watch now

Author Topic: Financial Problem = Relationship problem???  (Read 7577 times)

Princess_Chill

  • Guest
Financial Problem = Relationship problem???
« on: August 10, 2012, 05:09:18 am »
Hi mga sis,

We are encountering super financial problem right now...so technically ako ang breadwinner ng pamilya kasi ako ang may regular work..si hubby nagdadagdag naman kahit papano sa mga gastusin sa bahay pero sobrang small portion lang....

to cut the story short...im working my ass off pero wala ako mabili sa sarili ko lahat sa gastusin napupunta like bills, rent, market etc...

sobrang titipid na kame pero wala parin natitira....i have a thyroid problem so need ko magpa doctor pati hindi ko magawa kasi hindi talaga aabot sa buget...

now hindi ko maiwasan na maawa sa sarili ko...and also some part of me na nagsisisi kung bakit siya pa napili ko...(well hindi kme kasal, but we live together with our baby)...

he is going his best din naman na kumita ng pera pero so far wala pa siya benta kaya talagang hikahos kami..hindi naman namin pinag aawayan ang pera pero nalulungkot talaga ako...

sa mga matagal ng may asawa dumating dn ba kayo sa point na dahil sa kakulangan ng pera nawawalan ka ng gana sa relationship nyo?

Normal lang ba itong nararamdaman ko?? hindi ko maexplain ano exactly nararamdaman ko pero ang alam ko aawa ako sa sitwasyon ko ngyon....

k_heart

  • Guest
Re: Financial Problem = Relationship problem???
« Reply #1 on: August 12, 2012, 12:05:55 am »
^Yes sis,normal lang ang nararamdaman mo. Sa ideal world kasi, the man of the house should provide for the family. At ang dream ng majority ng mga babae ay maging housewife pero housewife na napo-provide lahat ng kailangan sa buhay. Pero kadalasan ngayon ganyan talaga ang nangyayari, babae na ang breadwinner.
I'm sure your common law hubby mas nalulungkot or he feels helpless sa situation nyo. Lahat din naman halos ng lalake wants to provide a good life for his family. Pero ganyan nga ang nangyayari, kulang ang kita.
at least your hubby naman has a work at hindi isang tambay lang sa bahay.

Pray ka lang sis and hold on. Ganyan naman talaga ang buhay may asawa, dumadaan sa pagsubok at yes ang laging pagsubok pag hindi babae ay financial problems. Pero ang financial problems naman ay lumilipas din sa awa ng Diyos.

Sa buhay mag asawa namin ng hubby ko, ako yung mas malakas talaga kumita but we are not hikahos. Pero dahil ako ang mas malakas kumita, never kong pinamukha na im that way. Medyo tricky kasi ang usaping pera. So kung nakikita mo naman na talagang nagsusumikap ang hubby mo, keep holding on.

Siguro baka type mo din sis kumuha ng mga sideline na work para madagdagan ang kita or your hubby can look for other work.

Good luck sis and always pray for guidance.

Princess_Chill

  • Guest
Re: Financial Problem = Relationship problem???
« Reply #2 on: August 12, 2012, 10:00:36 pm »
sis k_

thanks ah..wala din ako mahanap na sideline kasi pagod narin ako sa work dahil panggabi ako so pag uwe ko naman ng umaga inaasikaso ko na mga kakainin sa bahay saka mga gawaing bahay...

actually never ko naman pinaramdam sa kanya na ako nagpapasok ng pera sa bahay...infact hindi ko nga hinahawakan atm ko..i let him budget mga expenses para naman hindi niya masyado maramdaman na wala siya silbi..

he's working hard naman talaga..wala palang talaga swerte siguro.. and i know na nahihiya narin siya sa siywasyon namin...

pwede din na na dedepress ako because of my sickness...papa doctor na ako sa wed...

sabagay mas ok naman na pera problema namin kaysa naman pambabae or sugal...

thanks si for the encouraging words

mctina_20

  • Guest
Re: Financial Problem = Relationship problem???
« Reply #3 on: August 13, 2012, 07:24:20 am »
pa dr k na muna sis.. lahat ng kakilala ko na my prob sa goiter my mood swing problem. Ou health is more imporatnt than anything else.

lonelymiss28

  • Guest
Re: Financial Problem = Relationship problem???
« Reply #4 on: August 13, 2012, 07:43:12 am »
mahirap talaga pag ganyang ang sitwasyon but in a way at least si hubby mo ay naikita mong nagsisikap talaga ang mahirap yung walang talagang tiyaga ang lalaki. pray lang sis!

ayami

  • Guest
Re: Financial Problem = Relationship problem???
« Reply #5 on: August 13, 2012, 01:13:35 pm »
Guilty ako sa pinamumukha ko sa hubby ko na ako ang mas may pera. E pano ba naman kun makapagpalibre sakin yun ng food and all that super mahal pa nya umorder :( tapos walang ginawa kundi maglaro ng online games sa bahay. I told him maraming online raket bat di sya maghanap di yung puro asa lang sa magulang. Binibigyan kami ng allowance (personal) ng magulang nya, oo. Malaki yun for us. Kung makapagluho sya akala mo wala pa kaming anak. Bibili ng original game, iPhone accessories, bagong laptop, etc  Kaya ang ginawa ng MIL ko sakin dinederetso ang pang budget kasi alam nya yun anak nya magastos.  3 days a week na nga lang pumapasok, tapos gasolina parents nya may sagot. Aba, panghulog sa amortization hirap ako mampiga sa kanya kesyo ang food budget daw nya must be 150 pesos per meal and may pinapaphotocopy daw sa school etc. etc.

Kaloka. Alam ko student pa lang sya pero student din ako at lahat n mapagkakakitaan ginagawa ko as early as now kasi may anak na kami. Iniisip ko nga e ganyan na lang siguro kami aasa sa magulang namin. Nawawalan na ko ng pag-asa sa kanya para kasin super tamad. Sana pag grumaduate un magtrabaho kagad nang tumigil nga ako sa trabaho ko. Di nya alam ang halaga ng pera.

aquacharly

  • Guest
Re: Financial Problem = Relationship problem???
« Reply #6 on: August 13, 2012, 01:50:06 pm »
PRINCESS CHILL ----  keep yourself healthy.  It is hard to stay optimistic when your health is impaired.

Love does not make cuenta, true.
But of course, it is but human to feel pagod, and depressed now & then. 
No marriage is perfect, sure. But, IMO, the easiest problem to solve is money problems.

When you're feeling down, it helps to count your blessings:  you have a healthy kid, you have a partner who is not a bum.
Tama ginagawa mo -- you keep your reservations to yourself.
More than at any other time, now is when he needs your encouragement...
Basta when you feel overwhelmed -- take a short  break. A nap, a shower, a manicure, even just listen to your favorite music.

If there is 1 lesson I have learned: do not speak when you are pissed.
Lilipas din this situation of yours.  Life always gets better. 
« Last Edit: August 13, 2012, 07:38:13 pm by aquacharly »

lulubelle123

  • Guest
Re: Financial Problem = Relationship problem???
« Reply #7 on: August 13, 2012, 04:08:54 pm »
Hi, Sis! Maraming freelance jobs out there na puwedeng pampadagdag ng pera! Visit mo yung jobstreet! Good luck sa inyo, ha!

FayeP

  • Guest
Re: Financial Problem = Relationship problem???
« Reply #8 on: August 14, 2012, 11:44:31 am »
sis Princess_Chill, breathing exercises ka muna...

alam mo pareho tayo ngayon na may financial difficulties na pinagdadaan...ako din ang breadwinner samin (eversince makatapos ako ng college up to now na may asawa't anak nako)...si hubby sa house lang kasi cya nag aalaga sa baby ko dahil di kaya ng mom ko na mag alaga (my mom and brother lives with us)...student pa lang si brother ko...

sa ngayon since ako lang ang may work, kelangan kayanin ang lahat at maybe tamang budget din....mabibili mo naman mga gusto mo eh pero un nga lang paisa isa muna since short pa tayo sa kadatungan....

I also have an 8-month old boy, na cyempre mahal ang milk na kelangan unahin, plus nagbabayad kami ng amortization ng house namin, plus tuition pa ni bro (although ngayon katulong ko nanay ko sa pagbayad pati baon ng bro ko since may pension na cya galing sa dad ko)...

minsan nagkukulang pero ganun talaga eh, tiis muna habang maiksi ang kumot kumbaga....

pero kahit kulang kami sa pera at minsan na lang kami makagala ni hubby eh ayos pa din, tinatanong ko nga hubby ko kun baka gusto na nya magwork para mabili nya mga gusto nya sabi nya eh ok lang daw sa kanya na wag muna habang maliit pa si baby, naisip ko kasi baka naiinip na cya sa bahay sabi nya ok lang daw cya kasi un baby namin since 8-months na, madami na alam gawin so naaliw din cya...

di naman kelangan maging issue sa relationship ang pera kasi sa totoo lang, pano magiging issue ang isang bagay na wala naman (pera) hehe


Princess_Chill

  • Guest
Re: Financial Problem = Relationship problem???
« Reply #9 on: August 15, 2012, 07:09:46 am »
mga sis

thanks sa mga advice ninyo...wala kasi akong outlet sa frustrations ko kasi i don't want to discuss this with my hubby dahil madodown siya...and i don't want that to happend...e gumagawa naman siya ng effort para kumita ng pera...

nakukwento ko nga sa ibang friends ko sitwasyon ko e...and they asked me kung pinagaawayan namin ang pera....i told them " Wala na nga kame pera pag aawayan pa namin? " tawa nalang diba? i told them..atleast ngayon sa hirap magkasama kami paano pa pag ginhawa na?  mas magiging ok kami nito...

@ayami

sis hindi talaga matutuo hubby mo hanggat meron inaasahan from his parents..pag wala na talaga makuha dun lang niya malalaman ang value ng pera...masakit kasi people choose to learn not the easy way but the hard way....


sistah!

  • Guest
Re: Financial Problem = Relationship problem???
« Reply #10 on: August 15, 2012, 09:14:45 am »
i can understand how you feel sis. minsan i feel like that din. naaawa ako sa sarili ko.  spoiled naman kasi ako. before we got married and during the first 2 years of my marriage, marami kami ipon ng husband ko kaya very liberal kami gumastos. wala pa rin kasi kami anak dati. he decided to invest money at medyo lugi kami this year kayaa napilitan na sya na bumalik sa work. hindi nya kasi type ang 9-to-5 life kaya mas gusto nya yung business business lang. eh hindi nag-work.

minsan nalulungkot ako kasi kung kelan may anak na kami, tyaka ako sobrang tipid kasi syempre uunahin lahat ng needs ng baby, swerte na ko makapagluho pa minsan minsan. i think it's normal to feel "desperate" sometimes. it gives more value to the happy times. as long as you dont feel too desperate that will make you want to end your marriage or fight unnecesarily, ok lang naman yun. good times will come naman. God always provides :)

Pretty_ava

  • Guest
Re: Financial Problem = Relationship problem???
« Reply #11 on: August 15, 2012, 10:03:03 am »
i feel you sis, ganyan din ako now, maiinit ulo because of our finances.  We both have a job, we are earning more or less 35k a month. pero ang gastos namin, groceries, pamalengke, yaya fee, school fee, rent. meralco, water bill.  walang ipon at minsan kapos na kapos pa.  tulad ngayon bayaran ko sa rent at meralco and water  bill, 12k.  grabe tapos sweldo pa ng yaya ni ava plus school fee. 

buti na lang, mabait si hubby, kahit minsan nag tatalo kami gawa sa pera, nagababati din naman, kasi alam nya na mahirap ang buhay dito sa manila.  di na ako nakakapag shopping, sa ukay na lang ako lagi bumibili ng damit, basta ang mahalaga eh okay si ava, lahat ng needs nya ayos na ayos, okay na kame ni hubby dun.  ang last na splurge ko ay yung LC le pliage, na sapilitan ko pa na mabili kasi nga wala sa budget pero nagpumilit si hubby minsan lang naman daw yun saka bday ko naman plus mothers day kaya yun.

nagsumbong na nga ako sa parents ko na di ko na kaya, stressed na ako sobra, natuwa naman ako sa tatay ko sabi nya sa akin, anak, may oras para sa lahat, ayos lang na wala kayong ipon ngayon ang importante may plano kayo sa buhay nyo, mahirap talaga ang buhay diyan sa maynila, maswerte pa nga kayo ni berto kasi parehas kayong may trabaho at maayos naman kayo.

gusto ko kasi, may ipon kami sa bank, pero wala eh, 0 talaga kame ngayon.  sa katapusan naman makakabawi na kami, pero ngayon, tiis tiis muna.

kaya natin to mga sis, ang importante magkakasama tayong pamilya at tama si tatay there's always time for evertyhing.

Princess_Chill

  • Guest
Re: Financial Problem = Relationship problem???
« Reply #12 on: August 15, 2012, 10:53:51 am »
@ sistah

true minsan kasi feeling mo deprived ka of something..lalu ngayon may baby na minsan nakukuha mo din na somewhat "mainggit" sa iba na mas madami nabibigay sa anak nila...

well pray lang tayo sis..makakaraos din tayo :)

@sis ava

iyon nga importante is iyong para sa baby...tama dad mo may time para sa lahat...bilog naman ang mundo e...

makakabayad din tayo sa mga utang at makaka ipon din ...

wala lang susuko...para sa mga baby natin :)
« Last Edit: August 15, 2012, 10:57:37 am by Princess_Chill »

agape

  • Guest
Re: Financial Problem = Relationship problem???
« Reply #13 on: September 10, 2012, 01:58:00 am »
financial problems can put a strain in your relationship...
but don't measure your success by having little or no savings...
being blessed sometimes mean just having enough to pay for your needs.
look on the brighter side, like having your family with you is a big blessing.
you are still better off than most.
there are times when you have to be still and just stay strong until the stormy weather is gone.

tabbru

  • Guest
Re: Financial Problem = Relationship problem???
« Reply #14 on: September 10, 2012, 02:47:21 am »
Three of my girl friends are breadwinners. Yung mga husbands nila walang trabaho, and I really feel bad for them. Di ko kaya ang sitwasyon nila, ni ayokong isipin na mapapasok ako sa sitwasyon nila.

Minsan iniisip ko, masaya nga kaya sila katulad ng pino-project nila pag magkakasama kami? I mean, how can you continue loving someone who can't even give you a gift on your birthday? Or buy milk for you baby? Or contribute to grocery expenses? Parang yung nafi-feel ni TS, nakakawalang-gana talaga (kung magpapakatotoo sila).

 The thing is, dapat talaga sa simula pa lang kilalanin mo na ang magiging partner mo. May money-making ability ba? May sipag ba? May initiative ba?

Ang sabi nga ng asawa ko, "one can't make love with an empty stomach." And I agree. Money is very important in a relationship (again, kung magpapakatotoo tayo). For one, you need money to sustain the kilig factor in your relationship. You need money to date, to dress good for your partner, to cook something special for you husband, to buy gifts for each other.

Kay TS, mahirap ang situation mo. Pero if there's any consolation, at least hindi tamad ang partner mo. Pero sa tingin mo, in a span of mga 5 years, ganyan pa rin kaya kayo? If yes, then better do something drastic, like mag-abroad siguro to find a higher paying job at makapag-isip-isip kung siya na ba talaga ang gusto mong makasama habambuhay. If no, then be hopeful na lilipas din ang 'hikahos' stage na pinagdadaanan ninyo ngayon.

phatgirl

  • Guest
Re: Financial Problem = Relationship problem???
« Reply #15 on: September 11, 2012, 11:13:42 am »
Oo nagiging problema rin ito eh..sa akin di ko naman masabi sa asawa ko..pero nakaka depress kahit mga kailangan sa bahay di makabili,,tapos ang gagawin ng asawa mo,magbebenta ng gamit..sabi ko nga sa asawa ko,anong gagawin niya kung wala na siya maibenta..ayoko siya pangunahan dahil alam kong siya nagta-trabaho..pero naman..ang dami opportunity,masyado siyang mahina loob..lagi nya iniisip na may dadating rin sa kanyang extra sideline,..eh paano kung wala?diba..naka tunganga kami..di ko alam bakit di maabot ng isip niya na may anak na kami,lumaki na gastos,tapos parang come what may lang..bahala na..uutang kung kani-kanino pag wala talaga pera..sabi nga "If opportunity doesn't knock,build a door"..eh kahit nga door di ko siya makita gumawa..para pumasok ang opportunity..minsan nakaka inis rin..kasi kahit bed sheet di maisingit,kahit kumot,or mga kailangan sa bahay na dapat bilihin..ilang beses na kami nag usap.iisa lang sagot niya..puro "wala sideline eh" o kaya " di ko iniisip yon" ..kala ko pa naman mas sisipagin siya mag work nung may anak na kami,,wala pinag bago..marunong naman ako makuntento..pero di kasi pwedeng laging "pwede na" ..talagang may kulang pa..

Priceless

  • Guest
Re: Financial Problem = Relationship problem???
« Reply #16 on: September 11, 2012, 08:17:31 pm »
^Sis tulad na rin ng sabi dun sa isang thread, try to help your husband by finding sources of income yourself - kahit na maliit na buy and sell online business, o di kaya baby sitting service, etc. Kasi mahirap talaga bumuhay ng pamilya nowadays nang iisa lang ang income.

And mind you, hindi din pag-aabroad ang solusyon sa lahat ng financial problem. Kahit sa ibang bansa, specifically sa SG kung saan dapat papunta yung hubby mo, hindi kaya ang single income lang dahil mahal talaga mamuhay kahit saan.

phatgirl

  • Guest
Re: Financial Problem = Relationship problem???
« Reply #17 on: September 11, 2012, 08:57:43 pm »
^tinutulungan ko naman siya..pati nga sa trabaho niya kahit di ko alam,tumutulong ako.nag o-online selling na nga rin ako,kaso di nga ako tinulungan ng asawa ko sa puhunan,kaya wala ako halos nabili paninda..taas kasi pride niya eh,ayaw ipahalata sa mga facebook friends na naghihirap may ganun kaming tinda-tinda..yun sa paga-abroad niya,di ko na binabanggit yun eh,kasi kahit naman opportunity lumalapit,wala naman paki asawa ko..kung may maiiwanan lang sa anak ko kahit cashier sa grocery dito,papasukin ko,kaso sa taas ng pride ng mister ko,gusto niya akuin lahat.angsolusyon niya--ibenta mga extrang gamit dito sa bahay..

bluedanube

  • Guest
Re: Financial Problem = Relationship problem???
« Reply #18 on: September 12, 2012, 12:56:26 am »
financial problems can put a strain in your relationship...
but don't measure your success by having little or no savings...
being blessed sometimes mean just having enough to pay for your needs.
look on the brighter side, like having your family with you is a big blessing.
you are still better off than most.
there are times when you have to be still and just stay strong until the stormy weather is gone.
i so agree with the above comment. i could not have said it any better.  thanks!

Priceless

  • Guest
Re: Financial Problem = Relationship problem???
« Reply #19 on: September 12, 2012, 09:24:32 am »
Sis Phat - hayaan mo nalang muna sa diskarte nya ang asawa mo. Oo nakakainis nga ang ganyan pero wala ka rin namang magagawa kungdi dumiskarte ng sarili mo. One of these days mauubos din yung extra na gamit sa bahay nyo at wala na syang mabebenta, tingnan mo rin, aside from online selling kung ano pa kaya ang pwedeng pagkakitaan while staying at home. For example nga, baby sitting services - siguro dyan sa condo nyo meron ding mga moms na gusto mag work pero walang mapag-iwanan ng baby nila... mga ganung bagay ba.

I understand talaga financial problems can cause a strain in a relationship, and sometimes well meaning people will say that as long as you have your family, that's a big positive na. Pero from a realistic and practical point of view, mahirap talagang maging masaya lalo pa't di mo alam kung saan mo kukunin ang susunod mong panggastos. Napagdaanan ko din ito with my family/parents. Buti nalang we were a bit older na so kanya kanya kaming kayod at tulong tulong sa pag bayad ng bills. The point was, we saw it as a real and pressing problem - na mapuputol ang kuryente, tubig, etc kung hindi bayaran, walang pambili ng maintenance na gamot, walang pambayad sa tuition - at kanya kanya kaming hanap ng racket na mapapagkakitaan. At the end of the day, ang usapan lang namin sa isa't isa is bawal magkasakit dahil wala kaming pambayad sa ospital at doctor. After two years, naka raos din naman...And we learned a lot about being independent and helping each other and being stronger as a family after that experience.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close