i feel you sis, ganyan din ako now, maiinit ulo because of our finances. We both have a job, we are earning more or less 35k a month. pero ang gastos namin, groceries, pamalengke, yaya fee, school fee, rent. meralco, water bill. walang ipon at minsan kapos na kapos pa. tulad ngayon bayaran ko sa rent at meralco and water bill, 12k. grabe tapos sweldo pa ng yaya ni ava plus school fee.
buti na lang, mabait si hubby, kahit minsan nag tatalo kami gawa sa pera, nagababati din naman, kasi alam nya na mahirap ang buhay dito sa manila. di na ako nakakapag shopping, sa ukay na lang ako lagi bumibili ng damit, basta ang mahalaga eh okay si ava, lahat ng needs nya ayos na ayos, okay na kame ni hubby dun. ang last na splurge ko ay yung LC le pliage, na sapilitan ko pa na mabili kasi nga wala sa budget pero nagpumilit si hubby minsan lang naman daw yun saka bday ko naman plus mothers day kaya yun.
nagsumbong na nga ako sa parents ko na di ko na kaya, stressed na ako sobra, natuwa naman ako sa tatay ko sabi nya sa akin, anak, may oras para sa lahat, ayos lang na wala kayong ipon ngayon ang importante may plano kayo sa buhay nyo, mahirap talaga ang buhay diyan sa maynila, maswerte pa nga kayo ni berto kasi parehas kayong may trabaho at maayos naman kayo.
gusto ko kasi, may ipon kami sa bank, pero wala eh, 0 talaga kame ngayon. sa katapusan naman makakabawi na kami, pero ngayon, tiis tiis muna.
kaya natin to mga sis, ang importante magkakasama tayong pamilya at tama si tatay there's always time for evertyhing.