watch now

Author Topic: What do you think of pamahiin?  (Read 11440 times)

Cocoyow

  • Guest
What do you think of pamahiin?
« on: August 28, 2012, 09:04:38 am »
there Are really lots of pamahiin na minsan tingin ko pa nakokontrol na nito buhay ng tao..Minsan mapapaisip ka dapat ba sundin to o hindi pero you just end up doing it and tell yourself wala naman mawawala if sundin ko. Theres always a debate between my grandparents and my father who dont believe on pamahiin. Sabi ng papa ko sa demonyo daw pamahiin' exaj for me pero minsan tingin ko may punto sya.

Namatay lolo ko nung 12yo ako, and syempre super daming bawal. Dko pa naiintindihan yun nuon.basta sunod lang ako. Nung nilabas ng house yung kabaong, nauna ako lumabas, then naiwan pala ng papa ko yung payong, so pinabalik nya ko. Aba lahat ng matanda pinigilan ako. So nangaway ang papa ko at talagang pinabalik ako para kunin ang payong. Buhay pa naman ako ngayon kahit bumalik ako..

rheinfall18

  • Guest
Re: What do you think of pamahiin?
« Reply #1 on: September 03, 2012, 12:33:43 pm »
for me as tradition di na maiwasan sa tao na gamitin ito ng normal lalo na kapag lumaki ka na talagang malakas ang paniniwala ng mga mas nakakatanda. sa family namin di masyado nasusunod, kaunti na lang. as generations passed, kaunti na lang naipapamana satin nito.

i can't say i believe it or not ^^

krimania

  • Guest
Re: What do you think of pamahiin?
« Reply #2 on: September 07, 2012, 03:59:42 pm »
nasa sayo ang pamahihin kung maniniwla ka

stormy_princess

  • Guest
Re: What do you think of pamahiin?
« Reply #3 on: October 05, 2012, 09:07:07 am »
ako superstitious believer ako talaga. Lumaki ako sa pamilya ng mapamahiin. Naniniwala ako sa kanila pero hindi ko naman hinahayaan na kontrolin nito ang buhay ko. :) 

kiz_me1109

  • Guest
Re: What do you think of pamahiin?
« Reply #4 on: October 12, 2012, 07:14:20 am »
Lumaki din ako sa family na naniniwala sa pamahiin. And upto now naniniwala parin ako. Wala namang masama kung maniwala tayo o hindi e. =)

pretty_in_white

  • Guest
Re: What do you think of pamahiin?
« Reply #5 on: October 21, 2012, 03:42:04 am »
:)  As long as it doesn't get in the way or too much of a hassle for me, I would follow some pamahiin especially in my tradition. 

akthung

  • Guest
Re: What do you think of pamahiin?
« Reply #6 on: October 23, 2012, 10:15:02 am »
dati we used to do a lot of esoteric blah blah, from cleaning houses to healing and for my friends, exorcism and all.

i say, some pamahiin are based on esoteric traditions and are only applicable to some people

i.e. Holy Week, REAL intensive meditation and prayer where you generate tremendous energy and Heat, well, would you take a bath of your body is as hot as a furnace? na maski nakatodo na ang aircon or kahit naka bukas mga bintana e magrereklamo mga kasambahay mo sa init. maliligo ka pa ba nun?

would u eat meat if it would hinder you from taking advantage of the special energies released during holy week?

on the other hand, if you're not a spiritual initiate, then holy week is a simple vacation.

and the rest of the pamahiins are completely religious superstition probably made up to control people in the past.
« Last Edit: October 23, 2012, 10:21:53 am by akthung »

Purple_Power

  • Guest
Re: What do you think of pamahiin?
« Reply #7 on: October 29, 2012, 01:33:00 pm »
Kahit ako ang Papa mo mang-aaway rin ako. Eh paano kung cellphone o pera yun? Just because of pamahiin papabayaan na lang ba yun?

I respect other people who are into pamahiin but it irritates me a lot when people are pressuring you because of that. I mean irespeto naman nila sana rin yung hindi naniniwala rito.

Sa totoo lang bale wala ang pamahiin if they don't have moral values. Ang nakakainis kasi sa iba panay sabi na malas ito malas yun. As if naman they are working with that matter saka naiisip nila yung logic kung bakit ganun. Ni wala nga silang basehan kung bakit sila naniniwala dyan puro na lang galing sa sabi eh!

pink_crystal

  • Guest
Re: What do you think of pamahiin?
« Reply #8 on: December 06, 2012, 07:16:22 pm »
they say wala naman daw mawawala kung susunod ka sa mga pamahiin. but a lot of them bank on the outrageous that i don't see the logic of following them. i realize that it's tradition and many follow because probably it somehow works for them. but for me, i just do what i feel is right for me and things will be fine... :)

alinkshel

  • Guest
Re: What do you think of pamahiin?
« Reply #9 on: December 11, 2012, 08:51:11 am »
I'd answer this with a sawikain: Pag walang sangkalan, walang tadtaran.

Ayoko na lang bigyan ng sisisihin ang mga nakatatanda like, "ayan kasi, hindi naniwala." So for as long as it won't affect my routines, daily existence at that, I follow. But it doesn't necessarily mean I believe.

gripfast

  • Guest
Re: What do you think of pamahiin?
« Reply #10 on: December 16, 2012, 12:43:04 pm »
How about Pearls? Sabi nila pag babae daw dapat di nagsusuot ng peals? kasi iiyak daw lagi. totoo ba to?

patchi2012

  • Guest
Re: What do you think of pamahiin?
« Reply #11 on: December 16, 2012, 02:39:56 pm »
^my grandmother told me she wore pearls during her wedding, wherein that time, sobrang strict talaga mga matatanda nya, she loved pearls, kaya sinunod pa din nya gusto nya. Well, she and my grandfather celebrated their golden anniversary 3yrs.ago. She didn't believed in sukob either.

When it's my time to get married last july, isa lang hiniling nya, wag ko daw isukat ang gown ko. But i still did, but i assure her na, lining palang yun, kase nga overseas ako kaya a month before the wedding tsaka lang ako sinukatan, kaya dapat sure na sukat. She understand naman.

j_in_tokyo

  • Guest
Re: What do you think of pamahiin?
« Reply #12 on: December 17, 2012, 04:16:21 pm »
i am planning to give my partner shoes as christmas gift
kaso sabi sa pamahiin, bawal daw ang shoes na regalo
kasi magkakahiwalay kayo.
pangontra daw dapat bayaran nung niregaluhan kahit piso yung
nagregalo..

i dont know kung maniniwala ako pero pababayaran  ko na rin
sa partner ko yung shoes ng piso to make sure. :)

j_in_tokyo

  • Guest
Re: What do you think of pamahiin?
« Reply #13 on: December 17, 2012, 04:18:39 pm »
nakaexperience kasi ako before kung saan nagkatotoo yung pamahiin.
If makakatanggap ka raw ng panyo, iiyak kaw daw.

wel ii received some hankies as gist..after 3 months nagbreak kami ng bf ko.
and 1 month ako umiyak nun..
sa asar ko, di ko ginamit yung mga hankies pamunas ng luha ko! >:(

dkbgutierrez

  • Guest
Re: What do you think of pamahiin?
« Reply #14 on: December 18, 2012, 03:39:30 pm »
Ako di ako naniniwala dyan.. Marami akong pamahiin na hindi ko alam so hindi ko nasusunod. Eh ano naman nangyari? Wala naman...

Just think of it this way, lahat ba ng minalas, nakabasag ng salamin? or lahat ba ng nakabasag ng salamin, minalas? I guess it's all about what we think. If you believe in superstitions, lahat ng bagay na nangyari ikakabit mo sa pamahiin.

cate_delarea

  • Guest
Re: What do you think of pamahiin?
« Reply #15 on: December 30, 2012, 12:44:37 am »
Ako di ako naniniwala dyan.. Marami akong pamahiin na hindi ko alam so hindi ko nasusunod. Eh ano naman nangyari? Wala naman...

Just think of it this way, lahat ba ng minalas, nakabasag ng salamin? or lahat ba ng nakabasag ng salamin, minalas? I guess it's all about what we think. If you believe in superstitions, lahat ng bagay na nangyari ikakabit mo sa pamahiin.

I agree.


Ahying_Faye

  • Guest
Re: What do you think of pamahiin?
« Reply #16 on: February 11, 2013, 11:46:02 pm »
Hi share ko lang pamahiin ng mga matatanda sa amin. Tsaka pamahiin ng family ko. Lagi sinasabi sakin ng lolo ko na kapag magaasawa daw ako bilangin ko daw muna letters ng full name namin ng partner ko, 27 and 29, yun yung magandang number combinations ng name ng  mga couples para maganda takbo ng buhay, yun bang walang hiwalayang mangyayari or magiging problema sa family tsaka sabi yayaman daw kapag ganun. Basta wag lang pareho yung numbers niyo (e.g. pareho kayong 12, 14, 16,....) basta wag lang even numbers yung combination ng names. Family namin ganito tsaka lolo at lola ko, so far maayos naman family namin tsaka yung business namin sobrang okay din. Feeling ko totoo din to kasi may iba din ako na kakilala na ganito and binibilang ko din names nila then narerealize ko na totoo pala. haha, tapos karamihan sa alam kong pares yung numbers nila ayun hiwalay or may problema. Sa lahat ng pamahiin eto yung pinaka naniniwala ako kasi sinasabi lagi ng mga matatanda to sa amin kahit nung kanuno nunuan pa. hehe

Just sharing. :)

hersmart4ever

  • Guest
Re: What do you think of pamahiin?
« Reply #17 on: March 03, 2013, 06:14:47 pm »
Most of the pamahiins I know do not really make sense. Walang masama na mag observe ng pamahiin as long as it will not damage our mindset.

sh1n3

  • Guest
Re: What do you think of pamahiin?
« Reply #18 on: April 17, 2013, 09:55:41 pm »
what's the worst thing that may happen?... death. ayt?
pano yan, 4x ko nang nasuway ang mga pamahiin that may lead to death daw. eh, the last one was 5yrs ago. wala pa namang namamatay.

pretty_in_white

  • Guest
Re: What do you think of pamahiin?
« Reply #19 on: August 03, 2013, 07:22:13 pm »
:) Everyone is entitled to their own beliefs, nothing to lose if you will follow. 

 

Latest Stories

Load More Stories
Close