ako pero hindi, totoo yun na sya kasama ko. kung naniwala ka sa akin noon na ikadena asawa mo sana di na ako nahanap ng asawa mo. GOD KNOWS na sya ang gumawa ng way para magkita kami ulit. mamatay pa ako talagang ako ang lumayo pero asawa mo tawag ng tawag sa sa akin na mahal pa nya ako.

kung di man sya kumalas sa akin noong nalaman mo, di ko yun problema kasi nagdesisyon asawa mo na ako pa rin. GOD KNOWS iniwasan ko sya. kung tutuusin ako ang dehado noon pero inassure nya ako na sya ang bahala sa lahat.

hahahaha isipin mo nalang kung naging maganda ka sa akin, bakit ako nagustuhan ng asawa mo? bakit maghahahanap pa sya ng iba kung sobrang ganda mo? ni minsan wala akong narinig sa asawa mo na maganda ka, iito prankahan na to ha, ako ang sinabihan nya na maganda, smile ko palang kuntento na sya. ok magreflect ka ngayon sa salamin.........try to reinvent youtself para magustuhan ka ng asawa mo.  after mo syang bugbugin nung nahuli mo sya sa text, ako pa rin yun, sabi nya wala daw dapat magbago sa amin,nag-promise sya na maging maingat nalang sa gamit. yang asawa mo nahihirapan nyan ngayon, di nya kayang lusutan ang sarili ng=yang gawang kalokohan, di nya mapanindigan. lakas loob mangaliwa pero walang paninindigan.
______________
isa lang yan sa daming pm nya sa akin. pati s_x nila kinukwento nya.  iniisip ko nalang ngayon kapakanan ng mga bata.  di ko muna kinikibo asawa ko 3 days na.  ewan ko basta lahat ng pagmamahal ko parang nawala, galit na ang nararamdaman ko ngayon sa kanya.  gusto ko humiwalay kaya lang kawawa mga bata mabibitin sa school kung ilipat ko pa sila sa probinsya at alam ko ayaw nila dun kasi sanay sila dito sa manila.


gab54

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #104 on: November 07, 2012, 05:41:48 pm »
nakakabwisit nman ang kab!tch nayan! sis, wag mo muna patulan, hayaan mo na lumabas ang masamang ugali niya, pero sana try to control ur reaction. alam ko masakit, pero isipin mo, bakit niya ito ginagawa? DAHIL INSECURE SIYA SAYO!!! yan ang totoo.
imagine, nasa iyo lahat ng alas, kampi sayo ang Diyos, ang society at ang batas,
may anak kayo,
sayo parin umuuwi si hubby

alam mo bakit niya ginagawa ito sayo? para awayin mo lalo si hubby at mag give up ka sa marriage niyo! pero what if? makarating sa kanya or malaman niya na kahit anong mangyayari, hinding hindi mo hihiwalayan si hubby? eh di lalo siyang maloka loka! minsan strategy lang yan. she is trying to provoke u, dont fall into her trap. instead, do the unexpected, let ur man fall in love w/ u all over again! mahirap? pero hindi impossible. remember pinakasalan ka niya. siguro naman once upon a time nasa isip niya na ikaw talaga ang kanyang "one great love", its just that ngayon nalilinlang siya sa malanding kabitch na yan!  >:(

latte

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #105 on: November 07, 2012, 06:04:30 pm »
Sis  february24... my heart goes out with you. Pray, pray, pray. Offer everything to God and let Him direct your path. hugs :)

hayne22

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #106 on: November 08, 2012, 01:36:28 am »
 >:( >:( >:(

@february24
Kabadtrip yang kabit na yan ahh!! Nakakainis, nakakapang init ng dugo..pa kulam na naten mga sis?!? Grr!!

snowflakes

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #107 on: November 08, 2012, 05:21:14 am »
dalawa na tong thread na to, pwede bang i merge na lang?

xhien

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #108 on: November 08, 2012, 09:28:01 am »
bwsit naman yung kabitch na yun siya pa talaga nagmamalaki ah na kung umasta para siya ang asawa ah..ang hirap naman situation mo sis  :(

klengmorales

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #109 on: November 08, 2012, 10:02:18 am »
Nakakakulo ng dugo..
Totoo yun sis pakita mo na love mo pa din sya.. maging maasikaso ka pa din sa kanya.. Alam ko mahirap, sobrang hirap. Yung nakausap ko na guy.. ganyan ang sinabi sa akin... pag nahuli daw sila nanloko.. dapat ipakita pa din daw na mahal mo pa din sila at inaalagaan. B***sH!t diba? Pero may marerealize din naman daw sila.. hindi nga lang alam kung gano katagal. Kasi titignan nila kung sino ang hindi susuko, yun ang pipiliin nila. gusto kasi nila ang feeling ng pinag aagawan . Another BS!

Kaya hanga ako sa ibang guys na kakilala ko.. na kahit anong temptation.. deadma talaga. kasi satisfied na sila dun sa mahal nila

yndy

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #110 on: November 09, 2012, 05:44:17 pm »
Pa-vent lang mga sis, naiinis kasi ako. Yung pinsan ni hubby sinama yung kabit nya dito sa bahay namin. Nanggigigil talaga ako kaya sinabi ko kay hubby na hindi sila pwede mag inom sa loob ng bahay kung kasama yung kabit ng pinsan nya kaya dun sila nag iinom sa labas ng bahay. We live in a compound kasi. At sa inis ko 6 na siling labuyo nilagay ko sa pulutan nila hubby. Ok lang naman yung maanghang kanila hubby pero ayun girl di makakain. Naiinis talaga ako. Kapalmuks na sumama pa talaga dito. The cousins wife no longer lives dito sa compound. Naglayas na dahil sa babaeng ito. And ngayon the nerve to come here. Sorry affected much.

babykat

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #111 on: November 09, 2012, 06:26:20 pm »
Parang yung kabit ng friend ni hubby, so kapal.  Actually,  nagkahiwalay si friend and his wife dahil sa pangingialam ng parents ni wife at dahil kay kabit.  Pero narealize din ni friend na nagkamali sya.  Iniwan nya si kabit kahit pa di naman sila nagkabalikan ni wife.  Pinili na lang maging magisa.  Kaso kabit got pregnant pala.  So for the sake of the baby, may communication pa din si friend and kabit.  Itong si friend nagabroad and maintains na strictly for the baby's sake kaya nya kausap si kabit.  Pero itong si kabit, nagiilusyon na maging family sila. At kung makapagimbestiga kina hubby, daig pa ang legal wife.  Kala ko sino kung makapgbitaw ng salita at lahat na lang parang gustong awayin sa kakaselos nya. Kakairita kasi alam naman namin lahat na kabit lang sya and iniwan na nga.

Leven

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #112 on: November 10, 2012, 03:53:10 pm »
ang kapal naman sis..nakakastress bigla...haiz...siya pa tong may gana maghanap...kadiri talaga

FayeP

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #113 on: November 10, 2012, 06:51:01 pm »
mga kabit talaga, sana naka fedex ang karma para mabilis...


Michipot

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #114 on: November 12, 2012, 04:10:17 pm »
I applied many things I learned in the book "fascinating womanhood". I served him & loved him & respected him.

hi sis, similar ang reaction natin sa pangangaliwa ng mister natin.. i didn't reject him.. i did the opposite.. ginawa ko mga di ko ginagawa as a wife before...like you napabayaan ko rin si hubby noon.. i like to read na yang book para di ako mawalan ng ideas how to serve and treat my hubby"... so far, 6 months na since we were "back" to each other's arms.. so far so good... we (wives) just acted right when our spouse acted wrong... which is also God wants us to do. we also attended a Marriage Encounter seminar which narediscover namin ang isa't isa after being married for 9 yrs and how to deal with our differences.

Michipot

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #115 on: November 12, 2012, 04:45:38 pm »

For those who have asked about M.E. (Marriage Encounter Seminar weekend), meron na pong date and venue.. Jan 18-20 (Friday night to Sunday noon) at Dasmarinas, CAvite... let me know if you are interested to register.

gab54

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #116 on: November 12, 2012, 05:10:21 pm »
^thats great sis! dati sa isip ko, bakit ko naman pagsisilbihan at lalong ipakita ang love ko kay hubby, siya na nga ang nangaliwa! pero pinilit ko gawin, at first medyo acting lang, pero pag tagal, genuine na lahat ng magandang pinapakita ko kay hubby. sarap ng feeling, my hubby feel for me all over again! and now we are always sweet and he treats me very well, even better than when we first got married...  ;)

Michipot

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #117 on: November 12, 2012, 05:18:13 pm »
^ hehe same tayo, acting lang nung una kasi di ko nature magpakasweet ng todo or mag handa ng gamit nya for work...kasi very independent kami sa isat isa noon.. parang married single kami... kaya nagulat rin sya at naging super wifey ako sa kanya..

maiandra

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #118 on: November 13, 2012, 04:29:14 am »
Sis Michipot, yan ba yung retrouvaille or iba pa yan?

Michipot

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 3)
« Reply #119 on: November 13, 2012, 09:34:05 am »
^ sis maiandra, may pm na po ako sa yo... Iba po ang Marriage Encounter Seminar... pero similar po ang purpose nila with Retrouvaille and other couple enrichment retreat/seminar :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close