mga sis thanks sa reply!
ang problema kasi sa hubby ko,medyo maluho siya.ayaw niya ng apartment na may ipis,ayaw niya ng di bago..kaya ako naman,kung saan siya,dun ako.kasi di ko naman siya mapipilit tumira sa medyo mura..yun kasi medyo mama's boy,sanay sa pa easy-easy,ayaw mag commute.kaya nga raw siya binilan ng ate niya ng kotse para gawin niyang service sa work niya.todo support naman ako sa kanya.minsan sinasabi ko sa kanya na positive lang kami at mag dasal lagi.minsan nga tumutulong pa ko mag send sa mga company ng demo reel niya,baka kasi incase na maka kuha siya sideline,malaking bagay na yon.kaso tamad naman kasi siya.parang kung anong meron,pwede na yan,kulang yung pera?uutang na lang.ganun lagi kasi siya..
di naman sa ma-pride akong tao.ayaw ko lang kasi ng lagi naka takbo sa kanila pag talagang wala ng mahiraman,kasi may ugali talaga sila na pag tumulong,akala mo na kung sino..kaya masama rin loob ko dahil sawa na ko kaka lunok ng pride sa family niya matapobre.
di ko naman siya gusto gumaya sa mga dati niyang officemates na nasa Sg,kasi di naman lahat ng mangyayari kay Juan,mangyayari kay Pedro.pero ilan sa mga naging officemates niya na nasa abroad na,maliit lang sweldo pero naka survive sila sa Sg,tipid-tipid lang nga talaga..asawa ko kasi pihikan sa food,ayaw ng gulay,sa isda 2 klase lang kinakain.mahilig sa chichirya,choosy kasi kaya di kami makatipid..kung matutuloynga raw siya sa Sg noon,gusto raw niyang upahan may sariling cr,ayaw niya may ka-share,eh mahal nga yung ganun sabi sa kanya..sayang kasi minsan na kasi dumating yung opportunity,anong ginawa ng hubby ko?inuna yung panonood ng Avengers kasama ng officemates niya sa halip na mag skype for interview.malungkot lang kasi ayaw niya mag seryoso..4 months ago,nandun na eh..2 steps na lang,okay na..nag backout pa.dahil mahina nga ang loob niya.ang snasabi niya kasi raw gusto niya ma kasama sia officemate dito,hahatakin niya para sabay sila papunta dun.iniisip niya na nanjan ang family niya,,di naman siya matutulungan ng mga yon,dahil asa lang rin sila sa negosyo na binigay ng ate nila sa parents nila.maliit na negosyo lang rin naman sa palengke.
dati kasi okay pa,nabibili pa yung mga kailangan dito sa bahay,ngayon hindi na..kahit nga kotse niya,sira na,di niya mapagawa,maliit o malaking bagay na kailangan namin di na mabili kasi kulang na kulang na.yun lang ang ayoko,walang wala kami naiipon.nag compute na kami,nasa 41k ang gastos namin monthly.lagi pa siyang late kaya may kaltas rin siya sa sweldo.di ko na alam paano ko siya kakausapin kasi pag nag uusap kami ang lagi niya sinasabi maghintay lang ako..sa isip ko naman anong hihintayin ko ayaw rin naman niya kumilos..sabi ko sa kanya paki ayusin niya yung resume niya,tutulungan ko siya gaya dati,.meron kasi ako ilang ka-batch nung college na sa Sg rin ngayon kasama famly nila,dati nagpa bigay ako resume dun,for interview na rin siya,,ayaw raw niya kasi di naman raw niya kilala yun,ako lang naman raw ang kakilala nun,,ayaw raw niya ng "refer-refer"na ganyan,,gusto niya sariling hanap niya,,kaso ayaw naman niya mag apply..inuuna pa yung facebook games..ang sinasagot niya di siya marunong..ayoko naman pilitin kaya ayun,dito ko na lang sinabi yung problema namin..