Mga sis, share ko din experience ko although 2011 pa ito. Twice akong naconfined sa pgh, first one on July 2011 to remove an ovarian cyst. 4 months pregnant ako nun. Ok naman experience ko, stayed in studio room, solo ko room, w/ ref, cabinet and divan para sa bantay pero shared bathroom with the room sa kabila. Bill was 58k, less 19k for philhealth. Dahil sa magandang experience ko, we decided na dun na din ako manganganak. St Luke's Global and Medical City ang ibang hospital affiliations ni OB. Malaki matitipid ko if sa PGH ako.
Dec 18 2011, since morning humihilab na tyan ko, pero di pa sumasakit. By 10pm, pumunta na kami PGH. I was already 4 cm dilated and was admitted sa labor room. 2 resident OBs ang tumitingin sakin nun. Pero mukhang first time nila magpaanak kasi naririnig ko usapan nila. Around 2am siguro yun nung nilagyan ako ng epidural. Sabi pa nung isang OB, ang ganda daw ng contraction patterns ko pati heartbeat ni baby. Past 3 am, pinutok nila water bag ko. Maya-maya dumating na si OB. Pinagalitan pa niya yung isang resident OB kasi mali yung ie sakin, 5cm dilated lang daw ako and not 9cm as what she was told. Then she looked at my amionitic fluid. Tapos kinausap niya agad ako telling me that I need to undergo emergency cs kasi nagpoop na si baby. 4pm, baby's out na.
Unfortunately, my baby died 2 days later due to PPHN, a fatal complication of meconium aspiration. Hanggang ngayon iniisip ko pa din kung nagkaroon ba ng lapses yung resident OBs and even my OB. According sa medical records, my AF was thickly stained with meconium. So most likely matagal ng nakapoop si baby, possibly even before I got to PGH. Were they not able to tell that something was wrong na with my baby from the time I was admitted until they pop my water bag? Due to inexperience kaya yun ng resident OBs? Nung nailabas na si baby, he didn't cry. Sabi nung isang resident OB, he just squeaked then lumupaypay na yung ulo niya. They tried to suction out naman daw yung meconium na nainom niya but some went into his lungs kaya nagka-complication na.
Sa mga doctors, wala naman ako reklamo, especially sa neonatologist ni baby. They all tried to comfort us during those grueling days na nakikipaglaban pa si baby sa NICU. Wala din akong naencounter na masungit na nurse. Yung isang lactation nurse pa nga when she learned I lost my baby na, niyakap pa niya ako and prayed over me. Ang masungit lang is yung bantay sa NICU.
Sa NICU din yung madaming kaming hassle. Kulang sila sa equipment so nagrent pa kami ng 2 machines na kailangan ni baby. Buti na lang madaming vendor na nakaabang sa may NICU at di namin kailangan maghagilap pa sa labas ng PGH. Madami din silang walang gamot. Lagi na lang si hubby bumibili sa labas, one time 1 am pa ata yun ng pinahanap siya ng gamot, at sa Madocs pa siya nakabili. But I guess yung pinaka disheartening was when it was time to bring my baby to the morgue. Si hubby pa inutusan nila at nung nanghingi siya ng paglalagyan kay baby, binigyan siya ng kahon. As in yung ordinaryong kahon. Sabi ni hubby di naman aso yung baby namin so bumalik siya sa room at kumuha ng lampin, and he carried him in his arms.
Madaming nakaka-stress na experience sa morgue pati yung pag-aasikaso ng sss and philhealth pero mahaba na ito. Malaki talaga matitipid if sa PGH mangangak, and if you and baby are normal, and you're not picky about the facilities, okay din manganak dito. Pero yun nga, pag nagkaroon na ng complications, ibang usapan na siguro. The doctors are competent but the hospital itself is not.
I stayed in ward and baby stayed in NICU for 2.5 days. Lahat-lahat ng nagastos namin including yung mga gamot na binili sa labas and 2 machines na nirent namin is more or less 100k. Minsan naiisip ko if with that 100k, nanganak ako sa mas magandang hospital, will be the outcome be different?